Matiyagang naghintay sa magubat na bahagi ng Forsaken Land si Luo Feng kasama ang walo niyang alipin.
"Luo Feng, mukhang itinatago ng mga hayop na iyon ang kanilang signal, at gumagamit din sila ng mga camouflage systems kaya hindi sila magawang madetect ng mga surveillance systems na ginagamit ng mga bansa." Halatang naiinis dito ang AI na si Babata. "Oh, teka!"
"Anong problema?" Pinakinggang maigi ni Luo Feng si Babata.
"Napansin ko...na mayroong AI system na naghack sa satellite network ng Earth. Hehehe, at ito ang hayop na iyon!" Makikitang nasasabik na ng husto si Babata. "Oh, nakita ko na. Ang AI level nito ay isang basic level AI lang at nagawa na nitong makapasok sa network ng Earth. Ang entry point nito ay nasa… South America, sa Brazillia headquarter city."
"Sa South America?" Malademonyong tumawa ang nanlalamig na nakangiting si Luo Feng.
Hua!