Matapos ang seremonya.
Makikita sa headquarters ng Dojo of Limits na isang napakalaking malaspaceship na building ang isang daanan na gawa sa bakal.
Naglakad papasok dito ang nakaitim na lalaking si Hong kasunod ang bagong investigator na si Luo Feng.
KA!
Automatic na bumukas ang pintuang gawa sa bakal, hinayaan muna nitong makapasok sina Hong at Luo Feng bago kusang magsara pagkatapos.
"Ito ang unang beses mong makakapasok sa aking Dojo of Limits headquarters Luo Feng. Sumagi na ba sa iyong isipan na ang napakalaking mala spaceship na building na ito ay isa talagang lumilipad na ship o hindi naman ay dinesenyohan lang na katulad ng isang spaceship na walang kakayahang lumipad?" sabi ni Hong. Ngumiti naman si Luo Feng ng kaunti bago sumagot ng, "Mayroon na po akong hula pero nagdududa pa rin po ako rito hanggang ngayon."
"Sinasabi ko sa iyo na isa itong totoong spaceship na may kakayahang lumipad sa kalawakan," sabi ni Hong.
"Talaga po?"