Sa Hong Ning headquarter city, sa Jiang-Nan Pagoda ng elite training camp.
Pagsikat ng napakaliwanag na araw ng umagang iyon. Tumayo si Luo Feng sa balkonaheng nakaharap sa silangan.
"Ilang araw lang ang nakalilipas ay nasa maparang akong kontinente ng Australia habang hinahabol si Li Yao. At ngayon ay nandito na ako mag-isa, naghihintay na ipatawag ng head," ngiti ni Luo Feng. Matapos makabalik ni Luo Feng kasama si investigator Liu ay inayos ni investigator Liu ang lahat para makabalik at tumuloy si Luo Feng sa training camp.
Ang lahat ng ibang estudyante ng training camp ay nasa gitna ng kanilang Life and Death adventure, kaya si Luo Feng lang ang opisyal na estudyanteng naiwan sa training camp.
Ano na ang gagawin ni Luo Feng ngayon….
Ay hintayin na lang ang pagpapatawag sa kanya ng head at kunin ang kanyang napakalaking pabuya.