Télécharger l’application
34.32% King of Gods (Tagalog) / Chapter 544: Elder Shui Yun

Chapitre 544: Elder Shui Yun

Éditeur: LiberReverieGroup

Ang tatlong sekta ay minungkahi ang kani-kanilang mga Sovereigns. Parehong may napili na ang gintong kalansay at demonic lord sa kanilang isipan.

"Hindi natin nakuha ang resulta na nais natin kanina. Ang unang grupo ay kailangan nating ipadala ay kayang tumayo sa sarili kapag nasa ruins na."

Sinuri ng Saint Moon Aunt Goddess ang mga nanonood.

Tumayo sa sarili?

Nagsimulang mag isip ang dalawang Void God Realm.

"Pagtayo sa sarili" ay hindi nangangahulugan na kailangan nila ng pinakamalakas na battle-power.

Maraming mga bagay na nakakaapekto sa pangkalahatang lakas ng grupo. Talino, kapangyarihan, pamamahala at iba pa.

"Martial Aunt, ibigay mo na ang misyon sa akin!"

Ang may katabaang kabataan na ang cultivation ay umabot sa Origin Core Realm ang biglang sumigaw.ang kanyang aura ay mas malakas sa iba.

Siya ay si Lu Tianyi.

Nag-iingat ang mga ekspresyon ng mga tao noong napansin nila si Yu Tianyi. Kahit na kakaabot niya pa lamang sa Origin Core Realm, ang teknik na mayroon siya ay mas malakas sa iba. Nagawa niyang makipaglaban sa mga Sovereigns noong siya ay nasa half-step Origin Core Realm. Matapos siyang maging Sovereign, maraming mga Sovereigns mula sa mas matandang henerasyon ang kanyang natalo.

Walang nagdududa sa kanyang battle-power. Siya ay tinuruan ng Void God Realm, may mga tinatago siyang alas.

"Tianyi?"

Ang tingin ng Saint Moon Aunt Goddess ay napunta kay Lu Tianyi at ngumiti siya kasabay nang pag-iling niya, "Hindi ko pinagdududahan ang iyong lakas, ngunit hindi ikaw ang pinaka angkop na tao."

Walang pag-aalinlangan niyang tinanggihan si Lu Tianyi. Kahit hindi niya ito nagustuhan, hindi niya mababago ang desisyon nito.

"Mikhang nakapili na ang Saint Moon Aunt Goddess."

Nagtinginan ang gintong kalansay at demonic lord habang ang tingin naman ng Saint Moon Aunt Goddess ay napunta sa kalmadong babaeng naka asul na damit.

"Elder Shui Yun."

Ang babaeng naka asul ay kalmado at maganda. Ang kanyang balat ay lasing lambot sa sanggol at sobrang puti nito. Tila hi di siya nagmula sa mundo ng mga tao.

Sa isang iglap, ang lahat ay tumingin sa kanya, at hindi maitago ng mga lalaki ang kislap sa kanilang mata.

Napakaganda niya.

"Siya?"

Ang dalawang Void God Realm ay tumaas ang kilay, ngunit naintindihan din nila matapos pag-isipang mabuti.

"Si Elder Shui Yun ay sikat na manggagamot sa Tianlu Islands."

"Ang grupo ni Elder Shui Yun ay tumapos ng ikaanim na lebel na mapanganib na misyon na walang pinsala, sumira sila ng sampung libong taong rekord."

Nag diskusyon ang mga nanonood at marami sa kanila ang naguluhan sapagkat si Elder Shui Yun ay manggagamot lamang at ang unang grupo ay dapat na may malakas na battle-power.

"Hindi siya masamang desisyon."

Hindi siya tinanggihan ng dalawang Void God Realm. Ayon sa plano ng Saint Moon Aunt Goddess, kailangan na kayang tumayo sa sarili ang unang grupo, kaya ang pokus nito ay "katatagan."

"Mahusay si Elder Shui Yun sa pang gagamot at pangasiwaan ang kanyang grupo. Kapag siya ang namuno sa grupo, wala masyadong pinsala."

Ang mga eksperto sa tatlong sekta ay sumang-ayon kay Saint Moon Aunt Goddess.

Maliban sa kanya, apat na half-step Origin Core Realm at higit sa isang dosenang peak True Lord Ranks ang napili.

Ang mga piniling ito ay napagkasunduan lamang sa mainit na usapan at kompetisyon.

Sa huli, ang grupo na may dalawampung tao ang tumayo sa harap ng spatial hole at nag hihintay ng senyales upang umalis sila.

Sa misteryosong kanyon, naupo si Zhao Feng sa Towering Tree Yao at inaaral ang kanyang bagong eye bloodline skill; pagkuha ng gamit sa hangin. Sa madaling salita, paglipat ng gamit sa hangin gamit ang dimensyon ng kanyang kaliwang mata.

Sa simula, ang enerhiyang ginamit ay malaki. Kahit na matapos niyang matutunan na kontrolin ito, nangangailangan pa rin ito ng maraming enerhiya.

Mabuti na lamang at ang soul-strength ni Zhao Feng ngayon ay nasa lebel na ng Sovereign, kaya magagamit niya ito ng ilang beses.

Nagsimula na aiyang perpektuhin ang kanyang atake.

Shua!

Sa isang iglap, ang patak ng Origin Lifeforce ay masa kanyang kamay na.

Ang mga bagay na nilalagay sa dimensyon ng kanyang kaliwang mata ay maaari ring alisin.

Shua!

Ginamit ni Zhao Feng ang kanyang God's Spiritual Eye, ang patak ng Origin Lifeforce ay muling nawala. Sa sumunod na sandali, ang patak ay lumulutang na sa hangin kalahating milya ang layo.

Ang ganitong klaseng teleportation ay hindi kayang makita agad.

"Ang dimensyon ng aking kaliwang mata ay tila transfer station. Maari akong maglagay ng gamit dito at dalhin sa ibang lugar."

Bahagyang ngumiti si Zhao Feng.

Dahil sa ang abilidad na ito y kailangan ng maraming enerhiya, apat hanggang limang beses niya lamang ito sinasanay sa isang araw upang mapanatili ang kanyang peak form dahil hindi niya alam kung kailan muli aatake ang tatlong sekta.

Isang hapon, magsasanay sana si Zhao Feng sa kanuang kakayahang maglipat ng gamut muli.

Hmm?

Ang kanyang God's Spiritual Eye ay nakaramdam ng kakaiba na nagmumula sa gitna ng misteryosong kanyon.

"Zhao Feng, mag-ingat ka. Ang tatlong sekta ay nagpadalang mga eksperto gamit ang spatial array."

Agad na narinig ni Zhao Feng ang boses ng Purple Saint Partial Spirit sa kanyang isipan.

Kasabay nito, ang Skeletal Division Leader, munting magnanakaw na kuting at si Zhao Yufei ay nakatanggap ng balita, ngunit pumosisyon lamang sila para dumepensa at hindi sila nataranta.

Weng~~

Ang butas ay lumitaw sa gitna ng kanyon, at ang makapangyarihang aura ang sumira sa kalapit na gubat.

Ang kabit anong bagay na mababa sa Origin Core Realm ay agas na nawasak.

Sou! Sou! Sou!

Isa-isang tao ang lumipad papasok sa butas. Dalawampung aura ang lumitaw, ang pinaka mahina ay nasa peak True Lord Rank. Ang lahat sa kanila ay mas malakas kay Tiemo.

"Isang Sovereign, apat na half-step Origin Core Realm at labing tatlong peak True Lord Ranks."

Malinaw silang nakita ni Zhao Feng sa malayo. Ang grupo ay pinamumunuan nang magandang babae na mukhang mahina.

"Zhe zhe, ang tatlong sekta ay mapagbigay… nagpadala ng magandang babae."

Ang Skeletal Division Leader ay lumabas mula sa Ten Thousand Ghost Pearl.

Weng~

Biglang nawala ang spatial array matapos dumating ang grupo.

"Mayroon lamang isang Sovereign."

Huminga nang malalim ang Skeletal Division Leader at Zhao Feng. Mabuti na lamang at isang Sovereign lamang ang kayang ipadala ng spatial hole.

"Elder Shui Yun, natoonsi Zhao Feng."

Isa pang magandang babaemula sa grupo ang tumingin kay Zhao Feng. Mukhang pamilyar siya sa lugar.

"Ye Yanyu."

Natigilan si Zhao Feng habang tinitignan niya ang pamilyar na tao.

Sa sandaling ito, ang mukha niya ay puno ng kalamigan at hindi niya tinago ang kanyang kagustuhang pumatay.

Kung wala lamang katabing Sovereign si Zhao Feng ay sinugod niya na ito.

Tatlong taon na ang nakalipas at ang kanyang cultivation ay umabot na sa half-step Origin Core Realm. Mas malakas na siya sa Lu Tianyi noon.

"Yanyu, hindi tayo aatake ngayon."

Ngumiti si Elder Shui Yun at naglabas ng aura na nagpakalma kay Ye Yanyu.

Matapos iyon, inutusan niya ang grupo na atakihin at sirain ang kalapit na repair at gathering arrays ni Yuan Qi.

Boom!

Ang kalapit na arrays ay bahagyang nasira. Ang grupo ay lubos na malakas.

Nagulat si Zhao Feng at Skeletal Division Leader. Hindi nila inaasahan na hindi sila agad aatakihin ng mga kalaban.

Si Zhao Feng at Skeletal Division Leader ay isang milya lamang ang layo kay Elder Shui Yun.

Matapos iyon, si Elder Shui Yun ay inutusan ang ibang mga eksperto na gumawa ng array.

"Hindi talaga nila tayo pinapansin?"

Nagulat ang Skeletal Division Leader.

Mayroon lamang isang Sovereign ang grupo kaya hindi siya natatakot.

"Zhao Feng, gusto siguro nilang bumuo ng lugar at array dito na kokonekta sa panlabas na mundo. Sa oras na iyon, wala ng limitasyon ang maari nilang ipadala ang mga eksperto.

Narinig ni Zhao Feng ang boses ni Purple Saint Partial Spirit.

"Tara na."

Walang pag-aatubiling sinugod ni Zhao Feng at Skeletal Division Leader ang grupo.

"Elder Shui Yun, paparating na sila."

Mabilis an saad ni Ye Yanyu.

"Maghanda nang lumaban."

Ngumiti si Elder Shui Yun. Ang kanyang kalmadong auta ay nagpabilis sa tibok ng puso ng iba.

"Zhao Feng, ako na ang bahala sa babaeng iyan. Sa ngayon, ikaw ang magkontrol sa Ghost-Corpse Curse Array."

Nag-alab ang sabik na mata ng Skeletal Division Leader.

Tumango si Zhao Feng kasabay nang paglitaw ng itim na bandila sa kanyang kamay.

Hu~~

Ang lugar na nasa loob ng isang yarda ay napuno ng air of death kabay nang paglitaw ng dalawampu't limang ghost corpse.

Hindi naadaling sumugod si Zhao Feng. Dahan-dahan niyang tinulak ang array patungo sa grupo.

Sou!

Sa sandaling ito, ang Skeletal Division Leader ay nagpadala ng gold-and-silver claw patungo kay Elder Shui Yun.

Sovereign laban sa Sovereign.

Ang kanyang target ay direkta sa Elder Shui Yun. Matapos ang matagal na oras na pagpapahinga, bumalik ang lakas ng Skeletal Division Leader at nasa peak strength ito.

Ang ataleng ito lamang ay sapat na upang pumatay ng half-step Origin Core Realm mula sa Azure Flower Continent.

"Huwag mo nang isipin."

Sila Ye Yanyu at ang tatlong half-step Origin Core Realm ay ngumisi at haharangin na sana ito.

"Ako na."

Ngumiti si Origin Core Realm kasabay nang pagtaas niya ng kanyang puting kamay.

Bo~~

Bula ng tubig ang nabuo sa kanyang kamay.

Crack!

Kahit na mukhang mahina ang bula, naglalaman ito nang makapal na kapangyarihan ng tubig at agad na sumalpok aa gold-and-silver claw.

Ang kapangyarihan at intent mula sa bula ay nagpatalon sa takot kina Zhao Feng at Skeletal Division Leader.

Alis!

Kinaway muli ni Elder Shui Yun ang kanyang kamay, at ang bula ay naging talampas na nagpalipad sa Skeletal Division Leader.


Load failed, please RETRY

Cadeaux

Cadeau -- Cadeau reçu

    État de l’alimentation hebdomadaire

    Rank -- Classement Power Stone
    Stone -- Power stone

    Chapitres de déverrouillage par lots

    Table des matières

    Options d'affichage

    Arrière-plan

    Police

    Taille

    Commentaires sur les chapitres

    Écrire un avis État de lecture: C544
    Échec de la publication. Veuillez réessayer
    • Qualité de la traduction
    • Stabilité des mises à jour
    • Développement de l’histoire
    • Conception des personnages
    • Contexte du monde

    Le score total 0.0

    Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
    Votez avec Power Stone
    Rank NO.-- Classement de puissance
    Stone -- Pierre de Pouvoir
    signaler du contenu inapproprié
    Astuce d’erreur

    Signaler un abus

    Commentaires de paragraphe

    Connectez-vous