Sa Hundred Graves Forbidden Ground, naupo si Zhao Geng sa tumpok ng mga buto at binawi ang kanyang Yuan Qi.
Dahil sa kanyang malakas na mental energy, ang kanyang Source of True Spirit ay muling nadagdagan sa loob nang kalahating araw, at higit na mas malakas ito kaysa noon.
Kumpara dito, ang kanyang eyebloodline power aymas mabagal na makabawi.
"Ang pagpapanatili sa weapon-shadow ay mas malaki ang kinakailangan sa aking bloodline. Hindi ito babalik hangang hindi ako nagpapahinga nang ilang araw.
Pumikit si Zhao Feng at naramdaman niya ang Ice Imperial Spear sa kanyang katawan.
Ang kasalukuyang estado ng Ice Imperial Spear ay kakaiba; natutulog ito. Isa pa, hindi lahat ng Earth-Grade items ay maaaring maging likido at sumanib sa katawan.
Dahil sa espesyalidad ng Ice Imperial Spear, ang likido ay konektado sa Laws of Water.
Ito ang dahilan kung bakit nakakagamit si Zhao Feng ng aura at kapangyarihan ng Ice Imperial Spear. Maging ang Sovereign ay hindi kayang kontrolin ang Ice Imperial Spear.
Nahahati sa tiers ang Earth-Grade weapons kagaya ng iba at para mapanatili ng Purple Saint Partial Spirit ang Ice Imperial Spear, hindi ito normal na Earth-Grade weapon.
Makalipas ang dalawang araw, nakabawi na halos ang eye-bloodline ni Zhao Feng.
Sa kabilang banda, ang Skeletal Division Leader ay nakahiga pa rin sa sahig at dahan-dahang nilalanghap ang air of death mula sa Hundred Graves Forbidden Ground upang gumaling na siya.
"Masyadong mabagal."
Tumaas ang kilay ni Zhao Feng.
Kailangan niyang makabalik sa Canopy Great Country.
Nagsalita ang Skeletal Division Leader sa mapait na tono, "Pinag pira-piraso mo ako at kailangan kong gamitin ang aking life force. Kailangan ko ng isa o dalawang tao upang mabawi ko muli ang aking lakas, ngunit mas mabilis akong gagaling sa Ice Imperial Spear.
Binuksan ni Zhao Feng ang kanyang God's Spiritual Eye at sinuri ang estado ng Skeletal Division Leader.
Matibay ang katawan ng Skeletal Division Leader at kaya nitong tiisin ang lahat ng atake mula sa Origin Core Realm.
Gayunpaman, sa sandaling nasira na ang buto nito, napakabagal nitong makabawi.
"Bibigyan kita ng sampung araw pa."
Sa tingin ni Zhao Feng ay sapat na ang sampung araw upang maayos ng Skeletal Division Leader ang kanyang buto.
Inutusan din ni Zhao Feng ang munting magnanakaw na kuting na ibalik ang wasak na braso ng Skeletal Division Leader.
Miao miao!
Nag-aatubiling binigay ng munting magnanakaw na kuting ang braso at ang gold-and-silver whip sa Skeletal Division Leader.
Matapos ang lahat, ang Skeletal Division Leader ay alipin ni Zhao Feng at mas makayutulong ito kung siya ay malakas.
Tahimik si Zhak Feng bago ilabas ang patak ng Elixir of Life.
Kumislap ang mata ng Skeletal Division Leader noong makita niya ang patak.
"Hindi ko naisip na mayroon kang maalamat na gamit gaya ng Elixir of Life. Kahit hindi magagamot masyado ng elixir ang aking buto, maibabalik nito ang pundasyon ng aking buhay, at sa sandaling naghilom na ako, bibilis ang aking paggaling."
Masaya ang Skeletal Division Leader na makatanggap ng Elixir of Life.
Nagsimulang tumaas ang aura nito matapos ang ilang sandali.
Tumango si Zhao Feng. Kung magpapatuloy ito, sa kalahating taon ay gagaling na lahat ng sugat ng Skeletal Division Leader at mas magiging malakas pa ito.
Sa oras na ito ay nagsimulang maglakad si Zhao Feng sa Hundred Graves Forbidden Ground.
Ang malalaking kweba ay umagaw sa atensyon ni Zhao Feng. Si Zhao Feng at ang munting magnanakaw na kuting ay pumunta sa gitna ng tila altar na lugar at interesado tungkol dito.
Ang kanyang tingin ay napunta sa Skeletal Division Leader. Marahil ang miyembrong ito ng Scarlet Moon Demonic Religion upper echelon ay may alam na ibang lihim.
"Ito ang teleportation-stand patungo sa labas gawa ng Patriarch ilang daang taon na ang nakalilipas. Mahirap itong gawin kahit na mayroon pa na kagamitan sa kontinente.
Mababa ang boses ng Skeletal Division Leader.
Teleportation-stand patungo sa labas.
Bahagyang tumalon ang puso ni Zhao Feng. May kaunting kaalaman siya sa arrays at may ilang mga hula noong unang beses na pumunta siya dito, ngunit hindi niya naisip na konektado ito sa labas ng Azure Flower Continent.
"Ibig-sabihin ba nito ay maaari akong makaalis sa Azure Flower Continent at makapasok sa ibang lugar?"
Hindi na katulad ng dati si Zhao Feng na tila palaka sa balon.
Nakipaglaban siya sa mga henyo mula sa two-star sects at mayroon siyang kaalaman tungkol sa panlabas na mundo.
"Kung ito ay ilang daang taon na ang tanda, oo, ngunit ang teleportation-stand ay nasira mula sa labanan at matagal nang hindi ginagamit. Mahirap sabihin…."
Umiling at bumuntong-hininga ang Skeletal Division Leader.
Hindi niya talaga alam kung gumagana pa ito o hindi.
Tumango si Zhao Feng at sinuri ang paligid.
Miao miao!
Nagsimulang kumaskas ang munting magnanakaw na kuting sa isang lugar kasabay nang paggalaw ng kanyang mata.
Noong pumasok muli sila sa silid wala itong laman.
Isang sulat ang lumitaw sa kamay ni Zhao Feng, naglalaman ng mga salita na hindi niya maintindihan, "Hindi magalaw ang Three Saints Palace sa Area of Dust. Sa mga nakaraang araw, inakit nito ang ilang one-star factions upang sirain ang Curse of Hundred Graves Forbidden Ground. Ngayon, ang enerhiya ng teleportation array ay nagamit na… ang alipin na ito ay aalis muna…"
May mga hula na si Zhao Feng.
Hindi mahirap suriin na ang teleportation array na ito ay ginawa sa tulong ng mga panlabas na pwersa. Sinabi rin ng Skeletal Division Leader na ang mga kagamitan sa kontinenteng ito ay hindi ito magagawa.
Miao miao!
Nagsimulang maghukay ang munting magnanakaw na kuting.
Weng~~
Ang buong Hundred Graves Forbidden Ground ay nagsimulang manginig kasabay ng makapangyarihang sumpa na dumaloy sa munting magnanakaw na kuting.
Ang power of curse ay sampung beses na mas malakas sa karaniwan, kahit si Zhao Feng at Skeletal Division Leader ay naapektuhan.
"Tigil, iyan ang source of Hundred Graves Forbidden Ground's curse."
Nagbago ang ekspresyong ng Skeletal Division Leader habang pinipigilan niya ang munting magnanakaw na kuting.
Walang galang ang ipinapakita ng munting magnanakaw na kuting sa harap ng Hundred Graves Forbidden Ground.
Hindi ito maganda!
Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay nakakita ng bakas ng invisible curse power patungo sa munting magnanakaw na kuting.
Shua!
Pinadaloy ni Zhao Feng ang kanyang Godcs Spiritual Eye at nagdala ng ancient aura tungo sa munting magnanakaw na kuting.
Miao Miao!
Ngumiti at bumaligtad sa hangin ang munting magnanakaw na kuting bago ilabas ang misteryosong dagger.
Ang dagger ay gumawa ng anino sa bawat galaw, at ang invisible power of curse ay biglang nagbago.
Wu~
Ang misteryosong dagger ay nanginig at tila nagliwanag at gumawa ng cold raspy tone.
Sa sumunod na sandali, ang misteryosong kapangyarihan ang nagpa gabi sa umaga.
Sumigaw ang lahat ng power of curse noong mapalapit dito.
"Gabi? Pagbabaligtad sa laws of nature? Ang bagay ba na iyan ay mula sa Dao of Assassination?"
Napanganga ang Skeletal Division Leader at hindi niya matukoy kung ano ang nangyayari.
Miao miao!
Ang munting magnanakaw na kuting ay binaon ang dagger sa lupa at ginamit itong pala upang ipagpatuloy ang paghuhukay.
Parehong nagulat si Zhao Feng at ang Division Leader.
"Ano ang kasaysayan ng munting magnanakaw na kuting? Bakit niya sinusunod si Zhao Feng sa kabila nang kanyang talino?"
Hindi maintindihan ng Skeletal Division Leader ang munting magnanakaw na kuting. Bigla niya tuloy naisip na ang pusang ito ay isang fox na matagal nang nabubuhay at maraming kaalaman.
Shua!
Sa sandaling uti, lumapit si Zhao Feng sa munting magnanakaw na kuting.
Ang God's Spiritual Eye at ang aura ng misteryosong dagger ay kayang magpaatras sa mga multo at diyos.
Wu~
Ang mosteryoang dagger ay mukhang nakaramdam ng presensya ng God's Spiritual Eye at bahagyang humuni. Hindi niya tinatanggihan si Zhao Feng, ngunit nag-iingat ito.
"Ang dagger na ito ay maaaring mas misteryoso pa sa Ice Imperial Spear."
Hula ni Zhao Feng sa kanyang puso.
Noon sa Purple Saint Treasured Palace, ang munting magnanakaw na kuting ay gumamit ng ibat-ibang paraan upang makuha ang misteryosong dagger, at naalala pa ni Zhao Feng at taranta at takot ng Purple Saint Partial Spirit.
Miao miao!
Tumawa ang munting magnanakaw na kuting at sinenyasan si Zhao Feng upang tulungan siya.
Sige.
Nagkibit balikat si Zhao Feng at kumuha ng armas at nagsimulang maghukay.
"Bakit… bakit napaka walang-hiya mo?
Nagulat ang Skeletal Division Leader, ngunit sinubukan din nitong tumayo at maghukay. Gayunpaman, hindi niya maga2a sapagkat hindi pa lubusang magaling ang kanyang mga buto, kaya pinanood niya na lamang ang masigasig sa paghuhukay ni Zhao Feng at ng munting magnanakaw na kuting.
Tok! Tok!
Natapos na rin sila sa paghuhukay at lumitaw ang crystalline black coffin.
"Ang bangkay na iyan ay gawa sa Yin Black Crystal Stones, na naglalaman ng Heaven Earth of Mystic Yi. Naubos na lamang sila sa kontinente maging sa panlabas na lugar ay bihira na lang sila.
Alam ng Skeletal Division Leader na ang Mystic Yin Black Crystal Stones na ito ang pinagmumulan nv energy of curse.
Noong tinignan nila ito nang malapitan, mayroong kalansay na mayroong malakas na aurang dumadaloy at maayos itong na preserba.
"Kawili-wili. Hindi nawala ang aura sa mga buto kahit ilang taon na ang nakalipas at may natitira pa ring aura of soul. Ito ba ay dahil sa Mystic Yin Black Crystal Stones?"
Interesado si Zhao Feng. Gamit ang kanyang God's Spiritual Eye, masasabi niya na ang mga butong ito ay katulad sa kanyang mga ghost-corpses.
Kuhanin!
Isang black pearl ang lumitaw sa kamay ni Zhqo Feng na naglabas ng grey mist na kumuha sa mga buto.
"Put*ng in*, iyan ay mga True Lord Rank ghost-corpse materials."
Umungol ang Skeletal Division Leader sa kanyang puso.
Alam niya na ang Hundred Graves Forbidden Ground ay gawa sa mga katawan ng True Lord Ranks upang makagawa ng ganoong klaseng sumpa.
"Hehe… maghukay ka pa."
Tumawa si Zhao Feng.
Naramdaman niya ang kasabikan ng Ten Thousand Ghost Pearl matapos makakuha ng isang katawan. Tila "gutom" ito.
Tom! Tok! Tok!
Ang pusa at tao ay hindi pinansin ang power of curse at patuloy na naghukay.
Habang pinapanood ang sunod-sunod na makapangyarihang katawan na kinukuha ng Ten Thousand Ghost Pearl, nanginig ang puso ng Skeletal Division Leader, "Ano… ano ang iniisip ng batang ito? Gusto niya bang gumawa ng hukbo ng ghost corpses?"