Télécharger l’application
16.9% King of Gods (Tagalog) / Chapter 268: Alagaan Muna Siya Nang Panandalian

Chapitre 268: Alagaan Muna Siya Nang Panandalian

Éditeur: LiberReverieGroup

Ipinaliwanag ni Tiegan Master, "Hindi lamang malalabong afterimages ang Yin Shadow Doppelgangers. Maaari din nilang guluhin ang kalaban habang umaatake. Marami itong kagamitan."

Isang larawan ang lumitaw sa isipan ni Zhao Feng. Nang siya ay umatake, maraming anino ng kaniyang sarili na may parehong aksyon gaya ng sakanya ang lumitaw at inatake ang kalaban.

Siyempre, itong kapangyarihan ay nangangailangan na makarating muna sa tiyak na cultivation ang isang tao ngunit kahit ano mang mangyari, ang layunin ni Zhao Feng ay napagtagumpayan na.

Pagkatapos ayusin ang Yin Shadow Cloak, ang invisibillity power ay labis na tumaas, lalo na kapag noong hindi siya kumikilos.

Sa loob ng kadiliman, ang kapangyarihan ay dodoble.

Nang ginamit ni Zhao Feng ang invisibility effect, kahit ang mga nasa True Spirit Realm ay hindi siya mararamdaman sa kadiliman kung hindi sila seryosong maghahanap.

Sa mga sumunod na mga araw.

Napagtanto ng mga tauhan ng City Lord na dumadalas ang pagbisita ni Zhao Feng ang pagbisita sa Tiegan Mountain.

May mga oras na hindi bumabalik si Zhao Feng ng ilang araw.

Nagsimulang kumalat ang usap-usapan sa publiko na kinuha ni Tiegan Master si Zhao Feng bilang personal na disciple, ngunit alinman ang totoo, ang relasyon ng dalawa ay hindi simple.

Ito'y magandang balita para sa pamilya ng Liu.

Dahil sa City Lord, si Tiegan Master at ang pamilya ng Liu ay nagkaroon ng masamang ng relasyon sa isa't isa.

Mataas ang naging katayuan ni Tiegan Master at na-ipwesto siya sa top ten na mga blacksmiths; posible ring nasa top five pa siya.

At ang mas importante pa ay nababalitaan na ang Master na ito ay may koneksyon sa Iron Blood Religion.

Matagal nang ninais ng pamilya ng Liu na magkaroon ng magandang relasyon kay Tiegan Master ngunit walang nangyayari.

Gayunpaman, ngayon na napamahal na si Tiegan Master sa manugang na lalaki ng City Lord. Magandang senyales ito.

Ipinatawag pa ng Flooding Lake City si Zhao Feng.

"Feng'er, kung kaya mong maging core disciple ni Tiegan Master ito ay magiging malaking tulong para sa Flooding Lake sa pamilya ng Liu."

Nagsalita ang Flooding Lake City na para bang siya ang ama ni Zhao Feng.

Diretsahang tinanggihan ito ni Zhao Feng.

Gusto siyang kuhanin ni Tiegn Master bilang isang disciple ngunit hindi obligadong kumunsumo ng malaking oras si Zhao Feng sa forging.

Hindi niya nakalimutan ang kaniyang mga inutos.

Nang lumipas ang oras, mas lalo pang naging abala si Zhao Feng.

Mananatili siya sa Tiegan Mountain at makikinig sa pangarap ni Tiegan Master.

Tutulungan din ni Zhao Feng si Tiegan Master sa pagbuo ng ilang mga sandata, ang isa pa sa kanila ay aabot sa Spiritual grade.

Ang proseso ng pagbuo ay makinis at ang pag-intindi ni Zhao Feng sa forging ay lumago ng isang libong milya kada araw.

Labis na natuwa si Tiegan Master – ang pagprogreso ni Zhao Feng ay mas mataas pa sa iniisip niya.

Ang lahat ng ito ay dahil sa gawain sa sandatang ipinagkatiwala sa kanila.

Samantalang, mayroon na lamang dalawang buwang natitira bag ang araw ng kasalan sa pagitan nina Zhao Feng at ni Liu Qinxin.

Si Liu Qinxin, ang napangalanang mapapangasawa ay hindi nabibigyang-pansin.

Kung tutuusin, ginagamit ni Zhao Feng ang ideya ng pagbubuo ng isang magandang relasyon kasama si Tiegan Master upang umalis at ito ay isang bagay na kahit ang City Lord ay sinusuportahan.

Noong una, kaya pa itong pigilin ni Liu Qinxin, ngunit habang palapit nang palapit ang araw ng kasalan, hindi na niya ito napigilan pa.

Ang kasalan ay isang bagay na napakahalaga para sa mga babae, ngunit hindi man lamang nagpunta si Zhao Feng upang hanapin si Liu Qinxin.

"Ano bang tingin ni Zhao Feng sa akin?"

Bahagyang namroblema si Liu Qinxin at ang kaniyang mga mata ay may dala-dalang hindi pagkakuntento sa tuwing nakikita niya si Zhao Feng.

Matapos maayos ang araw ng kanilang kasalan, ang imahe ni Zhao Feng sa puso ni Liu Qinxin ay nagsimulang magbago.

Sa umpisa, si Zhao Feng ay isang batang young beast tamer na ang hitsura ay isang daan at walong libong beses na iba sa pinapangarap na asawa ni Liu Qinxin.

Ngunit sumunod dito, ang batang ito ay nabautan ng hamog at ang bawat pagsusulit ay nagpapakita ng kaniyang panibagong lakas at potensyal.

Isang misteryosong eye bloodline, napakataas na archery skills, beast taming, talentong na nakakapagpabuntong hininga kahit sa mga blacksmith masters.

Ang pagpapakitang-gilas ng batang ito ay nakumpleto na ng lakas ng loob at ng pagiging kalmado sa bawat oras.

Naliliwanagan siya ng kahit anong klase ng ilaw.

Anong tao na kaedad niya na nakatira sa lugar ng Flooding Lake ang kayang tumapat sa kaniya?

Kailangang tanggapin ni Liu Qinxin na ang batang ito ay mayroong walang hanggang potensyal at nagsimula na siyang makalapit sa imahe ng kaniyang pinapangarap na asawa.

Ang pinakamahalagang bagay ay siya ang taong nakatadhana sa kaniyang buhay.

Sa pagkakataong ito, natatanggap na ni Liu Qinxin na ito ang kaniyang mapapangasawa, ngunit ang tanging problema ay si Zhao Feng ay palaging may ginagawa at talagang hindi siya binibigyang-pansin.

Sa wakas, sa araw na ito.

Nagpunta na rin si Zhao Feng upang hanapin si Liu Qinxin.

Napahinga ang nabanggit. Kahit gaano pa katigas ang isang bata, maiintindihan pa rin nila ang katotohanan. Hindi siya naniwala na ang kayang hindi bigyang pansin ng kasalungat na partido ang kaniyang bighani.

"Qinxin, pupunta ako upang tulungan si Tiegan Master na gumawa ng isang Spiritual grade item at siguro ay mananatili ako sa Tiegan Mountain ng isang buwan. Dahil wala ang City Lord, puwede bang sabihin mo sa kaniya?"

Sinabi agad sa kaniya ni Zhao Feng ang dahilan kung bakit siya bumisita at matapos nito, dali-dali na siyang umalis.

Isang buwan?

Natulala si Liu Qinxin. Pakiramdam niya para siyang nahulog mula sa ulap at dumeretso sa kawalan.

Ang kalamigan at pagsasawalang-bahala ng batang ito ay lubos pa sa kaniyang naiisip.

Siyempre, siya ito. Kung ito ay ibang babae maaaring maglumpasay na sila mula sa ngayon.

"Sandali…"

Isang malinaw na boses ang pumigil sa mga hakbang ni Zhao Feng.

Nanatili si Zhao Feng, naguguluhang tumingin kay Liu Qinxin.

Sa oras na ito nanlamig ang mga mata ni Liu Qinxin at sa wakas natuklasan na ni Zhao Feng kung ano ang problema.

"Bwisit, nakalimutan ko ang ganito kahalagang bagay."

Lumipad ang mga isip ni Zhao Feng.

Simula noong maayos ang araw ng kasalan nagpaplano na siya kung paano makatakas o kung hindi naman siya ay tumutulong kay Tiegan Master, kaya naman hindi niya pinapansin ang kaniyang mapapangasawa.

Nag-alala si Zhao Feng na baka may mapansing mali si Liu Qinxin.

Kung ang detalyeng ito ang magiging rason sa kapalpakan ng kaniyang plano, masasayang lang din.

"Alam kong masiyado kang maraming ginagawa nitong mga nakaraang araw ngunit tungkol sa ating kasalan…."

Hindi alam ni Liu Qinxin kung ano ang dapat niyang sabihin at naramdaman niyang napahiya siya sa loob-loob niya. Sa ilalim ng kaniyang belo, namula ang kaniyang mukha. Ito ay isang bagay na hindi nakikita ni Zhao Feng.

Napagtanto na ng nabanggit ang kaniyang 'pagsasawalangbahala' ay maaaring nag-iwan ng 'gasgas' at lubos niyang pinag-iisipan kung paano niya aayusin ito.

Paano ko ito aayusin?

Lumipad ang isip ni Zhao Feng. Ang pinakamahalagang bagay ngayon ay ang pakalmahin ang puso ni Liu Qinxin.

"Paano ko siya pakakalmahin? Tama 'yon…. Aalagaan ko muna siya kahit isang saglit."

Mabilis at maliksi ang pag-iisip ni Zhao Feng.

Wala siyang masiyadong alam tungkol sa mga relasyon - hindi nga niya ito madalas naiisip.

Kung tutuusin, nagsisimula pa lamang siyang magkaedad, at nais niya lamang magtuon ng pansin sa cultivation.

Bukod doon, ang pagsasanib ng God's Spiritual Eye ay nagdulot upang maging kalmado ang estado ng isipan ni Zhao Feng at magkaroon ng napakamalamig na pag-uugali.

Ang kailangan lamang gawin ni Zhao Feng ay buksan ang kaniyang God's Spiritual Eye. Ito ang magdudulot upang makakita siya tagos sa balat kaya naman kahit gaano pa kapangit o kaganda ang isang babae, sila ay isang bungkol lamang ng mga buto, dugo at ng True Force.

Sunod.

Naisip ni Zhao Feng kung paano niya aalagaan si Liu Qinxin.

"Qinxin, alam ko naman na halos makalimutan ko na ang tungkol sa ating kasalan nitong mga nakaraan. Pasensya ka na tungkol dito…."

Biglang naging mainit ang mga nanlalamig na mga mata ni Zhao Feng at isang matamlay na ngiti pa ang lumitaw sa kaniyang mukha.

Nanatili si Liu Qinxin - kailan pa nagbago ang pag-uugali ng lalaking ito?

Subalit, kailangan niyang tanggapin ang katotohanan na matapos masanay sa panlalamig ni Zhao Feng, bihira ang makita ang mainit na pag-uugali ni Zhao Feng.

"Sa pinakaloob-loob ng aking puso, ang tanging hiling ko lamang ay humanga sa iyong kagandahan mula sa malayo, hindi ko naisip na pakasalan ka. Hindi ko inasahang magiging ganito kabait ang kalangitan. Para bang nagkatotoo ang lahat ng aking pangarap."

Nagpatuloy gumawa ng kuwento si Zhao Feng tungkol sa 'pag-aalaga' at ang kaniyang ikinikilos ay puno ng pag-aalala.

Sa pagtingin sa batang nasa harapan niya, hindi mapigilan ni Liu Qinxin ang kaniyang sarili kundi magulat. Hindi niya naisip na ang batang ito ay mayroong 'tunay na pag-ibig' na aaminin sa kaniya.

Habang nagsasalita si Zhao Feng nagtuon din siya ng pansin sa ekspresyon ni Liu Qinxin ngunit parang hindi nagbago ang huling nabanggit.

Dahil ba hindi ako masiyadong maalaga?

Napahinga ng malalim si Zhao feng at humakbang bago inilagay ang kaniyang kamay palibot sa kaniyang beywang.

Ikaw….."

Hindi inasahan ni Liu Qin na maging ganito katapang si Zhao Feng upang ibalot ang kaniyang kamay sa beywang niya.

Sumigaw siya at biglang binuksan ang kaniyang bloodline power.

Subalit, ang paggalaw ng kaniyang bloodline power ay nagdulot upang mapagana ang bloodline ni Zhao Feng.

Maaaring ang dahilan nito ay ang bloodline power ni Liu Qinxin ay isang pagbabanta, isang katiting na matamlay na asul na ilaw ang lumitaw sa mga asul na kailaliman ng kaniyang kaliwang pupil.

Biglaan.

Naramdaman lamang ni Liu Qinxin ang pagnginig at paninigas ng kaniyang bloodline.

Nagdagdag pa ng kapangyarihan si Zhao Feng sa kaniyang kamay at marahang hinatak siya patungo sa isang yakap.

Dahil ang pagpipigil ng bloodline power ni Liu Qinxin ay hindi makagalaw at ang kaniyang puso ay mabilis tumibok.

"Maganda pala sa pakiramdam na makayakap ng isang katawan ng babae."

Naisip ni Zhao Feng, ngunit ang halos lahat ng kaniyang atensyon ay nakatutok pa rin sa ekspresyon ni Liu Qinxin.

Ang kaniyang ekspresyon ay halo-halo ng kahihiyan, galit, pag-aalala at kaunting kahinaan.

Sa katotohanan, ang bloodline power ni Liu Qinxin ay nanigas at mahirap para sa kaniya na makahinga. Siyempre mararamdaman niya na wala na siyang magagawa.

"Mukhang hindi pa sapat ang pag-aalaga ko."

Bumuntong hininga si Zhao Feng.

Yumuko siya at maingat na hinalikan ang noo ni Liu Qinxin.

"Ikaw.. ang lakas ng loob mo…"

Tuluyan nang natulala si Liu Qinxin. Kahihiyan, galit, emosyon ng kahit anong klase ang umikot-ikot sa kaniyang ulo.

Sa pagkakita na hindi tama ang ekspresyon ni Liu Qinxin, biglang binitawan ni Zhao Feng ang babaeng maaaring makasira ng mga bansa sa kaniyang hitsura pa lamang.

Sa mismong pagkakataon na ito, umapaw ang True Force ni Liu Qinxin at ang aura ng isang half-step True Spirit Realm ay lumitaw.

Hindi maganda.

Sa wakas ay napagtanto ni Zhao Feng ang kaniyang pag-aalaga ay nasobrahan.

"Ikaw… ikaw napakawalanghiyang…."

Ang boses ni Liu Qinxin ay may halong kahihiyan at galit ngunit tumigil siya bago niya pa makumpleto ang kaniyang pangungusap.

Nais niyang tawagin si Zhao Feng na isang walanghiyang bastardo ngunit siya pa rin ang kaniyang mapapangasawang lalaki.

Ang daliring nakaturo kay Zhao Feng ay naguguluhan kung aatras ba ito o hindi.

"Qinxin, wala akong malisyosong paglalayon. Nais ko lamang na alagaan ka."

Hindi makapagsalita si Zhao Feng.

"Ayos lang ako."

Malalim siyang tinignan ni Liu Qinxin habang ang kaniyang mga mata ay naging kasinglinaw ng tubig.

Ang batang ito ay ang kaniyang mapapangasawa at malapit na sa pinapangarap niyang asawa sa kaniyang isipan.

Dagdag pa rito, bilang kaniyang mapapangasawang lalaki, ang kaniyang pagkikilos kanina ay hindi naman nasobrahan.

"En, maganda kung ganoon. Pupunta ako sa Tiegan Mountain ngayon. Maaari mo bang sabihin ito sa City Lord?"

Nagpakawala ng hininga si Zhao Feng at bumalik sa kaniyang nakasanayang panlalamig at naglaho na siya.

Nawala?

Huminto si Liu Qinxin. Ang lalaking ito ay umaamin pa lamang sa kaniya kanina sunod ay niyakap at hinalikan siya. Ngayon naglaho siya na para bang walang nangyari.

"Ano… bang tingin niya sa akin?"

Sa pagtitig sa batang naglaho patungo sa madilim gabing alapaap, hindi malaman ni Liu Qinxin kung ano nag kaniyang sasabihin.


Load failed, please RETRY

Cadeaux

Cadeau -- Cadeau reçu

    État de l’alimentation hebdomadaire

    Rank -- Classement Power Stone
    Stone -- Power stone

    Chapitres de déverrouillage par lots

    Table des matières

    Options d'affichage

    Arrière-plan

    Police

    Taille

    Commentaires sur les chapitres

    Écrire un avis État de lecture: C268
    Échec de la publication. Veuillez réessayer
    • Qualité de la traduction
    • Stabilité des mises à jour
    • Développement de l’histoire
    • Conception des personnages
    • Contexte du monde

    Le score total 0.0

    Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
    Votez avec Power Stone
    Rank NO.-- Classement de puissance
    Stone -- Pierre de Pouvoir
    signaler du contenu inapproprié
    Astuce d’erreur

    Signaler un abus

    Commentaires de paragraphe

    Connectez-vous