Ang mga grupo ng black blood bats ay sunod-sunod na naglabas ng matinis na tunog sa kuweba, na nagpadala ng walang katapusang mental energy attacks sa hangin. Binulabog nila ang mga malapit na pader, na naikalat ang mga alikabok sa lugar.
Kahit ang mga core disciple sa Fourth Sky of the Ascended Realm ay maaaring mamatay.
Sa gitna ng mga paniki, isang youth na may asul na buhok ang nakatayo sa bundok-kalmadong tila isang hari, ang mga mental energy attacks at parang mga batong lumubog sa dagat. Ang aura ng asul na anyo ay biglang umangat nang mabilis at isang matulis at malinaw na ilaw ang lumabas mula sa kaniyang kaliwang mata, na kumalat sa lahat ng direksyon.
Sa isang saglit…
Mababakas ang pagkatakot sa mata ng mga paniki sa paligid at ang mga mas malapit sa anyo ay nagyelo sa hangin, na tila pinatigas.
Tok! Tok! Tok… !
Ang iilan sa mga mahinang paniki ay nahulog sa lupa habang nilalabasan ng dugo sa mata at bibig. Karamihan sa black blood bats ay nanginig sa hangin at hindi nangahas na lumapit pa kay Zhao Feng.
Ang mga bahagyang nakakatagal ay ang apat na bat leaders lang na nasa 3rd Sky of the Ascended Realm. Ang mga pinunong ay naglabas ng isa pang bugso ng mental energy sound attacks.
Pinalaganap ni Zhao Feng ang kaniyang kaliwang mata at ang asul na liwanag dito at nakaabot na sa dalawang talampakan at siyam na pulgada, na nakapagbigay kay Zhao Feng ng mental energy at naramdaman niya itong rumagasa sa kaniyang katawan. Ngunit tanging kaunti lang ang maaaring makuha dahil hindi niya alam kung paano ito gamitin.
Ngunit kahit ganoon ay kaya pa ring gulatin ng mental energy assassination spike ang maraming black blood bats.
"Alam ng mga paniking ito kung paano kontrolin ang kanilang mental energy simlua pagkapanganak."
Mas naging matalas ang paningin ng kaliwang mata ni Zhao Feng at ang katawan ng bat leader ay malinaw, na kita ang mga laman, ugat pati na ang Yao energy sa loob…
Sa katawan ng bat leader, nakita ni Zhao Feng ang mahinang pulang pinanggagalingan ng mental energy na kasing laki ng isang butil ng bigas sa ulo nito. Ang mga normal na tao ay hindi kayang maradaman ang mental energy, ngunit ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay nakikita nang malinaw ang pinanggagalingan ng mental energy gayundin ang paggamit dito.
"Ang mental energy ay siguradong ginagamit sa partikular na bilang."
Isang balangkas ang lumabas sa isip ni Zhao Feng. Kahit na iba ang katawan ng mga paniki sa tao, ang paraan ng kanilang paggamit ng mental energy ay magkatulad at ang paraan ay nakopya papunta sa dimension ng kaliwang mata ni Zhao Feng.
Boi~~~~
Pinalaganap ni Zhao Feng ang kaniyang True Force nang isang kakaibang tunog ang lumabas sa kaniyang bibig, na mayroong bakas ng mental energy.
Tok! Tok! Tok….
Ilang mga grupo ng black blood bats ang bumagsak mula sa langit habang may lumalabas na dugo sa kanilang ilong, tainga at mata…
Lahat ng black blood bats sa 3rd Sky of the Ascended Realm ay hindi kayang tagalan ang atakeng ito.
"Ang sound attack na ito ay may kasamanag pagkagulat sa aking True Force. Ang pagdagdag ng mental energy ay mas pinataas ang epekto nito sa mga paniki.
Mababakas ang galak sa mukha ni Zhao Feng. Ang mga laman-loob ng mga paniking nahulog mula sa hangin ay masisira at kahit na may mga nakaligtas, mapipinsala.
Kahit isang sound attack lang ay nakapagpabagsak ng 10-20 paniki.
Boi~~~~
Ang mga natitirang paniki ay nagkalat sa iba't ibang direksyon dahil sa takot. Ibinukas ni Zhao Feng ang kaniyang bibig sa ikalawang pagkakataon, ngunit kahit ganoon ay may mga paniki pa ring naiwan sa lupa.
Kahit ang apat na paniki sa 3rd Sky of the Ascended Realm ay tumakas dahil sa takot.
"Saan kayo pupunta!?"
Tumawa si Zhao Feng nang inilabas niya ang kaniyang Luohuo Bow. Ang kaniyang kaliwang mata ay naglabas ng asul na liwanag at ang kapangyarihan ng archery skills ni Zhao Feng ay tumaas.
Sou! Sou! Sou… !
Ilang matingkad na asul na mga palaso ang sumaksak sa apat na black blood bats ng 3rd Sky of the Ascended Realm nang may hindi kapani-paniwalang bilis. Ang Luohuo Bow ay kayang lampasan ang bilis ng tunog kapag sa pinakamataas na kapangyarihan, ngunit kaunti lang ng kapangyarihan nito ang kayang gamitin ni Zhao Feng. Ngunit kahit ganoon, hindi pa rin naiwasan ng mga black blood bats ang mga palaso.
Nang tinanggal na ni Zhao Feng ang kaniyang Luohuo Bow, ang mga malapit na black blood bats ay nakaalis na.
Umiling si Zhao Feng at ibinalik ang kaniyang takip sa mata. Ang kanyang atake ng mental energy kanina ay nanggaling sa kaniyang bibig ay nangangahulugang ang pagsuot ng takip sa mata ay hindi naman nagdahilan ng pagkakaiba.
Sa pamamagitan ng labanang ito, nalaman na ni Zhao Feng kung paaano gamitin ang kaniyang mental energy. Ang kaniyang kalikasan ang nagsabi sa kaniya ng tunay na potensyal ng kaniyang kaliwang mata.
….
"Anong nangyayari dito? Bakit umaalis ang mga paniki sa paligid? Mukhang wala rin silang malinaw na malay…"
Isang nagambalang magandang babae ang naglakad palapit sa kuweba ni Zhao Feng nang may ekspresyon ng pagkagulat.
Siya ay si Lin Yue'er, na nakipaghiwalay ng landas sa kanila kanina. Ang grupong kinabibilangan niya ay nakaharap ng malaking grupo ng mga paniki kanina lang at pinagunahan ni Yang Gan ang pinakamalakas pati na ang pinakamalaking bilang ng mga paniki habang ang iba ay tumakbo palayo.
Sa wakas ay nakatakas na rin si Lin Yue'er mula sa mga paniking humahabol sa kaniya, ngunit sa kasamaang palad, nakaharap na naman niya ang isa pang grupo ng mga paniki na napakarami na maaaring makasakit sa kaniya.
Ngunit kahit paano, tila takot ang mga paniking ito na parang walang ulong lumilipad sa iba't ibang direksyon.
Matapos maglakad ng ilang yarda, tumingin si Lin Yue'er sa mga paniki sa lupa at nakita na ang iba ay namatay habang iba ay naghihirap habang dumudugo ang mga mata, tainga, at ilong.
Nasaktan si Lin Yue'er nang maisip kung sino ang nakakasindak na pumatay sa maraming paniki nang walang iniiwang ebidensya.
Ang mga paniki sa lupa ay walang halatang pinsala, ngunti ang kanilang mga laman at ugat sa loob ay nawasak at walang malay.
"Sister Liu."
Isang walang ekspresyong boses ang nanggaling mula sa sulok sa harap.
Napatalon ni Liu Yue'er sa gulat, ngunit nang makita kung sino ito, nakahinga na siya nang maluwag.
Nakaupo si Zhao Feng sa lupa nang nakadekwatro na tila naghihilom. Ngunit sa paraan ng kaniyang pagpapalaganap sa kaniyang True Force, tila siya nagkucultivate na rin.
Sa tabi niya ay si Lin Fan, na gising na at naghihilom.
"Ang lahat ba ng mga paniki ito ay…?" maingat na tanong ni Liu Yue'er.
Sa tabi ni Zhao Feng ay ang mga katawan ng paniki, kasama ang tatlo hanggang apat na bat leaders na nasaksak ng mga palaso ang mahalagang bahagi ng katawan.
Hindi tumugon si Zhao Feng at nagsimula nang magcultivate habang sinisikap na mapataas ang kaniyang Heavenly Wind True Force.
Nakaabot na siya sa mataas na lebel sa kaniyang Heavenly Wind God Technique at ang pagkadalisay ng kaniyang True Force ay katumabas ng mga nasa Fourth Sky of the Ascended Realm.
Sa kaniyang katawan, ang kaniyang Silver Wall Technique ay nakaabot na sa pinakamataas na lebel na posible. Ang pag-inom ng Spiritual wine at pagkain ng Spiritual fruit pati na ng apdo ng ahas ay nagpataas ng kaniyang mga katangian sa peak Second Sky.
Sa ilalim ng desperadong sitwasyon, na labis na napataas ni Zhao Feng ang kaniyang potesyal at nakaabot na sa half step Third Sky.
Ngayon, ang bilang pati na ang kalidad ng True Force ni Zhao Feng ay patuloy na tumaas habang siya ay nagcultivate.
Para mas mapabilis ang kaniyang pagcultivate, umiinom si Zhao Feng ng kaunting Spiritual wine kada ilang oras. Ang low grade Spiritual wine ay may malaking epekto para sa mga nasa Fourth Sky of the Ascended Realm.
Umupo si Lin Fan sa tabi ni Zhao Feng at nagbantay nang may magulong ekspresyon. Pagkatapos niyang mahimatay, wala nang alam si Lin Fan sa nangyayari.
Gaano kapareho ang eksenang ito sa Scarlet Moon Demonic Cave?
Hindi kaagad na umalis si Zhao Feng at sa halip ay nagcultivate pa.
Matapos ang kalahating araw…
Nakaabot na si Zhao Feng sa Third Sky of the Ascended Realm at naglabas ng magulong aura.
Ang pagkakaiba ng bawat Sky sa Ascended Realm ay malaki. Ito ay ang pagkakaiba sa food chain, ang mga may mababang cultivation ay matatalo.
Pagkakaiba sa food chain!
Sa sandaling ito, parehong si Lin Fan at Liu Yue'er ay nakaramdam ng hindi malamang pressure at hindi naging komportable.
Si Liu Yue'er ay may napakagulong ekspresyon. Kahit na nakaabot na siya sa peak Second Sky, wala pa siyang mga kinakailangan para maabot ang Third Sky.
"Sige, umalis na tayo ngayon."
Si Zhao Feng ay mabagal na tumayo habang naging mas matalas ang paningin at pinangunahan ang daan.
Sumunod si Lin Fan nang malapit sa likod.
"Ang bilis mo!"
Si Liu Yue'er ay bahagyang nagulat.
Alam na alam ni Zhao Feng ang lugar at siya ay labis nang nagagalit. Kahit si Yang Gan ay kailangang maglakbay nang maingat.
"Maaari niyo akong sundan o umalis na kayo."
Walang pakialam si Zhao Feng sa iisipin ng babae.
Kinagat ni Lin Yue'er ang kaniyang labi at matapos ang kaunting pag-aalinlangan, nagdesisyon siyang sundan si Zhao Feng.
Isang magulong mapa ang lumabas sa mapa ni Zhao Feng, na nagsimulang perpektuhin ang sarili nito…
Ang dahilan ng kaniyang pagtakbo nang mabilis at ang kagustuhang makumpleto ang mapa at makawala sa maze. Matapos maglakad sa maiksing oras, isang grupo ng nasa sampu hanggang dalawampung paniki ang lumitaw at ang ganitong bilang ay maaaring maka-alarma sa tatlong tao.
Si Liu Yue'er at Lin Fan ay naalerto.
Boi~~~~
Ibinukas ni Zhao Feng ang kaniyang bibig at ang grupo ng mga paniki ay tila sumigaw sa takot habang bumabagsak sa lupa na may 'Tok Tok Tok,' ang iba sa kanila ay lumipad na palayo.
"Diyos ko!"
Nagkatinginan si Lin Fan at Liu Yue'er at mababakas ang gulat sa kanilang mukha. Ang ginawa lang ni Zhao Feng ay ang buksan ang kaniyan bibig at nagkalat na sa takot ang mga paniki.
Matapos maabot ang Third Sky of the Ascended Realm, ang liwanag sa kaliwang mata ni Zhao Feng at umaabot na sa tatlong yarda na ang ibig sabihin ay mas malakas na ang kaniyang mental energy.
Pagkatapos nito…
Pinangunahan ni Zhao Feng ang lahat sa kuweba ng paniki. Ang lahat ng paniki ay natalo ng kaniyang mental energy sound wave. Kahit anong grupong lumapit ay mamamatay o aalis sa takot.
Minsan, isang grupo ng 100 black blood bats ang sumugod, na pinangunahan ng bat king na nasa Fourth Sky.
Ang resuta…
Ginamit ni Zhao Feng ang kaniyang mental energy assassination para patayin ang ibang mga paniki at pagkatapos, pinatay niya ang bat king gamit ang Luohuo Bow.
Sa mga kasali, si Zhao Feng ang unang nakalampas sa human sea tactic.
Hindi pinansin ang human sea tactic!
Napakalaki ng mental energy ni Zhao Feng at may roon siyang Spiritual wine para makatulong sa paggaling niya.
Tanging pagkamanhid na lang ang natira kina Lin Fan at Liu Yue'er bukod sa gulat.
Sa panahong ito, tila panginoon ng kadiliman si Zhao Feng at habang lumilipas ang oras, ang mapa sa isip ni Zhao Feng ay mas nagiging perperkto. At sa wakas ay nasuri na niya ang daan na dapat tahakin ng isang tao para makalabas sa maze at kasama rito ang paglagpas sa gitnang parte ng mapa.
Ang ikatlong araw ng Second Stage…
Isang malaking pasukan ng kuweba ang lumabas na napakadilim, na tila bibig ng isang napakalaking halimaw.
Sila Yang Gan, Quan Chen, Bei Moi at Ran Xiaoyuan ay nakatayo sa pasukan na may maraming katawan ng paniki sa paligid na lupa.
"Dumating kayo sa tamang oras, ang himpilan ng kuweba ng paniki ay malapit lang at mayroon itong maraming resources, na hindi na buhay ngayon…"
Bahagyang nagulat si Yang Gan nang makita niya si Zhao Feng at mga kasama nito.
Naisip niya na ang grupo ni Zhao Feng ay lubos na mahihirapan sa paglakbay sa kuweba, lalo na't pinakamababa ang cultivation nila Liu Yue'er at Lin Fan. Ngunit sa kasalukuyang eksena, mukhang kalmado ang tatlo.
Si Lin Fan at Liu Yue'er ay tila mga guwardiya na nakatayo sa kaliwa at kanan ni Zhao Feng.