Télécharger l’application
66.39% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 488: Familiar Shadow

Chapitre 488: Familiar Shadow

Éditeur: LiberReverieGroup

Nang malaman ang impormasyon na ito, halos sigurado na si Marvin na bumaba ang Nature Power ng Supreme Jungle.

Nakakabahala ang pagbaba na ito.

Bigla niyang naalala noong pumasok siya sa World Tree para patayin si Diggles.

'Iyon ba ang dahilan kung bakit ako pinagdududahan ng Migratory Bird Council?'

Agad itong naisip ni Marvin.

Makatwiran naman ito.

Sa mata ng Migratory Bird Council si Marvin ay isang tao lang na biglang lumitaw mula sa kawalan. Bukod sa kanya, at sa apostle ng azure matriarch, wala nang iba pang nakalapit sa World Tree noong mga nakaraan.

Malaking problema ito.

Saglit siyang nag-isip. Malinaw ang layunin ni Old Ent. Gusto nitong makumpirma kung si Marvin nga o hindi ang responsible sa paghina ng Nature Power.

At dahil doon, hindi na siya nagtago ay direktang nagtungo sa Jadietr Cit

Hindi nagtagal ay naabot na niya ang kaibuturan ng Sanctuary.

Lalong naging mas mayabong ang kagubatan sa malayo at napakataas ng mga puno nito. Nabalot naman ng mga putting ulap ang mga tuktok ng puno, hanggang sa makita na niya ang siyudad na nasa gitna ng mga ulap.

Ito ang Jadeite City, ang siyudad na naitayo sa mga puno at ulap!

Dito nakatira ang mga Great Druid, binabantayan nila ang World Tree at mga inheritance na nagmula sa nakaraan. Sa pagkakaalam ni Marvin, mayroong dalawang natutulog na Guardian Dragon doon!

Nang makarating siya sa harap ng Jadeiete City, binuhay niya ang kanyang mga Domain!

Shadow at Slaughter!

Sa isang iglap, naramdaman niyang mayroong tumingin sa kanya.

Nanggaling ito sa taas ng dagat ng ulap.

Ngumiti si Marvin.

Matapos niyang pakawalan ang kanyang kapangyarihan sa Sanctuary, napansin kaagad siya ng nagmamay-ari nito.

Iyon ang nais na mangyari ni Marvin. Lalo pa't ang una niyang kailangan gawin ay linawin ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan niya at ng Migratory Bird Council.

Tila mabigat ang pakiramdam sa loob ng treehouse na mayroong bali-balikong ugat.

Matapos ang pagbati, ang ilang Great Druid ay natahimik, na para bang natutulog ang mga ito.

Tanging ang Chairman ng Migratory Bird Council, si Old Ent, ang patuloy na sumisiyasat kay Marvin, na para bang namamangha ito.

Dahil walang ginawang mali si Marvin, hindi siya natatakot sa pagsusuring ito.

Pero hindi niya rin masabi na nanggaling na siya sa Supreme Jungle sa nakaraan niyang buhay kaya napansin niyang bumaba nang labis ang Nature Power nito. Kaya nagpanggap siya na wala siyang alam.

"Kagalang-galang na Chairman." Nagsimulang magsalita si Marvin at tiningnan si Old Ent. "Tulad ng hiniling niyo sa inyong sulat, narito na ako."

"Ipagpaumanhin niyo kung magiging direkta ako. Hindi ko kinukwestyon ang desisyon ng Council pero parang hindi tama ang naging hatol niyo kay Endless Ocean. Alam naman nating lahat kung gaano kalakas si Dark Phoenix, kung hindi dahil sa pag-selyo ng apat na totemic pillar sa kapangyarihan niya, hindi ko sana siya nagawang patayin."

Alam n ani Marvin na hindi ang apat na totemic pillar ang magiging sentro ng kanilang usapan, pero kailangan niya pa ring ipagpatuloy ang pagpapanggap.

At gaya ng inaasahan, matapos ang kanyang sinabi, hindi maipinta ang reaksyon ng mga Great Druid sa kanilang mga mukha.

Natawa naman si Marvin sa kanyang loob-loob.

Masyadong matapat ang mga Great Druid na ito at hindi nila kayang magsinungaling.

Base sa kanilang reaksyon, mukhang maayos naman ang kalagayan ni Endless Ocean.

Ang paghahatol ay para sa kanya. Ang layunin nila noong una pa lang ay mapapunta siya sa Jadeite City.

Habang iniisip ito, hindi napigilan ngumisi ni Marvin.

Basta mapatunayan niyang wala siyang kinalaman tungkol sa pagbaba ng Nature Power, siguradong mahihiya ang mga Great Druid sa kanya dahil sa paghihinala ng mga ito sa kanya.

At kapag nangyari iyon, kung may gustuhin man siyang makuha, madali na niya itong makukuha.

Bigla naman nagsalita na si Old Ent, "Pasensya na, Mister Marvin. Mukhang nagkamali kami ng desisyon."

"Nilinlang ka namin. Hindi nahatulan ng habang-buhay na pagkakakulong si Endless Ocean. Sa kabilang banda, ang partisipasyon niya sa pagpatay kay Dark Phoenix ay sapat na para makabawi sa pagnakaw niya ng mga totemic pillar."

"Sa katunayan, hindi namin siya pinahirapan."

Tumaas ang isang kilay ni Marvin.

Nabigla siya ng matandang ito.

Direkta itong humingi ng tawad… Hindi kaya napagtanto na nito na hindi siya ang may sala?

Isa pa, gusto niya lang pahagingan ang pagpapatawag kay Marvin dito gamit ang isang simpleng paghingi ng tawad?

Parang may mali.

Inirap ni Marvin ang kanyang mata at nagpanggap na nagalit. "Ano? Pinapunta niyo ako rito para pagsinungalingan?"

"Hindi ko naisip na ang dakilang Migratory Bird Council ay manlilinlang ng iba, lalo na sa kakampi nila."

Hindi muli maipinta ang mukha ng mga Great Druid.

Bumuntong-hininga si Old Ent, tinitigan nito si Marvin bagomabagal na sinabing, "Masyadong komplikado ang bagay na ito. Patawarin mo kami sa nagawa namin."

"Kung nauunawaan mo ang ugat ng problema, sigurado akong mauunawaan mo ang aming nagawa."

Napamura sa kanyang isip si Marvin. Malinaw na gustong ayusin ito ng matanda nang walang iinibigay na kahit ano kay Marvin.

Pero magalang na nagtanong si Marvin, "Gusto kong malaman, ano ang ugat ng problemang 'to?"

Umubo si Sky Fury, at sumabat, "Marvin, ang mga nakataaas lang ng Supreme Jungle ang may kinalaman dito. Kinalulungkot ko pero hindi naming pwedeng…"

Pero itinaas ni Old Ent ang kanyang kamay. "Walang problema doon. Kailangan natin magbigay ng paliwanag kay Mister Marvin."

"Kapag pinaalam natin sa kanya ang buong istroya, maaayos nito ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan natin."

Nang marinig ang tapat na tono ni Old Ent, bahagyang hindi napakali si Marvin.

Napakakonserbatibo ng mga Druid at bibihira silang maglabas ng mga napakahalagang impormasyon.

Noong una ay balak lang ni Marvin na makakuha ng ilang bagay at mabawi sina Endless Ocean at Constantine, pero hindi niya inasahan na masasangkot siya sa mga lihim ng Supreme Jungle.

Anong pinaplano ni Old Ent?

Hindi na bingyan ng pagkakataon ni Old Ent na makapgsalita si Marvin at agad na itong nagsimula.

Wala nang magawa si Marvin kundi makinig na lang.

Ang kwento ni Old Ent ay maikli lang pero detalyado, pero ang nilalaman nito ay higit pa sa inaasahan ni Marvin. Kaya naman pala ganoon ang naging pakikitungo ng mga Druid sa kanya at pinili siyang magpunta ng Supreme Jungle.

Nalalanta na ang World Tree.

Hindi lang ito simleng bagay. Isa itong malaking kaganapan sa Feinan!

Walang nabalitaang ganito si Marvin sa laro!

Siguradong dahil muli ito sa kanyang pag-transmigrate.

Nang marinig niya ito, napaisip nang malalim si Marvin.

'Siguradong hindi natural ang pagkalanta ng World Tree at mayroong may pakana nito. May aninong pinakita sa Divination, kaya hindi na nakapagtataka na pinaghinalaan nila ako. Lalo pa at pumasok ako sa World Tree ilang buwan lang ang nakalipas!'

'Hindi kaya mayroon sumunod sa akin noong oras na iyon?'

Habang iniisip ito, hindi mapigilang kilabutan ni Marvin.

Tinitigan niya ang anino sa kamay ni Old Ent at naramdamang tila pamilyar ito.

Tila ba nakita na niya ito dati, pero hindi niya ito maalala.

Umalingawngaw ang boses ni Old Ent, "Noong una ay pinaghinalaan ka naming na ikaw ang may sala sa pagkalanta ng World Tree. Lalo pa at eksakto ang isang Ruler of the Night na may Shadow Domain sa pinapakita ng Divination."

"Pero nakakita ako ng isa pang Domain sa iyong katawan at naunawaan ko na wala kang kinalaman dito."

"Ang anino sa Divination ay masama pero Dalisay ito. Siguradong isa itong expert na mayroon lang iisang Domain."

"Patawarin mo kami kung pinagdudahan ka namin."

Biglang kinilabutan si Marvin.

Naalala na niya kung bakit pamilyar ang anino!


Load failed, please RETRY

Cadeaux

Cadeau -- Cadeau reçu

    État de l’alimentation hebdomadaire

    Rank -- Classement Power Stone
    Stone -- Power stone

    Chapitres de déverrouillage par lots

    Table des matières

    Options d'affichage

    Arrière-plan

    Police

    Taille

    Commentaires sur les chapitres

    Écrire un avis État de lecture: C488
    Échec de la publication. Veuillez réessayer
    • Qualité de la traduction
    • Stabilité des mises à jour
    • Développement de l’histoire
    • Conception des personnages
    • Contexte du monde

    Le score total 0.0

    Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
    Votez avec Power Stone
    Rank NO.-- Classement de puissance
    Stone -- Pierre de Pouvoir
    signaler du contenu inapproprié
    Astuce d’erreur

    Signaler un abus

    Commentaires de paragraphe

    Connectez-vous