Télécharger l’application
29.79% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 219: Fountain of Youth

Chapitre 219: Fountain of Youth

Éditeur: LiberReverieGroup

Ang sunod na pagsubok ay para sa bilis ng kanyang mga paa.

Dinala si Marvin sa isang espesyal na kwarto. Mayroon lang dalawang pinto, na magkalayo, ang kwartong ito.

Kailangan makatawid si Marvin kwartong ito sa loob ng labing-limang segundo.

Ang pinakamahalagang bagay sa loob ng kwato ay ang mga balakid dito.

Waang emosyong tiningnan ni Marvin ang napakaraming [Explosion Mushrooms] sa loob ng kwarto.

Bawat Explosion Mushroom ay mabagal ang pagkilos.

Pero kahit na hindi ito maapakan basta malapit ka rito ay kusa itong sasabog.

Mapanganib na mga bagay ang mga ito.

Ang mas nakakatakot pa dito ay kapag sumabok ang isa sa mga Explosion Mushroom, ang pwersa mula dito ay magiging dahilan ng pagsabog ng katabi nitong Explosion Mushroom hanggang sa mga tuloy-tuloy na ito.

Sa madaling salita, kapag nagkamali ka ng kahit isang hakbang, sasabog na ang buong silid.

MAraming tao ang agad na sumusuko sa oras na makita ang pagsubok na ito.

Napakalakas ng pagsabog ng ng mga Explosion Mushroom. Ang mga Assassin, na mayroong mahihinang katawan, ay tiyak na mamamatay kapag sumabog ang mga ito.

Sinusubok nito ang talas ng isip, husay sa pakilos, reaksyon, at bilis ng kalahok.

Maraming mga nanunod kay Marvin.

Gusto nilang makita kung ano ang pamamaraang gagamitin ni Marvin, nakatalo sa isang taong malapit na sanang maging isang 4th rank assassin, sa pagsubok na ito.

Malamang ay kung aksidente mang maapakan ni Marvin ang isang Explosion Mushroom ay magpapalakpakan ang mga ito.

Lalo pa, walang Assassin ang may gustong makalampas sa hamon ng King Assassin ang ibang mga class.

Isa itong malaking kahihiyan para sa buong Assassin class!

Hindi pa man tapos ipaliwanag ng mga kawani ang mga patakaran para sa mapanganib na silid na ito kay Marvin nang bigla itong sumabat."Pwede na ba akong magsimula?"

Natigilan ang kawani hanggang sa sinabi nitong, "Sige."

"Hihintayin kita sa dulo…"

Pero bago pa muli itong matapos ay bigla nang nawala si Marvin!

Tila kidlat sa bilis kumilos si Marvin, nilalampasan niya ang mga kabuteng mabagal ang pagkilos!

Bawat hakbang ay sigurado at malakas, perpektong-perpekto ito.

"Woosh!"

"Sa loob lang ng tatlong segundo, nakarating na agad si Marvin sa dulo ng silid!

Lahat ng kabute ay maayos at walang sumabog.

Napanganga ang kawani, hindi ito makapaniwala sa kanyang nasaksihan.

Wala ring masabi ang mga manunuod.

Ang bilis na ito… Napagtanto nilang lahat na ang Dexterity ni Marvin ay higit sa 25 dahil ginamit nito ang Flicker sa pagtawid sa kwarto.

Pero hindi pa ang 25 na Dexterity ang pinakamahalagang bagay sa pagtawid dito.

Mas mahalaga pa rin ang pagdedesisyon ni Marvin at ang mga karanasan nito.

Kasabay ng Demon Hunter Steps, nilampasan niya ang pagsubok na ito na tila naglalakad lang sa isang parke.

Walang kahirap-hirap niyang nalampasan ang ikalawang pagsubok.

Muli na namang naglevel-up ang Straight Dagger Mastery ni Marvin at naging [Apprentice[ level na ito.

Ikatlong Pagsubok. Escape Room. 

Mapanganib para sa mga pangkaraniwang tao ang pagsubok na ito.

Ang humahamon ay itatali sa isang upuang naka-kabit sa sahig habang nakatali naman ang mga kamay nito sa kanyang likuran at nasa loob ng isang naka-kandadong kulungan.

Una na itong gagawin.

At biglang pgsisimula ng pagsubok, magsisimulang pumasok ang tubig sa kwarto hanggang sa nakalubog na ang kulungang bakal sa tubig.

Kung hindi makawala ang humahamon sa pagkakagapos at makalabas sa kulungan, malulunod ito.

Ang pagtakas ay isang mahalagang skill rin para sa isang King Assassin.

Sasabihan naman agad ang humahamon na sa loob ng tatlumpung segundo ay malulubog na sa tubig ang upuan at ang buong kulungan ay lulubog na sa tubig sa loob ng dalawang minute.

Sa madaling sa lita, kung hindi ka makakatakas sa kulungan sa loob ng dalawang minuto, maaari silang sumuko o mamatay.

Naka-kandado ang kulungang ito kaya naman kakailanganin ng mataas na Lockpicking skill. Pero syempre, kailangan munang makawala mula sa pagkakagapos.

Hindi magagamitan ni Marvin ng Lockpick ito at wala rin siyang [Bone Shrink] skill para makawala mula sa pagkakagapos.

Pero mayroon siyang kaalaman! May alam siyang lusot sa pagsubok na ito.

Hindi na siya nag-alinlagan at agad na sinimulan ito.

Tahimik na nanunuod ang lahat habang nagsisimula namang umagos ang tubig sa kwarto.

Nanatiling mahinahon si Marvin. Agad namang umalog ang mga kamay nito na nasa kanyang likuran.

Hindi nagtagal, umabot na sa kanyang tiyan ang tubig.

Pero iyon ang puntong tumayo siya mula sa upuan!

Napailing ang mga manonood.

Hindi naman sila nabigla dito, dahil siguradong handang-handa ang Ranger na ito!

Hindi naman nahirapan si Marvin na tanggalin ang taling nakagapos sa kanyang mga kamay. Kahit na walang Bone Shrink skill, kaya pa rin niyang pakawalan ang kanyang sarili.

Nararapat lang sa kanya ang dati niyang titulong Ruler of the Night. Kung hindi niya kayang malagpasan ang maliliit na bagay na tulad nito, hindi siya magiging magtatagumpay sa pagiging Ruler of the Night.

Ang susunod na hakbang naman ang mahalaga. Umabot na sa kanyang ulo ang tubig.

Kahit pa mayroon siyang mga kagamitan para sa Lockpicking, kakailanganin pa rin niyang gawin ito sa ilalim ng tubig.

Subalit wala rin naman siyang kagamitan!

Hindi naman siya isang Thief! Hindi rin siya isang Assassin! Hindi niya natutunan ang Lockpick skill.

Pero may alam siyang ibang paraan.

Sa harap ng lahat ng nanunuod, lumangoy si Marvin patungo sa ilalim at agad na nakarating kung saan nanggagaling ang tubig. Mayroong bakod na gawa sa bakal na humaharang dito.

Patuloy lang niyang pinigilan ang paghinga habang kinakapa ang bakod. Hinila niya ito nang malakas at agad na natanggal ito!

Kahit na hindi ganoon kataas ang kanyang Strength, palamuti lang na maituturing ang bakod na ito.

Agad naman siyang pumasok dito!

Paglipas ng sampung Segundo, umahon si Marvin mula sa isang patubigan sa labas ng silid.

Basang-basa ito at bahangyang namumutla, pero manghang-mangha naman siyang tiningnan ng lahat.

"Ano? Nalilimutan niyo atang ianunsyo ang resulta ng ikatlong pagsubok?"

Tiningnan niya ang isang kawani na hindi makapaniwala sa natunghayan.

Sadyang natuliro ito.

Ngayon lang siya nakakita ng ganitong paraan ng pagtakas!

Marami na itong nakitang Lockpicking Masters na gumagamit ng simpleng alambre para buksan ang kumlikadong kandado sa labas ng kulungan. Pero hindi nila naisip na hindi lang ito ang tanging paraan para makalabas.

"Nandaya siya!" sigaw ng isang nanunuod.

Bahgyang nagdalawang isip ang isang kawani, saka nito inilabas ang librong naglalaman ng mga patakaran.

– King Assassin's Rulebook –

Binasa niya ito ng mabuti, pagkalipas ng anim hangang pitong minuto, saka nito serysong sinabi na, "Walang nakalagay dito na nagbabawal sa paggamit ng ganitong paraa…"

"Kaya naman, nakapasa ka sa ikatlong pagsubok."

Ngumiti si Marvin.

Naglevel up na sa [Expert] ang kanyang Straight Dagger Mastery!

Pagkatapos ng laban ni Marvin sa Heavenly Sword Saint, naglevel up na sa [Master], mula [Expert], ang Curved Dagger Mastery ni Marvin.

At ngayon namang, naglevel up ng ganito kabilis ang kanyang Straight Dagger Mastery. Iniisahan niya lang ang sistema.

Pero wala nang magagawa tungkol dito. Wala namang nagsabi sa kanya ng mga bagay na ito sa kanyang dating buhay.

Magmula sa ika-apat na pagsubok, hindi na bukas sa publiko ang hamon ng King Assassin.

Dahil ang ika-apat na pagsuok ay [Assassination]!

Pipili ng nararapat na taong may pabuya ang Assassin Alliance at saka nila ipapadala ang humahamon para patayin ito.

Kung maging matagumpay ang pagpatay, tagumpay na rin siya sa pagsubok.

Pero pinili ni Marvin na sumuko.

Ikinagulat naman ng mga kawani ang kanyang desisyon.

Paano niya nagawang sumuko kung ganito na kalayo ang naabot niya?

Isa pa, kung matapos niya ang limang pagsubok, makukuha na niya ang [King Assassin] na titolo!

Kahit na medyo kakaibang makakuha ng titolong King Assassin ang isang Ranger, isa pa rin itong malaking karangalan.

Naging direkta si Marvin. Masyadong mahirap ang pumatay ng isang makapangyarihang tao, at isa pa, mayroong pang ikalimang pagsubok. Sa tingin niya ay hindi niya kakayanin ang ikalimang pagsubok.

Para naman sa titolo ng King Assassin, kahit pa marami itong mga bonus, para naman ito sa mga skill na wala si Marvin kaya wala ring silbi ang mga ito.

Hindi rin niya nalimutan ang tunay na dahilan kung bakit siya lumahok sa hamon na ito. At dahil naabot na niya ang kanyang pakay, ang pag-atras ang tamang desisyon.

Sa Shadow Valley, sa isang silid.

"Binabati kita, Sir Marvin. Nalampasan moa ng mga pagsubok ng hamon ng King Assassin. At tulad ng hiniling mo, sa iyo na ang pass na ito."

.

Inabot ni One-Eyed Byrd ang isang itim na pass kay Marvin.

Mayroon ding tatlong maliliit na mga medalyon kasama ng pass.

Bawat medalyon ay kumakatawan sa isang pagsubok sa hamon ng King Assassin.

Kung balang araw ay maisipang tapusin ito ni Marvin, maaari niyang iabot ang tatlong ito at direktang magsimula sa ika-apat na pagsubok.

"Pero binabalaan kita, maraming panganib ang nakapalibot sa Dark Hole. Karamihan sa mga taong pumapasok doon ay hindi na nakakalabas nang buhay," babala ni Byrd.

Tumango si Marvin.

Para sa mga taong nasa lupa, nakakatakot na lugar ang Underdark.

Pero para sa tulad ni Marvin na may sapat na karanasan at Dark Sight, basta mag-ingat siya at hindi niya galitin ang mga malalakas na nilalang, pwede siyang makalusot dito nang ligtas.

Pagkatapos niyang makuha ang pass, naghanda nang umalis si Marvin.

Nang biglang sinabi ni One-Eyed Byrd na, "Mister Marvin, pambihira ang ipinamalas mo sa hamon ng King Assassin. Kaya naman naging interesado sayo ang isang kaibigan ko. May gusto sana siyang ipagkatiwala sayo."

"Naisip ko lang kung interesado ka?"

"Magbibigay kami ng malaking pabuya."

Nagdalawang-isip si Marvin, at bigla niyang naalala ang nakapaskil sa labas ng Kassemuir.

"Tungkol ba to sa mga pagpatay sa mga White Deer?"

"Hindi ba ang Holy Maiden ng inyong Bai clan ang dapat umaasikaso nito?" tanong ni Marvin na tila nasupresa. "Bakit gusto niyo pang kumuha ng taga-labas?

"Dahil peke ang Holy Maiden." Isang matandang boses ang nanggaling sa likod ng pinto.

Pagkatapos ay isang matandang lalaki na inaalalayan ng isang dalagang katulong ang pumasok.

Makikita ang paggalang sa mukha ni Byrd. "Sir Priest."

Tumango naman ang matandang lalaki kay Marvin, "Ito ba si Viscount Marvin? Totoo palang bata ka pa gaya ng sabi sa mga balita."

Tumayo naman si Marvin at bumati pabalik.

Saglit na nag-usap ang dalawang panig at nalaman ni Marvin na isa pa lang High Priest ng Bai ang matandang ito, ang lalaking nagsisilbi sa White Deer Holy Spirit.

"Tatlupung minuto pa lang ang nakakalipas nang matagpuan naming ang bangkay ng Holy Maiden Monica."

"Malinaw na ang babaeng nakita sa Kassemuir ay isang impostor."

"Mayroong patuloy na pumapatay sa mga White Deer. Kailangang mapigilan ito. Sa kasamaang palad,ang natatangin ebdensyang nakuha naming ay tinuturo ang isang lugar na hindi kayang pasukin ng aming mga tauhan."

"Kaya naman kailangan naming ng tulong mo."

Saglit na nag-isip si Marvin, "Sa totoo lang, wala na akong masyadong oras…"

"Pakinggan mo muna ang pabuyang ibibigay naming." Malinaw na kapamilya ng High Priest si One-Eyed Byrd. Tiningnan niya si Marvin at sinabing, "Ang Fountain of Youth."

Huminga ng malalim si Marvin dahil sa gulat at walang alinlangan na sumagot.

"Sige."


Load failed, please RETRY

Cadeaux

Cadeau -- Cadeau reçu

    État de l’alimentation hebdomadaire

    Rank -- Classement Power Stone
    Stone -- Power stone

    Chapitres de déverrouillage par lots

    Table des matières

    Options d'affichage

    Arrière-plan

    Police

    Taille

    Commentaires sur les chapitres

    Écrire un avis État de lecture: C219
    Échec de la publication. Veuillez réessayer
    • Qualité de la traduction
    • Stabilité des mises à jour
    • Développement de l’histoire
    • Conception des personnages
    • Contexte du monde

    Le score total 0.0

    Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
    Votez avec Power Stone
    Rank NO.-- Classement de puissance
    Stone -- Pierre de Pouvoir
    signaler du contenu inapproprié
    Astuce d’erreur

    Signaler un abus

    Commentaires de paragraphe

    Connectez-vous