"Instructor Chu" nag mamadaling pumunta sa kanya para kabigin siya ng sundalo na ang damit ay khaki kakulay ng baluti. Habang hinihingal at nag salita, "May taong pumunta rito para sayo"
"para sakin?" nagulat si Chu Qiao habang binababa ang pana at tumalon papunta sa platform. At nag tanong, "Sino?"
"Instructor Chu!" Isang matipunong lalaki ang taos pusong nakangiting sumisigaw habang winawagayway ang pana, "Gusto mo bang makipaglaban?"
"Naitalo mona ang iyong robe sa akin. Hindi ka parin tumitig sa susunod o mamaya wala kanang susuotin!" Isan babae ang lumingon at sumigaw na malutong ang tono. At lahat ng kasamahan nasa paligid ay bumalahaw ng tawa habang inaasar nila ang lalaking nag hahamon ng kalaban.
Natawa ang nag padala ng mensahe kasama ang mga tao na pinpakita ang kaputian ng ngipin habang ngumingiti. Sabi nito, "Hindi ako sigurado. Parang galing siya sa ceremonial department. Maraming mga tao roon."
Napasimangot si Chu Qiao. Sinong pupunta para pang makita siya? Hindi ba na sabihan si Yan Xun na ang isyu sa pag lalaban nila ng Prince Tang ay matagal ng naiayos? Bakit maraming tao ang nag hahanap sa isang lamang taga turi ng archery tulad niya?
"Tara at tingnan natin." Tumalon si Chu Qiao sa isa pang kabayo at sumunod sa nag balita sakanya at kinabig papuntang sa main camp tent.
Makikita sa malayo ang Cavalry Camp ay pambihira ang pag ka abala kasama ang golden dragon na bandila ay wumagayway sa hangin,ang mga officer ng ceremonial ay nag lalakad sa paligid at ang mga babaeng nagagandahan ay may hawak na manigat na na pinggan sa kanilang braso. Ang kanilang supervisor sa ceremonial ay nakasuot ng pinakamahusay na damit habang respetong sumusunod sa likod ng mga piling tao. Ang mga nakailerang nag kikintabang kahon ay nakalag sa harapan ng tent at walang nakakaalam kung anong kayamanan ang nasa loob.
Bumaloktot ang kilay ni Zhao Qi at sumimangot habang umungol sa Vice-General Cheng, "Asan ang ika Seventh Royal na kamahalan? Bakit wala pa siya?"
Tagaktak na ang pawis ni Vice-General Cheng at hindi sugurado kung ano ang nangyayari. Sumagot siya sa mababang tinig, "Pupunta siya rito. Nag padala na ko ng mensahe para sa kanya."
"Kung ganoon ay lahat naman ay okay. Tingin ko ay maraming pwedeng tingnan rito sa barraks." Ay isang nakakalokong tinig na tunog sa tabi nito.
Mabilis narinig ni Zhao Qi ito, nag umpisang sumakit ang ulo nito at nag salita, "Aking Prince pwede bang magtanong kung bakit gusto niyo laging pumunta sa cam ni Seventh Brother?"
"Malalaman mo rin sa susunod." Li Ce ay naka damit ng banayad na pulang robe na naka Phoenix at dragon na burda sa ibaba ng robe. Ito ay makintab at kakaibang amoy. Ang mabalahibo na coat ay gawa sa kulay pulang fox ay nakapulopot sa katawan nito habang ang mga mat ay mapangakit. Malamig na araw pero sa halip ay nag papaypay pa siya. Lahat ay nakatingin sa kanya at nag kikiskisan ang mga ngipin.
Isinuspa ni Zhao Qi na hindi niya nakayang tagalan pa ito. Sa buong dalawang araw ay sinusunod niya ang taong ito kahit san man ito pumunta. Nung una ay nag rereklamo ito na walang hangin matulog sa Sheng Jin Palace. Pagkatapos sa maabalang gabi ay naging maaliwalas na rin ang Palace. Ngunit nag reklamo parin ito na masyado daw malamig. Sa unang umaga naman ay nagreklamo siya na mga panget ang mga alipin sa palace at hindi gusto mag umagahan. Habang nag hahanap ng maganda para maglingkod sa kanya para sa umagahn nito ngunit nag reklamo siya na hindi raw ito marunong bumigkas ng tula. Kapag lagi itong kumakain ay lalo itong mapili at mapag reklamo kagaya ng dahon ng tsaa ay hindi bagong pitas at ang mga bota ay hindi malambot katulad ng unan at ginigising niya ito kapag natutulog habang nag lalakad sa paligid ng lungsod. Sa maikling salita ay kapag naroon siya ay maraming reklamo sa mga bagay bagay na wala nang katapusan.
Pinahihiran niyo si Zhao Qi. Nararamdaman ni Zhao Qi na makipag bangayan sa pagitan ng kanyang kapatid na madaling makaya kompara sa Prince Tang. Hindi niya parin batid kung bakit nag dala siya ng marami rito Camp. Bago rito, ay may suspetsya na ang Prince ay may balak at malihim na tao na nag papanggap na walang alam. Pero ngayon isang daang porsyento na sigurado siya na masa ito at wala sa katwiran.
"Aiya! Nandito sila!" Nag liliwanag ang mga mat ni Li Ce. Bago makita ni Zhao Qi ng malinaw ay nahila na siya ni Li Ce sa tabi na nag tanong na may kaba, "Anong itsura ko ngayon? Anong amoy ko? Para ba akong magaspang? Tingnan mo ang bota ko ibinigay ito ni King Mo Han galing sa Northwest. sapat na ba ang ganda nito?"
Napabuga si Zhao Qi ng parang walang lunas na at tumango. " Oo Maganda naman lahat."
Nang umapak siya sa tent aynakita ni Chu Qiao ang mga samahan galing sa Green Army ni Zhao Qi. Napakunot si Chu Qiao at napa isip na mag ingat. Anong nangyayari? Bakit hinanap siya ni Zhao Qi? Binunyag ba ni Yan Xun ang bagay na iyon?
Sa pangyayaring ito, Humalo siya sa mga tao at tumingin siya sa mga Official ceremonial department na naka simangot sa kanya. Ang matanila ay may pagtataka kung ano ang nangyayari. Napawi ang nararamdaman niya sa puso. Kung ang plano ni Yan Xun ay nabigo ay dinala lang ni Zhao Qi ang kanyang mga Green Army rito. Akit niya dinala dito sa Ceremonial department? Mga bagay na hindi niya maintindihan.
"General Chu Qiao batiin mo ang iyong Third…"
"Haha tingnan nating kung makaligtas ka pa sa pag kakataong ito!" Isang maliwanag na kulay pula na pigura na tumalon papunta sa likod niya at hinawakan siya ng mahigpit sa braso. Lahat ay nagulat sa mga nakita nila. Bago sila maka pag react ay ang dalaga ay naka pagreact na animoy may umataking kalaban. Tumalon siya sa taas kasing bilis ng kidlat at para makawala sa pag kakahawak at masaklaw ito. Malutong na pag kabali ang maririnig sa nabaluktot na braso para ma ikulong at inungudngud sa sahig ang kalaban sa ilang segundang lang!
"Sino ito?" Sabi ni Chu Qiao sa nakakaginaw na tono.
Ang pinakamamahal na anak na lalaki ng Emperor Tang ay nahirapang itaas ang uluhan at ngumingiti parin na malibog ang tingin. Natutuwang sabi niya, "Napaka gaspang. Ako ito , hindi mo ba ako naaalala?"
Ang Official ng Xia Empire ay nagulat habang nakatingin kay Tang Prince habang naka dapa sa sahig. At bumalik ang tingin nila kay Zhang Qi ang Third Prince. Bago nila inalis ang tingin nila sa nakakapagtakang dalagita na si Chu Qiao. Lahat ay nagulantang walang gustong mag salita. Ang sugo ng ambassador galing pa sa Tang Empire ay may sakit na mamabakas sa ekspresyon at ani moy na alam na nila ito ang pangyayayri.
Si Zhao Qi ang unang kumalma at umabanti palapit at hinakblot niya si Chu Qiao, "Ang lakas ng loob mo! Paano ka hindi gumagalang kay Prince Tang! Isang crimen ito!"
Nagulat si Chu Qiao at biglang binitawan at gustong humingi ng kapatawaran at biglang gumapang pataas si Li Ce at sumigaw ng mahigpit kay Zhao Qi, "Isa kang mangahas! Balak ko siyang pakasalan. Heto at may dala pa akong dote. Pumasok kayo at dalhin rito!" Daan daang Malalaking kahon ang pinasok sa loob. Habang itoy binubuksan ay puno ngmaraming ginto at pilak na kayamanan na nag liliwaang at nag kikinangan sa loob ng kahon. Laaht ng tao ay nagulantang.
Nanlamig si Chu Qiao habang nakatayo sa kinatatyuan niya at tanaw ang nakakagulat na bagay. Napasimangot siya ng maubusan siya ng emosyon. Sino ang makakapag sabi sa kanya kung ano ba talaga ang nangyayari?
Lumipas ang malamig nahangin at bumalik ang tag init. Habang naka bukas ang bintana ay tanaw rito ang klarong natutunaw na ang nyebe at mawala ang nyebe ng lubusan. Ang ilog nag bukas na. Ang southern sparrow ay bumalik na sa north humuhuni ng masaya. Isang tugtug sa pandinig.
Yan Xun ay siguradong masaya ito ngayon. Nagawa niya maalis ang isa sa mga kalaban niya, ang malaking pasan niya na wala at nakaginhawa sa dibdib niya. Ang kanyang kasuotan ay kulay na berde sa robe na may kasamang sinturan na pinaresan ng kulay. Ang kanyang kulay ay kay puti ang mga titig nito ay napakalamig at kagalang galang at ang aura ay nag papahiwatig ng pagiging maginoo. At sa mga oras na to siya ay nakaulo sa pavillion sa ilog at sumisipsip ng tsaa habang nasusunog ang insenso na pumaligid ang amoy ng usok nito. Ang usok ay tumaas sa himpapawid at ang hangin ay hindi gumagalaw at nakasalungat ito. Mahina na pagpitas ng kudyapi ang maririnig sa lapit ng Dong Hua Garden. At kapag tumingin ka sa ibang bahagi ng ilog kasama ang nasa likuran na kabundukan ay aakalain mo na parang isang litrato na walang makikitang kahit anong bakas na ito ay isang mundo.
Mahabang panahon na rin bago siya makapag pahinga.
Katanghalalian na ang mga kabayo ay nag sipuntahan sa Sheng Jin Palace. Magambala ang minsan lang na karera at katahimikan. "My Prince," may dala si AhJing na matitipunong alipin galing sa Ying Ge Court patakbo sa kinaroroonan niya sa pavillion. Sumigaw siya ng paalis na sa pavillion si Yan Xun, "may masamang nangyayari."
Isang malamig na umihip ng mabilis sa robe ni Yan Xun. Tumalima siya at humarap kay AhJing na walang pagiingat na nagmadali. "Bakit ka masyadong nagpapanic?" Kalmadong tinig niya na hindi man lang nagbabago at ang kilos ay walang kinikimkim. Hindi maintindihan ni AhJing ang ugali niya. Hinihingal siyang nagsasalita, "Pumunta si Prince Tang sa Calvary Camp at sinabi na papakasalan niya raw ang tagaturo ng archery!"
"Paano makakaapekto ang pag papakasal ng Prince Tang sa akin?" Tinaasan niya ito na kilay sa pag sasalita ng banayad na tinig. Pagkatapos non ay tumalikod na at tumuloy na sa pag lalakad.
Natigilan si AhJing at napatingin sa kasamahan at ang puso niya napuno ng kasiyahan at kasukdulang respeto. Natuto na sa wakas na magawa ngPrince na tumingin sa malaking larawan at isinantabi nito ang pagmamahal na nararamdaman? Si Miss Chu at si Prince ay sabay na lumaki at ang kanilang relasyon ay kakaiba. Nagawa ba ng Prince na taglayin ang ubod na pag didisiplina at pag control na payagan ang sarili na kumalma at huminahon sa mga naririnig na balita? Ginawa ba niya na hindi alam na sumuko na siya sa mga bagay bagay na tiyak na gagawin na pagtugis sa mga Tong Empire?
Gayunpaman bago siya mapangiti ay natamaan siya bigla na mapagtanto niya. Ang lalaki kanina na kalmado at mahinahon ay biglang nanigas ang mga kalamnam at hinablot nito ang balikat niya at nag salita ng matigas, "Anong sabi mo? Ito ba yung taga turo ng archery? Bakit niya ito papakasalan?"
May sakit na nararamdama at nahihikbi si AhJing. "Isa lamang na babae ang taga turo ng archery sa Calvary Camp."
"Tang ina!"
"Tang ina!" Isang malaking bugso ng hangin ang pumunta sa Zhen Huang City. Sa ngayon isang malaking tonog na tinig galing sa hangin. Napalabas sa bahay si Zhao Song at nag mamadaling pumunta sa Calvary Camp sa silanganan sa tabi ng lingsod.
"Li Ce, ang Prince Tang?" Sa loob ng plum garden ng Sambahayan ng Zhuge ay may isang lalaki na nakulay lila na robe na nag kakamot ng kilay habang nag sasalita sa mababang tinig, "nag papagawa ba siya ulit ng paso?"
Ngumiti si Zhu Cheng habang yumuyuko at nag salita, "Young Master, sa pag aalam ko ay wala siya pinapagawa ng kahit ano. Ang Prince Tang ay binili niya ang Xing'er palabas ng lungsod. Natatkot siya na baka hindi pumayag ang Xia Emperor sa pag papakasal nito at dahil dito ay nag mamadaling bumalik sa Tang Empire. Ang Third Royal Prince ay hindi man lang pinag sabihan o di kaya ay hindi ito tumutol sa pangyayari. Nag padala siya ng tauhan sa kanila para bumalik at sabihin ang balita sa Palace nila."
Nangunot ang kilay ni Zhuge Yue at biglang tumayo. Iponatong nito ang coat sa balikat nito at nag pakad na palabas.
"Master san ka pupunta?"
"Mag titingin tingin lang jan."
Sa di kalayuan ay may mahinang tunog ang maririnig. Lumabas siya bago pa matapos ni Zhu Cheng ang pag sasalita. Sa isang kurap lang ay maririnig mo ang lumagapak na ingay na nag pagambala sa tamik at mahinahon na plum garden.
Nang si Yan Xun at ang mga tauhan niya ay nag mamadaling pumunta sa calvary camp habang si Prince Tang naman ay nakaalis na kasama ang mga piling kasamahan patungo sa tarangkahan ng lungsod.
Ang mga tingin ni Li Ce na palihin na parang isang lobo. Siya ay nakipag laban pa noong nakaraan at mababakas mo pa rito ang mga sugat sa gilid ng mata na naging sanhi na kakulangan sa magandang pag mumukha. Nakatali si Chu Qiao ng mahigpit sa gilid ng karwahe at nakatitig ng nakakatakot ang Prince. Ang kanyang ekspresyon ay napaka dilim na at kahit na may galit siya rito ay hindi niya kayang jindi mag salita, "My Royal Prince, si Chu Qiao hindi alam ang tunay na pagkatao ng kamahalan. At kung na nasaktan ka sa mga sinabi ko ay humihingi ako ng kapatawaran sa inyo."
Napataas ng kilay si Li Ce at ngumiti ng nakakaloko. At nag salita, "Diba ikaw si Chu Qiao? Pwede ba kitang tawaging Xiaoqiao? O di kaya Qiao'er?"
Nanigas si Chu Qiao at na ngilabot ang buhok niya sa balat. At nag salit, "Si Chu Qiao ay isa lamang mababang alipin ng kanyang pangalan ay hindi dapat nakilala sa inyong pangalan kamahalan."