Télécharger l’application
19.17% Princess Agents (Tagalog) / Chapter 56: Chapter 56

Chapitre 56: Chapter 56

Éditeur: LiberReverieGroup

Ngumiti ng banayad si Yan Xun. Uminom siya sa kanyang tsaa at sumagot, "Lahat ng sinabi mo ay tama" ang bahay ng mga bulaklak ay maligamgam sa pakiramdam. Gusting gusto ni Yan Xun ang mga orchid ang bango ng gagaling sa mga bulaklakin. Kasama ang magaang hangin na naka pagpalasing sa mga tao roon sa amoy.

tumaas ang kilay ni Yan Xun ng kaunti at na salita ng dahan dahan, "Mabuti kung ganon, AhChu anong gusto mong gawin ko?"

"Meron kanang naiisip, bakit ka pa nagtatanong?"tanong ni Chu Qiao na may pag tataka. "Kung pinakasalan mo talaga si Zhao Zhun'er talagang mamatay kana at kapag di mo naman siya papakasalan ay tumututol ka sa utos ng Hari. Iisipin niya na nag rerebelde ka at papatayinn ka. Isa kang matalinong tao.bakit hindi moa lam kung pano ibalanse ang sitwasyon sa pros at cons?" tuloy ni Chu Qiao na may ngiti sa mga labi. "sa naka ipas na pitong taon nalagpasan mo lahat ng pagsubok oh bakit isang babae lang ang nag patigil sayo? O di kaya ang emperor lang ang gumagawa ng paraan para maproteektahan ang sarili niya. Hindi pwedeng maantala tayo sa oras humihingi ako ng sorry kay Zhao Chun'er sa pag kahualing sayo."

naiba ang tingin ni Yan Xun na may pag kalungkatan at pag hihirap. "Ito ba talaga ang tunay mong nararamdaman? Paran sa tingin ko nan aka plano ka na para sa akin." Mabagal na sagot niya.

" Ikaw at ako ay matagal ng nag kasama sa maraming taon,buhay man o kamatayan sa pangyayari. Natural lang naiintindihan kita sa mga plano mo." Sagot ni Chu qiao ng seryoso, "bukod dito, kahit na hindi ako mag salita ay ikaw parin ang mag dedesiyon. Kkagbi sinabi mo na sakin."

Naglat si Yan Xun sa sinabi nito. Napangiti siya ng mapait at nag salita, "AhChu ikaw lang talaga ang nakakakilala sa akin ng lubos."

Tumayo si Chu Qiao at ngumiti habang tinatapikan niya ang balakit nito. "OO naman, lumaki tayo ng ma kasabay at mag kasama tayo sa maraming bagay at hindi yun mag babago." Sabi niya

" Mauna nako sayo kailangan ko nang pumunta sa Dauntless Cavalry Camp. Bago ako umalis pupunta muna ako kay Zhao Song para ma nga musta."

Tumango si Yan Xun at tumayo narin at nag salita, "ikamusta mo rin ako"

Tumalikkod na si Chu Qiao at lumabas. Habang siya ay nag lalakad sa pintuan ay tumigil siya at dahan dahan hunawakan niya ang kanyang kamao. Pinakawalan nyia an kanyang kamao ng tatlong beses habang hindi pa nakakaalis. Yan Xun alam na parang may sasabihin pa ngunit tumayo lang siya ng tahimik.

" Yan Xun kapag ikaw ay nag mahal ay ang mang magugulo ka lang. mar aka apng gustong gawin na hindi pa natutupad. Kaialangan mong mag bigay ng entiresado maliban sa iba."

Tahimik lang si Yan Xun habang tumitingin ng blanko sa likod ng dalaga habang nag lalaho sa patoong patong na kulay berde.

AhChu binigyan kita ng kaunting tubig ngunit ang iyong binalik ay isang malaking batis. Paano kita mababayaran?

Ang liwanag sa katang halian ay mainit init at napaka comportable pero biglang naisip ni Yan Xun ang lahat ng nangyayari nakakabulag.

Sa ika labibg apat ng marso, ang langit ay napaka tahimik habang ang nyebe ay nag uumpisa ng mahulog sa katanghalian. Ang paksang pinag uusapan sa buong Impire ay tungkol sa pakikiusap ng hari kay Yan Xun napakasalan nito ang anak na si Zhao Chun'er. Maraming haka haka ang nangyayari sa loob o labas ng Impre City. Gayunpaman sa gitna ng pangyayari na kaguluhan ay walang nakaka pansin na si Lu Ying ay gumawa nan g depensa pang sundalo nalumabas na makalipas ang isang oras. Sa kanlurang taarankahan ay bukas na nong umaga pa lang ng mga isang oras na nagyayari.

At sa ma oras nan aka tanggap sila ng balita ay umiinom si Yan Xun ng tsaa sa bahay ng mga bulaklakin. Siya ay naka suot ng putting robe na kung titingnan ay nakaka lumbay. Ang kumakanta sa balkonahe na si 'Xi Chuan Hua Ye' ay nag kalat sa buong kapaligiran.

Napa ngiti ng mapait si Yan Xun. Tumayo si Ah Jing sa tabi niya at nag hintay ng tahimik sa ibibigay na gagawin galing kay Yan Xun. Ngunit si Yan Xun ay kumaway ng mahina at nag utos ng umalis siya habang kinuha ang papel galing sa kahong musika sa tabi niya at tinapon sa tabi ng kumakanta. Ang kanta ay natigil. Kinuha niya ang papel at tumingin ito sa kanya at makikita sa mkha ang gulat sa mukha. Nag madali naman ito agad nakaka nerbyos ang tunog ng kanta na galing sa Guzheng. Ang ritmo ay malakas at matapang.

Natawa si Yan Xun at napa palakpak sa kanta. At sumabay sa tugtugin, "hawakan mo ang espada habang nakainom at taluni mo ang walong daang kaaway. Habang umaangat ang amoy ng alak gamit ng nybe para ibaon sa nawawalang mga bulaklak."

napatayo sa labas si chu Qiao sa pintuan habang nakatingin sa mg nyebe na lumilipad sa langit. At merong isang goshawk na lumipad sa uluhan niya at mga daliri niya naninigas na sa lamig.

gaano ka bilis ang kagulahan? Gaya ng nasa lupang tag lagas pagkatapos mag umpisa ang apoy ay mabilis lang kumalat at maging nakakatakot.

sa katanghalian ay nag karoon ng snowstorm kahit na maaraw. Ang mga alaala ng pag kuruna galing sa Ministry of Revenue ay na ipadala sa lamesa ng Presbyterian. Ang Ministry of Revenue ay waalng sapat na pra at pagkain para sa mga na biktimang nasalanta sa Zhong Zhou. Ang mga nabiktima ay balisa at nag umpisang magnakaw galing sa mga taong mararangya na naging sanhi ng pag kabugbug at kamatayan. Merong ibang tao na nakikipag palit ng mga palay at bigas para sa mga nabubulok na bigas na naging resulta sa maraming tao namatay dahil sa pag kalason. Halos sampong libo ang namatay. Ang mga taong mararangya ay abala sa pag iipon sa mga bulsa nila at mga alala ay kasama sa lahat ng talaan ay nawala pigla.

Ang isang bato ay nakakagawa ng libong patong aptong na alon. Lahat ng kaguluhan na nagyayari sa Capital ay nag karoon ng papaalala sa pag papakita ng kuruna.

Ang sunod na ngayari ay nakagila-gilalas na pag iimbestiga. Ang mga Presbyterian ay nag kagulo ng sadali kasama ang mga military sa isyu ng dokyumnto ng Official. Ang mga salitang nakasulat gamit ang dugo at iyak ay may malaking kahulugang iparating. Ito sng dahilan kung bakit natatakot ang mga taong mararangya. Makalipas ang oras ay isang kagila-gilalas na konklusyon ang napakita tungkol sa sakuna sa Zhong Zhou. Ang Sheng jin Palace ay kontrolado ng goberno prefecture.

Bago dumating Zhao Qi sa opisina ay pinamamahalaan ng Muhe Xifeng. Ang pag kain ng Ministry ay nakaas sa mga taong nag rarasyon para sa pag kaing Ministry at sa Military. Bukod sa alam nang lahat na ang Song Duan ay pabor sa apo ni Muhe na si Muhe Yunting. Ang kanyang estado sa Muhe family ay maiikompara sa anak na panganay na anak. Ang gobyerno ay may kulang na 800,000 yuan na ginto at 20 million na ginto para sa palay.

Ang mga taga Presbyterian. Ang taga Muhe family na si Yunke ay lumuhod ng magdamag sa harap ng sheng Jin Palace para sa kahilingan sa Emperor na maging maawain. Nag reklamo siya na hindi pa tapos ang kanilang pamilya at dahil yun sa Wei Family. Lahat ng naka lista ay puro peke at hindi mapag kakatiwalaan.

Ang Sheng Jin Palace ay handa nang isarado lahat ng pintuan at tangihan ang lahat ng gustong dumalaw. Bukod sa gusto na niyang tumigil sa pag luhod si Muhe Yunhe ay may pasekretong utos galing kay Zi Jin sa tarangkahan. Ang Muhe Family ay sirang sira na. siya ay inatasan na mamuno sa tatlompong libo na kabayo na suriin ang opisina ng taga Muhe sa ckimen. At kung sino man ang gustong sumaway sa utos ay mapaparusahan!

Habang pasekretong dinala ni Zhao Qi ang mga sundalo at kabayo papunta sa Muhe family , si Shang Sifang ay ipinadala ang maharlikang kasuotan ni Yan Xun para sa kasalan. Tumayo si Yan Xun sa gitna ng bulwagan at hindi kinalimtang gumalang ang mga gwardya.

Ang damit na pinadala ni Shang Sifang ay mahahalatang siakt ito at mamahalin. Makikitaan ng dragon naka tahi rito sa damit na nag papa kita ng maharlika. Bumaba si Chu Qiao ng kaunti para tulungan ssi Yan Xun sa pag lagay ng sinturun. Ang lakas ng amoy na styrax galing sa damit kaya na pigilan ni Chu Qiao huminga.

Ang silid ay napaka tahimik at ang lahat na tao ay lumabas. Ang anino ni Chu Qiao ay napakahina sa liwanag. Ang kanyang lees ay mababakas ang pag kaputla at ang tenga ay kay puti at ang cute. At kanyang dibdib ay nag kaakroon nang umbok. Hindi na niya kayang manloko ng tao para mag panggap na isan lalaki.

Huminga ng malalim si Yan Xun at nag tanong, "Achu, kalian ka pinanganak?"

Tumayo si Chu Qiao sa likod nito at sumagto habang iniaayos ang panali sa kanya, "hindi ko na maalala."

Natigilan si Yan Xun at naisip niya na ayaw nitong pag usapan. Sumagot siya, "malapit kanang mag labing anim na taon. Oras na para sa nalalapit na seremonya sayo."

Naiiling lang si Chu Qiao aat sumagot, "bakit kailangan payun?"

Natigilan si Yan Xun sa pag sasalita. Bumukas ang kanyang bibig ngunit walang lumalabas na kahit anong salita.

Pumunta si Chu Qiao sa tapt nito at sumimangot habang tumitingin sa mapa ng Qing Hai. Sa gilid naman ay may tatlong nakasabit na damit sa sabitan. Napaisip siya na kung may pakay kapag ginawa sila o dahil nag pabaya sila. "Hubarin mo yan, isasampay ko yan para sayo."

Nagulat si Yan Xun at sumagot, "Alam mo kung paano?"

Napataas ng kilay si Chu Qiao at tumingin sa kanya at sumagot, "Nung bata kapa , ikaw naba ang nag tatahi ng damit mo?" at napo sa taas ng lampara. Ang kilay na animo dalawang umaagos na usok.

Ang isipan ni Yan Xun ay ay napaisip ng ibang bagay. Pano niya nakalimutan napaka lamig at nag nyenyebe ng gabing iyon, na kung ang bhay parang madili mat si Chu Qiao ay naka upo sa malapit sa tsiminea kasama ang isa pinta na ilaw ng kandila na sinubukang ibura sa damit ang maharlikang damit ng babae. At dahil naka tunganga lang sila sa isa't isa ay tumulong na lang si Chu Qiao sa iba at siya ang nag bigay ng mga pagkainat mga uling.

Naaalala niya ang tindig ng dalaga. Nakayuko ito at ang katawan nito ay napaka liit. Minsan kapag hindi masyadong naka bukas ang mata nito ay yumuyuko at nilalagay niya ang ulo niya sa kanyang tuhod para umidlip. Kalmado lang siya at hindi man lang nag rereklamo kahit pagod na ito.

Mahigit sa taon na sinubukan niyang hindi alalahanin ang mga nakaraan dahil natatakot siya na ang galit ang maging dahilang nang pag kabulag niya at pag ka epekto sa mga desisyon niya. Kay hindi niya kinakalimutan ang babae na nasa harapan niya na tumulong sa kanyang mabuhay. Pinagluluto siya ng pagkain, binabantayan siya at minsan binibigyan siya nito ng gamot kapag nag kakasakit siya. Tinuran siya kung paano mag gadgad gamit ang martial art na sandata at kung pano lumaban para mapaglaban niya ang sari. Tinulungan siya nito mag sulat kung pano gumawa ng diskarte sa labanan at mag hintay kasama siya sa malaking preso. Kahit na kinukutya at na bubugbog ng iba ay hindi aprin ito nag rereklamo.

Itong babae nato ay napaka payat at mahina. Wala siya lakas ng loob o awtoridad pero meron siyang malakas ng puso sa buong mundo. Nung oras na gumuho ang mundo niya ay ginamit niya ang mahina nitong balikat para sumuporta sa kanya. Pasan nito ang kanyang balikat at ginamit nito lahat ang enerhiya at lakas para maki pag aplit sa maliit nitong pag asa para mabuhay.

"Okay." Tumayo si Chu Qiao at bumalik sa harapan niya para mag salita, "Subukan mo. Meron kapang dalawa o higit pang oras para sa nalalapit na piging. Walang mag kakakmali."

Isang mababang buntong hininga ang lumabas sa bibig ni Yan Xun. Ibinika niya kanyang braso at niyakap ito. At ipinahinga niya ang kanyang baba sa uluhan nito at nag salita, "AhChu."

Nagulat si Chu Qiao at nabato siya sa kinakatayuan niya. Bahagya niyang tinulak ang braso ni Yan Xun at nagtanong, "Anong nangyari? May nangyari ba?"

"Wag ka gumalaw," sa malambot na sagot ni Yan Xun, "Hayaan mo lang nayakapin kita sandal."

Nag umpisang kumalma ang katawan ni Chu Qiao habang niyayakap niya rin ito sa bewang. Isinandal niya ang kanyang ulo sa balikat nito at tumahimik ng sandali.

"AhChu wag mokong sisihin," malamyos na sabi ni Yan Xun sa mababang boses. "Mula noon marami na akong nagawa na bagay na hindi ka sang ayon napaka lamig sa mga bagay bagay. Kapag ikaw ay papatay wala kang awa. Pero alam ko na ikaw yung tao na ginagawa lang ang kanyang intensyon. Sa mga nangangalakal sa tsaa ng Ling Nan, sa may ari ng Bangka na si Huang Shui, mang lalakal ng bigas an si Sheng Jin at ang Official ng Yan Bei na hindi sumusunod s autos ko… maraming dugo na ang nasa kamay ko. Ayaw ko na ulit mangyari katulad ng dati na tumitingin lang sa mga taong nasa paligid na nakukutya at na papatay na walang magawa. Gayunpaman, ngayon na sinusubukan ko ang lahat at ginagawa ang makakaya ay nagagawang manipulahin parin ako ng iba at yung ang pag kakamali ko sa mga gusto kong mangyari. At sa pinaka importante ay hindi kita kayang protektahan."

napakurap si Chu Qiao at habang nakatingin sa kanya at ang gilid ng labi ay mabagal na bumaluktot pataas. Ang kanyang puso ay nag umpisang uminit at nararamdaman niya ang kakaiba at hindi mapaliwanag ang kanyang emosyon. Kahit na hindi niya maintindihan ang mga sinabi sa kanya ay iniling na lang niya ang kanysng ulo at nag salita, "Naiintindihan kita hindi mo na kailangan mag alala sakin. Ang walang takot na Calvary Camp na sundalo ay hindi nila ko masasaktan."


Load failed, please RETRY

Cadeaux

Cadeau -- Cadeau reçu

    État de l’alimentation hebdomadaire

    Rank -- Classement Power Stone
    Stone -- Power stone

    Chapitres de déverrouillage par lots

    Table des matières

    Options d'affichage

    Arrière-plan

    Police

    Taille

    Commentaires sur les chapitres

    Écrire un avis État de lecture: C56
    Échec de la publication. Veuillez réessayer
    • Qualité de la traduction
    • Stabilité des mises à jour
    • Développement de l’histoire
    • Conception des personnages
    • Contexte du monde

    Le score total 0.0

    Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
    Votez avec Power Stone
    Rank NO.-- Classement de puissance
    Stone -- Pierre de Pouvoir
    signaler du contenu inapproprié
    Astuce d’erreur

    Signaler un abus

    Commentaires de paragraphe

    Connectez-vous