Télécharger l’application
14.04% Princess Agents (Tagalog) / Chapter 41: Chapter 41

Chapitre 41: Chapter 41

Éditeur: LiberReverieGroup

Si Yan Xun na hindi maaaring makadalo sa piging ay binabawasan ang kanyang bonsai tree nang nagmamadaling pumasok si Chu Qiao. Saka lang sinabi ni Chu Qiao sa kanya ang nakita niya ng araw na iyon. Nang walang kahit anong senyales ng gulat, bumulong-bulong nalang si Yan Xun at umupo ng nakatukod ang isang paa sa kanyang mga halaman.

Ihinilig ni Chu Qiao ang ulo nang siya ay mapaisip ng malalim. Pagkatapos noon, inabutan niya si Yan Xun ng gunting at bumulong, "Sinasabi mo ba na bumalik si Zhao Che, ngunit walang intensyon na tulungan si Zhao Jue?"

Magaang ngumiti si Yan Xun. "Dalawa lang ang anak na lalaki ni Muhe Nayun, kung gustong makipagpaligsahan ng Muhe sa Wei sa pagiging Crown Prince, iisang anak lang ang kaya nilang suportahan. Ginugol ni Zhao Che ang huling apat na taon sa hangganan, malayo sa capital. Sinong makakaalam ng iniisip niya. Sa loob ng imperial family, ang kapatiran ay nasa pamilya Zhao, hehe."

Nang may malutong na crack, naputol agad ng matalas na gunting ang sanga ng orchid. Isa itong paso nang mamahaling orchid, dinala galing Nan Jiang Road papunta sa capital gamit ang pinakamabilis na kabayo. Kakalagay lang nito sa silid ng mga bulaklak. Napa-ingit si Chu Qiao nang makita niyang itinapon ni Yan Xun ang cymbidium sa gilid. Kumuha siya ng panibagong paso at nagsimulang magputol ulit.

"Sa ngayon, ang Muhe clan ay parang ako; binabawasan nila ang isa sa mga halaman nila. Wala na silang ibang pagpipilian." Ngumiti ng kaunti si Yan Xun. "Sino nagsabi sa nagtitinda ng bulaklak na dalawang paso ng orchid lang ang ipadala niya sa palasyo?"

Sa labas ng bahay, pinuno ng nyebe ang hangin sa walang bituin at buwan na gabi. Biglang napagtanto ni Chu Qiao na ang plano na binuo nila para ilagay sa gulo si Zhao Che ay lubhang nabigo. Ang prinsipe na kinakaayawan pareho ng pamilya Wei at konseho ng Grand Elder, ay nakaakyat mula sa bambang, nakarating ulit sa capital na ang puso ay puno ng poot at paghihiganti. Kahit na hindi niya alam kung sino ang totoo niyang kalaban, kailangan pareho nila Chu Qiao at Yan Xun na mag-ingat sa pagtapak simula ngayon.

"Hindi mo na kailangan mag-alala." Magaan na nakalagay ang palad ni Yan Xun sa balikat ni Chu Qiao. "Ang pagkabuhay ni Zhao Che mula sa kamatayan ay hindi na masama. Kumpara sa masamang si Wei Jing at Zhuge Yue na mahirap makasundo, ang kahinaan ng prinsipeng ito ay masyadong halata."

Iyong gabing iyon din na ang Eight Prince Zhao Jue, na paborito ng Emperor, ay lihim na pinatay sa loob ng State House sa capital. Naayon ang lahat sa plano. Ang katawan ay dinala palabas sa capital gamit ang Xi An gate, naglaho sa kalawakan ng gabi. Walang nakakaalam sa pagkakasalang nagawa niya. Wala nang may plano na pag-usapan pa ang bagay na iyon. Alam ng lahat na ito ang unang beses na personal na nag-utos si Emperor Zhao Zhengde ng pagbitay simula noong malupit na pagpatay sa Jiu You Platform ng pamilya Yan. Nang masabi iyan, siguradong may rason para siya mamatay, parang si Yan Shicheng. Para naman sa may kagagawan ng buong insidenteng ito, hindi na mahalaga malaman kung sino ang sangkot dito.

Pagkatapos ng pitong araw, si Prince Li Ce sa Tang Empire, ay pinangungunahan ang legado para bumisita sa Xia Empire. Sa parehong oras ay personal siyang pipili ng kanyang mapapangasawa mula sa maraming prinsesa ng emperor ng Xia. Ito ang karapatang ipinaglaban niya pagkatapos ng ilang beses niyang pagtatangkang magpatiwakal at pag-inom ng lason. Bilang nag-iisang anak ng Tang Emperor, si Li Ce ang itim na tupa sa imperial family. Wala siyang pakialam sa kapangyarihan o antas, at ang tanging gusto ay mga tula at magagandang babae. Tanging mga tao na hindi nakaranas ng hirap ang mayroong banayad at maligayang ugali.

Dahil ang mga prinsipe ng imperyo ng Xia ay lihim na nakikipaglaban sa isa't-isa. Si Prince Li Ce, ang pinakamagaling sa Tang Empire, kaso siya lang ang nagpahayag, ay malapit na sa Zheng Huang capital.

Ibinaba ni Chu Qiao ang huling piraso ng chess dahil naipanalo na niya ang huling piraso ng cake na nasa likod ni Yan Xun. "Kahit na kailangan ko pang hulaan kung sino ang may mas maraming mapapatay sa Xiao Wu arena bukas, alam ko na magugutom ka mamayang gabi." Mabagal na saad niya.

Marahang napatawa si Yan Xun habang ang kanyang tingin ay napadako sa labas ng bintana. May nakita siyang puno ng peras na nakatayo sa nyebe, naglalabas ito ng kagandahan at kabighanian.

"AhChu, naaalala mo ba yung bote ng Yu Lan Chun na ibinaon natin sa ilalim ng punong iyon ilang taon na ang nakakalipas?"

"Oo naman. Naaalala ko." Ngiti ni Chu Qiao. "Nangako tayo na iinumin iyon isang araw bago bumalik sa Yan Bei."

Marhang isinara ni Yan Xun ang mga mata at suminghot. "Sa tingin ko naaamoy ko na ang alak na iyon ngayon. Sa tingin mo ba ay masyado akong atat?"

Umiling si Chu Qiao at sinabing, "Hindi ka kahit kailan naging atat, matagal ka lang talagang naghintay para dito."

Nang mag-umpisa nang lumubog ang araw, ang manyebeng lupa ay nakulayan ng kulay pula at ang hilagang hangin ng Zhen Huang ay umihip. Isa nanaman itong taon na may malamig na tagsibol. Ang mga gubat ay malamig at ang lupa ay nababalutan ng yelo.

"Xi'er." Sa malawak na manyebeng lupa, isang pangkat ang dumadaan dito habang ang isang lalaki na nakasuot ng magandang damit ay nakaupo sa isang marangyang karwahe. Iniabot niya ang kanyang maganda at payat na kamay at tumingin sa babae na may pilyong tingin. mayroong magandang katawan ang babae at nakakaakit na tingin. "Nilalamig ang mga kamay ko." Saad ng lalaki.

Bumungisngis si Xi'er at marahang binuksan ang kanyang damit, ipinakita ang karamihan ng kanyang malaking dibdib. Ang kanyang nipples ay nakikita sa kanyang manipis na puting damit habang siya ay nakikipaglandian, "Hayaan niyo pong painitin ito ni Xi'er para sa inyo."

Inilapit ng lalaki ang kamay sa sulapa ng babae at marahang dinakot. Napasinghap siya at nagtanong, "Xi'er ano ito?"

Napa-ungol ang babae at bumagsak sa bisig ng lalaki, ang kanyang tingin ay malibog habang siya ay bumungisngis, "Aking prinsipe, isa po itong painitan."

"Talaga?" napakunot ang lalaki habang hinihimas ng kanyang mga kamay ang babae. "Kay gandang painitan." Ang kanyang boses ay nag-umpisang maging pagaw, "maliit na demonyita, painitin mo ako."

Ang mga daan ay mahirap daanan sa gabi. Para sa mga maharlika, maraming paraan para matamasa nila ang kanilang panggabing kaligayahan.

Ang Zhen Huang capital ay nag-uumpisa nang umingay. Pagkatapos ng walong taon, nakabalik na siya sa wakas.

Ang manyebeng kapatagan ay walang hanggan. Nakaupo sa kanyang kabayo si Chu Qiao habang may mga makukulay na memorya ang bumaha sa kanyang isipan. Walong taon ang nakakaraan, dito sa manyebeng kapatagan na ito namulat ang mga mata niya, nakita ang lupain ng kanlurang Mongolia sa unang beses. Ang amoy ng dugo at nakakadiring pagpatay ang pumuno sa hangin na hinangin papunta sa kanya. Nakasuot siya ng gamit na gamit na kasuotan at ang tangi niya lang magawa ay tumakbo nang nakapaa para sa kanyang buhay dito sa malawak na kawalan. Subalit ngayon, parang dumaan lang ang oras, siya ang nakasakay sa kabayo, nakaharap sa mga hawlang naglalaman ng mga bata na naginginig sa takot. Ang pana sa kanyang kamay ay parang nasisira sa ilang piraso.

"AhChu." Inayos ni Yan Xun ang kanyang kabayo at nilingon siya. "Anong nangyari?" napasimangot niyang saad.

"Wala." Iniling ni Chu Qiao ang ulo at sinabi, "Ayos lang ako."

Nang may malakulog na dagundong, umingay ang mga tambol. Kahit na nagyeyelo, mga walang pang-itaas na lalaki na nasa platform sa hindi kalayuan ang humahampas sa tambol. Ang mga tugtog ng tambol ay parang dagungdong mula sa ilalim ng lupa, pinapanginig ang mga gulugod nila. Ang mga lalaki ay pawis na pawis at may pulang laso sa kanilang noo habang humahampas at sumisigaw. Ang mga tagasilbi sa angkan ng Muhe ay saby-sabay na sumigaw. Bawat isa ay nakasuot ng Hai Sha Qing na baluti sa katawan at may pinakamainam na kalidad, mayroon din silang mahigpit na gintong sinturon sa kanilang balakang. Sama-samang tumayo ang mga ito, sinasalamin ang sinag ng araw sa kanilang sinturon, binubulag ang kung sino mang tumingin sa kanila. Mukha silang mayaman at makapangyarihan. Ngunit mukha rin silang grupo ng mayayabang na tao.

"Ang Muhe clan ay karapat-dapat na matawag na unang pamilya sa konseho ng Grand Elders. Ginamit pa nila ang Hai Shai Qing para sa mga baluti ng kanilang tagasilbi. Ipinapakita talaga nito ang kanilang kapangyarihan at kayamanan."

Tumingin sa gilid niya si Chu Qiao. Sa ilalim ng takip ng bandila, may nakita siyang gwapong prinsipe na may manipis na mata ang nakaupo sa loob ng tolda na may makapal ang pagkalila. Wala pa siyang labing-siyam na taon gulang. Ang kutis niya ay napakakinis at mayroon siyang itim na itim na buhok. Siya ay nakasuot ng kapa na gawa mula sa mga balahibo ng ibon na Nan Huang, at may snow eagle na nakaburda sa kanyang kwelyo, na sobrang kaaya-aya. Nakita na rin ni Chu Qiao ang lalaking ito. Nagkita rin sila sa mismong lugar na ito, sa parehong panahon. Ngunit mayroon siyang palaso na nakatutok ng direkta sa kanya.

Sumimsim ng tsaa ang pangalawang master ng Wei nang siya ay ngumiti at lumapit sa anak ni King Ling at sinabi, "Zhong Yan, ikinokonsiderang mayaman si King Ling, ngunit mayroon ba siyang kakayahan na iarmado ang kanyang mga personal na gwardya ng Hai Qing Stone?"

Si Zhao Zhongyan ay lagpas lang ng kaunti sa dalawampung taong gulang at mukhang isang disenteng ginoo. "Kami ay maliit na bansa lamang na katabi ang Ling Stream, paano kami magkakaroon ng ganoon kadaming salapi? Wei Jing, nagbibiro ka ata." Saad niya at bahagyang tumawa nang marinig ang sinabi ni Wei Jing.

"wala lang ang batong Hai Qing. Kung malagyan ko ang hukbo ng Bi Luo Gauze bukas, talaga namang mapagbigay iyon."

Marahang tumawa ang pangalawang prinsipe ng Wei at ang anak ni King Ling. Ang panganay na anak na lalaki ni General Yueying, si Le Yi, ay inilagay ang kamay sa balikat ng binata habang tumatawa at sinabing, "Your thirteenth highness, kung mabigyan mo talaga ng Bi Luo Gauze ang isang hukbo, kahit ang prinsipe ng Tang ay aaminin ang kanyang pagkatalo."

Napataas ang kilay ni Zhao Song. Nang magsasalita na siya, may nahagip ang tingin niya na isang gwapong payat na pigura sa likod ng bantay saradong mga bandila. Agad siyang tumayo sa kanyang inuupuan at tumakbo palabas. "Hayaan mong pag-usapan ulit natin yan pagbalik ko." Sigaw niya habang tumatakbo.

"Ha, nandito ka rin!" Mula sa mga tao, hinila niya ang kamay ng dalagita at masayang napasigaw.

Nakatayo sa likod ni Chu Qiao si Yan Xun nang manliit ang mga mata nito. Sa isang kisapmata, bahagya siyang napatango, "Your Thirteenth Highness."

"Prince Yan, matagal din kitang hindi nakita, anong mga pinaggagawa mo?"

Ngumisi si Yan Xun nang tumango siya, "Isa lang akong malayang tao, gumagala sa Ying Ge court buong araw nang walang masyadong magawa."

"Hehe, tumigil ka na sa pagiging mababang loob," saad ni Zhao Song nang siya ay ngumiti nang malaki at maliwanag na kuminang ang kanyang puting mga ngipin. "Ilang araw ang nakakaraan, dinala ni Mr. Fu ang mga tula mo at binasa ito sa amin." Bumuntong-hininga siya. "Bakit gumamit ka ng mga komplikadong salita? Hindi ko malaman kung anong sinasabi mo, kahit pagkatapos ko itong titigan nang mahigit kalahating araw. Sa huli, naparusahan akong isulat ang tula mo ng 200 na beses. Ang aking tagasilbina si Dezi ay tinutulungan pa rin ako hanggang ngayon sa palasyo."

"Oh? Hindi pa nakakatapos sa Imperial College ang thirteenth highness?"

"May tatlong buwan pa akong natitira," saad ni Zhao Song at tumingin kay Chu Qiao. "sa wakas ay magiging labing-walong taong gulang na ako sa ikatlong buwan. Tapos ay maaari ko na rin mapakasalan ang prinsesa at bumuo ng pamilya." Saad niya tapos ay tumawa.

"Talaga po?" saad ni Yan Xun, "Dapat ko kayong batiin, Your Highness."

"Hindi na kailangan iyon basta dalhan mo nalang ako ng malaking regalo," saad ni Zhao Song habang tumatawa, at agad na hinila-hila ang manggas ni Chu Qiao. "Prince Yan, pwede ko bang hiramin saglit ang iyong tagasilbi?"

Tinignan ni Yan Xun si Chu Qiao sa gilid ng mga mata niya. Nang makitang hindi naman tumutol si Chu Qiao dito, ngumiti siya at tumango.

"Ha ha! Maraming salamat Prince Yan! AhChu, sundan mo ako!"

Parehong agad na nawala sila sa kumpol ng mga tao. Nakasuot si Yan Xun ng itim na roba na may makintab na buhok, at ang kanyang tingin ay parang isang walang hanggang karagatan. Ngunit, nagsimula itong lumamig nang nawala si Chu Qiao sa paningin niya.

"AhChu, tignan mo, ano ito?"

Kinuha ni Chu Qiao ang gintong kahon na maingat na pinoprotektahan ni Zhao Song. Nang mabuksan ito, nakakita siya ng ilang mahabang ugat na may pulang pulbura sa tuktok nito. Mukha itong pamilyar..

"Posporo?" napakunot si Chu Qiao at nagpatuloy, "Para pampasimula ng apoy?"

"Ah! AhChu, sobrang talino mo!" itinaas ni Zhao Song ang dalawang hinlalaki nito sa kanya dahil wala itong masabi. "Paano mo alam ang lahat? Ito ay regalo mula sa mga tao sa Folang Mosa, na pumunta sa bansa namin mula sa kanlurang dagat. Tignan mo, masisindihan mo ito sa isang pilantik, hindi ba't nakakamangha?"

Bahagyang tumango si Chu Qiao at pinitik ang noo ni Zhao Song. Tumawa siya at sinabing, "Oo, nakakamangha nga. Kailangan mong ingatan ang ganyang mga bagay."

"AhChu!" malungkot na napaiyak si Zhao Song habang hawak ang ulo, "Sabi ko sayo na wag mo akong pitikin."

Nagkibit balikat si Chu Qiao, "Eh di hindi ko na ito gagawin."

"AhChu," lumapit sa harap ni Chu Qiao si Zhao song at nagsalita sa seryosong tono, "May seryosong bagay akong gustong itanong sa iyo. Bakit ka dumalo sa pangangaso kasama si Yan Xun? Hindi mo ba alam na nakabalik na si Zhuge Yue? Kapag nakita ka niya, hindi ka ba mapapahamak?"


Load failed, please RETRY

Cadeaux

Cadeau -- Cadeau reçu

    État de l’alimentation hebdomadaire

    Rank -- Classement Power Stone
    Stone -- Power stone

    Chapitres de déverrouillage par lots

    Table des matières

    Options d'affichage

    Arrière-plan

    Police

    Taille

    Commentaires sur les chapitres

    Écrire un avis État de lecture: C41
    Échec de la publication. Veuillez réessayer
    • Qualité de la traduction
    • Stabilité des mises à jour
    • Développement de l’histoire
    • Conception des personnages
    • Contexte du monde

    Le score total 0.0

    Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
    Votez avec Power Stone
    Rank NO.-- Classement de puissance
    Stone -- Pierre de Pouvoir
    signaler du contenu inapproprié
    Astuce d’erreur

    Signaler un abus

    Commentaires de paragraphe

    Connectez-vous