Télécharger l’application
1.51% Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 15: MATINDING PAGNANASA

Chapitre 15: MATINDING PAGNANASA

Éditeur: LiberReverieGroup

Sa bansang ito, walang ibang tao ang nakakaalam ng kanyang nakaraan.

Ang alam lamang nila ay dati siyang star student ng Mathematics Faculty ng Academy S.

"Isa akong computer whiz buhat noong bata pa, ang technique ko ay bumuti pagkatapos ng maraming taong pag-aaral," kibit-balikat na sambit ni Xinghe.

Naliwanagan si Xia Zhi. "Sis, lumaki ka sa ibang bansa kung kaya wala kaming alam sa iyo bago ka tumira sa amin. Sinubukan naming alamin ang mga bagay-bagay tungkol sa iyo pero hindi mo nga maalala. Pero kahit na, Sis, iba pa din ang galing mo. Natapos mong gawin ang piece of software sa isang oras pagkatapos ng anim na taon na nagka-amnesia ka, samantalang ako na programming student ay inaabot ng ilang oras para matapos 'yon…"

Nahihiyang napatungo si Xia Zhi.

Palagi siyang nangunguna sa klase, pero agad siyang natalo ng kanyang amateur programmer sister.

"Sis, gaano ka talaga kagaling? Base sa level ng proficiency mo, masasabi ko na mas mahusay ka ng sampung beses sa senior ko," masigasig na tanong ni Xia Zhi ngunit may alinlangan siyang marinig ang kasagutan.

Ipinilig ni Xinghe ang kanyang ulo, "Wala akong idea, sa totoo lang dahil ang computer science ay isang subject na patuloy na nag-e-evolve. Kung pag-uusapan natin ang theoretical aspect, naniniwala akong kakaunti ang kaalaman ko kung ikukumpara sa iyo. Ngayong wala naman akong gagawin, pwede bang dalhan mo ako ng mga aklat na nailimbag noong mga nakaraan at kasalukuyang taon?"

Napahalakhak si Xia Zhi, "Sis, masyado kang mapagkumbaba. Kakatapos ko lang i-test ang software mo, it was bug free. Nai-send ko na ito sa senior ko at ganoon din ang sinabi niya. Ang komento lamang niya ay ang coding method, kahit na outdated na daw ito, ang technique naman ay walang katulad. Agad niyang nalaman na hindi ako ang gumawa nito. Sinabi ko na lang na kaibigan ko ang gumawa noong tinanong niya ako."

Tumango si Xinghe. "Tama lamang na hindi mo ako binanggit kasi mahirap ito ipaliwanag."

"I agree. Wala akong intension na ilahad sa kaniya ang nakaraan mo at amnesia kaya itinago ko na lamang."

"Naipadala na ba niya ang bayad?" Ito lamang ang concern ni Xinghe.

Excited na sumagot si Xia Zhi, "Kakapadala lang niya! Sis, mayroon ka bang gustong kainin? Ibibili kita. Dadaan na din ako sa library para humiram ng ilang aklat na gusto mo."

"Ayos lang sa akin kahit na ano, bakit hindi ka bumili ng pagkaing gusto mong kainin? Mag-share na lang tayo."

"Okay, babalik din ako agad!"

Binitbit na ni Xia Zhi ang kanyang bag at masayang nilisan ang ospital.

Una siyang tumigil sa kanyang paaralan. Humiram siya ng ilang programming textbooks mula sa library bago bumili ng isang bowl ng meat porridge at ilang prutas para kay Xinghe.

Pagkatapos ng mabilis na tanghalian, nagsimula nang magbasa si Xinghe.

Ang paalala ni Xia Zhi magpahinga siya ay hindi niya pinansin.

Punung-puno siya ng masidhing pagnanasa na tuklasin ang lahat ng kaalaman para magsimulang muli.

Kung hindi lamang sa mahina niyang katawan, disin sana ay naghahanap siya ngayon ng trabaho.

Ngunit alam niya na hindi lahat ng bagay ay maaaring madaliin. Isa doon ay kalusugan. Ang sobrang kapaguran ay maaaring magpalala ng kanyang head injury. Napagdesisyunan niya na gamitin ang oras na ito para habulin ang anim na taong progreso na kanyang nalampasan.

"Sis, ang bilis mo magbasa…" nasa-shock na bulong ni Xia Zhi habang kumakagat sa mansanas.

Natapos ni Xinghe basahin ang two-thirds ng aklat sa kalahating oras.

Sumagot si Xinghe habang hindi iniaalis ang mata sa binabasa, "Nagi-speed reading lang ako para i-familiarize ang sarili ko sa teknolohiya ngayon. Hindi ko na binabasa pa ang mga detalye."

Dahil may magandang foundation si Xinghe, kaya na niyang alamin ang mga text na dapat bigyang pansin pagkatapos ng mabilisang scan.

Sa ganitong paraan, hindi na niya kailangan pang mag-aksaya ng oras na basahin ang mga bagay na alam na niya…

Ibinaba na niya ang aklat na nasa kanyang mga kamay at dumampot na ng isa pa.

Tahimik siyang pinagmasdan ni Xia Zhi. Nagkakaproblema pa din siyang tanggapin ang realidad na ang kapatid niya ay isang computer programming master.

"Sis, bakit nga pala hindi kita nakikita na lumalapit sa computer nitong nakalipas na tatlong taon?", nagtatakang tanong ni Xia Zhi.

Ang amnesia ni Xinghe ay hindi dapat nag-alis sa kanyang motor memory o ng kanyang kaalaman sa computer.

Hindi naman nawawala ang computer science bilang paksa ng usapan sa kanilang bahay dahil iyon ang kanyang kurso, pero bakit wala siyang sinasabi sa loob ng anim na taon?


Load failed, please RETRY

Cadeaux

Cadeau -- Cadeau reçu

    État de l’alimentation hebdomadaire

    Rank -- Classement Power Stone
    Stone -- Power stone

    Chapitres de déverrouillage par lots

    Table des matières

    Options d'affichage

    Arrière-plan

    Police

    Taille

    Commentaires sur les chapitres

    Écrire un avis État de lecture: C15
    Échec de la publication. Veuillez réessayer
    • Qualité de la traduction
    • Stabilité des mises à jour
    • Développement de l’histoire
    • Conception des personnages
    • Contexte du monde

    Le score total 0.0

    Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
    Votez avec Power Stone
    Rank NO.-- Classement de puissance
    Stone -- Pierre de Pouvoir
    signaler du contenu inapproprié
    Astuce d’erreur

    Signaler un abus

    Commentaires de paragraphe

    Connectez-vous