Télécharger l’application

Chapitre 657: Panalo ka, sis

Éditeur: LiberReverieGroup

Binugbog si He Jun Cheng hanggang siya ay makakita ng mga bituin at matagal siyang bumalik sa katinuan. Hawak-hawak ang kanyang duguang ilong, siya ay umangal, "YE MU FAN, BALIW KA!"

Unti-unting lumapit sa kanya si Ye Mu Fan. "May mas nakakabaliw pa dito, gusto mong subukan?"

Takot nag bumalot kay He Jun Cheng, "ikaw… ano ang pinaplano mong gawin? Huwag mong ako subukan! Ah! Anong ginagawa mo?!"

Mahina si He Jun Cheng habang si Ye Mu Fang ay lumalaban mula ng siya ay bata pa; walang laban si He Jun Cheng sa kanya at sumalo ng ilang suntok habang mahigpit na tinatali siya ni Ye Mu Fan ng isang lubid.

"Ye Mu Fan! Bitawan mo ako, isipin mo maigi ang kahihinatnan!"

Hindi pinansin ni Ye Mu Fan ang angal ni He Jun Cheng. Kinuha niya ang telepono ni He Jun Cheng at tinapon ito palayo. Matapos 'yon. Dinala niya si He Jun Cheng sa taas ng bundok na para bang siya ay nag bubuhat ng isang sisiw.

Sa wakas, tinapon ni Ye Mu Fan si He Jun Cheng sa gitna ng libingan at sinabi, "mahusay direktor He, i-enjoy mo ang gabi!"

Winalis ni He Jun Cheng ang kanyang tingin sa makapal na libingan at nagsimulang kinilabutan. Siya ay sobra niyang takot na malat ang kanyang boses: "Tang*na! Alisin mo ako! Alisin mo ako! Ye Mu Fan! Mapunta kana sa impyerno--"

Napagtanto na rin niya ngayon kung bakit gusto ni Ye Mu Fan na makipag kita doon, ngunit huli na.

Nilagay ni Ye Mu Fan ang kanyang kamay sa likod ng kanyang ulo at tumingin sa buwan habang dahan-dahang bumababa sa bundok habang si sumisigaw si He Jun Cheng sa likuran.

"Ye Mu Fan! Tang*na mo!"

"Tulong… tulungan ninyo ako… may tao ba diyan.."

"Alisin ninyo ako dito!"

Buong gabing sumisigaw si He Jun Cheng, ngunit paano magkakaroon ng tao sa sementeryo ng ganitong oras?

...

Matapos makabalik ni Ye Mu Fan sa kanyang apartment, siya ay natulog hanggang umaga kaya muknag maliwanag at malambot ang kanyang balat. Dumating siya sa kumpanya na mukhang sariwa at gwapo.

Sa sandaling dumating siya sa opisina, narinig niya ang ilang katrabaho na pinag-uusapan siya.

"Talaga! Totoo ba ito - talaga bang ito si He Jun Cheng? 'Yong head stylist na si He Jun Cheng mula sa Assembly of Stars?"

"Malinaw na mayroon siyang tama sa mukha, siguradong siya ito!"

"Sino ang nakagalitan niya, ha? Talagang siya ay nakatali at nakatambak sa libingan!"

...

"Ano ang pinag-uusapan ninyo?" narining ni Ye Mu Fan ang pangalan ni He Jun Cheng kaya lumapit siya.

"Head stylist Felix!"

"Magandang umaga!"

"Pinag-uusapan namin ang latest morning post sa Weibo - may pumunta sa Long Qian Mountain kaninang umaga at nakita ang lalaking nakatali at tinapon sa libingan. Natakot siya at inakala na nakakita siya ng isang multo, kaya kumuha siya ng litrato at pinost ito sa Internet. Sa huli, napag-alaman na ang lalaking 'yon ay ang head stylist, na si He Jun Cheng, ng Assembly of Stars Entertainment. Nakakagulat, ha?"

Inangat ni Ye Mu Fan ang kanyang kilay at nagsalita ng walang kahit anong emosyon, "En, nakakagulat nga."

Sa sandaling ito, nagsimulang tumunog ang telepono ni Ye Mu Fan. ito ay tawag mula kay Ye Wan Wan.

Ang mukha ni Ye Mu Fan ay nagbago mula sa relaks naging natakot. Kaagad siyang pumunta sa banyo at kinakabahang sinagot ang tawag. "Hello, Wan Wan ah…"

Walang kahit anong magalang napagbati, diretso punto si Ye Wan Wan. "Ikaw ang nasa likod ng nangyari kay He Jun Cheng?"

Siguradong, nalaman niya.

Nabulol si Ye Mu Fan habang sinusukang magpaliwang. "Ito… Sis, huwag ka magalit, hindi na ako magpapabigla-bigla at magdudulot ng gulo ngayon...."

"Bakit hindi mo siya pinasayaw ng hubad bago itali? At saka, sa tingin mo ang pagtapon sa kanya sa main gate ng Fashion Management Association ng Imperial City ay magiging maganda? Sinabi ni Ye Wan Wan sa hindi natutuwang tono.

"Uh…" hindi na natapos ni Ye Mu Fan ang kanyang sinasabi.

Panalo ka, sis…


Load failed, please RETRY

Cadeaux

Cadeau -- Cadeau reçu

    État de l’alimentation hebdomadaire

    Rank -- Classement Power Stone
    Stone -- Power stone

    Chapitres de déverrouillage par lots

    Table des matières

    Options d'affichage

    Arrière-plan

    Police

    Taille

    Commentaires sur les chapitres

    Écrire un avis État de lecture: C657
    Échec de la publication. Veuillez réessayer
    • Qualité de la traduction
    • Stabilité des mises à jour
    • Développement de l’histoire
    • Conception des personnages
    • Contexte du monde

    Le score total 0.0

    Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
    Votez avec Power Stone
    Rank NO.-- Classement de puissance
    Stone -- Pierre de Pouvoir
    signaler du contenu inapproprié
    Astuce d’erreur

    Signaler un abus

    Commentaires de paragraphe

    Connectez-vous