Télécharger l’application

Chapitre 419: Ang mastermind

Éditeur: LiberReverieGroup

Nangalit ang mga ngipin ni Feng Qin Yu at buong poot na bumulong, "Paano naman siya magiging maparaan at mabilis mag-isip? Baka nagkaroon siya ng kaunting pakana lang! Lahat naman kayang gawin 'yon!"

Nang marinig ang sinabi ni Feng Qin Yu, nabalot ng pangungutya ang mga mata ni Eleven. Simple lang siyang nagkaroon ng kaunting pakana? Lahat ng mga matataas at makapangyarihang mga babae na nasa boudoirs lang ay talagang mga walang alam sa puntong naging bobo na sila!

Ngayon, mas tinignan pa ng old madam si Ye Wan Wan ng may sigla kumpara noon. Tinignan niya din ang sampal na binigay niya kay Feng Qin Yu na may awtoridad ng mistress ng bahay.

"Wan Wan, girlfriend ka pa lang naman ni Little 9th at hindi pa kasal, kaya walang karapatang magdemanda kaming mga Si mula sa 'yo. Pero, sinamahan mo pa din si Little 9th at nag-isip ka pa ng plano para maligtas ang lahat - sobrang natutuwa ang lola dahil dito."

Sa orihinal, nang makabalik sila noong oras na 'yon, nakita ni Ye Wan Wan na mas lumamig pa ang ugali ng old madam sa kanya.

Hindi niya na masyadong inisip na mayroon ng nagsabi kay lola.

Pero hindi na pinag-abalahan pa ito ni Ye Wan Wan. Kahit na ito ang kaso, hindi na ito ganoon kahalaga. Tutal, nakilala niya ang lola na may "dinigdad at dangal" sa nakaraan niyang buhay at tinanggap pa din siya ng lola.

Basta hindi siya gumagawa ng mga gulo tulad ng ginawa niya sa nakaraan niyang buhay o gawin ang mga pinagbabawal ng old madam, ang kanyang "madilim na historya" ay hindi masyadong gagawa ng sira sa kanya.

Medyo nahiya si Ye Wan Wan habang magalang na sumagot, "Lola, wala naman po akong ginawa. Nagsalita lang po ako. Pagpasalamat na lang po sa lahat na nagtulong-tulong para maresolba ang trahedyang 'to!"

Nang makita na hindi inako ni Ye Wan Wan ang ginawa, tumango ang old madam. "Sige, hindi mo na kailangan magpakumbaba. Sobrang galing ng ginawa mo ngayon, maaalala 'to ni lola!"

Ngayon, wala ng masabi sa wakas ang mga matatanda.

Ang lalaking may puting balbas na parang ang pinakamatanda sa pamilya nila ay malamig na sumulyap kay Ye Wan Wan at sabing, "Kung iyon naman ang kaso, tapos na ang problema ngayon pala!"

"Ang importante ay ang mahanap natin kung sino ang nasa likod ng mga 'to. Walang mga koneksyon ang mga Si, pati na din ang mga gulo, sa organisasyong tulad ng Murderous Blood Gang, bakit nila aasintahin ang mga Si? Paniguradong may nagbayad sa mga bandidong 'yon!"

Sumimangot ang matanda na naka-berdeng damit sa gilid at sabing, "Tama, ang lakas ng loob nila na gawin iyon sa master ng mga Si! Talagang mapangahas 'yon! Kailangan mahuli ang taong 'yan sa kawit man o sa kulibat!"

Pero… ngayon, wala tayong kahit anong lead. Saan ba tayo mag-uumpisang mag-imbestiga?" may nagtanong na nakakunot ang kanilang kilay.

Nang marinig 'yon, naging matigas ang itsura ng old madam. Tinignan niya si Xu Yi at ang iba at nagtanong, "Nung nakaharap niyo sila, may nakuha ba kayong mga impormasyon?"

Nang marinig ito ni Xu Yi, inalala niya ang nangyari at sabing, "Nang nakaharap namin yung mga tao galing sa Murderous Blood Gang, binigyan ko po sila ng babala - tinanong ko kung napag-isipan na ba nila ang kahihinatnan ng gagawin nila. Na kapag pinatay talaga nila ang 9th master, haharapin nila ang galit ng buong pamilya ng Si. Hindi naman siguro ganoon kawalang takot ang Murderous Blood Gang sa mga Si, pero mayayabang sila. Parang bang matapang sila sa tulong na mayroon sila at talagang nakakapagtaka 'yon…"

Sa sandaling ito, may kumisap sa mga mata ng matanda na may puting balbas, "Naging matapang sila sa tulong na mayroon sila? Bakit naman sila magkakaroon ng tulong? Pwede na ba natin ipagpalagay na ang mastermind nito ay isang tao mula sa mga Si na may mataas na posisyon at may karapatan sa mana? Tingin mo isa 'tong pagtangka para patayin ang master at palitan siya? Kaya pala walang takot ang Murderous Blood Gang na maghiganti sa mga Si!"


Load failed, please RETRY

Cadeaux

Cadeau -- Cadeau reçu

    État de l’alimentation hebdomadaire

    Rank -- Classement Power Stone
    Stone -- Power stone

    Chapitres de déverrouillage par lots

    Table des matières

    Options d'affichage

    Arrière-plan

    Police

    Taille

    Commentaires sur les chapitres

    Écrire un avis État de lecture: C419
    Échec de la publication. Veuillez réessayer
    • Qualité de la traduction
    • Stabilité des mises à jour
    • Développement de l’histoire
    • Conception des personnages
    • Contexte du monde

    Le score total 0.0

    Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
    Votez avec Power Stone
    Rank NO.-- Classement de puissance
    Stone -- Pierre de Pouvoir
    signaler du contenu inapproprié
    Astuce d’erreur

    Signaler un abus

    Commentaires de paragraphe

    Connectez-vous