Télécharger l’application
33.33% “McDo” A Bisexual Love Story (Complete Chapter) / Chapter 2: Chapter 2:Be(LIE)ve

Chapitre 2: Chapter 2:Be(LIE)ve

McDo Love Story Part 2.

Raymond

Kenneth

Clyde

Kaye

Kenneth POV.

Sobrang saya akong naglalakad ngayong araw dahil alam kong magiging masaya ang mcdo ko pagnakita nya tong regalo ko. 3 Years na ang pagsasama namin kaya dapat pasayahin ko talaga sya ngayong 3rd anniversary namin. Natatanaw ko na ang mcdo ko, tatawid na siguro ako naiinip na siguro yun kahihintay. Haha.

Buuurrrrsssstttt. Booommm..

Pinilit kong imulat ang mga mata ko "kailangan kong maging matatag para sa mcdo ko, kailangan ko syang mapasaya ngayong araw na to pero ano ba tong nangyari,? Bakit ngayon pa? Sana hinayaan nalang muna ako nang maykapal na makasama sya nang sandali. at kung sakaling kukunin nya man ako ngayon sana hayaan nya akong magpaalam sa mcdo ko" nakikita kong papasok na ako ng ICU, nasaan na ba si Raymond? Kailangan ko sya ngayon. Kailangan ko syang makita.maya2x nakita ko si mama pumasok sa pinto.

Kenneth "mah! Asan na c Raymond? Bat wala sya dito ngayon? ?" Nalulungkot ako at puno nang katanungan sakin isipan kong bakit hindi ako pinupuntahan ni Raymond dito.

"Anak, makinig ka sakin, may ibibigay akong payo sayo, alam kung ayaw mong masaktan si Raymond, pero ito na, ito na ngayon ang paraan para makaalis ka nang Paris para matanggap na rin ni Raymond na wala ka na at malalayo ka rin sa kanya. "

Nagulat ako sa mga sinabi ni Mama, alam kong nagsinungaling ako noon kai Raymond dahil sinabi ko sa kanya na ok na ang relasyon namin para sa mga magulang ko kahit hindi naman, dahil ayaw ko nang masaktan pa sya, kahit pinipilit ako ni papa na umalis na nang Paris at dun na ipagpatuloy ang pagaaral para maging susunod na tagapamahala nang kompanya namin. Pero pinipilit ko syang tinatanggihan dahil ayaw kong masaktan at iwan ang taong taong minamahal , ang mcdo ko dito. Pero alam kong darating din ang araw na hindi ko na matatangihan ang mga pangyayari dahil ako lang ang nagiisang anak na tagapagmana nang kompanya.

Kenneth "Pero Mah"

"Anak makinig ka naman sakin kahit ngayon lng, Kapag nalaman ni Raymond na wala ka na, matatanggap nya yun, wala na syang magagawa sa taong patay na, at pag nangyari yun malilimutan ka rin nya na walang pagsisisi dahil wala na syang magagawa kung wala ka na,at dahil dun makapagbagong buhay na sya at mabubura narin ang nararamdaman at mga alala nyo sa isat isat, at sana ganun ka din, sana maintindinhan mong mali ang relasyon nyo, at isa pa, isipin mo na para rin naman to sa kabutin nyong dalawa pati narin sa ating pamilya, hindi ka ba naawa sa iyong Ama na pinipilit ang sarili kahit may sakit para mapatakbo lamang maayos ang kompanya?

Tatanggi sana ako kay mama, pero naisip kung pag nalaman ni Raymond ang katotohanan na hindi namn talaga sya gusto nang pamilya ko para sakin at pag nalaman nya pinapaalis ako nang paris sigurado akong masasaktan yun nang subra at magagalit dahil alam kung iisipin nyang mas inuna ko pa ang pamilya ko kesa sa kanya, pero wala na akong magagawa kailangan ko rin naman tulongan ang pamilya ko kahit ngayon lng, kahit pagbalikbaligtarin man ang mundo pamilya ko parin sila sila ang dahilan bat ako nandito at sila ang nagpalaki sa akin, kailangan ko silang tulongan lalo na ngayong nangangailangan sila nang tulong ko, pero alam kong di rin tama na iwan nalang ang taong subrang minahal ako, at subrang minahal ko din, pero mas makabubuti narin siguro yun sa ngayon ang disesyon ni mama para samin para din naman sa kabutihan nang lahat.

Pumayag na ako sa plano ni mama na may sakit at puot na nararamdaman, kinausap ni mama ang doctors at nurses na nakaassign sakin na ipalabas na patay na ako.

Sa likod nang ospital lumabas si mama para puntahan si Raymond at para hindi nya mahalat na sakin sya naggaling.

Sumulat ako para kay Raymond na para naring nagsilbing pamamaalam, hindi ko mapigilan ang pagiyak habang sumusulat, iniisip ko ang magiging reaksyon nya pagnalaman nyang patay na ako, masasayang lang ang lahat na sinimulan namin.

May nurse na nagsabi sakin na may lalaking hindi mapakali sa labas pabalik balik na naglalakad at parang nagaalala, mas sumikip ang dibdib ko dahil sa sinabi nang nurse alam kong si Raymond yun, di ko mapigilang ang mga luha ko. Tinapos ko ang pagsusulat.

Binigay ko sa nurse ang sulat at singsing na regalo ko sa kanya para sa anniversary namin. Sinabi ko sa nurse na wag nalang magpahalata.

Subrang sakit nang nararamdaman ko, pero kailangan ko paring tiisin at maging matatag sa nararamdaman ko ngayon. Gusto ko syang makita kahit saglit manlang, maayos ayos narin ang aking pakiramdam, hindi naman ako gaanong nasaktan sa aksidente yun lng medyo maraming dugo ang binigay sakin dahil maraming dugo ang nawala sa katawan ko.

Bumangon ako at umupo nang wheelchair habang inaassist ako nag isa pang nurse. Sumilip ako nang kaunti sa pinto at nakita ko ang taong mahal ko, ang mcdo ko ang dungis na nang mukha nya pawis na pawis at marami pang dugo ang mga damit nya naawa ako sa kanya, muling tumulo ang mga luha ko dahil sa nakita kopawis iniisip ko ba kung tama ang naging disesyon ko. At bigla Kong sinara ang pinto. At inassist ako nang nurse para bumalik sa hinihigaan ko, bumalik na ang nurse sa room, at maya maya sinabi nang nurse na nasalabas na daw si mama at naguusap sila ni Raymond.

Maya pa ay pumasok na si mama umuwi daw si Raymond para mag bihis. Tumigil ako sa pagiyak kailangan kong tanggapin kong ano man ang nagyayari, Kailangan kong tanggapin ang realidad na hindi na rin kami magkikitang muli.

Pinigilan ko ang sarili sa pagiyak. Nagusap si mama at ang mga doctor sinabi ni mama sa doctor na wag nang palapitin si Raymond sakin kapag natabunan na ako nag puting kumot.

Naglipas ang ilang minuto Pinahiga nila ako at tinabunan nang puting kumot nakikita ko masyado ang nasalabas kahit natatabunan ako nang kumot at lumabas na si mama dahil parating na daw si Raymond. Binuksan nila ang pinto at nakita ko may lalaking palapit kai mama sa di kalayoang distansya sakin medyo malabo ang nakikita ko dahil natatabunan ako nang puting kumot pero alam kong si Raymond yun alam ko ang mga galaw ni Raymond, pinikit ko nalang ang mga mata ko baka sakaling maiyak na naman ako at mahalata kami, narinig ko sinabi ni mama na wala na daw ang kanyang anak. At agad namang akong dinala sa ibang room nang ospital baka sakaling lumapit pa sakin si Raymond.

************************

At kinabukan umalis agad ako habang nasa sasakyan ay binuksan ko ang bintana at natanaw ko ang apartment namin ni Raymond at sinara ko naman ito agad. Nang dumating kmi nang Airport at sakto paalis na ang eroplano .

Nakarating ako nang Paris nang safe at marami ang nagwelcome sakin doon.

Naglipas ang ilang taon, year 2015 nabalitaan kong nagpakasal na si Raymond at nagakaanak si Kaye ang kanyang naging asawa, tama nga ang sinabi ni mama kakalimutan nya nga talaga ako nakapag move on na sya at nakapagbagong buhay na,...

Samantalang ako simula nang dumating ako dito hindi nakipagrelasyon sa kahit kanino man dahil siya lang ang puso at isip ko. Pero ok lang kung masaya rin naman sya ngayon dahil masaya naman ako kung saa masaya ang taong mahal ko...

To be continue.....

Hi i am admin -Chris Pasaporte Brinosa-. Sorry kung binitin ko kayo ngayon pero don't worry M2M supporters gagawin ko ang lahat para mas maging maganda ang storya ang nina Kenneth at Raymond.

pero pagpapatuloy ko parin ang pagsusulat.. Salamat.. comment lng for suggestions at if ok naman ang daloy nang story.. thanks.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C2
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous