Télécharger l’application
85% [ Tagalog ] - Random One-Shot Stories / Chapter 17: MY DAUGHTER'S POINT OF VIEW

Chapitre 17: MY DAUGHTER'S POINT OF VIEW

MY DAUGHTER'S POINT OF VIEW

Written by: Lilaclily

Warning: Sensitive plot ahead!

"Napaka likot mo kasi! Ayan nabasag tuloy! Ang mahal mahal pa naman n'yan! Jusko 'wag ka ngang pasaway Celestia! Wala ka pang maipang babayad d'yan tas babasagin mo pa!" sigaw sa akin ni Mama ng mahulog ang vase.

"It's not me! It's Cristel!" pag dedefend ko sa sarili ko habang tinuturo ang aking nakababatang kapatid.

"Shut up! Ikaw ang panganay! Napaka irresponsible mo!" Sagot pabalik ni Mama.

I was about to defend myself again ng bigla n'yang tinampal ang bibig ko.

"Huwag kang sumagot! Kasalanan mo akuin mo!" She shouted again and walked out.

Tumulo ang luha ko at tiningnan ko ng masama ang kapatid kong kanina pa tahimik. I ran to my room and shut the door.

It is painful to get accused about something na hindi ko naman ginawa. Porket ako yung panganay, sa akin dapat lahat isisi that's unfair. Nakaupo lang ako kanina sa sofa at nagbabasa ng libro habang nagtatakbo takbo si Cristel kaya nasagi n'ya yung vase but now ako ang may kasalanan. Ang galing.

I cried louder and didn't even bother to unlock my door kahit kumakatok na si Papa. Kung pagiging sutil ang tawag dito, I don't care. I am hurt, feeling ko na invalidate yung feelings ko bilang isang anak.

Nang dumating ang dapit hapon ay nagutom ako. I went outside, ignoring everyone. Naghilamos ako pero halata parin sa aking mga mata ang pamamaga at pamumula dahil sa pag iyak.

Nilambing ako ni Mama at binilhan ako ng paborito kong pagkain ni Papa kaya naging okay narin. Hindi din kasi ako makapag tanim ng galit sa kanila kasi they're still my parents.

"Puro ka basketball, puro ka gala! Ano tingin mo sa sarili mo, binata?!" rinig kog sigaw ni Mama kaya napatigil ako sa panonood sa youtube at pinakinggan sila.

Medyo kinakabahan ako kasi alam kong nag aaway sila and I am not used to see them fighting.

"Lilith, I am not always doing this. Minsan lang ako makapag bigay ng oras sa sarili ko ipinagdadamot mo pa!" pasigaw na sagot ni Papa.

Tumayo na ako at sumilip sa kanila. Nasa sala sila habang nakatayo at nakaharap sa isa't-isa.

"Ako nga wala na akong oras sa sarili ko. I'm working all day tas pagdating ko aalagaan ko pa sila habang ikaw nagpapakasarap sa buhay!" sumbat ni Mama.

Kinakabahan ako kasi nagsisigawan sila at baka magkasakitan pa. It is painful also to see them fighting. I'm overthinking right now, baka mauwi sa hiwalayan.

"Wag na wag mong isusumbat sa akin 'yan Lilith. I love my daughters at hinding hindi ko sila pababayaan" malamig na saad ni Papa.

My mother was about to slap him ng biglang magsalita uli si Papa.

"Sasampalin mo ako?! Sige! Gawin mo! Gawin mo Lilith!" sigaw ni Papa at nilalapit ang kanyang mukha sa kamay ni Mama na nakabitin sa hangin.

I found myself crying about what I witnessed. I locked my door at isinalampak ko ang aking earphones sa aking tenga. I don't want to hear them fighting. Nakakainis lang kasi bakit kailangan ko pang makita yun, why can't they just talk quietly. Walang sigawan at walang sakitan siguro kanina pa naayos ang lahat.

Matagal akong nakatulog dahil sa kakaisip sa magulang ko. Bakit kailangan pa nilang mag-away sa mga responsibilidad nila.

Pagkababa ko ay nakita ko silang kumakain ng agahan, nagpapansin ako pero ni isa wala man lang nag yaya sa akin. Paano din naman nila ako mapapansin kung silang dalawa ay may hawak na telepono at may kausap.

Napahinto sa pakikipag usap si Mama at agad inubos ang kape. Saka n'ya lang ako napansin noong lumingon s'ya.

"Oh Tia! Eat now, take care of your sister. I have to go bye!" nagmamadaling saad ni Mama.

Sinundan ko s'ya ng tingin ngunit hindi na s'ya muling lumingon sa akin.

"Pa-"

"Nak bantayan mo muna si Cristel may kukunin lang ako don sa kaibigan ko" sabi n'ya at nagmadali rin.

Napatanga nalang ako at tiningnan ang kapatid kong tahimik na kumakain ng cereal n'ya. I sighed, I have to face my responsibility as her sister. I can do this.

Umupo ako at nagsimula na ding kumain, pagkatapos naming kumain dalawa ni Cristel ay naligo na ako at pinaliguan ko na din s'ya. Kami nalang ang nandito sa bahay since umalis ang dalawa kong maghulang. I arranged her bag and put some snacks on. Pagkatapos naming mag ayos ay lumabas na kami, nasasanay akong hinahatid kami but we're late na kaya I decided to commute.

Mahirap, aaminin ko dahil kailangan pa makipag siksikan at halo halo din ang amoy dito sa bus unlike don sa kotse namin pero I have to do this kaya tahimik lang akong nakaupo sa gilid at hinahawakan ko ng mahigpit si Cristel ng biglang huminto ang bus. Napatingin tingin ako sa labas pero hindi pa ito yung bus stop.

"Pasensya na ho kayo ngunit nasiraan ang ating bus. Kung makakapag antay kayo ay maari kayong manatili pero matatagalan po ito, ang hindi naman po ay maari na kayong bumaba at lumipat nalang sa ibang bus" saad nong konduktor.

Balisa ako sa nangyayari pero nang makita kong halos lahat ay bumaba kaya bumaba narin kami. Sobrang late na kung mag aantay pa.

"Ate where are we going?" Cristel asked.

"Sa school" I answered.

"I don't want to walk anymore" reklamo n'ya.

I sighed ang faced her.

"We have to, we need to go to school so that your teacher can see you and she will give you five stars yey!" I said cheerfully.

Lumiwanag naman ang mukha n'ya at nagsimula na kaming maglakad.

"Hala!" I shouted ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Wala kaming dalang payong kaya yung kamay ko yung ginamit ko para takpan ang ulo ni Cristel. Agad kaming tumakbo sa malapit na puno.

"Ate it's raining" saad sa akin ni Cristel habang pasinghot-singhot pa.

Ito ang mahirap sa aming dalawa, mabilis kaming magkasakit kahit ilang patak palang ng ulan. Nararamdaman ko na ding sumasakit ang ulo ko, hudyat na sisipunin ako.

Nagtagal kami ng ilang minuto don hanggang sa nadaanan kami ni Papa dala-dala ang kotse kaya sumakay kami.

"Bakit kayo umalis ng kayo lang?!" Papa asked angrily while looking at me.

"Eh kasi malalate na kami" I answered.

Pasinghot-singhot ako dahil sa sipon at sumasakit din ang ulo ko.

"Sabi ko saglit lang! Sana hinintay n'yo ako! Edi naulanan pa kayo. May bagyo kaya suspended ang classes, let's go home. Ang titigas ng ulo n'yo" panenermon n'ya sa amin.

Hindi na ako sumagot dahil masakit na talaga ang aking ulo. Sumandal nalang ako at pumikit.

"Wala ka ng nagawang tama! Pinabayaan mo ang mga anak mo! Ngayon pareha silang may sakit dahil sa'yo!" rinig kong sigaw ni Mama kaya nagising ako.

They're fighting again, hindi ba pwedeng ipagpaliban muna. How can we rest if they're too loud that I can even hear them in my dreams.

"Hindi ko sinasadya, sumaglit lang ako at nong pagbalik ko wala na sila" Papa said.

"Alam mo?! Sawang sawa na ako sa mga sagot mong 'yan. Mas mabuti pang maghiwalay tayo kung ganito lang rin naman!" my mom shouted again.

Napatayo ako dahil sa kanyang sinabi, kinakabahan ako kaya agad kong binuksan ang pinto ng walang ginagawang ingay. Maghihiwalay sila oh god.

Nakatingin ako sa kanila. Hindi makasagot si papa habang hingal na hingal si mama dahil narin siguro sa galit at sa pagsisigaw sigaw n'ya.

"Eto ang gusto mo noong una pa lang diba? Hindi mo lang magawa-gawa dahil may mga anak tayo" My Papa said.

Nagulat ako sa kanyang tinuran, I look at him, para s'yang binagsakan ng langit. I can see pain in his eyes kaya napaluha ako. Ohmy...no.. nasisira na ang pamilya namin..it can't be.

"Celestia will understand and Cristel will understand everything soon" My Mama said coldly.

Hindi ko namamalayan na humihikbi na pala ako kaya tumingin silang dalawa sa akin. I hurriedly shut the door and locked it.

Kaya pala lagi silang nag-aaway dahil kulang na yung pagmamahal nilang dalawa. Naging hindi balanse dahil si Papa nalang ang meron. It is painful, akala ko hindi mangyayari sa amin to but it is happening. It is...

"God, please fix my family again. Please clear their minds to make a good decision. Please I'm begging" I said while looking holding my Rosary and sobbing.

Ang sakit pala, I don't know if I can take this. Hindi ko kinakaya.

Kinaumagahan wala na si Mama sa bahay, nagising ako kaninang madaling araw dahil naramdaman ko ang presensya n'ya. She kissed my forehead before saying goodbye. Starting from now on, I don't want to hear any goodbyes again.

"Where's Mama?" my sister asked.

Napatingin ako sa kanya, I don't know what to say. Should I tell her the truth or should I lie?

"Ate, where's mama?" she asked again.

Napakagat ako sa labi ko habang nakatingin sa kanya na innocenting nagtatanong lang.

"Umm I don't know. Maybe nasa Business trip" I answered.

"Oh? Okay" she said and started playing again.

Napa buntong hininga nalang ako. Ano na kayang mang yayari sa pamilya namin, the house seems so quite, parang ang bigat bigat ng hangin dito.

Ilang buwan na ang nakalipas pero naapektuhan parin ang pag aaral ko at mental health dahil sa problema namin. Palagi akong nag o overthink sa mga bagay bagay, hindi na umuwi si mama. I hate her, I hate her so much umalis s'ya ng wala man lang sinasabi. She keeps messaging, chatting and calling me. Ini entertain ko yun pero hindi kagaya dati, bakit kasi kailangan pa nilang maghiwalay ngayon. May mga anak sila na maiipit sa sitwasyon sana naisip ni mama yun before choosing her own happiness.

"Pa? Why are you crying? Anong meron?" balisa kong tanong ng makita ko s'yang umiiyak habang naka upo sa kama.

He immediately wiped his tears before looking at me and forced a smile.

"Hindi naman nak" he said.

"Pa, I saw it. Don't lie please" nag aalala kong sabi.

He sighed and look at the screen of the phone he was holding.

Nagulat ako ng makita ko ang isang post ni Mama na nasa hospital bed s'ya katabi ang isang lalaki at karga n'ya ang isang newborn baby.

"P-pa, b-baka umm baka—"

"No, ayos lang. Halata na sa picture. She's happy with her new family" he said.

Agad na sumikip ang dibdib ko at naiyak ako sa nakita at sinabi n'ya.

May bagong pamilya Si mama. Hindi ba kami sapat sa kanya? Bakit kailangan n'yang maghanap ng iba? Paano n'ya nagagawa ito?

Lumabas ako at nagtungo sa aking kwarto pero bago pa ako makapasok, nahagip ng aking paningin si Cristel na natutulog sa sofa habang yakap ang picture frame ni mama. Mas lalong sumikip ang dibdib ko, what to do now? I'm the eldest. My father is at his weakest, Cristel still can't understand everything but I know it is painful for her not seeing her own mother.

Sa sobrang sakit para akong sinasakal. Hindi ko na din mapigilan ang mga luha ko. I don't want this, hindi na 'to mababago. Hindi ako makaka move on dito. I want to end this..

I found a rope and immediately tangled it in the ceiling. I think this is the easiest way to end the pain, hindi ko na makikitang magulo ang pamilya ko. My mother, my moon left and now my life is so dark. I can't find the light. I'd rather die in this darkness.

I was about to hang myself when my phone rang, nagdadalawang isip ako pero sinagot ko ito. It's Mama.

"Nak video call naman tayo. I missed you and Cristel, I wanna see you both. Laging sinasabi sa akin ng papa mo na lagi akong hinahanap ni Cristel and he said that you're mad at me but please give me a chance to apologize at bumawi sa inyo. Give Your sister a chance to see me again. Please.." she said.

Sumikip ang dibdib ko dahil ramdam ko ang sincerity sa boses n'ya. Medyo nalinawan ang isip ko sa kanyang sinabi, I became too selfish to mind my own feelings. Hindi ko alam na hindi lang pala ako ang naapektuhan.

"Okay, I will. Bababa lang ako" I said.

"Thank you so much nak. I love you!" she said with joy before ending the call.

I stared at the rope for a few minutes before going outside.

Tumabi ako kay Cristel na gising na. Tumawag na si Mama kaya agad ko namang sinagot.

"Mama! Hi! Where are you? I missed you! Please go home na" Cristel excitedly said.

Malungkot akong ngumiti ng makita kong masaya s'yang makita si mama sa screen.

"Soon baby! Mama missed you so much too! Mama missed you both. Magpapadala ako ng package, tell me kung anong gusto n'yo?" my mama asked with a smile on her face.

Di ko maipagkakailang namimiss ko s'ya.

"I want a new tablet mama and chocolates! Yey! And ikaw din" Cristel said.

"Yes baby! Bibilhin ko lahat ng gusto mo and you'll be with me soon!" masayang saad ni Mama.

Napangiti nalang din ako dahil masaya silang dalawa sa pakikipag usap sa isa't-isa. Nakakamiss pala ang ganito.

"Ikaw Celestia?" My mom Asked me.

"Umm.."

"She wants the latest iPhone and some clothes for her Mama hihi!" sabat ni Cristel.

"Oh? Pag iipunan ko yan! Love you both. I have to go, mag wowork si Mama para mabili ko lahat ng gusto n'yo. We'll call again later okay?" my mom said while smiling.

"Yes mama" sabay naming saad ni Cristel.

"Thank you nak for giving mama a chance" My mom said it to me before ending the video call.

Napangiti nalang ako, I guess I can forgive her pa naman and hindi pa naman ito yung huli. We can still be happy.

A single tear slid from my right eye as I covered my pen. How I wish that this is how our story ended but the ending is all fiction. I could've saved my daughter when she was about to hang herself but I didn't because I was too busy with my new family. I was too occupied for my own happiness. Sana masaya kami kagaya ng sinulat kong ending sa libro. I guess happy endings are all fiction.

I bit my lower lip to stop myself from sobbing. Baka magising si Dalia, my daughter. Celestia and Cristel's half sister.

I hope Celestia is happy wherever she is right now. Here I am, her mother who wrote her story after realizing her point of view. Ngayon ko pa narealize kung kailan wala na s'ya at hindi na ako makakabawi pa.


next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C17
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous