“Hihintayin kita kahit gaano katagal,kahit gaano pa kasakit. Tandaan mo na kapag bumalik ka pa,sisiguraduhin kong hinding-hindi na kita papakawalan pa. Paalam Vi, mahal na mahal kita”
- Theo Sage Alvarez
Ang pangakong babalikan niya ito ay naging kasing tigas na ng bato at kasing lamig na ng yelo. Ang pangakong ito ba ay may pag asa pang matupad kahit ilang taon na ang lumipas o mananatili na lang itong memorya ng nakaraan na kailangan nang kalimutan.