Mel was a hard working 19 year old girl from Boracay, Aklan. Lumuwas siya ng Maynila para takasan ang mga taong pinagkakautangan ng kanyang Ama.
Isang gabi, iniligtas siya ng isang lalaking nagpakilalang Aaron Sandoval mula sa mga humahabol sa kanya.
Simple lang ang hiniling nitong kapalit ng pagtulong sa kanya. Kailangan niya lang samahan ang matalik nitong kaibigang may sakit sa loob ng magdamag.
Ang huling natatandaan ni Mel bago siya nawalan ng malay ay ang pagbubukas ng pinto ng kuwarto at ang pagtambad sa harap niya ng isang lalaking may matangos na ilong at mahabang pilik mata.
Three years later, hindi niya sukat akalaing magku krus ang mga landas nila ng lalaking may mahabang pilik. He was a surgeon at janitress siya sa ospital na pinagtatrabahuhan nito.
The man was no other than Dr. Tan De Marco..matangkad, gwapo, mabango at.. naaalala siya nito..
Pero ano naman kaya ang dahilan ng matatalim na titig at nangungutyang ngisi nito? Nangangapa si Mel,
Paano, ngayong kahit isang eksena, wala siyang maalala ng gabing iyon?
❤️
Hindi akalain ni Abby na mabilis na masusulusyonan ang problema nya sa pera nang matanggap sya bilang yaya ng anak ni Daniel De Marco. Isang umaga kasi ay nagising syang tanging kumot lang ang suot habang katabi sa kama ang gwapo, macho pero nuknukan naman ng sungit nyang amo who was naked as the day he was born!
Daniel thought his son's nanny was nothing more but a pretty face. He thought wrong, nalaman nyang maliban sa maamong mukha ay tuso at mukhang pera rin ito. Katibayan ang perang sinisingil nito sa kanya kapalit ng pagsesante nya dito. He offered to marry her instead and tripled the money she was asking him. He was
thinking he has everything to gain and nothing to lose. Pero paano kung makialam ang pakialamerang puso?
One Night With Mr. Gorgeous
"I'm not going to marry you, Theo."
"And do you think I want to? Wala akong choice. Nanay ka ng anak ko."
Natameme si Arielle.
"Hindi ko hinihingi sa 'yo na maging asawa ka sa akin oras na makasal tayo, Arielle. If you're worried about making love to me, huwag kang mag-alala, hindi kita oobligahin. Hindi ko rin naman matandaan na ipinilit ko ang bagay na 'yan sa isang babae. I can always find myself a woman to take your place anyway."
Nag-init ang mukha ni Arielle sa inis. At sa ibang babae pala planong sumiping ng walanghiya at hindi sa kanya!
'Eh, kaninong kasalanan? 'Di ba ikaw naman 'tong nag-iinarte? 'Tapos, kapag naghanap siya ng ibang babaeng ikakama, maiinis ka.'
Ipinilig niya ang ulo. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit naman siya maiinis kung sakaling gawin nga ni Theo ang sinabi? Nagseselos ba siya? Pumapayag na ba siyang maging Mrs. Theo De Marco?
Of course not!
================================