Descargar la aplicación

Capítulo 5: Chapter 3

Nagpatuloy sa pagtrabaho si Nica ng araw na yun. Hindi man maalis sa isip ang mga kaganapan sa conference room ay naitawid naman nya na tapusin ng maayos ang trabaho. She worked overtime at mag-a-alas dies pasado na ng gabi. Nagdesisyon na syang umuwi. Kinuha nya ang itim na handbag at lumabas na ng opisina ng pinsan.

Nalukot ang mukha nya nang makitang umuulan sa labas ng building. Kahit kailan talaga ay ayaw nya ng ulan, lalo na ang kulog at kidlat. Ayaw nya lang na makarinig ng mga malalakas na tunog.

"Bye po Maam Nica." Paalam sa kanya ng mga gwardya na naka-bantay sa magkatabing entrance at exit ng building. Nginitian nya ang mga ito at tumayo muna sa isang sulok ng building kung saan hindi sya mababasa ng ulan. Wala kasi syang dalang payong.

"Good evening po Sir."

Napatingin sya sa lalakeng binati ng mga gwardya. Nagulat sya nang makitang papalapit sa entrance ng building si Mr. Villaruiz habang pinapayungan ito ni Harvey. Bigla syang nag-iwas ng tingin para hindi sya makilala nito. Napahawak din sya sa dibdib nang bumilis ang tibok nito.

"Uy Nica! Uuwi ka na ba? Ihahatid na kita. Magkapit-bahay lang naman tayo eh." Sigaw sa kanya ni Harvey.

Napakagat-labi sya at napapikit. Kahit kailan talaga ay pahamak ang kaibigan. Lumingon sya dito at nakita nya ang kaibigan na kasama ang boss nito. Nahalata nya ang seryosong mukha ni Mr. Villaruiz na nakatingin sa kanya. Hindi pa rin pala pumapasok ang mga ito sa loob ng building.

"Huwag na! Magta-taxi na lang ako!" Sigaw nya para marinig sya ng kaibigan sa kabila ng lakas ng buhos ng ulan.

"Hay naku! Antigas talaga ng ulo mo! Dyan ka lang! Ihahatid na kita! May kukunin lang kami ni Boss na importateng dokumento at uuwi na rin kami!" Sigaw din nito. Tututol na sana sya sa alok ng kaibigan nang bigla itong pumasok sa building kasama ang boss nito. Natampal nya ang noo.

Labag man sa kalooban ay hinintay nya ang kaibigan sa labas ng building. Napangiti sya dahil humina na ang buhos ng ulan hanggang sa naging parang ambon na lang ang mga ito. Eksaktong narinig nya ang paglabas ng dalawang tao sa exit ng building. Nginitian nya ang papalapit na si Harvey. Biglang napawi ang ngiti sa mga labi nya nang makitang nakasunod lang pala dito si Mr. Villaruiz habang nakapangko ang tingin sa kanya.

"Harvey, paki-kuha ang mga post-mortem examination documents sa presinto at ihatid mo sa opisina ko sa bahay. Ako na ang bahalang maghatid sa kaibigan mo." Utos nito kay Harvey. Nanlaki ang mga mata nya sa sinabi nito.

"Aba't! Talagang desperado na ang lalakeng ito na makasiping ulit ako ah!? Ubos na ba ang mga babae sa mundo at ako ang napag-tripan nitong mokong na 'to?" Sigaw ng isip nya.

"Diba bossing bukas pa natin kukunin yung mga dokumento-----"

"I said now." Putol nito sa protesta ni Harvey.

"O-opo." Tugon ni Harvey dito. Nilingon sya ng kaibigan. "Sorry Nica. May aasikasuhin pa pala ako. Si boss na muna ang bahala sayo. Mauna na ako." Nagmamadali na itong umalis.

"Teka Harvey!" Sigaw nya para pigilan ito na umalis pero huli na ang lahat dahil mabilis ang takbo nito at animo'y walang narinig.

"Let me give you a ride home." Napatingin si Nica kay Mr. Villaruiz na ngayon ay nasa tabi na nya.

"O-okay lang po ako. M-mag ta-taxi na lang ako. Goodnight po." Nagmamadali syang tumakbo palayo sa lalake at nagtungo sa gilid ng kalsada. Ininda nya ang mga mahihinang patak ng ulan at naghanap ng Taxi. Ngunit minalas sya dahil lagpas limang minuto na syang naghahanap ng taxi'ng masasakyan ay hindi sya naka-tiyempo ng mga taxi na bakante. Nagulat sya nang may pumaradang magarang kotse sa harap nya. Bumukas ang bintana sa harap nito at bumugad sa kanya ang mukhang iniiwasan nya. He gave her an emotionless facade.

"Get in." Utos nito.

"Ayoko!" She bowed a little para maka-eye level nya ito at para marinig sya nito ng maayos sa loob ng kotse nito.

"Get in kung hindi mababasa ka ng ulan."

Napatili sya nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nataranta sya sa biglaang buhos ng ulan kaya nagmamadali nyang binuksan ang pintuan ng passenger's seat na nasa tabi nito at sumakay na sa kotse.

"Thank you po, Sir." Sinubukan nyang ngumiti dito. Nag-iwas sya ng tingin nang makitang titig na titig ito sa kanya.

"Wear your seatbelt."

Nakahinga sya ng maluwag nang mag-focus na ito sa daanan. She immediately fastened her seatbelt at tumingin sa mga building na nadadaanan nila.

"Bakit mo ako iniiwasan?" He asked out of the blue.

"Iniiwasan po ba kita?" Pagmamaang-maangan nya at sinulyapan ito. "Hindi naman po tayo close Sir kaya wala naman ho yatang dahilan para gawin ko sa inyo yun" Pagsisinungaling nya.

"I know you're lying. And please, drop the formalities."

"Hindi ko po pwedeng gawin yun dahil boss ka ng boss ko. Magiging bastos po ako kapag hindi po kita ginalang, Sir."

"Tsss... We already made love. At hindi lang isang beses nating ginawa yun kung hindi tatlo! Stop acting like we didnt share a night of pleasure! Huwag ka ng makipagtalo. Abogado ako. I don't like losing especially kapag may ipinaglalaban ako. Call me Leo at huwag mo kang gagamit ng 'po' at 'opo' sakin." He commanded.

Nairita sya sa mga sinabi nito. "Excuse me lang po, Sir! Alam ko naman po kung saan ako lulugar! Yes, we had a one night stand. Pero Sir, alam ko naman na sanay kayo sa mga ganun kaya bakit ayaw nyo pa rin akong tantanan? Dahil ba nakokonsenya ka na birhen pa ako nung gabi na may nangyari sa atin? Don't worry kasi okay lang naman sa akin yun at wala akong pinagsisisihan! Masaya ka na po ba? Ngayon, pwede nyo na akong tantanan. Magpanggap na lang tayo na parang walang nagyari nung gabi sa party."

Bigla nitong ipinark ang kotse sa tabi at hinarap sya ng maayos. "Why don't you want to stop arguing with me? Hindi ba't nag-usap na tayo sa conference room? Matino ka namang kausap doon. I asked for your hand because i want you. I want you in my bed. It's your fault. The night you gave yourself to me ay halos nabaliw na ako sa kahahanap sayo. I even bothered to hire a PI para lang malaman ang whereabouts mo. Only to find out na nagtatrabaho ka lang naman pala sa building ko. Hindi mo ba nagustuhan ang gabing pinagsaluhan natin? You didnt even bother to wait for me till i woke up that time. Kung sakali mang nandoon ka pa rinsa kama ko noong araw na yun ay hinding-hindi na kita pakakawalan. I'll make love with you over and over again... Until you'll beg for more." He said huskily. He moved closer hanggang sa halos maamoy na nya ang hininga nito.

Nag-iwas sya ng tingin. "Sir, bababa na po ako. Magta-taxi na lang ako." She unfastened her seatbelt. Mas lalong kumabog ang dibdib nya nang lumapit pa ito at gahibla na lang ng buhok

gain.

He smirked. "I see... you're affected."

"B-b-bakit naman ako maaapektuhan?" She lied. Nag-iwas sya ng tingin. Maybe he's right. She's not a good liar.

"Look honey, you're stuttering." He said huskily. Naipikit nya ang mga mata nang pitikin nito ang noo nya.

"Aray!"

"You're not a good liar. Next time wag ka ng makipag-debate sakin."

"Next time? Wala ng magiging 'next time' kasi kapag nakita pa kita bukas o sa mga susunod na araw ay magre-resign na ako. Hindi na ako nagwo-worry sa pinsan ko kasi handa syang tulungan ng girlfriend nya sa trabaho as my replacement. Huwag kang mag-alala, Sir. Hindi na ako makikipag-debate sayo dahil hindi mo na ako makikita.

He glared at her. "Even if you leave, mahahanap at mahahanap pa rin kita."

Napangiwi sya sa sinabi nito. Kung bakit pa kasi sa lahat ng lalake sa mundo ay isang abogado pa ang naka one-night stand nya. Nanahimik na lang sya hanggang sa maihatid sya nito sa kanyang bahay.

Lumipas ang mahigit isang linggo at nanatiling normal ang buhay ni Nica. Hindi na nya nakita o nakasalubong man lang ang lalake. Bigla syang nakaramdam ng peace of mind. Siguro ay sumuko na rin ito sa kanya. Baka nga nakahanap na ito ng bagong babaeng isisiping muli nito. Bigla syang nakaramdam ng lungkot. Akala nya pa naman ay espesyal sya para sa binata.

Nagdesisyon syang magpaalam sa pinsan na magha-half day lang sya. Hindi nya maintindihan ang sarili kung bakit pero naghihinala sya sa mga nangyari sa kanya sa mismong gabi ng party ni Mrs. Teresa Villaruiz. Sa pagkakatanda nya ay bago pa sya pumasok sa kwarto ni Leonardo ay may waitress na nagturo sa kanya ng daan papunta doon. Sinabi pa nito na CR ang kwarto ng binata. Sana mali sya sa akala pero may hinala syang sinadya silang pagtagpuin ng binata.

Nagmamadali nyang kinuha ang handbag at sumakay ng elevator papuntang 25th floor. Agad nyang pinuntahan ang receptionist na nasa labas ng opisina ni Leonardo at kinausap ito.

"Good afternoon Miss. Gusto ko sana kausapin ang boss mo." Nginitian nya ito. Nagagandahan kasi sya sa receptionist na sa tantsa nya ay mga nasa 20's pa lang ito katulad nya.

"May meeting ho ba sila with the chairman?"

"Wala eh. Pero pakisabi sa kanya na gusto ko syang kausapin. Tungkol lang sa importanteng bagay."

Tumango ang receptionist at pinindot ang number 1 sa intercom na sa tingin nya ay connected sa opisina ni Leonardo.

"Sir, may babaeng gusto kayong makausap. Importante daw"

[Sino?]

"Si...." tiningnan ng receptionist ang ID nya. "Si Ms. Veronica Manalo po. Papapasukin ko ho ba?"

[Let her in]

"You can go inside, Ms. Manalo. What do you want? Coffee? Tea? Juice?"

"Ay huwag na. May baon akong inumin sa bag kaya chill ka lang dyan. Thank you na lang sa alok." She smiled. Naglakad sya papunta sa opisina nito. Nakita nya agad ang binata dahil gawa sa glass ang pintuan ng opisina nito. Kumatok sya bago pumasok. Nilapitan nya ang binata.

"G-good afternoon po. Sorry sa abala. Pwede ba kitang makausap?"

Napalunok sya nang makitang titig na titig ito sa kanya. She bit her lower lip as her heart began to thump faster. Mas lalong naghuramentado ang puso nya nang bigla itong tumayo at umikot sa office table nito para lang makalapit sa kanya.

"So pumapayag ka na?" He smirked. H grabbed her waist and pulled her closer to him. She can smell his manly scent. She can also feel his manhood against her slacks. Nanlaki ang mga mata nya at agad nya itong naitulak sa sobrang gulat.

"Hindi yun ang pinunta ko dito. Nandito ako para tanungin ka ng ilang katanungan tungkol sa party ng mama mo."

"What about the party? Hindi ba't nandoon ka noong araw na yon kaya bakit mo pa ako tatanungin tungkol sa bagay na yan?" He asked with full of disappointment. Masyado siguro itong nag-expect na pumapayag na sya sa alok nitong maging 'partners' sila sa kama.

Ganun pa man ay inalok sya nitong umupo sa mahabang sofa na nasa harap ng office desk nito. Inilabas nya ang notebook at ballpen mula sa bag nya at tiningnan si Leonardo na ngayon ay katabi na nya.

"Ano ang catering service na nag-cater sa party ng mama mo?" She started asking.

"And why are you suddenly interested about the catering service? Kung gusto mong malaman kung ano ang wine na ininom mo, i think its Beaumont 1964. Nalasahan ko yun sa labi mo nung gabing may nangyari sa atin."

She blushed. "Hindi yun ang gusto kong malaman, Mr. Villaruiz! Hindi mo ba nagtataka kung paano ako nakapasok sa kwarto mo nung gabing yun? Kaya ko tinatanong sayo kung ano yung catering service ay dahil gusto kong makilala ang mga waitress noong araw na yun. May isang babaeng nagturo saakin ng daan papunta sa kwarto mo. Do you think im stupid enough na umakyat doon para lang sa isang one night stand? Kaya ba inaalok mo akong maging kasiping mo gabi gabi ay dahil sa pag-aakala mong ginusto kong angkinin mo ako?"

"Wait? So hindi ako ang naging sadya mo? Why are you in my room that night?" Nag-umpisa na rin itong magtaka.

"That night, i was searching for the restroom. Nagtanong tanong ako sa mga maids mo kung saan ang daan papunta doon. Tinuro nila sa akin ang CR sa tabi ng hagdan paakyat ng 2nd floor ng mansyon nyo.... And then may isang babaeng pumigil sa akin sa pagpasok sa CR na yun at ang sabi nya Out of Order daw yun at nasa 2nd floor pa daw ang CR! Nagtataka ako kasi tinuro nya sa akin ang daan patungo sa kwarto mo. Hindi ko nga alam na kwarto mo yun eh. Kaya nagulat ako nung makita kita doon."

Kumunot ang noo nito. "That's silly! Bakit naman maa-out of order ang CR sa baba ng mansyon. My mother is very meticulous especially when it comes to our house kaya hindi pwedeng ma-out of order ang CR na yun. Lalo na sa araw ng party nya. So ibig sabihin may isang tao na gustong magkatagpo tayong dalawa. Sino naman yung taong yun?" He asked.

"Kaya nga tinatanong kita ng mga detalye! Ipapa-sketch ko na lang sa kaibigan kong pulis yung babaeng waitress na yun kung sakali man na hindi ko sya mahanap kaagad."

"Let me help you. Im going to hire a PI for that matter. May CCTV din ang bahay namin kaya nakakasiguro akong mahahanap at mahahanap ko ang babaeng tinutukoy mo. I wanted to know what's her real agenda. Bakit nya tayo pinagtagpo noong gabing iyon?"

"Ewan ko. Pero kung sino man siya, siguradong magbabayad sya sakin. Pagbabayaran nya yung ginawa nyang panloloko!" Galit na wika nya.

"Come to think of it, kung hindi dahil sa babaeng yun ay hindi tayo magkakakilala. Well, kung sino man sya. Im going to thank her." He smiled. Bigla syang nakaramdam ng inis.

"Thank her? Bakit mo naman papasalamatan yon?!"

"Because of what she did, nakilala kita. We had a one night of enchantment. Balak mo na bang pumayag sa alok ko, Ms. Manalo?" Malambing na tanong nito.

Napailing-iling sya. "Ikaw lang yata ang natutuwa sa panlolokong ginawa ng babaeng yun! Ibang klase."

"Why? Pinagsisisihan mo ba ang nangyari sa atin nung gabing yun?" He asked in a low, husky voice.

"Oo. Pinagsisisihan ko. Aalis na ako." Tumayo na sya at naglakad patungong pintuan. Nagulat sya nang hatakin sya nito pabalik at siilin ng halik. Nanlaki ang mga mata nya. Agad nya itong tinulak sa sobrang pagkabigla.

"Im going to make you regret saying that." Hindi na sya naka-protesta nang siilin muli sya nito ng halik. But this time, the kiss was very torrid, almost pushing her lips. He darted his tongue inside her mouth and tried to play with her tongue. His calloused hands cupped her breast as he pushed his body closer to her. Itinulak sya nito sa wall at itinuloy muli ang paghalik sa kanya.

She felt defeated. Her mind was commanding her body to stop him. Ngunit tila may sariling utak ang katawan nya at hinahayaan lang ang lalakeng gawing ang mga gusto nito sa kanya. His lips lowered to her neck. She craned it to give him more access. Napapikit sya sa mga sensasyong unti-unting lumalasing sa kanya.

Naitulak nya ng wala sa oras si Leonardo nang biglang bumukas ang pinto ng opisina nito at bumungad ang mukha ni Harvey. Mabilis nyang inayos ang sarili at nginitian ito.

"Oh Nica! Good Afternoon. Andito ka pala? May kailangan ba ang pinsan mo sa boss ko? Sana sa akin mo na lang sinabi para hindi ka na nag-abalang pumunta dito."

"Okay lang Harvey. Ayaw na kitang abalahin pa kaya ako na lang ang nagpunta. Aalis na ako." Nahihiya syang lumabas ng opisina at tumakbo papuntang elevator. Nakahinga sya ng maluwag dahil hindi nahalata ng kaibigan na halos hubaran na sya ng boss nito kung hindi lang ito dumating. Good thing she tied her hair up in a bun kaya presentable syang tingnan kanina. Kung nagkataon sigurong naka-lugay ang buhok nya ay mahahalata  ng kaibigan na may iba pa silang ginagawa doon sa opisina maliban sa trabaho.

Nang makapasok sa elevator ay pinukpok nya ang sarili sa sobrang kahihiyan.

"Ang landi mo talaga Nica! Hinalikan ka lang, handa kang bumukaka! Ibang klase!" Inis na sigaw nya sa sarili. Bigla nyang hinawakan ang leeg nang makitang namumula iyon sa repleksyon nya sa salamin ng elevator.

"Aba't! Bakit nya ako nilagyan ng chikinini?!!" Inis na sambit nya. Mabilis nyang inilugay ang buhok upang matakpan ang leeg nyang may chikinini. Bigla syang namula at kinagat ang pang-ibabang labi nang maalala ang ginawa nila ng binata sa opisina nito. Kung hindi dumating si Harvey ay baka tuluyan na nyang ipinaubaya ang sarili sa binata.

"I'm going to make you regret saying that." Naalala nyang wika ng binata. Sa totoo lang ay wala syang pinagsisisihan sa mga nabgyari sa kanila nung gabi ng party. Gusto nya lang talagang malaman kung bakit sila pinagtagpo ng misteryosong waitress na 'yun. Bakit parang pinlano ang mga kaganapan noong mga araw na 'yun? Simula't sapul pa lang na dumating sa kanya ang invitation sa party ay nakaramdam na sya ng matinding paghihinala. Sa lahat ng sekretarya maliban kay Harvey ay isa sya sa mga naimbitahan sa party na yun. Ni hindi nga sila close ng pamilya Villaruiz! Kung wala pang milagrong nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Leonardo ay hindi nya ito makikilala.

Mabilis syang naglakad palabas ng building at dumiretso sa presinto. Ipapa-sketch nya ang mukha ng babae sa kaibigan nyang si SPO3 Greg Fontanier. Magaling ito sa pag-ii-sketch ng mga suspek na inire-reklamo sa presinto kung saan ito nakatalaga at naka-receive na rin ito ng award na galing sa gobyerno dahil sa angkin nitong galing sa pagguhit.

"Veronica! Long time no see!" Bati sa kanya ng kaibigan nang makita sya nito sa labas ng presinto.

"Good afternoon, Greg. Libre ka ba? May ipapagawa kasi ako sayo." She smiled.

"Good evening po Maam, ano po ang sadya nila?" Tanong sa kanya ng gwardya na nagbabantay sa mansyon ng mga Villaruiz. Nakakuha na sya ng sketch ng hitsura ng babaeng waitress na nakita nya sa party. Sinadya nyang pumunta sa mansyon ng mga Villaruiz upang mag-imbestiga at magbigay ng ilang katanungan sa ina ni Leonardo na si Teresa Villaruiz.

"Andito ako para kausapin si Mrs. Villaruiz."

"Sino po sila?" Tanong ng gwardya sa kanya.

"Pakisabi na ako si Veronica Manalo. Pakisabing kakilala ako ng anak nya."

"Sige po."

Inilibot nya ang paningin sa kabuuan ng masyon na abot-tanaw nya mula sa gate habang kinakausap ng gwardya sa telepono si Mrs. Villaruiz.

"Sige po Maam, pwede na raw po kayong pumasok. Ie-escort po kayo ng mayordoma papunta sa library.  Diretsuhin nyo lang po yang daan papunta sa front door."

"Sige salamat." Nginitian nya ang gwardya at nagtungo na sa front door ng mansyon. Nginitian nya ang isang matandang mayordoma na mag-eescort sa kanya.

"Nagkita na tayo hija nung aksidente kang nakapasok sa kwarto ng mga maids nung gabi ng party ni Mam Teresa. Ako nga pala si Pilar. Ang mayordoma ng pamilya Villaruiz." Pormal nitong pagpapakilala sa kanya.

"Hello po. Ako nga po pala si Nica. Nandyan po ba sa loob si Mrs. Villaruiz?"

"Oo nasa library sya. Halika't ihahatid kita sa kanya."

Sinundan nya ang matandang mayordoma patungo sa second floor. Napatingin sya sa kwarto na nasa pinakadulo ng hallway. Napakagat-labi sya nang maalala muli ang mga  nangyari sa kanila ng binata sa kwartong iyon. Umiling-iling sya at iwinaksi sa isipan ang mga alaalang bigla nyang naalala.

Sinundan nya ang mayordoma na ngayon ay nauna na sa kanya. Naglakad ito patungo sa kabilang dulo ng hallway, at pumasok sa isang kwarto doon. Maya-maya'y lumabas ulit ito at inaya syang pumasok. Lumapit sya at sumilip ng bahagya sa loob ng kwarto at literal syang napanganga nang bumungad sa kanya ang napakalaking koleksyon ng mga libro. Namamanghang inilibot ni Nica ang mga mata sa kabuuan ng library. Punong puno ang kwartong iyon ng mga libro at sa gitna ng kwarto ay may dalawang magkaharap na mahabang sofa at nakaupo si Mrs. Villaruiz sa kanang sofa at tahimik na nakatitig sa kanya.

"Good evening, Ms. Manalo. Have a seat." Alok sa kanya ng ginang. Nanlaki ang mga mata nya sa sobrang gulat. Kilala sya ng Ginang!

"Paano mo po ako nakilala? Hindi ko sinabi ang pangalan ko sa gwardya."

"Maupo ka muna at ipapaliwanag ko sayo ang lahat, Ms. Veronica Andrada Manalo."

Bigla syang kinilabutan. Bakit sya kilala ng Ginang? Bakit parang matagal na syang kilala nito?

Umupo sya sa kaharap nitong sofa. Bigla syang nakaramdam ng matinding kaba. Napaka-intimidating ng dating ng Ginang at nakakatakot itong tingnan. Maliban doon ay natatakot sya sa mga posible nyang malaman mula dito.

"Let me introduce myself. I am Teresa Villaruiz. Leo's Mom. Ikinagagalak kong makita ka ng personal, Nica."

Napalunok sya. Kinikilabutan sya sa tono ng pananalita nito. Gayunpaman ay hindi sya nagpahalata.

"Drop the formalities, Maam. Im here to ask a few questions and i hope you can help me. Let me get straight to the point. Bakit nyo ako kilala? Nagkakilala na po ba tayo somewhere?"

Nginitian sya nito. "I love your strong personality Nica. No wonder pinaimbestigahan ka ng anak ko. This is the first time na naging interesado sya sa isang babae. I can tell that the Matchmaker knows how to do her job. Alam nya ang tipong babae ng anak ko."

Nanlaki ang mga mata nya. "Matchmaker?"


next chapter
Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C5
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión