Pinunasang mabuti ni Megan ang basang pisngi dahil sa pag-iyak nya. Ngayon nya lang napagtanto ang mga nangyari. She deserve to be punish because of selfishness. Natamaan sya sa mga salita ni Margareth. Nagmahal lang rin sya pero hindi sa paraang sasaya sya kundi sa paraang maraming masasaktan. Ginawa nyang miserable ang buhay ng mga taong akala nya ay sagabal sa pagmamahal nya kay Norbert at iyon ay si Margareth pero naisip nyang sya nga ba ang sagabal o ang sarili dahil sa ipinagpipilitan ang pagmamahal nyang hindi naman kayang suklian ng taong minamahal nya?
Lumabas sya sa ospital. Tuliro at walang ibang maisip kundi ang kalagayan ni Norbert sa loob ng operating room.
Naglakad sya papunta sa kotse nya pero sumalubong sakanya ang galit na mga mata ni Albert.
Hinawakan sya nito sa braso saka hinila papunta sa parking area ng hospital kung na saan ang kulayt pulang kotse ni Albert.
Nagpupumiglas sya pero sadyang malakas ang pagkakahawak sakanya ni Albert. Nasasaktan na rin sya pero walang magawa ang pagpupumiglas nya. Binitawan lang sya ni Albert nang nasa harapan na sila ng kotse.
"Ano bang problema mo?!" galit nyang sabi. Tinignan nya ang braso nyang namumula. \
Hindi pinansin ni Albert ang galit nya. Masama sya nitong tinitigan pero balewala rin iyon kay Megan.
"Tss!" akmang aalis sya sa harap ni Albert pero hinila sya ulit nito sa braso.
"Ano ba?! Bitawan mo nga ako! Aray! Nasasaktan ako!" marahas na binitawan ni Albert ang braso nya. Galit na hinilamos ni Albert ang dalawang kamay nya sa mukha nya. Namumula na rin ang dalawang tenga at leeg ni Albert pero pinipilit pa rin nyang magtimpi.
"Wala kang sasabihin? Aalis na ako." Aalis na sana si Megan pero napatigil sya dahil sa mga sinabi ni Albert.
"Kailan ka kaya bibitiw sa pag-asa mong mahahalin ka ng lalaking 'yon? Hanggang kailan ka aasang bibigyan ka nya ng kahit katiting na pag-ibig? Ipagsisiksikan mo pa rin ba ang sarili mo kahit alam mong wala kang halaga at pwesto sa puso nya? Ano? Sumagot ka?!" galit na galit na sambit ni Albert. Napayuko si Megan dahil wala syang alam na isasagot sa lahat ng tanong sakanya ni Albert. Parang nabingi sya pero pilit pa rin nyang iwaksi sa isip nya ang mga narinig. Oo, masakit at tagos iyon sa puso nya pero balewala na iyon sakanya dahil sanay na syang masaktan lalo na kapag si Norbert ang dahilan dahil kaya nyang tiisin para lang sa lalaking mahal nya.
"Ano bang pakialam mo? Sino ka para sabihin sa akin ang mga 'yan?" nakayuko nyang sambit. Mahina lang iyon pero rinig pa rin ng dalawang tenga ni Albert. Masakit para kay Albert na wala syang halaga para kay Megan.
"Sino ako? Ako lang naman ang ama ng dinadala mo. Ako ang lalaking nagmahal sayo ng sobra at tinangap ka ng buo sakabila ng hindi mo ako kayang mahalin pabalik dahil alamkong matutunan mo rin iyon."
"Ako ang ama pero hindi mo maamin sa sarili mong ako nga at wala ng iba dahil hindi mo matanggap dahil mas mahal mo sya higit sa akin. Sya pa rin ang pipiliin mo kahit sinasaktan ka nya at kahit anong gawin ko ay sya pa rin ang laman ng puso mo." napayuko si Albert sa lahat ng sinabi nya. Masakit pa lang sayo galing lahat ng katotohanan pero hindi mo pa rin kayang gisingin ang mata mo dahil ayaw mo.
May isang luha ang kumawala sa mata ni Albert. Agad nya iyon pinunasan. He faced Megan pero hindi pa rin nagbago ang tinging mayroon sya. It is still no emotion at all.
"Mahal na mahal kita. I even betray you at magpanggap na si Norbert just to get you. Yang bata sa sinapupunan mo ang naging resulta pero hindi ko alam kung bakit hindi pa rin kita makuha. Kapag kaharap mo ako sya pa rin ang nakikita mo. Siguro tama silang napakatanga ko na minahal kita at mamahalin pa ng sobra pero ngayon, alam ko ng kailangan kong bumitaw sayo at sa paniniwalang mamahalin mo rin ako." Tumaliko si Albert. Tumulo muli angh luha na kanina pa nyang pinipigilan.
Ngayon lang sya nagkaganito at ngayon lang din sya nagmahal ng sobra-sobra na kayan nyang ipagkaluno ang kapatid nya makuha lang ang mga gusto nya lalo na si Megan. Naisip nya dati na kapag nakuha nya ang kumpanya sa kamay ng kakambal ay makukuha na rin nya si Megan pero nagkamali sya.
Huminto sya sa paglalakad. Nasa tapat na sya ng pintuaan ng kanyang kotse.
"Ginawa ko lahat pero siguro tama na ito dahil sobrang sakit na at tila hindi ko na kaya." binuksan nya ang kotse nya saka mabilis na pumasok at pinaandar ang makita ng kotse saka pinaharurot iyon ng mabilis. All he wants is to notice, to be loved by the girl he loves the most pero hindi iyon nangyari.
Naiwan si Megan. Nakatingin sa papaalis na kotse ni Albert. Wala syang maisip kundi ang mga sinabi ni Albert. Pareho lang silang nagpakatanga dalawa dahil sa pag-ibig. Nagpakatanga si Albert sakanya at sya naman ay kay Norbert.
Alam nyang hindi nya kayang ilaan ang pagmamahal nya kay Albert noon pa man. Nakikita nya ang lalaki bilang kakambal lamang ni Norbert. Hindi na iyon lalagpas sa kung saan. Matagal na rin nyang alam na anak ni Albert ang nasa tyan nya pero pinaniniwala lang nyang isang panaginip iyon at si Norbert ang kasama nya pero sinabi sakanya, harap-harapan ni Norbert na hindi sya ang kasama nya sa kama noong gabing iyon.
Nasaktan sya pero wala na syang nagawa dahil naawa sya sa mga batang nasa sinapupunan nya dahil wala silang kasalanan sa mga nangyari. Naging selfish at siguro ito ang kabayaran sa lahat ng ginawa nya.
Habang nagmamaneho sya ay tandang-tanda ni Megan kung paano sya nagmakaawa kay Norbert na mahalin sya pero hindi pala ganoon kadaling gawin ang isang bagay na hindi mo kaya at hindi mo magawa kahit na anong gawin mo. Hindi kayang turuan ang pag-ibig at hindi iyon natutunan dahil ang pag-ibig ay kusang dumarating iyan sa tamang oras, panahon at pagkakataon. At iyon ang bagay na hindi alam ni Megan.
"Ako naman ang nauna diba? Ako ang unang nakasama mo kapag kailangan mo ang makakasama sa kama. Ako ang babaeng nagbigay sa'yo 'nun pero nung dumating sya ay bigla mong sinabi na tama na, dahil ano? Dahil mahal mo na sya? Lintik naman Norbert! Mahal naman kita ah!" Nasapo ni Megan ang mukha nya dahil sa tindi ng frustration na nararamdaman nya dahil sa pag-amin sakanya ni Norbert na may babaeng minamahal na ito.
"Alam ko ikaw ang babaeng nagbigay ng mga bagay na kailangan bilang lalaki but that's enough. I want you to respect yourself not because I told you but that's the right thing to do. Mahal ko sya at nagsisisi ako sa mga nagawa ko sa'yo dahil babae din sya at kailangan nya ng respeto." Sinampal ni Megan ang kaliwang mukha ni Norbert. Namula iyon dahil sa sobrang lakas ng pagkakasampal nya. Hindi iyon ininda ni Norbert. Tumingin lang sya ng deretso sa mata ni Megan dahil alam nyang mangyayari ito sakanilang dalawa.
"I give you all pero bakit ganito ang isusukli mo? Bakit?-" hindi naituloy ni Megan ang sinasabi nya dahil sumigaw si Norbert ng malakas. Galit sya nitong tinignan sa mata.
"Alam mong hindi kita mamahalin. Iyon ang usapan natin noon! Iyon ang nangyari at pumayag ka dahil sa kagustuhan mo ring makalimot doon sa ex-boyfriend mo! Hindi ko na kasalanang minahal mo ako, Megan. Hindi ko kasalanan at hindi ko iyan mapapanagutan kahit kailan." Nag-igitng ang bagang ni Megan dahil sa mga narinig nya kay Norbert. Masakit, oo. Sobrang sakit na parang mabibiyak ang puso nya dahil sa mga narinig nya. Hindi sya makapaniwalang mas masakit ang tagpong ito kaysa sa break up nilang dalawa ng ex-boyfriend nya.
Napayuko si Megan at humikbing umiiyak. Sana sa pag-iyak nyang ito ay maawa si Norbert at bumalik sakanya at iwan ang kung sino mang babaeng iyon.
"Sorry pero hindi kita minahal at hinding-hindi iyon mangyayari dahil may mahal akong iba." tumalikod si Norbert sakanya saka nagsimulang maglakad pero agad syang tumakbo. Niyakap nya ang likod ni Norbert saka isinubsob ang mukha. Humihikbi at hindi alam ang gagawin.
"Nagmamakaawa ako. Ako na lang ang mahalin mo. Ibibigay ko lahat ng kailangan mo. Gagawin ko lahat basta mahalin mo lang ako." Mas hinigpitan pa ni Megan ang pagkakayakap nya kay Norbert.
Huminga ng malalim si Norbert at napahilamos ng mukha.
"Sorry but I can't." Humikbi pa lalo si Megan. Mas humigpit pa ang yakap nya pero unti-unti iyong lumuwag dahil sa pagkalas ni Norbert.
"Mahal kita, Norbert. Mahal na mahal. Sobra. Ako na lang please? Ako na lang ang mahalin mo. Nagmamakaawa ako." Kusa na syang kumalas sa pagkakayakap nya mula kay Norbert. Nakayuko sya at kaharap ang matipunong likod ni Norbert.
Hindi sumagot si Norbert. Naglakad lang ito palayo sakanya. Napaupo sya sa sahig at doon na nahulog ang mas marami pang luha mula sa mata nya.
Galit ang nasa puso nya ngayon. Nawala sakanya ang lalaking pinakamamahal nya na pinag-alayan nya ng buong puso nya. Pagbabayarin nya ang umagaw kay Norbert at sisiguraduhin nyang iiyak rin ito kagaya nya.
Napaluha si Megan dahil sa mga alala-alang iyon. Hindi nya akalaing mangyayari iyon sakanya sakabila ng pagiging malakas nya sa panlabas na anyo nya. Tama nga ang ibang tao na nagiging mahina ang isang tao kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan. Nagiging tanga at kayang I-give up lahat sa ngalan ng pag-ibig at iyon ang nangyari sakanya.
Nagyon, alam na nya ang ibig sabihin ni Norbert na kailangan nyang respetuhin ang sarili nya. Respeto ang nawala sakanya kasama ang dignidad nya bilang isang babae dahil sa pag-ibig. Nawala lahat sakanya pero ngayon, bubuuin nya iyon lahat para sa magiging anak nya.
She's been worthless all this time but not now dahil alam nyang magkakaroon na sya ng halaga para sa mga batang nasa sinapupunan nya. All she needs now is to leave and go to a place where no one can recognize her at doon nya bubuuin ang kanyang sarili kasama ang magiging katuwang nya sa buhay.
Huminga sya ng malalim saka hinimas ang medyo umbok na syang tyan gamit ang isa nyang kamay habang ang isa ay nagmamaneho. Ngumiti sya ng mapait dahil sa hinaba-haba ng panahon na pagiging tanga nya sa pag-ibig ay natututo na sya, nagising sa katotohanang mahalin mo muna ang sarili mo bago ka magmahal ng ibang tao dahil doon mo lang makukuha ang higit na respeto at dignidad na hindi kayang ibigay ng iba sayo.
At sa wakas nakarating na rin sya condo unit nya. She park her car saka nagmadaling lumabas at sumakay sa elevator. She needs to pack her things now dahil kailangan pa nyang bumyahe sa lugar na gusto nyang puntahan.