Descargar la aplicación
62.06% What If? (Book 1 Of Questions Trilogy) / Chapter 18: (Part 2: Palawan)

Capítulo 18: (Part 2: Palawan)

Bahagya akong naalimpungatan sa sigaw na malamang ay nagmumula na naman kay te jes.

"Guys! Wake up! Wake up! We're here! Omg! Omg!" nagkukumahog na sambit ni te jes habang ginigising ang lahat.

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata atsaka napatingin sa katabi ko. Nakatulala din siya at mukhang kakagising lang din.

"What time is it?" i asked.

"What time is it?" she asks.

Bahagya kaming natawa ng magkasabay kami sa pagtatanong.

"May orasan naman tayo pareho eh why don't we check it ourselves." sarkastiko nitong sagot sa parehong tanong namin at ganoon nga ang ginawa ko.

"8:38 pa lang, woah." nagtatakang sambit ko habang ang nasa tabi ko naman ay tumayo na atsaka ikinuha ang mga maleta namin na naroon sa bandang itaas.

"Hindi nagkamali yung pinsan mo, around 30-35 mns. nga tayo makakarating dito." tugon niya habang ibinababa ang mga maleta namin.

Matapos niya itong gawin ay nagbigay siya ng espasyo para makalabas ako sa bandang inuupuan namin. Hindi pa kami tuluyang nakakalabas ng eroplano ng muling umalingawngaw ang malakas na boses ni te jes.

"Let's go outside na kiddos, daliii!" sambit nito atsaka kami ihinigit dalawa ni Iya ng makita niya kaming papalabas na rin.

Sa sobrang bilis ni te jes ay muntikan pa akong matalisod buti na lang at nasa likod ko si Iya, kahiya tuloy.

Nang tuluyan kaming makalabas ng eroplano ay agad parang batang ngumiti ng pagkalapad-lapad si te jes.

"Eto na talaga yon kiddos, we're already here to Palawan! Aagghhhhh! Wait, lemme search..." agad niyang inilabas ang phone niya at saka nagpipindot dito.

"Tito Je!" tawag niya rito.

Agad naman siyang binalingan ni tito na kabababa lang din galing sa eroplano.

"Sanse Boutique Hotel po yung ino-offer ni Mang Ruben na hotel para sa atin!" sigaw ni te jes na tinanguhan lang naman ni tito.

Muling nagpapadyak at nagpapapalakpak si te jes na parang bata atsaka binalingan ang mga kumag sa likod na kabababa lang din

sa eroplano.

"HEY KIDDOS! LET'S TAKE A SELFIE!" Agad na kinuha ni te jes ang tripod niya at iminuwestra sa lahat ang sign na "now na" atsaka tuluyang ini-extend ito para makita kaming lahat.

Napapakamot naman ng ulo'ng itinahak ng mga kumag ang daan patungo sa gawi namin atsaka pinaunlakan ang paanyayang selfie sa.amin ni te jes.

"Andito na ba lahat? GAME NA HA!" malakas pa rin ang boses na sabi nito.

"1...2...3...SMILE!!!" malakas na sambit nito at ganoon nga ang ginawa ng lahat. Oh diba para kaming mga alagad ni te jes, haist.

"Iha saan daw banda sina Mang Ruben naghihintay?" tanong ni tita el matapos ang ilang shots ng camera.

"Dito po mismo tita sabi lang po ni Mang Ruben sa bandang gilid daw po ng pagbababaan ng eroplano natin sila makikita." sagot naman ni te jes atsaka inilabas ang sunglasses niya.

Nagpalinga-linga si tita sa paligid atsaka napangiti.

"Oh ayun lang pala sila oh! Halika na kids! For sure kanina pa nila tayo hinihintay dun!" nakangiting sambit ni tita na sinunod naman naming lahat.

Pinangungunahan pa rin ni te jes ang daan patungo sa mga itim na van.

Nang tuluyan kaming makalapit sa mga ito ay saka ko lamang napagtanto na kayla tita el ang mga van na ito.

Yes, pagmamay-ari nila ang mga magkakamukhang van na ito. Dascio's family, dito sila kilala ng karamihan.

"Mang Ruben!!!" tili ni tita el atsaka agad na yumakap sa isang matandang lalaki na sa tingin ko ay isa sa mga laki rito sa Palawan.

"Ma'am Cristina, kumusta ho ang buhay? nakangiting sambit nito.

"Living life to the fullest syempre ikaw naman Mang Ruben hindi ka tumatanda ah!" nakangising sambit ni tita el.

"Kayo ho talaga ma'am oh, ayos lang naman ho ang buhay dito ma'am. Sa ilang taon ko ho'ng tagapangalaga ng mga pinapasyalan dito sa aking palagay ay dito na rin ho ako papanaw sa aking lupang tinubuan, ang magandang lupain ng Palawan." malalim na sambit nito na nagpasimangot kay tita el.

"Ay! Mang Ruben! Mapagbiro ka talaga oh! Kids, listen up!" pumalakpak si tita el na nagpabaling ng atensyon ng lahat sa kanya.

"Siya si Mang Ruben, ang isa sa mga tagapangalaga ng lahat ng pupuntahan nating tourist destination dito sa Palawan. Maging sa El Nido siya ang mag-ga-guide sa atin kapag naroon na tayo. At tamang-tama ayon ang una nating pupuntahan diba, right jessy?" baling ni tita kay te jes.

"Yes tita. Nice meeting you po Mang Ruben, and advance thank you na rin po sa pag-to-tour sa amin dito around Palawan." nakangiting ibinalingan ni te jes si Mang Ruben.

"Walang anuman po Ma'am Jessy, ito po ang trabaho ko magmula noong musmos pa lamang po ako." magalang na tugon ni Mang Ruben dito.

Nginitian lang niya si Mang Ruben atsaka ito muling nagsalita.

"Mga ma'am, sir bweno halika na ho kayo rito sa mga sasakyan na gagamitin natin papunta sa Sanse Boutique Hotel, ang isa ho sa kilalang mga hotel na nasa El Nido Palawan lamang makikita." nakangiting sambit nito atsaka ipinangunahan ang daan patungo sa mga van na nakaparada sa harapan namin ngayon.

Agad naming sinunod si Mang Ruben at pumasok na kami sa mga van. Ang pang-una'ng van pa rin ang ininguso ni te jes na sasakyan namin kaya doon na rin kami dumiretso.

"Welcome to Palawan, mga ma'am, enjoy your vacation here at Palawan po and have a safe trip. We're heading straight to your hotel rooms po muna for now and after an hour we will be your service po ulit papunta sa El Nido Palawan." sambit ng lalaking driver na nasa unahan ng makapasok na ang lahat sa van.

"Gaano po kalayo ang hotel namin sa El Nido Palawan?" kaswal na pagtatanong ni te jes sa driver.

"Hotel po sa El Nido Palawan ang pagi-stay-an ninyo po ma'am. It's in Abdulla St. po maam. I mean we will be your service at any kind of stuffs po. Like foods, things that you will be needed so on and so forth. May tanong pa po ba ma'am?" muling tanong ng driver, nagmamaneho na sa ngayon.

"Nope, wala na, thanks for the infos." magalang na tugon ni te jes.

"Anytime po ma'am." magalang na sambit nito pabalik.

Makalipas ang iilang minuto ay nakarating na kami sa sinasabing hotel.

Nakita ko sa wind shield ang hotel na pagi-stay-an namin. Nakasulat sa itaas nito ang Sanse Boutique Hotel.

"We're here na po sa hotel na pagche-check-in-an ninyo mga ma'am, again enjoy and have a safe trip po." muling sambit ng driver bago kami tuluyang makababa ng van.

Agad namang itinahak ni te jes ang daan patungo sa loob ng hotel ay gayundin ang ginawa naming mga nasa first van.

Nang tuluyang makapasok dito ay agad akong nakaramdam ng lamig. Buti na lang at nasanay na ako sa ganitong mga hotel at hindi na kailangan pang mag-jogging sa labas para mapag-pawisan. Ganyan kasi ang ginagawa ko madalas noon kapag hotel ang pagi-stay-an namin.

Nakipag-usap saglit si te jes sa hotel registrar atsaka kami iginuide ng isa sa mga staff nito patungo sa aming hotel rooms.

Maging si te jes ay sinamahan kami sa aming room.

Nang makarating sa room 301 ay agad swi-nipe ni te jes ang hotel card at inanyayahan kaming sumunod na sa kanya papasok.

Umupo ako sa isa sa mga bed dito habang tumabi naman sa akin si Iya na wala ring imik sa ngayon. Mukhang pagod pa rin.

"Quad room ito chessy, akala ko kasi dalawa ang dadalhin mo rito. Kaya ayan may sobrang isa sa mga bed pero di bale di naman ako ang magbabayad ng rooms hahaha!" sambit ni te jes na nagpahalakhak din sa amin.

Ako, ang kapatid ko, si Iya, si utol at te jes lamang ang nasa loob ng room sa ngayon.

"Hi Iya, hindi pa pala ako nakakapagpakilala ng maayos sa iyo. I'm jessy but i preffered calling me jes instead, nice meeting you." sambit ni te jes sa katabi ko.

"Nice meeting you din, jes." sambit ng katabi ko.

"W-wait up, how old are you?" nagtatakang tanong ni te jes.

"I'm 21." nakangiti namang sambit nito.

"Woah, really? You're 3 yrs. older than chessy then." namamanghang tugon ni te jes sa katabi ko.

"And ka-edad ka niya ate." sambit naman ni utol na kasalukuyang nasa kama rin sa tabi ng kamang ikinauupuan ko sa ngayon.

"Kaya nga." sarkastikong sabi ni te jes saka inirapan ang kapatid niya.

Napahalakhak naman kaming tatlo sa bangayan nilang dalawa. Buti na lamang at hindi tinotopak ngayon ang kapatid ko, kung hindi maging kami ay magbabangayan din gaya ng kanina pa ginagawa ng magkapatid sa harap namin.

"So guys--"

"Ayan good, wag na kiddos! Kita mo oh, may sing edad mo na pala rito, kiddos kiddos ka pa." muling sarkastikong sambit ni utol na nagpahalakhak na naman uli sa amin.

Akma siyang babatukan ni te jes ng bigla siyang tumakbo at nagtungo papalabas ng kwarto.

"Epal yun." naka-pout na pagmamaktol sa amin ni te jes. Napangisi naman kami rito.

"So ang sasabihin ko sana ay magpahinga muna kayo ngayon dahil for sure ay pagod din kayo, reserve ninyo yung energy ninyo mamaya for the whole new day, marami tayong gagawin later, so be ready, ukie? Sa ngayon y'all should take a rest first, maiwan ko na muna kayo ha." marahang pagpapaliwanag ni te jes na tinanguhan lang namin.

Iyon ang nagsilbing signal niya para lumabas na sa aming kwarto at iniwan niya sa akin ang hotel card.

"Hey." marahang boses ni Iya ang narinig ko. Binalingan ko siya at eto na naman, ang lapit niya uli sa akin, shocks.

Sinadya kong mahiga dahil medyo naiilang ako sa pwesto namin di kalaunan.

"H-hmm?"

"Take a nap first." she said.

Nginitian ko naman siya habang nakalingon ang kanyang ulo sa pwesto ko.

"You too, we should, i guess. Marami raw tayong gagawin mamaya eh." pag-uulit ko sa sinabi ni te jes kanina.

"Yeah, tabing bed mo lang ako. Don't hesitate to wake me up kapag may kailangan ka ha." she said and i found it really sweet.

"Yup, go and rest na. Mukhang pagod na pagod ka eh." nakangising sambit ko she just hugged me for once atsaka nag-step in sa katabi ko lang din na kama.

Actually dikit-dikit din ang mga kama rito. Medyo malawak ang mga ito at ihinawi ko saglit ang kurtina na malapit sa bed ko para makita ang tanawin sa labas. Isa itong napakagandang hardin na may iba't ibang bulaklak. Na-amaze ako rito ngunit agad ko rin itong isinara dahil masyadong maliwanag ang ilaw na nagmumula rito. Hindi ko namalayang hindi pala namin binuksan ang ilaw sa kwarto. Ang liwanag na nanggagaling sa saradong bintana lamang ang nagsilbing ilaw namin sa loob ng kwarto.

Muli ay inihiga ko ang sarili sa kama at napagpasyahan ng magpahinga...

"Huy!!!" unti-unting nagising ang diwa ko at nang imulat ang mga mata

ay kaagad din itong tinakpan ng masilaw sa tirik na sikat ng araw.

Nang mapabaling sa bandang kanan ay agad bumungad sa akin ang kapatid kong iritado'ng patuloy pa rin ang wagas na pang-aalog sa kabuuan ko.

Nang mapansin naman nitong gising na ako ay kaagad niya ring itinigil ang ginagawa niya. Tiningnan ko rin siya ng iritado at napabuntong-hininga na lamang.

"Anong oras na?" naiirita pa ring tanong ko.

"9:32." walang emosyong sagot nito.

Saglit kong pinasadahan ng tingin ang katabi kong kama na aniya'y "don't hesitate to wake me up kapag may kailangan ka" ang kaso wala na. Ayun di na nang-hintay.

"Andon na silang lahat alam mo bang ikaw na lang ang hinihintay kanina pa?" literal na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"P-pucha! Bat di mo man lang ako ginising ng mas maaga?!" singhal ko rito na nagpaismid sa kanya.

"Woah, sorry ah." sarkastiko nitong tugon na mas lalong nagpairita sa akin.

Dali-dali akong nagtungo papunta sa banyo at doon mabilisang nag-wash up. Narinig ko rin ang yabag ng mga paa ng kapatid ko papalayo.

Hindi na ako nag-abalang magbasa pa ng buhok dahil ako na lang pala ang hinihintay, taena wala naman kasing nanggising!

Hindi na rin ako nagtagal sa banyo at kasalukuyan na akong naka-bathrobe sa ngayon. Agad pumasok sa isipan ko ang susuotin at ng may makita sa itaas ng side table na damit ay agad na kinuha na iyon.

Nang may mapansin na sticky note na nakadikit sa damit ay di ko napigilang basahin ito.

"Oh chessy buti naman at nagising ka na. Isuot mo na ito at kung ako sayo, hindi mo na binabasa pa itong note na to, Bilis! Ay ang bagal, gogora na tayo! " -ur dearest ate❤

Napangisi naman ako matapos ito basahin. Napansin ko rin ang high heels sa mismong baba ng side table na syempre, hindi ko isusuot! Mga eme kayo, sandals nalang!

Kasalukuyan akong nagsusuklay sa ngayon at nagpupulbo. Buti na lang at may epekto pa rin ang kaninang pagi-straight ng buhok sa akin ni te jes, kundi ay aabutin pa ako ng ilang oras para lang magmukhang presentable ang buhok ko.

Matapos ayusin ang sarili ay kinuha ko na ang sandals ko na nasa ilalim ng kama ko. Gayundin ang hotel card na buti na lang ay naalala ko. May note din na nakadikit dito.

"Wag ulyanin chessy!"

Napailing naman ako sa nakalagay dito agad kong inilagay ang dalawang note sa side table atsaka kinuha ang phone nagkukumahog na lumabas ng kwarto.

Nang tuluyang makalabas ng kwarto ay agad akong pumihit papuntang elevator.

Nagpapasalamat din akong mag-isa lang ako ritong nakasakay. May elevator assistant dito na nagtanong kung anong floor ako.

"1st." maikling tugon ko na agad nitong sinunod.

Nang makalabas sa elevator ay dali-dali akong tumakbo at i-chineck ang oras na sa ngayon, 9:39, pakening shet.

Nang tuluyan ng makalabas ng hotel ay nagulat ako ng biglang magpalakpakan ang mga kumag na kasalukuyang nakasandal sa bawat gilid ng mga van.

Nakayuko ako sa ngayon, humahangos habang hawak-hawak ang dibdib malakas ang tibok.

Lumapit pa sa akin ang kumag na matt atsaka ako inakbayan.

"Ang aga mo ata princess the 1st?" nakangising sambit nito na nagpaismid sa akin.

"Hinanap ko pa yung hotel card." pagpapalusot ko atsaka iwinasiwas sa kanila ang hotel card.

Tinaasan lang ako ng kilay ng katabi ko atsaka iginulo ang buhok ko. Marahas kong itinanggal ang pagkakaakbay niya sa akin at sumimangot ng todo.

Agad akong sumakay sa van na ikauna at nang makasakay ay muli na naman akong nakarinig ng palakpakan.

"Tang---" buti na lang at napigil ko ang sarili ko, naalala kong may driver pala rito sa unahan.

"Aga mo ata." ani utol habang nakangisi.

"Hinanap ko pa yung hotel card." nakabusangot kong tugon.

"Sus, palusot." pagsingit ng kapatid kong nasa tabi ni utol.

"Ikaw, ikaw! Malas ka eh! Hindi ka nanggis---" dinuro-duro ko pa ang kapatid ko ngunit agad ding naputol ang pagsasalita.

"Nasa side table lang yung hotel card chessy eh." nang-aalaska ang tono ni te jes na pumihit papaharap sa akin. Nasa gitna siya nina utol at Iya.

"Kaya nga, I saw it too." nakangising pagkampi naman ni Iya.

"E-eh---"

"Mga ma'am, we're going straight to El Nido Palawan na po, ang lahat po ng stuffs na pinakuha ninyo di kalaunan ay nakahanda na. 2-3 mns. lang po ang byahe mga ma'am, enjoy and have a safe trip po." pagsingit ng driver na nakapag-pahinga ng maluwag sa akin. O itago natin sa katagang "save by the driver". Mamaya ko na lang ikikiss sa manong.

Makalipas ang ilang minuto ay narito na kami sa main entrance ng sinasabi nilang El Nido Palawan. Saglit na mayroong sinabi muli ang driver atsaka na kami nagbabaan sa van.

As usual, wala na naman akong dala-dala bukod sa sarili ko. Naalala ko ng biglaan ang digital binocular na madalas kong dala-dala kapag mga ganitong magbabakasyon kami, at tae naiwan ko. Edi may pinagkakaabalahan sana ako ngayon. Mukhang maganda pa naman ang view ng El Nido sa malayo, sayang.

"Attention kiddos! Wala na bang nakalimutan pa sa van?" nakabaling ang atensyon sa amin na sambit ni te jes.

Inilingan naman siya ng karamihan. Ngumiti muli ng pagkalapad-lapad si te jes atsaka nagmamadaling isinenyas sa amin na sumunod na sa kanya.

"Hey." bulong ni Iya sa tabi kona nagpalingon sa akin.

"Hmm?" mahinahong tugon ko rito.

"Ready to swim?" nakangising tanong nito.

"Di ako marunong lumangoy hahaha! " pag-amin ko na nagpahalakhak din sa kanya.

"Well i'll be ur swimming instructor then." kinindatan pa ako nito at magsasalita na sana ng bigla muling nagsalita si te jes.

"OMG GUYS! TOTOO NA TO, ETO NA TALAGA YON! AGGHHHHH!" nagpapapalakpak na sigaw nito na nagpahalakhak sa amin.

Nang mapatingin sa harapan namin kung nasaan ang tanawin ay di ko napigilang mapahanga. Isa lang ang masasabi ko ng pagmasdan ang tanawin, na-pa-ka-gan-da. Woah!

(Picture Of El Nido Palawan)

"Oh ano pang hinihintay ninyo? Let's take an effing selfie right nowww, woohoooo!" sigaw ni te jes atsaka muling inilabas ang kaniyang tripod.

Nagpuntahan naman ang mga kumag sa gawi namin. No choice ulit, te jes yan eh, haist.

"1...2...3...SAY CHEESE!!!" masayang sigaw ni te jes.

"Okay let's take more shots!" sambit muli nito napansin ko ang iilan na napakamot ng ulo at si Iya na napangisi naman sa gawi ko.

Matapos ang picture taking ay napansin kong tinawag ni te jes ang driver ng van namin malapit sa kinaroroonan namin.

"Kuya, pakilagay na po ng mga banig banda rito pati po yung malaking payong, salamat po." baling ni te jes dito.

"Ay sige po ma'am, kami na po ang bahala'ng mag-set up." magalang na tugon nito.

Matapos nito ay bumaling naman sa amin si te jes.

"Oh? Kung ako naman sa inyo ay nagpapalit na kayo." sarkastiko sabi nito sa amin.

At ganoon nga ang ginawa namin.

Ngunit bago pa man ako makasunod sa kanila papunta sa banyo ay biglaang hinigit ni te jes ang kamay ko.

"Wear this chessy, bilisan ninyo ha tatawagin ko lang yung ibang mag-se-set up ng picnic table natin." sambit nito atsaka kusang nilagay sa kamay ko ang isang paper bag.

"Good luck chessy girl, fighting!" mapagbirong sambit nito atsaka humalakhak. Tuluyan na siyang tumalikod habang ako naman ay naglakad na patungo sa banyo.

Naaninag ko sa bandang labas ng banyo si Iya na nakatingin din sa gawi ko, uso rin pala sa kanya ang maghintay, huh?

Nang makalapit ako rito ay marahan hinigit ang kamay ko atsaka nakangising nagtungo sa loob ng banyo.

"What did u prefer to wear?" she asks as she glanced over the paper bag which i'm holding right now.

"Eto raw eh, hindi ko alam kung ano. Suotion ko raw sabi ni te jes." marahang tugon ko rito.

"May i see?" tanong nito na tinanguhan ko lang.

"Woah,wait." she stares at me atsaka niya tuluyang nilabas ang laman ng paper bag na dala-dala ko.

Literal na nanlaki ang mga mata ko ng makita ang bagay na yun, hindi maaari.

"So you're gonna wear this white two- piece bikini?" she asks na paulit-ulit ko namang inilingan.

"Oy! Hindi, ayaw! Hindi ako naggaganyan!" pinalilibutan ng hiya'ng sambit ko na nakapagpahalakhak sa kaniya.

"So what're u gonna wear?" she asks atsaka naghalughog ng kung ano sa backpack niya.

"D-di ko rin alam eh." nahihiya pa ring tugon ko rito.

"Uh-huh! Try this one. Don't worry makapal yan." she suggested as she pulls out some floral dress sleeveless na de-button na kulay mint.

Nag-aalangan ko itong tinanggap atsaka awtomatikong napataas ng kilay sa kanya.

"Sigurado ka?"muli siyang tumango sa akin atsaka inilagay sa paper bag ang nakatupi niyang dress.

"Wear the bikini first, then wear that bilang pantapal."muli nitong sabi na nagpatango nalang sa akin.

Muli ko siyang tiningnan ng may pag-aalinlangan na agad na nagpahalakhak sa kanya.

"Hey Franchessca Johnson can do it!" pag-chi-cheer nito sa akin at isinenyas na magpapalit na siya. Tumango lang ako at ganoon din ang ginawa.

Kasalukuyan na akong nasa cubicle ngayon at nag-bu-button na ng dress na ipinahiram sa akin ni Iya. Nang matapos ay agad akong lumabas dito.

Nang makalabas ng cubicle ay napatulala ako ng makita ko ang kabuuan ni Iya.

She's wearing a maroon two-piece bikini and some black see-through na kasalukuyang nakatapal sa kanya.

Matangkad si Iya at halos ka-height ko siya. She's slender than me. She looks so good.

"Oh you really look perfect as always. "nauna nitong complement na nagpabalik sa ulirat ko.

"That isn't your first time wearing those stuffs, no?" out of nowhere kong tanong dito.

"Nah, i'm close w/ my cousins too and hilig din namin ang pag-bi-beach." paliwanag nito atsaka saglit na inilabas sa bag niya ang kulay black na shades.

"You look stunning, Iya." nakangisi kong sambit dito.

"And srsly, alam mo kung ako sayo, tinatanggal mo na yang dress!" tugon nito na paulit-ulit uling nagpailing sa akin.

"Oh,fine! Let's come out, for sure naroon na yung mga pinsan mo." nakangisi'ng sambit nito as she intertwined our hands.

We went straight kung saan almost complete na ang sinet-up na pagpi-picnic-an namin. Naroon na rin ang mga kumag na agad napansin ang presensya namin.

"Woah, hi beautiful ladies!" mapagbirong sabi ni matt.

Pinasadahan ko ang suot niya at summer shorts na pang-lalaki lang iyon.

Nang balingan ang iba pang kumag ay napansin ko na lahat sila ay walang pang-itaas na damit.

Nang mapasulyap si matt sa magkahawak naming kamay ni Iya ay agad itong sumimangot.

"Respeto naman dyan oh!" pagmamaktol nito na ikinahalakhak namin.

Magsasalita sana ako nang aksidente akong mapasulyap kung nasaan ang kapatid ko. Nakikipagtalo ito sa hindi ko makita na tao dahil nakapalibot na ang ibang mga kumag sa kinaroroonan nila.

"Anong nangyayari ron?" agad kong ikinilas ang kamay ko sa kamay ni Iya at nagmamadaling tinahak ang daan patungo roon. Naramdaman ko rin ang pagsunod ng dalawa sa bandang likuran ko.

Nang tuluyang makalapit ay saka ko lang siya narinig.

"Hindi pwede! A-anong! Pakshet yan! Bakit ka sabi nandito eh,bat di ka ba sumagot, ha?!" muling sigaw ng kapatid ko sa... kay Ivan?

Paano naman sila nagkakilala? At anong ipinuputok ng buchi ng kapatid ko rito?

Mamamagitan na sana ako sa kanila ngunit nauna na si Iver.

"Cisca, relax, kapatid ko yan. Resbakan na ba natin?" nakangising sabi ng loko habang ang kapatid niya naman ay wala pa ring kibo sa tabi niya.

Nagtungo na rin ako papunta sa kanila atsaka nakapamewang na hinarap ang kapatid ko.

"At ano namang problema mo kung nandito si Ivan, aber? Magkakilala ba kayo? Affected much?" nakataas ang kilay na sabi ko sa mapaggawa ng gulo'ng kapatid ko.

"Wala yang respeto---"

"At sa tingin mo may respeto ka pa sa ginagawa mo ngayon? Sinisira mo yung araw, francisca." seryosong pamumutol ko sa mga nais niya pang sabihin.

"May araw ka rin sa akin." tiim-bagang niyang sinulyapan mula sa likod ko si Ivan atsaka nag walk out.

"Yaan nyo yun, madrama talaga yun." baling ko sa kanilang lahat. Buti na lang at kararating lang ni te jes at hindi muna kami nilapitan dahil may inaasikaso pa rin ata siya hanggang ngayon.

"Ano bang nangyari, ha?" seryosong baling naman ni Iver sa kapatid niya.

"Matagal na yung nangyari---"

"Anong matagal nang nangyari?" pamumutol ko naman dito.

Napabuntong-hininga muna ito bago ikwento ng mabilisan ang nangyari noong nakaraang araw. Aksidente lang pala eh, pero kung sabagay may karapatan namang magalit ang kapatid ko. Ikaw ba naman lumakad sa harap ng maraming tao na kulay brown ang puting damit, di ko lang alam kung di ka magalit.

"Hahaha! Lilipas din yang galit niya, wag kang mag-alala!" komento ko matapos niyang magkwento.

"Gusto ko nga sana bigyan yun ng peace offering eh." sabi ni Ivan.

"Dapat lang, eh loko ka pala. Di mo man lang ipinahiram ng jacket o ano mang pantapal sa mantsa." sarkastikong saad ni Iver.

"Pero hanggang ngayon kasi ramdam ko pa rin yung sampal niya eh, kaya bahala na rin siya sa buhay niya."

bawi nito na muling nagpahalakhak sa akin.

"Ay gago! Ikaw!" aambahan pa lang sana siya ni Iver ngunit agad na nakaiwas ito at tumakbo na parang bata.

Nang tuluyan itong makaalis sa tabi namin ay napabaling sa akin ang paningin ng kumag.

"Naka-dress mo talaga balak lumangoy?" nakangisi at tatawa-tawang panimula nito.

Binatukan ko muna siya atsaka naiiritang nagsalita.

"Di ako mag-si-swimming." sabi ko atsaka nag walk out na rin.

Bago ako tuluyang makaalis ay sumigaw ito.

"Isusumbong kita kay te jes, akala mo ha." parang bata nitong sigaw na nakapagpahalakhak sa akin.

"Good luck!" kinawayan ko pa to bago tuluyang bumalik sa pwesto ko kanina kung saan naroon si Iya.

"Hey, wanna take a dip?" she asks ng makalapit ako sa gawi niya.

"E-eh k-kasi o-okay lang bang ganito lang?" nahihiyang tanong ko sa kanya.

"I can't blame you kasi first time mo magsuot niyan. And i think there's no problem w/ that, come on." tugon niya atsaka niya hinigit ang kamay ko ng tuluyan papunta sa dagat.

Bago kami tuluyang lumubog dito ay itinanggal niya muna ang kaniyang see-through, revealing her body. Sana all katulad nila te jes, kayang dalhin ang lahat ng susuotin.

Muli niyang hinawakan ang mga kamay ko atsaka kami dahan-dahang lumubog sa tubig.

Tbh, medyo takot ako sa tubig. Hindi ko na kasi mabilang ang mga pagkakataon na muntik-muntikanan na akong malunod sa mga ganito eh.

"Oh takot ka sa tubig?" tanong nito nanatili ang ngisi.

"Y-yup." maikling sagot ko rito.

Magkahalong takot at ginaw ang pumangibabaw sa akin ng narating na namin ang bandang leeg ko ng tubig.

"Hey." she looks at me in a sincere way without speaking anything. She held my hands as she pointed out our friends using her pouted lips.

"Tingnan mo sila oh! Did u remember me facing my fears earlier?" tanong niya sa akin na tinanguhan ko lang.

"I think we were destined to faced each other's fears together." muling saad nito na tuluyan ng nakapagpagaan ng loob ko.

"Hanggang ibaba lang ng pisngi natin yung sa banda nila, wanna try it with me?" she asks na nagpangiti sa akin.

"Thank you, tara! Ayaw ko maging kj nuh, hahaha!" tugon ko rito na nakapagpangiti rin sa kanya.

"Let's go." nakahawak pa rin ang mga kamay niya sa akin sa ilalim ng tubig habang papunta kami kung saan naghihiyawan ang mga kumag sa di kalayuan.

Nang matunton ang ikinaroronan nila ay saglit silang huminto sa mga ginagawa nila ng mapansin ang presensya namin. Especially,ako.

"Woah, may sakit ka ata ikaunang prinsesa!" malakas ang boses na panimula ni matt.

Binatukan ko lang siya na ikinahalakhak niya.

"Asan na ang aking angel?" madramang pagsingit ni lejan sa usapan na ikinahalakhak namin.

Kinalabit naman ako ng katabi ko as she vowed "who" in a silent words.

"Ate jes." tugon ko sa kaniya.

"Really?" muling tanong niya.

"Uh-huh." i said.

Magsasalita pa sana siya ng biglang may tubig na tumalamsik sa amin.

Nag-peace sign naman si utol habang si kie naman ay di na magkanda-ugaga sa katatawa.

"Ay ganyanan pala ah!" sigaw ko sa kanila atsaka sila inalunan ng isang tidal wave na tubig gamit ang mahiwaga kong kamay.

At biglaan na lang nakisali rin ang iba pang kumag. Maging si Iya ay binasa si matt ng paulit-ulit. Para kaming mga bata na tawanan dito tawanan doon habang nagbabasaan.

"Ayaw ko na, ayaw ko naaa!" singhal ni Ivan sa kuya niya na hindi man lang natinag at patuloy pa ring nangbabasa.

Iba't ibang boses at hiyawan lamang ang maririnig sa nangyayari sa ngayon. Nakaisip pa si matt na mag-shark-shark-an at tanging langoy sirena lang daw ang pwede sa larong iyon. Hindi ko alam kung ano yung pesteng langoy sirena na yun kaya nagpaturo na lang ako kay Iya at mabilis ko naman itong nakuha.

"Oh game na, ako yung shark ah! Langoy sirena lang ah, walang mandadaya!" sigaw ni matt sa lahat.

Nakangising nagtanguhan lang kami at doon na nagsimula ang laro.

Kapag lalapit sa amin si matt ay sinasampolan ko siya ng isang malaking tidal wave habang siya naman ay nag-co-complain na lang at wala ng magawa.

Nung lumapit naman siya kay kie ay ganoon din ang ginawa nito may kasama nga lang konyat at dagan.

Walang humpay ang tawanan namin at napahinto lamang ng may bagong dating na sumigaw.

"Ay nagkakasiyahan na pala kayo dyan, wala man lang tumawag sa akin." nakabusangot na sigaw nito.

"Alam mo, ang drama mo. At dahil dyan, eto ang nababagay sayo oh!" sigaw din ni utol atsaka ito tuluyang lumapit sa kanya. Tinalamsikan siya ng tubig nito ng tuluyang matunton ang ikinaroroonan niya.

"Ay loko kang bata ka ah! Eto ang sayo, hmm!" binawian niya naman si utol atsaka muling nagbalikan sa paghaharutan ang lahat.

Nagtagal ang aming mga paggiging isip bata bago namin mapagpasyahan na tuluyan ng umahon para mag-meryenda.

"Chessy, halika nga rito!" mariin ang boses na tawag sa akin ni te jes ng tuluyan na kaming makaahon galing sa tubig.

"Bakit ate?" nakakunot ang noo kong lumapit sa kinaroroonan niya.

"Mukha kang loka-loka dyan sa suot mo oh! Hubarin mo nga yan!" nakataas ang kilay na tugon nito.

"H-ha? E-eh a-ate n-naman!" nagkanda-utal-utal at nagkukumahog na angal ko rito.

"Isa! Tatanggalin mo o tatanggalin mo, pumili ka!" nakataas pa rin ang kilay na singhal nito.

"Oh baka gusto mong ako pa ang magtanggal?" nangangamot ng ulo ako'ng hindi makasagot sa tanong niya. Taena yari na talaga, no choice ba naman eh!

"Ah ano kamo? Ako na ang magtanggal? Ah okay!" muling sabi nito atsaka sinimulan ng i-unbutton ang bawat butones ng dress ko.

"A-ate w-wag! T-tulong! Aaaahhhh!" kasalukuyan akong nagpapapadyak ngayon at pinipigil si te jes.

"Ay chessy! Wag mo takpan, isa!" muling sita sa akin ni te jes na pinakitaan ko naman ng pagmamaktol.

"Ihhh!" sabi ko at hindi pa rin inaalis ang kamay ko sa dress.

"Tingin ako, ako lang makakakita promise! Kumakain na naman sila ron eh, tingnan mo!" panghihikayat nito sa akin para tuluyan ng bumigay, tae.

"H-haist!" nakabusangot ng todo kong sambit habang ako na mismo ang naghubad ng dress na nakatapal sa kabuuan ko.

Matapos ko itong hubarin ay tinanggal na ni te jes ng tuluyan ang dress sa katawan ko na nakapag-palaki ng mga mata ko.

"WAAAAHH---"

Agad namang tinakpan ni te jes ang bibig ko na agad ko ring tinanggal.

"Sshh! Wag ka maingay! Sige ka makikita ka nilang ganyan. Pero tbh chessy you look hot right now." nakangising sabi ni te jes na nakapag-painit ng mga pisngi ko.

"Ay ayan na pala si Iya, good luck!" iniwanan na ako ni te jes habang para akong tanga'ng nakatayo rito at hindi makalapit sa di kalayuang cottage na kasalukuyang kinaroroonan ng mga kumag.

Nang makalapit ng tuluyan si Iya ay agad siyang napangisi atsaka nagsalita.

"Woah, you look definitely hot right now." she said atsaka tinakpan ang bibig at nahihiyang nag-iwas ng tingin.

"Here,buti hindi ka nilamag sa paghihintay sa akin." sabi nito at ako naman ay hindi pa rin makagalaw at hindi matanggap na nangyayari ang lahat ng ito sa ngayon.

Siya na ang kusang naglagay sa katawan ko ng tuwalya atsaka ako pinagmasdan.

"H-hey, i didn't mean to look at---" agad ko namang pinutol ang sinabi niya.

"Anukaba? It's ok, wala lang yun." pagpapaliwanag ko rito na nagpatango lamang sa kanya.

"Btw, let's go naroon na silang lahat sa cottage." she offered me her hand na agad ko namang tinanggap.


next chapter
Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C18
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión