Descargar la aplicación
52.33% WANTED PROTECTOR / Chapter 56: Chapter 56 - The Forgiveness

Capítulo 56: Chapter 56 - The Forgiveness

CIUDAD MEDICAL...

Nanlaki ang mga matang nagkatinginan silang dalawa!

Ngayon niya napatunayang totoo ang sinabi ng nobyo.

"Anong gagawin ko?" tarantang tanong niya sa kasintahan.

"Dito ka lang sa tabi ko. "

"Pare, handa ka na bang makausap ang taong muntik nang pumatay sa'yo?"

Huminga ng malalim ang binata. "Pare, ako ang nag-utos na pwede na siyang umalis sa bahay nila dahil nakakulong na ang mga kalaban niya." 

"Oo, alam ko, pare good luck sa 'yo. "

"Salamat pare. "

Umalis na si Vince.

Huminga ng malalim ang dalaga.

Hindi niya maiintindihan ang nararamdaman. Ngayon bigla siyang nahiya. 

Matinding hiya!

Wala siya sa tabi ng lolo niya sa panahong bumagsak ito. 

Wala siya sa panahong nasa kabiguan ito. Wala siya sa panahong siya lang ang tangi nitong makakapitan.

Wala siya sa panahong siya lang ang tangi nitong kakampi. Wala siya sa panahon kung kailan siya ang dapat tumulong dito. 

At higit sa lahat wala siya sa tabi nito kung kailan nawalan ng kapangyarihan ang isang don Jaime!

Hindi rin niya basta matatawagan lang ang lolo niya dahil sa takot at hiya.

Ngayon paano niya haharapin ang lolo niya?

"Tama na rin ang limang araw na pagkakakulong ng lolo mo sa bahay niyo."

"Kulong?"

"Para sa kaligtasan niya. "

Ilang sandali pa may kumatok.

Nagkatinginan sila ng binata. 

"Magtatago ako!" tarantang wika niya at naghanap ng mapagtataguan. 

"Hindi pwede 'yan, ako lang pahaharapin mo sa lolo mo?" 

Muling naulit ang katok. 

Binuksan ni Gian ang pinto. 

Lumitaw ang kanang kamay ni don Jaime.

"Sir, gusto raw kayong makausap ni don Jaime pwede ho ba?"

"Sige ho. "

"Sir, humihingi ho ako ng paumanhin sa nagawa ko napag-utusan lang, patawad po, patawarin niyo ho ako sir Gian. "

Yumuko si Alex.

"Naiintindihan ko ang sitwasyon mo Alex, kahit sino gano'n din ang gagawin, sinunod mo lang ang utos ng iyong amo. "

"Salamat po sa pang-unawa sir. Ms. Ellah magandang hapon sa inyo, " wika ni Alex bago lumabas.

Hindi siya sumagot sa tindi ng kaba. 

Sabay pa silang bumuntong hininga ng binata.

Papatindi ang nararamdaman niya. Para na nga siyang maiihi sa sobrang kaba.

Nararamdaman nila ang napakataas na tension para sa pakikipagharap nila sa don.

Ngayon parang gusto na niyang mag back out!

Wala siyang mukhang ihaharap sa lolo niya!

"G-Gian, sa kwarto muna ako. "

" Bakit?"

"Basta, parang hindi ko pa kayang makita si lolo. "

" Don't tell me galit ka pa rin? " bahagyang tumaas ang boses ng binata.

"Hindi, infact nahihiya ako. "

" Ako, natatakot, infact takot na takot."

Siya naman ang nagtaka. 

"Bakit? "

Bumuga ng hangin si Gian. 

" Paano kung hindi niya pa rin ako matanggap?"

"That's impossible! " bulalas niya. 

Sa dami ng nagawa ng binata para sa kanila ay imposibleng hindi nito matatanggap ang isang Gian! 

" The fact that nothing's changed on my part, that's possible. "

"What do you mean? " tinitigan niya ang nobyo.

" I am still a killer, a criminal walang naidulot na pagbabago ang ginawa kong kabutihan. 

Hindi ko na kayang baguhin ang tingin sa akin ng lolo mo. Paano kung 'yon pa rin ang dahilan ng hindi niya pagtanggap sa akin? "

Mariin siyang umiling. Hindi niya yata matatanggap na mabibigo pa rin silang makuha ang bendisyon ng abuelo. 

"No, hindi ka na dapat nag-iisip ng ganyan, kilala ko si lolo. Marunong siyang umunawa, manalig ka lang tatanggapin niya tayo. "

"Sana, umaasa akong tatanggapin ako ng isang don Jaime. "

Hinawakan niya ang isang kamay ng nobyo at naramdaman niya ang sobra nitong panlalamig.

Hinigpitan niya ang paghawak para iparating dito na hindi ito dapat matakot. Gumanti din si Gian at mahigpit siyang hinawakan.

Kailangan nito ng matinding pampatibay ng loob para humarap sa isang don Jaime Lopez.

Ilang sandali pa, may kumatok.

Nagkatinginan sila ng binata at sabay bumuga ng hangin.

Nanlalaki ang mga mata niya.

'Hindi ako nakaalis dahil sa pangit na ito!'

Mabilis niyang iwinaksi ang kamay na hinawakan ng binata at nagmamadaling pumasok ng banyo.

"Hoy! Iiwan mo ba ako? "

" Naiihi ako! " sagot naman niya.

Totoo ngang naiihi siya pero mas totoong nagtatago siya medyo nakabukas ng kaunti ang pintuan para masilip niya ang mga ito.

"P-pasok, " nauutal na wika ni Gian.

Dahan-dahang bumukas ang pintuan.

Lumitaw ang isang matandang lalaking naka sumbrero at may tungkod na hawak.

Nag-init ang sulok ng mga mata ng dalaga pagkakita sa nag-iisang kadugo. 

"D-Don Jaime, napadalaw kayo? "

"Gusto kong makita ka Gian. "

Tumayo ng tuwid ang binata. 

Ibinaling ng don ang tingin sa paligid.

" Nasaan si Ellah?"

Hindi sumagot ang nobyo.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi.

'Magpapakita na ba ako?' 

Nakakahiya!

Pero mas nakakahiya kung makikinig lang siya!

Lumabas ang dalaga nang nakayuko.

"M-magandang gabi po lolo. "

Nagliwanag ang anyo ng matanda. 

"Ellah hija, bumalik ka na, na mimiss ka na ng lolo! " 

Napatingin siya rito, wala na ang mabalasik nitong mukha bagkus ang nakikita niya ay isang matandang lolo na naghahanap ng nawawalang apo.

"O-opo lolo, babalik po ako. "

Pumiyok ang tinig ng dalaga tanda ng matinding pagpigil ng pag-iyak.

"Lalabas lang ho ako " tiningnan siya ng binata bago umalis.

" P-patawad po lolo, hindi ko alam na mangyayari ang ganito. Patawad po, " umiiyak na niyang turan.

Mabigat ang pakiramdam niya dahil kinakain siya ng kunsensiya.

"Hija, kalimutan na natin ang mga nangyari, ang mahalaga babalik ka na. Miss na miss na kita apo ko, " ani don Jaime saka niyakap ng mahigpit ang nag-iisang apo.

" Salamat po lolo, " niyakap din niya ito ng mahigpit.

Nagpapasalamat siya ng husto dahil tinanggap siya muli. 

Matapos ng ginawa niya parang hindi kapani-paniwalang matanggap siya ng gano'n lang.

Gano'n siguro talaga kung ngayon lang nagkakawalay sa isat-isa. 

Napakasaya niya ngayon dahil buo na uli ang pamilya nila kahit sabihin pang silang dalawa lang ng lolo niya.

Ilang sandali pa kumalas sila sa isat-isa.

"Gusto ko sanang makausap si Gian, " pahayag ng don.

"Sige po, papupuntahin ko siya rito. " 

Gusto sana niyang sabihing tanggapin na nito ang nobyo pero hindi niya magawa. 

Wala siyang lakas ng loob makiusap ngayon. Ang hiniling nitong kausapin ang nobyo ay sapat na para sa kanya.

Sana nga lang ay matanggap na sila, parang hindi na niya kakayanin kung hindi.

Parang bundok si don Jaime. Napakatayog at napakahirap akyatin at si Gian ay parang dagat napakalawak at napakahirap languyin.

At siya ang nasa gitna. 

---

Napalingon si Gian sa lumabas. 

Nakangiting kasintahan ang bumungad sa kanya. 

"Gian, kakausapin ka raw ni lolo! Ayusin mo ha? Mag opo ka ng mag opo para matanggap tayo." 

Natawa ng bahagya ang binata. 

"Opo," sagot niya. 

"Ikaw talaga, ayusin mo ha?" Pahabol pa nito bago siya iniwan. 

Humugot ng malalim na paghinga ang binata. 

Ilang minuto na siyang nasa labas. Kanina pa sinabi ng nobya na kakausapin daw siya pero parang nabura ang tapang niya.

Bakit parang nabaligtad yata? Hindi ba dapat si don Jaime ang matakot? Kanya si Ellah, pwede niyang ipagyabang sa don na wala itong magagawa kahit tumutol pa.

Ngayon bakit umurong yata ang dila niya pati mga paa? 

Naduduwag siya sa kadahilanang baka mabibigo  at hindi makuha ang pagpayag ng don sa kanilang dalawa ni Ellah. 

Kung may mas masasaktan man iyon ay walang iba kundi ang apo nito. 

Sa sobrang daming masakit na naranasan ng kasintahan hindi niya kayang masasaktan na naman ito. 

Bumuga siya ng hangin at tumingin ng mariin sa pintuan. 

It's now or never!

Pinihit niya ang seradura ng pinto kaya nag-angat ng tingin si don Jaime na nakaupo sa sofa.

Nagsalubong ang tingin nila ng don.

Abot-abot ang kanyang kaba.

Damn! 

Pinagpapawisan siya kahit malamig ang aircon.

Pumasok siya at umupo sa sofang kaharap ng don. 

"G-gusto niyo raw ho akong makausap don Jaime?"

"Kumusta ka na? " 

" M-medyo ayos na ho, " nakayuko niyang turan. 

Parang hindi niya kayang salubungin ng deretso ang tingin ng don.

Katahimikan.

Nakayuko rin si don Jaime.

Nakakailang ang sitwasyon, kung pwede lang sanang deretsuhin na ito ng tanong para matapos na, kaya lang parang naumid ang dila niya.

Sanay siyang makipag-usap ng lalaki sa lalaki.

Pero ngayon naduduwag siya. 

Nakakabakla!

'Tang ina!' 

Parang hindi siya makahinga kahit maluwag naman ang sala. 

Pinagpapawisan na nga siya ng husto sumasabay pa ang matinding kaba sa dibdib niya!

Tumikhim ang don, kaya naalerto siya.

"Gusto kong magpasalamat sa ginawang mong tulong." 

Napalunok si Gian at nakahinga ng kaunti. 

"Hindi ko alam na ang taong itinuturing kong banta ang siyang tutulong sa akin."

Hindi umimik ang binata. 

Hindi siya makapaniwalang magpapasalamat ito.

Napakurap siya nang tumayo ang don.

'Mabuti naman at aalis na!' 

Makakahinga na sana siya nang maluwag ngunit naudlot ito at 

kumunot ang noo niya nang lumapit ang don at unti-unting yumuko binitiwan nito ang tungkod.

" A-ano hong ginagawa ninyo don Jaime?" Bagama't kinakabahan ay nagawa niya itong tanungin. 

Subalit hindi sumagot ang don bagkus ay dahan-dahang itinukod ang isang tuhod sa sahig hanggang sa naging dalawa. 

Saka lang niya nakuha ang ginawa nito.

LUMUHOD SI DON JAIME!

Natigagal si Gian, hindi niya akalaing luluhod sa kanya ang isang tinaguriang LEON!

Parang bigla siyang naalimpungatan.

"Tumayo po kayo sir!" hinila niya ang matanda patayo.

Pero matigas ito at nanatiling lumuluhod habang nakayuko!

"Patawarin mo ako Gian, sising-sisi ako sa ginawa ko sa'yo. Hiyang-hiya ako sa'yo sa mga nagawa ko."

Naumid ang dila ng binata habang nanatiling nakatayo sa harapan ng don.

Dito sa buong Zamboanga ay pinakakilala ang isang Don Jaime Lopez bilang isa sa pinakamakapangyarihan dahil sa negosyong minahan bilang isa sa pinakamalaking supplier ng mga planta ng mga delatang sardinas. Bukod pa sa mga pag-aari na share nito sa iba't-ibang kumpanya.

Ngunit heto si don Jaime lumuluhod sa kanyang harapan!

"Napakalaki kong tanga noong hindi kita pinaniwalaan at pinakinggan. Sana magawa mo akong patawarin Gian."

Nahahabag na napatingin ang binata sa nag-iisang pamilya ng kanyang minamahal.

Kahit nagkamali pa ito hindi pa rin ito dapat lumuhod sa kanya.

Marahan siyang lumuhod at pumantay sa matanda.

"Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko.

Pero umaasa akong mapapatawad mo ako.

Napakabait mo pa rin sa akin kahit tinangka na kitang patayin.

Wala na akong makikitang gaya mo, kaya umaasa akong mapatawad mo ako.

Hindi nagkamali ang apo ko nang piliin ka niya at iniwan ako. Ngayon ko nalaman, mas mahusay ka pa lang magmahal kaysa sa akin. "

Nang pumiyok ang don ay hindi na niya kinaya. Marahan siyang yumuko rito.

"Huwag niyong sabihin 'yan don Jaime. Mahal kayo ng inyong apo. Nagkataon lang na minahal niya rin ako at mahal ko siya kaya nagawa kong lumaban.

Ako ang dapat humingi ng tawad sa inyo don Jaime dahil hindi ako tumupad sa usapan at nagawa ko kayong suwayin nang minahal ko ang inyong apo. "

"Wala kang kasalanan Gian, nagmahal ka lang, ngayon naiintindihan ko na kung bakit nagawa akong iwan ng apo ko at ipinagpalit sa'yo. "

"Marami pong salamat sa pang-unawa, sir." Tumayo siya at inalalayan itong tumayo rin.

Sa pagkakataong ito ay tumayo na ang matanda at umupo sila sa sofa.

"Don Jaime, natutuwa ako at pumunta kayo, ang totoo may ibibigay ako sa inyo. "

"Ano 'yon?"

"Isa pang matibay na ebidensiya. "

"E-ebidensiya?"

Tumango ang binata at may kinuhang folder sa ibabaw ng mesa.

"Natitiyak kong kailangan niyo ito. Don Jaime ito ang huli kong alas. Ibibigay ko ito sa inyo dahil ayokong maglihim at magsinungaling, natatandaan ko ng sinabi ninyo 'yon sa akin. "

Iniabot niya ang isang brown envelope.

"Ayokong malaman ninyo na isang araw hindi na kayo ang may-ari ng inyong kumpanya.

Nasa loob niyan ang taong bagong nagmamay-ari ng inyong kumpanya."

"Patawad Gian kung hindi ako nagtiwala noon sa' yo."

"Nagtiwala po kayo don Jaime sa ibang paraan."

Tinanggap ng don at binuksan.

Nanlaki ang mga mata ng don sa nakita.

"Punyeta!" malakas na mura ni don Jaime.

Bumalasik ang mukha ng don. Bumalik na ang Leon!

"Don Jaime, ingatan ninyo ang inyong sarili dahil posibleng ang ebidensiyang 'yan ay magpapahamak sa inyo."

"Maraming salamat Gian."

Kitang-kita sa mukha ng don ang kasiyahang nadarama at ang lubos nitong pasasalamat.

"Kung hindi naman kalabisan maaari ba kitang hawakan?"

"Sige lang po sir. "

Tinapik-tapik siya ng matanda sa balikat.

Umaapaw ang saya na nararamdaman niya dahil parang tinatanggap na siya nito.

Mas lumapit ang binata kay don Jaime kaya ang resulta niyakap siya nito.

"Maraming salamat hijo, hinding-hindi ko ito makakalimutan. Mag-iingat ka rin, alagaan mo at protektahan ang apo ko. "

"Opo sir, " nakangiting saad ng binata.

"Aalis na ako, maraming salamat sa pagtitiwala mo. "

"Maraming salamat din ho sa pagtitiwala don Jaime. Mag-iingat po kayo sir."

Inihatid niya ang matanda hanggang sa labas ng pintuan ng kanyang kwarto.

Pagbalik niya ay tumunog ang kanyang cellphone na agad niyang sinagot.

Ang chief nila ang tumatawag.

"Good afternoon sir!"

"Yes Gian, magaling ka na ba? Makakabalik ka na ba sa trabaho?"

"Malapit na po sir."

"Kaya nga pala ako tumawag para malaman mong may warrant of arrest na si Congressman Delavega."

Tila nakahinga ng maluwag ang binata.

"Magandang balita 'yan chief."

Mapapatunayan na niyang walang kaugnayan si don Jaime sa Congressman na 'yon.

Agad niyang tinawagan ang kaibigan at ibinalita ang nangyari.

"Dumating si don Jaime? O ano pare, sinapak mo ba kahit isang beses lang?"

"Hindi ah! Bakit ko gagawin 'yon eh malaki ang utang na loob ko kay don Jaime."

"Ang sabihin mo tuwang-tuwa ka dahil dinalaw ka ng magiging biyanan mo!"

"Sira, pero Vince pare hindi ko akalaing gagawin ni don Jaime ang gano' n?"

"Alin? Bakit ininsulto ka na naman ba!" tumaas ang boses nito.

"Hindi pare, lumuhod sa harapan ko si don Jaime. "

"Hindi nga?" namilog ang mga mata ng kaibigan.

"Pare, hindi ako nakapagsalita, gulat na gulat ako, akalain ko bang gagawin 'yon ng isang don Jaime Lopez?"

"Malamang pare na realize niya ang kanyang mga pagkakamali."

"Pare, ayos na kami, wala na akong problema ngayon.

Hindi man niya derektang sinabi pero alam ko pumapayag na siya sa relasyon namin ng apo niya."

"Congratulations pare! Matutuloy na nga ang kasalan!"

"Ikaw talaga," nangingiting naiiling na turan niya.

"Masaya ako pare para sa'yo. "

"Pare salamat, ibinigay ko na kay don Jaime ang pinakahuli kong alas. "

"Kaya pala pinayagan ka na. "

"Gago! Humingi muna siya ng tawad at ibinigay sa akin ang apo niya bago ko ibinigay sa kanya ang ebidensiya. "

"Pare, hangang-hanga talaga ako sa'yo, kung naging babae lang ako pinikot na kita!"

"Tarantado ka talaga!"

Sumeryoso si Vince.

"Pero pare, hindi ba delikado ang ibinigay mo?"

"May tiwala naman ako sa mahigpit na pagbabantay ninyo kay don Jaime. Kaya alam ko hindi siya mapapahamak."

"Pare, excited na ako sa mangyayari.

Bilib talaga ako sa'yo, pahiga-higa ka lang pero 'yang utak mo tumatakbo! Akalain mong nakarating hanggang sa kumpanya nila don Jaime?"

"Sira ka talaga, matagal ko ng pinaghandaan ito, alam ko kasing darating ang ganitong pangyayari."

"Kaya wala talagang duda na hahabulin ka ni Ms.Ellah pare, nasa iyo na ang lahat!"

"Hindi naman, wala akong kayamanan. "

"Pero nakuha mo ang nag-iisang kayamanan ni don Jaime.

Hoooh! Umaapaw na ang paghanga ko sa'yo pare! Nakakainggit ka na!"

"Gago! Wala kang dapat kainggitan sa akin dahil parehas lang tayo, kaya nga tayo magkasundo eh. "

"Pare, nagpapasalamat ako at naging matalik tayong magkaibigan.

Hindi ko 'yon pinagsisisihan kahit minsan!"

"Ako rin pare, mantakin mong itinaya ko ang buhay ko noon sa'yo?"

"Oo nga pwede mo naman akong iwan na lang doon at hinintay ang kamatayan ko. "

"Tarantado eh 'di kargo de kunsensiya kita!"

"Lintek pare, eh kung ikaw ang namatay eh 'di kargo de kunsensiya kita?"

Nagtawanan ang dalawang magkaibigan.

Sabay pa silang bumuntong hininga.

"Nga pala pare, mabuti na lang at wala na ako roon, magkakaroon na pala ng warrant of arrest ang Tongressman na 'yon."

"Kung sino man ang nagbigay sa' yo ng impormasyon, napakalaking bagay ng ginawa niya para malamang may-ari nga ng droga ang Congressman na 'yon."

"Pare may kutob akong isa siya sa pinagkakatiwalaan ni Roman. Noong magkaharap kami ng anak niya may tatlong tauhan doon. Sigurado ako isa sa kanila ang nagtatraydor."

"Kung sino man siya, sana ligtas siyang makawala sa kamay ng mga halang ang kaluluwa."

"Tama ka pare. Sa sunod na araw huhulihin na ang kongresista!"

Nagpakawala siya ng malalim na paghinga.

"Mapapatunayan na rin na walang kinalaman si don Jaime sa kanya."

"Sana nga pare, sana nga."

Nang matapos ang usapan ay biglang pumasok ang nobya.

"Gian! Gian! Pinayagan na tayo ni lolo!" tuwang-tuwang niyakap siya nito ng mahigpit.

Natatawa si Gian habang pinagmamasdan ang tumalon-talon pang nobya.

"Nagpapasalamat ako at natanggap niya rin tayo, " niyakap niya ito ng mahigpit.

"I love you Panget," emosyonal nitong wika.

" I love you too Ganda," hinalikan niya ito sa buhok.

Matagal silang nagyayakapan.

Parehas na sila ngayong nakakahinga ng maluwag at hindi na nahihirapan.


REFLEXIONES DE LOS CREADORES
Phinexxx Phinexxx

Hello po sa lahat ng nagbabasa at sumusuporta ng Wanted Husband.

I try to my best to update po kasi talagang busy.

Hope you enjoy reading po.

Maraming salamat. ?

next chapter
Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C56
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión