Descargar la aplicación
37.38% WANTED PROTECTOR / Chapter 40: Chapter 39 - The Disclosure

Capítulo 40: Chapter 39 - The Disclosure

AMELIA HOMES...

Malakas ang ulan kaya nagpasya si Gian na dalhin muna siya sa tinitirhan nito.

Habang nasa loob ng tirahan ng binata ay inilibot ni Ellah ang tingin sa kabuuan nito.

Malinis at masinop ang maliit na tirahan ng nobyo.

Nakagat niya ang labi nang mapagtantong kasintahan na ang lalaking ito.

"Okay ka lang ba? Hindi ka ba nabasa?"

Naghubad ito ng sapatos at medyas.

"Hindi naman, ipinahiram mo kasi sa akin ang jacket mo, ikaw itong basang- basa. "

Sinulyapan niya ang mga paa ng binata, napakalinis ng mga kuko at napakaiksi.

Wala na talaga siyang maipintas pa rito.

Malinis na, mabango pa!

Kahit natural na amoy ni Gian ay nakakaadik.

"Magpapalit lang ako ng damit, " anito at pumasok sa kwarto.

"Sige. " Hinubad niya ang suot na sandalyas.

Pinagmasdan niya ang paligid.

May mga nakasabit na larawan ng isang pamilya. Masayang nakangiti ang mga ito.

Natitiyak niyang ang mga magulang ni Gian 'yon at ang nasa gitna ay ang lalaking pinakamamahal niya.

Sa wakas ay naamin niya.

Maya-maya pa bumalik na ang binata  bagama' t pambahay lang ang  t-shirt na puti at maong na pantalon ang suot nito ay hindi maitatangging napakagwapo pa rin.

"Nauuhaw ka ba?"

"Medyo. "

"Sandali lang. " Pumunta ng kusina ang binata.

Nang bumalik si Gian may dala na itong pitsel na may lamang tubig at baso, ipinatong nito sa mesa.

"Uminom ka muna para hindi ka magkasakit."

Sinalinan nito ang baso at inabot sa kanya.

"Salamat," tipid siyang ngumiti at tinanggap ito saka uminom.

Naupo ang binata sa sofa, pinagmasdan niya ang pantalon nito.

"Bakit hindi ka pa nagpambahay?"

"Nakakahiya sa'yo."

Natawa siya at umupo sa kabilang dulo ng sofa habang ito naman ay nasa kabilang dulo rin.

"Pag hinto ng ulan, ihahatid na kita sa inyo. "

Dahil sa narinig ay nag-iba ang kanyang timpla. Napalis ang kanyang mga ngiti.

"Ayoko pang umuwi, galit ako kay lolo. "

Lumapit si Gian sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.

"Hindi ka dapat magalit sa lolo mo Ellah, naiintindihan ko siya.

Nag-alala lang siya para sa kapakanan mo, " malumanay nitong saad pero hindi sapat para pakalmahin ang umaahong galit sa kanyang dibdib.

"Kapakanan? Huh! Hindi na siya nakikinig sa akin, pinipilit na niya akong sundin ang mga gusto niya!" tumaas ang kanyang boses.

Marahan nitong hinawakan ang kanyang kanang palad para pakalmahin siya.

"Ginagawa ko lahat ng ipinag-uutos niya pati na rin sa pakikipagkita sa ibat-ibang lalaki, ang pag-iwas sa 'yo. Sa bawat araw na iniisip ko ang tuluyan nating paglayo parang hindi ako makahinga, pero tiniis ko ang lahat alang-alang sa kanya!"

Nangilid ang kanyang mga luha ngunit pinipigilan niya ang mapaiyak.

"Huwag mo ng isipin 'yon ang mahalaga, nakawala ka sa paghihirap mo. "

"Ang sabi ni lolo, hindi kita kilala, pero hindi gano' n ang nararamdaman ko. Kapag kasama kita pakiramdam ko palagi akong ligtas at walang dapat katakutan. "

"Tama si don Jaime, hindi mo ako kilala at natatakot siya na tuluyang mahulog ka sa akin at naiintindihan ko siya. "

Kumalas ang dalaga.

"Palagi ko na lang naririnig na hindi kita kilala, bakit sino ka ba?"

"Tama na ang pagkakakilala mo sa akin ay isang bodyguard mo lang."

Tumigas ang kanyang anyo sa narinig.

"Hindi! Ngayong inamin ko na sa'yo ang nararamdaman ko gusto kitang makilala. Ang sabi ni lolo, ikaw daw ang tanungin ko dahil wala siya sa posisyon para magsabi sa akin, ibig sabihin kilala ka niya.

At ako? Ako na nagmamahal sa'yo ay hindi kita kilala!"

Tumayo siya dahil sa matinding hinanakit.

Nilapitan siya ni Gian.

"Hindi! Hanggang diyan ka lang!" iniharang niya ang dalawang kamay.

Natawa ito ng mapakla. "Bakit ba tayo umabot sa ganitong usapan?"

Tumigas ang kanyang anyo. "Ikaw naman ang umamin ngayon. Sino ka ba talaga?"

"Hindi mo gugustuhing makilala ako Ellah, " bagama't malumanay ang tinig nito ay hindi maitatago ang kalakip na pagbabanta.

"Kung mapipigilan ko lang ang nararamdaman ko matagal ko ng ginawa! Pero hindi eh, kahit anong pilit kong alisin ka, hindi ka na nawawala at habang tumatagal mas lalo ka ng nakapasok dito!" itinuro niya ang dibdib.

Nagtagpo ang kanilang paningin ngunit umiwas siya.

"Hanggang sa pakiramdam ko hindi ko na kakayanin kapag tuluyan ka ng mawala. Sinubukan ko naman pero talagang mahirap na hindi ka mahalin! Kaya sabihin mo, magmamahal ba ako sa taong hindi ko naman kilala ng lubusan?"

Napayuko ang binata.

Mas lalo siyang nakaramdam ng galit dahil tila wala itong plano na sabihin ang totoo.

Napupuno na rin siya sa pananahimik nito.

Bakit ba hindi nito masabi kung sino ito, na hindi lang alagad ng batas? Ano bang klase ang trabaho nito maliban sa pagiging protektor niya?

"Sige, hindi kita pipilitin na sabihin sa akin kung sino ka.

Baka naman hindi rin magtatagal ang nararamdaman ko sa'yo. Tama 'yan, hindi na ako masasaktan at higit sa lahat hindi na ko na masasaktan si lolo! At baka nakalimutan mo nangako ka sa akin sa oras na magiging tayo o magiging iyo ako aaminin mo kung sino ka!"

"Hindi mo ako maiintindihan Ellah, " matigas nitong sagot habang nagngangalit ang mga ngipin.

Alam niyang nagpapakahinahon pa rin ito subalit hindi na niya kaya!

Sinigawan niya ito. "Ang sakit magmahal sa taong walang tiwala sa'yo!"

"Damn it Ellah!" sigaw na ni Gian na nagpaigtad sa kanya.

Kasabay ng marahas nitong pagbukas sa kahon ng mesa ay inilabas ang isang bagay na talaga namang nagpalamig sa kanyang buong sistema.

"Nakikita mo ba 'to!"

Halos ipagduldulan nito ang hawak na baril sa kanyang mukha kaya napaatras siya.

"Ito ang ikinabubuhay ko! Isa lang akong hamak na gwardya sa paningin mo dahil ayokong makilala mo ako, pero mapilit ka kaya sige, ipapakilala ko ang sarili ko sa'yo!"

Nilukob ng matinding takot ang dalaga.

Ibang-iba ang Gian na nakikita niya ngayon!

"Ayoko sanang gawin pero pinipilit mo ako! At alam mong hindi ako magsisinungaling sa'yo!"

Inihagis nito ang mga larawan.

Mga larawang nakakapagpangilabot sa kanya.

Tiyak niyang patay ang lahat ng mga 'yon. Mapababae man o lalaki ay naliligo sa sariling dugo!

"Shit!"

Naitakip ng dalaga ang mga kamay sa bibig sa mga nakikitang larawan.

"Ngayon, lahat ng 'yan dumaan sa mga kamay ko!"

Naiiling na napaatras ang dalaga habang nanlalaki ang mga mata.

"K-kung gano' n isa kang kriminal?"

"Kriminal? Malamang nga tama ka dahil hindi ako nangingiming pumatay!"

Kinabahan si Ellah at kitang-kita ang takot sa kanyang mga mata.

"Isa kang kriminal Gian. Mamamatay tao ka!" sigaw na niya.

"Hindi tao ang pinapatay ko kundi demonyo! Mga salot sa lipunan!" sigaw na rin ng binata.

Napapailing si Ellah habang napapaatras.

"Ito ang dahilan kaya ayokong magpakilala sa'yo. "

Mahabang katahimikan nag namagitan sa kanila.

Pinakikiramdaman nila ang isat-isa.

Hindi siya makapaniwala sa natuklasan.

Hindi niya lubos maisip na ang minahal ay isang kriminal.

Matagal bago siya muling nakapagsalita.

"Bakit mo ito ginagawa? I-isa ka bang hitman?"

"Hindi "

Hindi niya alam kung ano ang totoong trabaho nito dahil noong bumisita siya sa opisina nito ay isa lang 'yong ahensiya.

"Isa akong agent. "

"Agent?"

"Deep Penetration Agent. "

"D-DPA? Hindi ba pulis din 'yon?"

Tumango ang binata.

"Hindi ko ito dapat sinasabi sa'yo pero dahil mahal kita may tiwala ako, pinagkakatiwalaan ko ang pagmamahal mo. "

Napapalunok ang dalaga.

"Sa trabaho ko, kailangan ang matinding pagpapanggap hanggang sa makuha ang loob ng kalaban.

Kung magkagipitan, kailangan mong magsakrispyo ng kakampi! para matiyak na hindi ka pagdududahan ng iyong kaaway at mananatili ang kanyang paniniwala at pagtitiwala sa 'yo. Ganyan ang ikinabubuhay ko, palaging nasa panganib at wala kang dapat pagkatiwalaan kundi sarili mo lang!"

Napapailing ang dalaga hindi makapaniwala sa naririnig.

"Ngayon natatakot na ako. "

Mapait na ngumiti si Gian.

"Good!"

"Natatakot akong mapahamak ka. Natatakot akong... mawala ka sa akin."

Nagtitigan sila ng lalaki.

Nag-aalab na tingin!

Bigla siyang hinila ni Gian sa pulso at siniil ng halik sa mga labi.

Mapusok ang mga halik na 'yon, malalalim at puno ng damdamin!

Naramdaman niyang pinapaatras siya nito at ito ay umaabante, namalayan na lang ng dalaga, nakahiga na siya sa sofa at nakadagan ang buong bigat ng katawan nito sa kanya.

Pero patuloy ito sa panghahalik, halik na puno ng pananabik!

"Say that you want me Ellah. Say it, " paos na bulong ng binata sa kanyang tainga.

"I want you."

"I love you Ellah, I am deeply in love with you, " usal nito sa kanyang leeg.

Naramdaman niyang unti-unti nitong ibinababa ang zipper ng kanyang miniskirt, pero nagulantang sila sa isang malakas na tunog!

Natauhan ang dalawa at mabilis na humiwalay siya!

Nanginginig ang mga kamay ni Ellah habang inaayos ang sarili.

Hindi tumitigil ang cellphone sa pag-iingay.

Naihilamos ni Gian ang isang kamay sa mukha bago sinagot ang tawag.

"Bakit?"

Ini loudspeak nito habang nag-aayos.

"Gian pare, kumusta? Nakita mo ba si Ms. Ellah? Nag-alala ako ng umalis ka kanina dahil sa itsura mo para ka ng mag suicide buti na lang buhay ka pa!"

Napalingon ang binata sa kanya.

"Damn!" mabilis nitong ini off ang loud speaker.

Napangiti si Ellah, dinig na dinig niya ang sinasabi ni Vince sa kabilang linya.

"Lang hiya ka pare. Oo, nagkita kami. Maayos na, ah basta ang kulit. Hindi na, huwag ka ng pumunta dito, hindi, hindi ko kailangan ang pakikiramay mo sa ngayon. O sige na, matulog ka na lang. Wala! Wala sabi eh! Ang kulit, nag-iisa lang ako, hindi 'wag ka ng pumunta sabi. O sige na, matulog ka na good night!" ini off nito ang cellphone.

Napabuga ng hangin si Gian.

Napakagat-labi ang dalaga, hindi niya mapigilan ang ngumiti.

"What?" nakatingin ito sa kanya.

"Talaga bang halos suicidal na ang itsura mo?"

"Huh! Hindi 'yon totoo, exaggerated lang ang gunggong. "

"Hindi nga?"

"Oo sabi, baliw 'yang lolo mo eh, bigla na lang akong initsapwera ng walang paalam."

Napabuntong hininga ang dalaga.

"Pasensiya ka na. " Lumapit siya rito.

"Ihahatid na kita, wala ng ulan. "

Pinipigilan pa rin ng dalaga ang mga ngiti.

"Bakit ba?" naiinis ng tanong ni Gian.

"Hindi ko lang ma imagine na nag confess ka kay Vince na handa ka ng magpapakamatay kapag tuluyan akong nawala sa..." naudlot ang kanyang mga sinasabi nang bigla siyang halikan nito sa mga labi.

"Daldal mo."

Napasimangot siya sa ginawa nito.

Niyakap siya ni Gian, niyakap rin niya ito.

Naisip niyang buti na lang tumawag si Vince! Kung hindi saan na kaya sila humantong ngayon?

Nasa ganoon silang posisyon nang muling tumunog ang cellphone ni Gian.

"Si don Jaime. "

Kumalas ang binata.

Nataranta si Ellah.

"Sabihin mo hindi mo ako nakita, na nawawala ako, at hindi mo alam kung saan ako nagpunta, sabihin mo nagtatampo ako, galit ako, ikaw na ang bahala, ayoko pa siyang makita!" natatakot na wika ng dalaga.

Sinagot ni Gian ang tawag.

"Don Jaime"

"Punyeta ka Gian nasaan si Ellah!"

"Ang apo niyo?" nakatingin siya sa dalaga panay ang senyas nito ng kamay para sabihing wala ito.

"Alam kong kasama mo siya, dahil sa nangyari kaninang umaga sa opisina. Nasaan siya!"

"Nandito nga siya kasama ko. "

"Hayop! Ibalik mo siya dito ngayon na!"

"Relax lang don Jaime, hindi ko kinidnap ang pinakamamahal ninyong apo, kusa siyang sumama sa akin."

Muli siyang napatingin dito tumayo siya. At napaupo ang dalaga sa pagkadismaya.

"Huwag kong malaman na sinaktan mo ang apo ko, papatayin kita!"

"Bakit ko 'yon gagawin? Alam niyo namang mahal ko ang apo ninyo hindi ba? Sa tingin niyo bakit siya sumama sa akin ngayong gabi?"

"Nanggugulo ka na pala dahil hindi mo nakuha ang gusto mo? Ibang klase ka! Punyeta ibalik mo ang apo ko!"

Humulagpos ang kanyang pagiging kalmante at binulyawan ang kausap.

"Tang ina ka rin don Jaime! Bigla mo akong itinapon na parang basura ng matiyak mong wala na akong pakinabang sa 'yo! Pero nilinis ko pa rin ang kumpanya ninyo kahit ako ang dehado. Huwag kayong mag-alala, ibabalik ko ang apo ninyo ng buhay at ligtas!"

Ibinaba ng binata ang cellphone at nilapitan niya ang dalaga.

Gigil niyang hinablot ito sa braso.

"Halika na, kailangan mo ng umuwi. "

"Hindi! Ayoko!" hiniklas nito ang brasong hawak ni Gian.

"Ellah, nag-aalala ang lolo mo sa'yo, sa ginagawa mo, pinapalala mo ang kundisyon niya. "

Nakatingin ang dalaga sa kanya.

"Bakit ang bait mo pa rin sa kabila ng lahat? Nagpapanggap ka lang ba?"

"Gano'n ba ang tingin mo?" Bumalatay ang sakit sa kanyang mga mata.

Umiling ang dalaga.

"Wala akong inililihim sa'yo, kilala mo na ako, at wala akong balak paglihiman ka dahil nagtitiwala ako sa pagmamahal mo, nagdududa ka ba na mahal kita?"

"Hindi, alam ko at naniniwala ako, nagtitiwala ako sa pagmamahal mo. "

Niyakap niya ang dalaga.

"Ang pag-ibig natin ang ating panghahawakan at tinitiyak ko sa'yo wala tayong hindi kayang lagpasan gaano man kalupit ang darating na sakit. "

"Gian, pangako hindi kita iiwan. Nakahanda akong ipagpalit ang lahat para sa'yo. Ang posisyon ko ang kumpanya at maging si lolo!"

"Hindi mo 'yon dapat gawin Ellah, ikamamatay 'yon ni don Jaime. "

Napabuntong-hininga ang dalaga.

Wala itong nagawa kundi sumunod sa kanyang sinabi.

LOPEZ MANSION...

Ilang sandali pa, tanaw na nila ang malaking bahay.

"Nandito na tayo. "

Hindi kumibo ang dalaga.

Hinawakan niya ito sa kamay.

"Kailangan mong pumasok diyan dahil nandiyan ang pinakamamahal mong lolo at naghihintay siya sa'yo. "

Hinarap siya nito at nabaanagan niya ang takot at pangamba aa mga tingin ng nobya.

"Gian, kung sakaling hindi mo ako makontak at hindi makikita ibig sabihin napakahigpit ng gwardya at hindi ako makakatakas. Pero sana hindi mo maisipang iniwan kita. "

"Hindi ko 'yon gagawin, ngayon pa na alam kong akin ka."

Muli niyang niyakap ang dalaga.

"Ellah, tandaan mo, mahal na mahal ka ni don Jaime, kapakanan mo lang ang iniisip niya kaya pumasok ka na."

"Paano ka na?"

"Huwag mo akong alalahanin, mahal mo ako at 'yon ang nagpapalakas sa akin."

Dati natutuwa siya kapag nagpupunta siya sa mansyon pero iba na ngayon.

Isang kanto na lang ang pagitan nang nilingon siya ng dalaga. Humihingi ng paumanhin ang tingin nito.

" I am sorry Gian, I'm sorry. "

"Shhh, stop okay? "

Tumango-tango ang dalaga.

Hinalikan niya ito sa noo.

"Mahal kita, huwag mo 'yong kalimutan," anang binata bago binuksan ang pinto at tuluyan siyang lumabas.

Ilang sandali pa, nakita na ito ng mga gwardya.

Napabuntong-hininga ang binata.

Naiintindihan niyang hindi na siya maaari pang makapasok sa teritoryo ng mga Lopez.

Ang mansyon ang nagpapapakilala, kung gaano ka makapangyarihan ang nakatira!

Subalit ang pinakainiingatan nitong yaman ay napasakanya na!


next chapter
Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C40
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión