Crissa Harris' POV
Napatingin naman ako sa kamay ko na hawak-hawak pa rin ni Tyron.
"Bakit?.." tanong nya.
"W-wala.."
"Ah. Magtanong ka pa sa kanila dali." sagot nya at hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.
Bakit bakit ka pa dyan Tyron. Bakit hawak mo pa rin ang kamay ko, aber?
Tumingin na nga lang ako dun sa dalawa at nagtanong na uli ako.
"San nga pala kayo inabutan nung apocalypse? I mean, saang lugar to be specific?.."
"Sa rooftop ng isang bar. Dun kami inabutan. Nag-aabang kami sa fireworks display nila tuwing midnight. And pagpatak nga ng 12, tanging yung mga ilaw na nga lang sa itaas ng langit ang nakita namin. Dahil biglang nagdilim yung buong paligid. Akala namin, parte lang ng pakulo nung bar. Pero nung magtagal ka na ng halos ilang oras at wala pa ring ilaw, nagpasya na kami ni Owen na bumaba. Buti nalang, dun mismo sa pinaka bar, may ilaw. Dun na namin nakita yung pinakahindi namin inaasahan." tumigil si Fionna at tumingin kay Owen. Animo pinapaubaya na nya dito yung pagpapatuloy sa kwento.
"Yeah, hindi talaga namin inaasahan. Pano ba naman kasi, may nakita kaming ilang mga zombie sa dance floor. Ang layo pa naman ng November kaya nagtaka kaming dalawa kung ano bang trip yun. Pero inisip nalang namin na pakulo lang yun nung bar at sobrang lakas lang ng toyo nila. Pero mas hindi namin inaasahan yung sumunod na nangyari. Yung mga naka zombie costume, nagpasiklab ng acting nila. Umatake sila ng ilang customer na nasa counter. Kinagat nila sa leeg at sa kung saan-saan pang parte ng katawan. Tuwang-tuwa pa nga kami ni Fionna dahil pang Cannes Film Festival ang acting nila e." tumigil si Owen and this time, sya naman ang tumingin kay Fionna nang makahulugan. Nagets naman yun ni Fionna at sya na ang nagpatuloy.
"Pero nung marealize namin na hindi pala acting yun, bigla na kaming natakot. Kinaladkad na ako ni Owen palabas doon bago pa namin makasabay yung ibang tao na nanonood palang dun sa akala nila ay acting pa rin na zombie attack. Rude mang isipin pero sinadya namin na hindi sabihin sa kanila na totoo yun. Sigurado kasing magkaka stampede e. And, that's all. Yan na yung kwento. After that, nagpagala-gala nalang kami ni Owen." pagtatapos ni Fionna.
Parang nagflashback naman bigla sa isip ko yung time na si Lennon ang ini-interrogate namin ni Christian. Nasan na kaya sila? Nami-miss ko na sila.. Sana okay lang sila..
Hay. But well, back to the topic. Medyo rude nga yung ginawa nila Fionna. Pero para sa sarili nilang kaligtasan, mas pinili nilang magpaka selfish. Kung saka-sakaling sumigaw nga sila doon at sinabing mga zombie talaga yun, e malamang pa sa malamang, magkaron nga ng stampede. Magpa-panic yung mga tao at imbes na makalabas sila doon, mai-stock pa sila. Edi patay din sila.
"Wait, diba sabi nyo kanina, graduating na kayo? San nga pala kayo nag-aaral at anong course nyo?" napatingin ako kay Tyron dahil sa biglaang pagsasalita nya. Ang tahimik naman nya kasi e. Pero buti nalang naitanong nya dun dahil muntik ko pang makalimutan.
"Sa *toot toot* University. Yung university na malapit lang dito. Ako, architecture. Eto naman si Owen, criminology yan. Kaya mukhang kriminal." tumatawang sabi ni Fionna. At si Owen naman, biglang napangisi.
"Syempre naman baby. Ako lang kasi ang tanging lalaki na nakanakaw ng puso mo, diba?"
At ayun, nagtawanan na sila na parang mga takas sa mental. Hindi nalang namin sila pinansin dahil na-occupy na agad yung isip namin ng isang bagay na nabanggit nila. Tumingin ako kay Tyron pero nakatingin na rin pala sya sakin. May ipinahiwatig ako sa mga tingin ko at mukhang nakuha naman nya agad yun. Ngumiti kasi sya bigla e.
"What a coincidence pag nagkataon. Sige ikaw na magtanong sa kanila." sabi nya.
"We? Ako ba talaga?.."
"Sige lang. Magtanong ka na." ginulo nya uli ang buhok ko.
Napilitan naman akong sumunod uli. Baka pag di ko ginawa e, sabunutan na nya yung buhok ko at hindi lang basta guluhin. Nakakasindak mang kausapin to si Owen, gagawin ko na lang din kasi kailangan.
"Ahmm, Owen?.."
"Oh, bakit miss beautiful? Nanakaw ko na rin ba ang puso mo?" ngumiti sya. Napansin ko lang, ang ganda nyang ngumiti. Parang pati yung mata nya nakangiti rin.
"H-hindi no! May itatanong lang ako." tumigil ako saglit. Iniisip ko kung ano ba ang tama kong itanong. "Sino ang mga pinakaastig na criminology students sa university nyo? Hehehe."
Please lang. Please lang. Sana gumana tong tanong ko. At sana rin, yung gusto kong marinig na sagot ang sabihin nya.
Tumikhim at mukhang napaisip si Owen.
"Hmm, pinakaastig? Lahat ng criminology students samin astig e."
"Eh, hindi. Yung pinakaastig? Yung pinaka pinaka talaga? Siguro naman, merong nag-i-stand out talaga sa kaastigan diba? Hehehehe." narinig ko nang nagpigil ng tawa si Tyron sa tabi ko. Si Fionna naman, mukhang nagtataka.
Teka lang, eager na eager ba ang tunog ko? Desperadang-desperada na? E sa gusto ko lang na marinig na tama ang hinala ko e! Tsk.
"Wala nang mas aastig sa grupo namin. Kasi, tatlo kaming pogi tapos may isang maganda." proud na sabi ni Owen.
"Talaga? Sino-sino pa yung ibang pogi, bukod sayo? Saka sino yung maganda? Hehehe." sige pa. Konti nalang. Wag kang maghihinala sa pagtatanong ko Owen.
"Bukod sa akin, pogi rin naman si Brandon at Isaac. Although ako talaga pinakapogi. Yung maganda naman, si Zinnia yun. Kaso, may pagkamataray yun si Zinnia. Englishera pa. Bagay na bagay sila ni Brandon. Yun kasi e, parang mafia boss ang ugali." sagot nya na parang hindi nga naman naghihinala kung bakit ganon ang mga tanungan ko.
Napisil ko ng madiin ang kamay ni Tyron. Nakita ko syang napangisi. Narinig na kasi namin ang gusto naming marinig. Ang laking coincidence nito. Ang hirap paniwalaan, pero totoo. Parang gaya nalang nung kay Lennon dati. Magpinsan pala ni Sedrick. Kaya nung oras na tatanggapin na namin sya sa grupo namin, wala kaming hesitation. Kasi sigurado kaming mapagkakatiwalaan sya.
Gaya nalang din ngayon.
"Hindi ko na tatanungin kung may grupo ba kayong kinabibilangan dahil base naman sa mga kwento nya, mukhang wala naman diba?.." tumango sila. "So if ever, gusto nyo bang sumama sa amin?.."
Nagulat sila sa tanong ko. Nagkatinginan kasi silang dalawa e. Pero maya-maya lang din, excited na excited na silang ngumiti sa amin.
"Oo naman! Ang tagal ko nang nag-aasam na may iba pang makasama bukod dito so boyfriend ko!" - Fionna
"Oo nga! Basta ba ikaw ang makakasama namin miss beautiful e!" - Owen
Napangisi ako at gayon din si Tyron. Sa tingin na ipinupukol nya sa akin, mukhang natutuwa rin sya sa nangyayari. Sinenyasan nya na rin ako na magpatuloy.
"So, welcome sa grupo namin. I'm Crissa by the way. Crissa Harris. And ito naman, si Tyron. Tyron Matsumoto." itinuro ko si Ty.
"Harris? Matsumoto? Ibig sabihin.."
"Yeah. Kapatid kami ng mga kabarkada mo, Owen." nakangiting sabi ko na ikinagulat nila.
"Kaya pala sabi ko, may something sa mga tinatanong mo kanina. Ikaw ha? Hinuhuli mo na pala kami.. Hahaha.." - Fionna
"Ang galing naman. Kapatid nyo pala yung mga yon. Kaya pala may hawig din kayo sa kanila. Di ko napansin yun kanina ah. Pero totoo ba talaga, kasali na rin kami sa inyo?" - Owen
"Oo." sagot ko.
"Wow baby, nakakaexcite!" - Owen
"Oo nga! Hindi na tayo forever alone! May squad na rin tayo! Huhuhu.." - Fionna
Napangisi nalang kami ni Tyron habang pinagmamasdan silang dalawa. Mapagkakatiwalaan nga namin tong dalawa na to. At kung naeexcite sila, mas naeexcite din ako. Mukhang kailangan na din naming mahanap sila Christian as soon as possible para ibalita sa kanila to.
Yung dating onse, ngayon trese na. Isang babae na mala Harriette ang aura? Isang lalaki na mala Renzo ang kahanginan? Magandang addition yan sa grupo namin..
*** Later that night..
Tumabi na rin si Fionna sa pagkakaupo ko sa kama. Tapos na kaming kumain ng hapunan. At ngayon nga, kasalukuyan na kaming nagpapahinga. Magkasama kaming matutulog dito sa kwarto na to habang magkasama namin si Tyron at Owen dun sa kabilang kwarto. Dama ko na yung pagod pero dilat na dilat pa rin ako. Hanggang ngayon kasi, tuwang-tuwa pa rin ako sa nangyari samin sa buong araw. Although muntik na kaming malapa ng mga undead, maituturing na rin naming blessing in disguise yon. Dahil kung hindi dahil doon, malamang hindi rin namin na-meet to si Fionna at Owen.
"Alam mo Crissa, hindi talaga ako makapaniwala hanggang ngayon na may makakasama na talaga kami. Salamat talaga at tinanggap nyo kami ni Owen.."
Nagulat ako ng yakapin ako ni Fionna. Pero ewan ko ba dahil ilang saglit pagtapos nun, niyakap ko na rin sya pabalik. Bigla kong namiss si Harriette. Pati na si Alessandra at Renzy. Kelan ba yung huling pagkakataon na nayakap ako ng babae? Nung may sakit ako. Namiss ko tuloy yung feeling na to.
"Salamat din Fionna. Kasi tinulungan nyo kami ni Tyron. Kung hindi kayo dumating, malamang nandun pa rin kami sa puno na yun at mistulang unggoy." biro ko. Natawa naman kami parehas. "Pero seriously, sorry din Fionna.."
Humiwalay sya ng yakap at takhang tumingin sa akin.
"Sorry? Para saan?.."
Nag buntung-hininga ako. "Kasi kahapon nung kumatok kayo dito, hindi namin kayo pinagbuksan ni Tyron.."
"Nako, so totoo pala talaga na may nadinig na boses ng babae dito si Owen? Aysshh! Pagdating talaga sa babae e! Tsk! Pero wag mo nang isipin yun Crissa. Okay lang yun. Kung kami rin naman ang nasa posisyon nyo nun, hindi rin kami magbubukas ng pinto. Mahirap na kasing magtiwala." sabi nya.
"Yeah right. Kaya salamat din talaga at tinulungan nyo kami ni Tyron. Kahit di nyo naman kami kilala."
"Shhh.. Kami nga ang mas dapat magpasalamat e. Mas malaki yung ginawa nyong pabor para samin. Salamat sa malaking tiwala na binigay nyo samin at tinanggap nyo kami ng buong-buo. Promise talaga. Hinding-hindi namin sisirain yang tiwala nyo. Ipupusta ko si Owen. Patayin nyo pag may ginawa kaming kalokohan."
"Hahaha! No need! Alam ko namang mapagkakatiwalaan kayo." sabi ko at nagtawanan uli kami.
"Pero wait. Maiba tayo Crissa. Gaano na ba kayo katagal ni Tyron?.."
Gaano katagal? Ah. Baka gaano na kami katagal na nag-sstay dito sa furniture shop. Napaisip naman ako.
"Kami? Pangatlong araw na namin ngayon. Pang-apat bukas." sagot ko.
"Pangatlong araw? Nito lang pala kayo. Pero di halata, mukhang matagal na kayo ah? Kami kasi ni Owen, matagal-tagal na rin. Mga 2 years na mahigit." humiga si Fionna sa kama.
2 years na mahigit silang magkasama sa iisang bubong? Live-in partner na sila? Ang bata pa nila para doon.
"Pero base sa nakikita ko sa inyo Crissa, mukhang magtatagal kayo ni Tyron. Yun bang pang-forever na rin.." bulong ni Fionna.
"A-ah, ano yun?.."
Wala na akong nakuhang sagot mula sa kanya. Mukhang nakatulog na sya. Pero napaisip uli ako sa sinabi nya.
Kami ni Tyron, magtatagal? At pang habambuhay na? Waaaaa!! Ayoko! Ayokong magtagal dito sa furniture shop na ito at abutin ng habambuhay! Gusto ko na ngang makita uli sila Christian e! Huhuhu.. Miss na miss ko na sila! Tatlong araw na namin silang hindi nakikita!
Sinilip ko uli si Fionna. "Wait lang Fionna ah? Dyan ka lang." sabi ko at tumakbo na ako agad papunta sa kabilang kwarto.
Speaking of miss na miss, may bigla akong naalala.
"T-tyron? Gising ka pa ba?.." kakatok palang sana ako nang biglang bumukas yung pinto. Pero hindi si Tyron ang bumungad sa akin.
"Ako ba ang ipinunta mo dito miss beautiful?.." nakangising sabi ni Owen.
"Bakit, ikaw ba si Tyron? Tumabi ka nga dyan." pokerface na sabi ni Tyron na bigla nalang ding sumulpot mula sa kung saan. Itinulak nya si Owen na nakangisi pa rin tapos pinagsaraduhan na nya ng pinto.
Sumandig naman sya doon at ngumiti sakin. "Alam ko na sasabihin mo. Miss na miss mo na no?.."
"Oo." sabi ko.
"Ako?.."
"Oo.." sabi ko uli.
"Miss na miss mo na ako?.."
"Oo nga. Ang kulit m--- Ay! I mean, miss na miss ko na sila Christian. Hindi ikaw!" bigla akong napayuko. Eto naman si Tyron, nakuha pa akong pagtawanan. Pinagtitripan ata ako nito e.
Tinignan ko sya ng masama.
"Pffttt.. Joke lang, Crissa. Alam kong miss na miss mo na sila. Kaya alam ko na rin kung ano yung gusto mong gawin. Gusto mo na silang hanapin diba?"
Tumango ako. Bigla nya naman akong tinapik-tapik sa ulo.
"Matulog ka na. Kailangan mo ng lakas dahil bukas na bukas din, aalis na tayo dito. Kasama si Fionna at Owen, hahanapin na natin sila Christian.."
Napangiti ako sinabi nyang yun. "Sige. Tyron.."
Tumalikod na ako pero laking gulat ko naman nang bigla nya akong haltakin. At nung pagkaharap ko sa kanya, nanghina ako sa sumunod nyang ginawa.
Hinawakan nya ang ulo ko at idinampi nya yung labi nya sa noo ko.
"Good night Crissa.."
Nakakainis ka Tyron. Sa ginawa mong yan, sa tingin mo ba makakatulog pa ako?..