Descargar la aplicación
96.52% UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog) / Chapter 111: Chapter 109

Capítulo 111: Chapter 109

Criss Harris' POV

Mabilis akong kumilos at tinulungan kong magpaputok sa mga undead si Danna. But since yung mga nakakalapit na sa amin ang inuuna n'yang paputukan, yung mga nasa malayo naman ang pinapaputukan ko. Hindi na ako nag-aksaya pa ng bala at oras. Sa bawat pagkalabit ng gatilyo na ginagawa ko, sinisigurado ko na patay na agad ang target ko. Kaya sinasamantala ko rin na malakas pa ang dominant arm ko at yung mga vital part ng undead ang agad na inaasinta ko.

Sa bawat katawan ng undead na matagumpay kong napapatumba, mas tumindi pa yung nagliliyab na kagustuhan sa loob ko.

Yung kagustuhan na buhay naman ng tao ang makuha ko.

Buhay nung mga taong malaki ang utang samin.

Gustong-gusto ko nang makitang yung mga katawan naman nila ang mapapahandusay ko sa lupa. Yung tipong pauulanan ko sila ng bala tapos magkakabutas-butas sila. At aagos mula sa mga butas na 'yun ang malapot at sariwang-sariwang dugo.

Lalong-lalo na 'yang Jade na 'yan.

Nakangisi akong lumapit kay Danna.

"Danna, alam kong kaya mo nang ihandle ang mga retardo na 'yan.." inginuso ko yung mga umuungol na undead na papalapit sa amin. "Ikaw na ang bahala sa kanila."

"H-ha? Bakit, anong binabalak mong gawin, Crissa?"

Sinalo ko 'yung gulat n'yang tingin sakin at binigyan s'ya nang matipid na ngiti. "Yung bagay na matagal ko nang gustong-gustong gawin."

Hindi ko na s'ya inantay na magreact pa. Hinawakan ko nang mahigpit yung UZI ko at nang makakita ako ng pistol sa lupa, kinuha ko yun mabilis at tinago sa bewang ko.

Mabuti nang may reserbang armas ako.

Lalo pa ngayon sa gagawin ko.

Nagtago ako sa isang puno na 'di kalayuan sa mga kasama ko. Maingat kong sinilip yung mga kalaban namin at nakita kong hindi nila masyadong napapansin ang kinaroroonan kong 'to. Hindi sila aware na nandito ako ngayon at nagtatago. Masyado na lang silang focused sa pakikipagpalitan ng putok sa mga kasama ko.

Hmm.. Maganda 'to.

Ngumisi at mabilis kong inasinta lahat ng mga supot na tauhan ni Jade na nakikita kong lantad na lantad dito mula sa pwesto ko. Kung 'yung iba kong kasama ay nagagawa nilang pagtaguan, ako hindi. Agad akong nakapagpatumba ng tatlong supot dahil kahit malayo ako ay nagawa kong patamaan sila sa mga vital parts nila.

Although alam ko ring dahil sa ginawa kong iyon ay aware na 'yung ibang supot na may isa pang nagpapaputok sa kanila at galing 'yun sa gawin ko, naging advantage pa rin naman 'yun para sa amin dahil nung malingat 'yung iba sa kanila ay nakita kong agad at mabilis na sumugod 'yung ibang mga kasama namin papunta sa pinagtataguan nila.

At ano pa nga bang ginawa kong sunod?

Mabilis din akong kumilos para makitulong sa pagsugod nila. Wala na akong pagdadalawang-isip na lumaban nang malapitan at harapan.

Oo, mas risky. Pero sa ganitong paraan lang talaga namin masisigurado na lahat sila ay mapapatay namin. Walang mangyayari kung pare-parehas lang kaming nagkukubli sa likod ng puno at naghihintay lang na may sisilip at 'yun ang babarilin. Kapwa rin kasi walang umaalis sa ganitong pwesto. Putok sabay tago lang ang nangyayari. Palitan lang.

Kaya mas mabuti na 'yung ganito.

"Hanggang sa mga panahon ba namang ganito, pasaway ka pa rin?" mapang-asar na sabi ni Marion na bigla nalang humaltak sa akin. Hindi na ako umalma pa at nagpatangay nalang ako sa kanya.

May isang tauhan si Jade doon na mukhang naubusan na ng bala. Nakaupo s'yang nagtatago sa isang puno at hindi s'ya naging aware na nakita namin s'ya. Una n'yang nakita ang mga paa namin at sumunod nang tumingala s'ya sa mukha namin.

Ginusto n'yang tumakas pa pero nang makita n'yang itinaas ko ang baril ko, tarantae s'yang napatakip ng braso sa mukha n'ya.

"W-wag! Maawa kayo sakin.."

Bahagya akong napatawa sa narinig kong 'iyon.

Maawa? Sa pagkakatanda ko, isa 'to sa mga lalaking bumubugbog lang kanina sa kakambal ko e. Pinagtulungan nila ang kakambal ko. Isa s'ya sa sunod-sunod na nagpapakawala ng tadyak at suntok. Isa s'ya sa may gawa ng malaking pasa sa magkabilang mata ng kakambal ko.

Tapos ngayon? Gusto n'yang maawa kami sa kanya? Komedyante ba 'to?

"Sorry, wala ako non." seryosong sabi ko at mabilis ko s'yang kinwelyuhan. Binigyan ko s'ya nang tig-isang malakas na suntok sa magkabilang mata n'ya. Yung sa sobrang lakas ay siguradong magpapasa talaga agad.

Napansin kong parang may pinipilit pa s'yang abutin sa likod ng pantalon n'ya. Pero hindi ko na hinayaan pang makuha n'ya kung ano man 'yun. Mabilis kong itinutok sa lalamunan n'ya yung UZI ko at kinalabit ang gatilyo non.

Pinunasan ko 'yung nagtalsikang dugo sa mukha ko. At nang tumayo ako para harapin si Marion, tumambad na agad sa akin ang nakakaloko n'yang ngiti.

"Ilang buwan lang akong wala. 'Di ko alam na may kapatid na pala akong hoodlum."

Nginisian ko rin s'ya. "Kailangan e.." pagkasabi ko nun ay mabilis kong itinaas ang baril ko.

Nagets naman agad ni Marion ang ibig kong gawin at sabay kaming tumakbo sa gawi ni Sedrick na ngayon ay pinagtutulungan nang gulpihin ng dalawang lalaki. Mukhang naubusan na s'ya ng bala gayundin 'yung dalawang nambubugbog sa kanya kung kaya nagpapambuno nalang sila nang kamay sa kamay.

Sinabunutan ko sa ulo 'yung isang sumusuntok sa nakahigang si Sedrick. At base rin sa pagkakatanda ko, isa naman 'to doon sa gumugulpi kanina kay Tyron.

Napaitlag s'ya sa ginawa ko pero pinilit kong hindi na s'ya makagawa pa ng kahit na anong masamang hhakbang laban sakin. Mas hinaltak ko pa ang buhok n'ya at binulungan s'ya sa tainga n'ya.

"Para 'to sa ginawa mo sa boyfriend ko." tinutok ko sa likod ng ulo n'ya 'yung UZI ko at walang pagdadalawang isip na pinaputok.

Tinulungan kong makatayo ang gulat na si Sedrick. Hinugot ko rin mula sa bewang ko 'yung pistol na napulot ko. Ibinigay ko 'yun sa kanya at binulungan.

"Sed, bantayan mo kung may pasimpleng sasalisi sa atin. Mag-ingat ka."

Mabilis na sumunod sa utos ko si Sedrick at nagmatyag sa paligid. Ako naman ay humarap kay Marion na nagawa na ring patumbahin 'yung isang bumubugbog kanina kay Sed. Nakakapagtaka nga lang dahil ni wala man lang s'yang bahid ng dugo, maging yung tinumba n'ya.

"Sinakal ko." ngumisi s'ya. "Be creative. Find more ways to kill. 'Wag puro weapon lang."

'Yun nalang ang sinabi n'ya at mabilis na akong hinaltak. Si Christian naman ang nakita namin na kasama si Nate at Chuck na nakikipagpambuno sa lima pang ibang lalaki. Hindi na kami nag-usap pa ni Marion dahil mukhang parehas lang ang naiisip namin. 'Yung isang kalaban nila Christian ay nakita kong pasimpleng bumunot ng kutsilyo. At dahil hindi n'ya alam na papalapit na kami sa likuran nila,  mabilis kong nasipa 'yung kamay n'ya.

Nalaglag sa lupa yung kutsilyo kaya mabilis kong dinampot. Sinamantala naman nung tatlo ang pagkakataon at llamado nang bumawi ng suntok sa mga nambubugbog sa kanila. Naramdaman kong inagaw ni Marion yung kutsilyo mula sa akin at itinuro yung nasa may 'di kalayuan.

Si Axel. Nadaplisan ng bala sa hita na naging dahilan para mapaupo s'ya sa lupa.

"Hindi porket kapatid ka ni boss Jade, hindi na kita sasaktan." sabi nung bumaril sa kanya na patuloy pa rin ang pagtutok. Nakita ko rin sa peripheral view na may isang tauhan si Jade na tumayo mula sa pagkakahandusay sa lupa.

Inakala kong undead lang yun pero nang makita kong may kinakapa s'ya bulsa n'ya, mabilis akong lumingon sa kanya.

Bumubunot s'ya ng baril.

Mabilis akong tumakbo papunta doon sa bumaril kay Axel at ihinarang ang katawan n'ya. Because I knew it. Ako ang babarilin nung isang lalaki na tumayo.

Agad humandusay yung lalaking nasa harapan ko dahil dereto s'yang tinamaan ng bala sa noo. Yung lalaki naman na nagtangkang bumaril sa akin ay pinagtulungan nang sugurin nung ilan pang mga lalaki na sa tingin ko ay kasama nila Marion at Axel.

Inaamin kong sa mga oras na 'to, medyo nalilito na ako kung sino bang kakampi namin at sinong hindi. Yung ibang kasama nila Marion at Axel ay 'di pamilyar sakin. Lalo pa yung ibang reserba nila Jade na kalalabas lang ng lungga nila.

Kailangan kong mag-ingat. Baka makapatay ako ng kakampi, at baka may mailigtas akong kaaway.

Pero sa napapansin ko, lahat ng tumutulong samin mgayon ay nakasuot ng mga leather jacket. Katulad ni Marion at Axel. At yung mga tauhan ni Jade naman ay nakasuot lang ng simpleng t-shirt at long sleeves.

Ito nalang gagawin kong palatandaan sa ngayon.

Lumapit ako kay Axel at inalalayan s'yang tumayo. Nakita ko rin na may dalawa pang lumapit sa amin para umalalay. Pero kahit parehas silang naka leather jacket, at sila rin yung sumunggab doon sa lalaking nagtangkang bumaril sa akin, hindi muna ako nagtiwala.

Mabilis ko silang tinutukan ng baril ko. At kung hindi ko lang narinig yung mahinang pagtawa ni Axel, malamang nabaril ko na talaga ang dalawang 'to.

"Calm down, Crissa. Mga tao ko sila.."

Agad kong ibinaba ang baril ko at nagsorry. "Sorry. Akala ko nagpapanggap lang kayo."

Ngumiti lang yung dalawa kaya binulungan ako ni Axel. "Si Gio 'tong isa.." itinuro n'ya yung singkit na agad din namang ngumit sa akin.

Si Gio?

'Yung kasintahan ni Danna?

Napangiti ako sa loob loob ko sa kaisipang nagkita rin pala at nagkasama na ulit sila. Buong akala ko, wala na si Gio. Pati na si Danna na bigla nalang nawala sa convenience store nung araw na binalikan namin s'ya doon. Nakakatuwa lang na they are reunited now.

"Hi, Crissa. Si boss Axel ang nagligtas sa amin ni Danna." sabi ni Gio at inalalayan ang nahihirapang si Axel.

Napangiti na naman ako.

"Go ahead, s'ya naman ang iligtas n'yo ngayon."

Tumango si Gio at pinagtulungan nilang akayin ng kasama n'ya si Axel. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanila hanggat hindi nasisigurong ligtas silang makakapunta doon sa kinaroroonan lang kanina nila Danna.

Matapos non ay inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Wala nang putukang maririnig. Wala na ring tensyon. Wala nang nagpapambuno. Pero napakaraming mga katawang nakahandusay sa lupa at talagang bumabaha ng dugo sa iba't-ibang dako. Halo halo nang mga dugo 'to. Mula sa mga kaaway namin, at mula rin sa mga kakampi namin.

Isa-isa kong sinuri yung mga katawan. Yung mga sigurado akong tauhan ni Jade ay muli kong binigyan ng tig-iisang putok sa mga ulo nila para masigurong tapos na talaga sila. Nakita ko naman sa gilid ko si Christian na nakikipagtulungan kay Nate at Chuck na i-identify kung sino ba doon ang kakampi namin. Na dinadala naman nila sa may gilid para subukang irevive pa.

Yung ilang natirang buhay na kakampi namin, na kasama sila Sedrick at Marion, ay sumugod sa loob ng lungga ng kalaban para masigurong ubos na talaga sila.

Chineck ko pa ang paligid sa huling pagkakataon para siguruhing wala nang kakaibang nangyayari. Walang papalapit na undead, at walang natitirang kaaway na nagaapproach.

Mukhang naubos na nga namin ang mga tauhan ng kalaban. Pero yung mismong amo nila? She's nowhere to be found.

Sino nga bang hindi magtatago at tatakbo kung yung inaasahan mong mga alas mo, namatay na lahat?

"Isa kang malaking duwag, Jade." bulong ko sa sarili ko.

Ang akala n'ya ba makakatakas s'ya? Hell no. I won't ever let her get away. Sa dami ng kasalanan n'ya sa grupo ko? Kailangan n'yang magbayad ng malaki.

Kailangang mamatay din s'ya kapalit ng maraming buhay na kinuha n'ya.

"C-crissa, si Jade tumatakas!"

Napalingon ako dun sa lalaking biglang sumulpot sa likuran ko. Pinasadahan ko s'ya nang mapanuring tingin, lalo na yung brown leather jacket na suot suot n'ya.

"Hawak n'ya rin si Danna."

Seryoso akong tumingin sa kanya. "Sige, ituro mo sakin kung asan s'ya."

Tumango yung lalaki at naglakad. Pero bago ako sumunod sa kanya ay sinigurado ko munang wala akong kasamahan na nakakita sa akin.


next chapter
Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C111
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión