Descargar la aplicación
92.17% UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog) / Chapter 106: Chapter 104

Capítulo 106: Chapter 104

Crissa Harris' POV

"O ano, gets n'yo na ba? Kung hindi pa, pakiexplain naman sa kanila, Tita Alicia.." ngumisi si Jade at inabot yung diamond earrings kay Auntie Alicia.

"These earrings, has a special tracking device on it. Kaya na rin ganito 'to kalaki at kabigat. I purposedly get Alessa to wear it para lagi kong matatrack ang location n'ya." nakataas ang kilay na sabi ni Tita Alicia at saka umismid sa akin.

"Why are you doing this mom? Daddy pati ikaw din? Ha? Kasabwat kayo ng mga taong matagal nang nagbibigay ng threats sa amin!? Mga demonyo rin pala kayo e. Sana namatay nalang talaga kayo kesa ganito! pagsisigaw ni Alex at nakita ko nalang na binigyan s'ya ng isang malakas na suntok ng tatay n'ya matapos n'yang kwelyuhan ito.

"How disrespectful of you, Alexander. Ganyan bang ugali napupulot mo sa pagsama-sama sa mga basagulero mong kaibigan, ha?" mapang-insultong tanong ng tatay n'ya at biglang pumukol ng tingin sa direksyon ng kakambal ko.

Isa-isang nagpuntahan ulit yung dalawang malaking lalaki at muli na namang hinawakan sila Alex at Alessa matapos senyasan ng mga magulang nila. Si Jade naman ay biglang naglakad papunta sa akin.

"Now Crissa, tell me. How does it feel na yung dalawang tao na tinuring mong higit sa kaibigan, traydor pala? Kasabwat ng mga taong matagal nang gustong patayin kayo? Hmm, teka. Baka naman hindi pa rin nagsisink in sayo ang lahat at kailangan mo pa ng sampal para magising sa katotohanan?" akmang sasampalin na ako ng humal na babaeng kaharap ko. Pero mabilis ko na s'yang inunahan at binigyan ulit ng dura. Na deretso na ngayong tumama sa mata n'ya.

Halata kong biglang nag-init ang ulo n'ya dahil sa ginawa kong iyon. Mabilis pero madiin n'yang pinunasan ang mata n'ya at ituloy na n'ya ang pagbibigay ng malakas na sampal sa mukha ko.

"Ganyan na ba ang isang anak ng Harris ngayon, ha? Asal iskwater na?" gigil na sabi n'ya sa tapat ng mukha ko.

Hindi ako nagpadaig at ginantihan ko s'ya nang mas nanggigigil na ekspresyon. Pinagkadiinan ko pa ang bawat salita na sumunod na binitawan ko. "Kesa naman sa'yo. Asal demonyo."

Nagpakawala ulit s'ya nang malakas na sampal sa kabilang pisngi ko at tinalikuran na ako. Naglakad s'ya pabalik kila Auntie Alicia at tinapik ang balikat nito.

"You can go now, tita. Ako nang bahala dito."

Ngumisi si Auntie Alicia at pinukulan ako ng nakakalokong tingin. "Say bye to them now, Crissa. Because the next time na magkikita ulit kayo ng mga anak ko,

,magkakaaway na kayo.."

Para akong nabato sa kinatatayuan ko nung marinig ko yung mga salitang 'yun. Kukuhanin nila sila Alex at Alessa? Ilalayo sila sa amin? Tapos, tuturuan nila sila ng kasamaan at pag-aaway-awayin nila kami? Kami na magkakaibigan at halos magkakapamilya nang magturingan?

Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko lalo na nung tumalikod sila Auntie Alicia at pinagtulakan nung dalawang lalaki yung magkapatid para sumunod sa kanila. Nagpumiglas pilit yung magkapatid mula sa mga nakahawak sa kanila. Parehas na umiiyak. Parehas na gustong makatakas sa sitwasyon na umiipit sa kanila.

"A-ayoko! Hindi ako sasama sa inyo! Hindi ko na kayo kilala mommy. Ang sasama n'yo na!" sigaw ni Alessa na pilit kumakawala sa malaking braso na nakayapos sa leeg n'ya. "Ayoko sa inyo! C-crissa! Crissa, ayaw kong sumama sa kanila! Sa inyo lang kami ni kuya. Kuya, p-please.. Gumawa ka ng paraan.."

Napatingin ako kay Alex na nagawang makaalis sa yapos nung may hawak sa kanya. Puno ng galit ang mata n'ya habang pinapaulanan ng suntok at sipa yung malaking lalaki na ngayon ay nakahandusay na sa lupa. Gayon nalang ang panlulumo ko nang makita kong unti-unti na ring sinugod si Alex ng mga tauhan ni Jade para pigilan s'ya. Maging yung isa ring lalaki na nagbabantay sakin ay sumugod na rin at mabilis na may kinuhang kung ano sa bulsa n'ya.

Dalawang syringe.

Dalawang syringe na itinurok nila sa magkapatid na naging dahilan ng unti-unting paghina ng katawa nila hanggang sa tuluyan na silang mawalan ng malay.

Halo-halong emosyon ang namayani sa loob ko habang pinagmamasdang isakay nung mga lalaki yung magkapatid sa loob ng sasakyan ng magulang nila. Wala na silang laban. Hindi na sila makakapiglas o makakaalma pa dahil wala silang malay. Wala na silang kaalam-alam ngayon na ilalayo na sila samin ng magulang nila.

Pumikit ako at sandaling yumuko. Patuloy na umaagos ang luha pababa sa mukha ko.

Hindi. Hindi ko dapat hayaan 'to. Hindi ko dapat hayaan na kukuhanin nalang nila nang ganon ganon lang yung mga taong mahal namin.

Wala akong pakialam kung mas may karapatan sila dahil sa parehas na dugo na nananalaytay sa mga ugat nila. Wala akong pakialam kung sila ang may karapatan dahil magulang sila.

Kami ang dapat kasama nila Alex at Alessa. At hindi sila. Sila na mga halang ang kaluluwa. Walang ina o ama ang dapat magturo sa mga anak nila na mamuhay ng marumi at masama. Walang magulang ang dapat nag-uudyok sa mga anak nila na gumawa ng mga bagay na labag sa loob nila, lalo pa kung 'yun ay pawang bunga lang ng kasakiman at kasamaan.

Hindi ako papayag.

Kami ang dapat makasama nila.

Idinilat ko ang mga mata ko at mabilis na nag-ipon ng sapat na lakas para makatakas.

Gayon nalang ang hilo na naramdaman ko matapos kong buong lakad na inuntog ang sarili kong ulo sa mukha ng lalaking may hawak sa akin ngayon. Dama kong napabitaw s'ya sa akin at napahandusay sa lupa dahil doon.

Kahit hilong-hilo ako ay mabilis kong pinulot ang baril na nabitawan n'ya at agad ko s'yang pinaputukan na asintado sa noo n'ya. Nang makabawi ako ay mabilis ko na ring pinagpuputukan yung mga ilang lalaki na nakapaligid sa sasakyan nila Auntie Alicia. May iba akong natamaan pero may iba ring nakatakbo para magtago sa likod ng mga puno. Napansin ko rin na si Jade ay mabilis na tumakbo para magtago sa kung saan.

Mabilis akong lumapit sa sasakyan nila Auntie Alicia at walang pagdadalawang isip ko s'yang pinatamaan ng bala sa magkabilang hita n'ya. Maging yung asawa n'yang gulat ay napaputukan ko rin sa may braso n'ya.

Nang mapagtanto kong wala nang bala ang hawak kong baril agad kong tinungo yung loob ng sasakyan para gisingin sila Alex. Pinagtatapik ko ang mukha nila pero wala ring nangyari dahil mukhang ngayon palang umeepekto ang pampatulog na ginamit sa kanila.

Nanlulumo akong napaupo sa lupa nang makita kong may ilan nang tauhan ni Jade ang nakalapit at ngayo'y may nakatutok nang mga baril sa akin. Lumabas si Jade mula sa pinagtataguan n'ya at sinigawan ang isang tauhan n'ya.

"Ipagmaneho mo sila Tita at umalis na kayo dito madali. At ikaw, isakay mo sila Tita sa likod ng pickup at gamutin mo sila. Magsama pa kayo ng isa para magbabantay sa magkapatid habang nasa byahe kayo."

Mabilis na sumunod sa utos ni Jade ang tatlong lalaki. Sinakay nila sa likod ng pickup yung mga magulang nila Alex at may isang sumakay doon. Yung isa ay pumasok sa backseat at yung isa ay nagpunta sa driver's seat.

Tanging pagbuhos nalang luha ang nagawa ng katawan ko habang pinapanood na mawala sa paningin namin yung sasakyan na lulan ang mga kaibigan ko. Parang sinasaksak ang dibdib ko sa kaisipan na, wala na. Nakuha na nila sa amin ang sila Alex at Alessa. Hindi ko na nagawang mabawi sila.

Nabigo ako.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Naramdaman kong itinayo ako nung mga lalaki na nakapaligid sa akin at hinaltak ako pabalik doon sa dati kong pwesto sa pagitan nila Christian at Tyron. Yung ekspresyon nila ngayon ay hindi maipaliwanag. Seryosong-seryoso na animo hindi rin sila magdadalawang isip na lumaban kahit na ba parang wala rin silang laban dahil wala naman silang ipanglalaban. Wala kami pare-parehas na armas at napapaligiran kami ng mga taong armado naman ng mga armas.

"Nice try, Crizza. Nice try. Asa ka namang makatakas kayo no?" mapang-inis na sabi ni Jade sabay naghagis ng kahoy na upuan malapit sa direksyon namin. "Iupo at itali n'yo yan d'yan. Ihohotseat ko s'ya. Hahaha."

Gayon nga ang ginawa ng mga tauhan n'ya at iniupo ako sa upuang kahoy na yun. Itinali ang mga kamay at paa ko sa upuan at ganon pa rin ang pwesto ko. Nasa pagitan ng dalawang lalaki na pinakamamahal ko.

Nakita kong nagdala rin ng isa pang upuan si Jade sa harapan ko. Umupo s'ya doon na magkatapat kami pero mayroon ding sapat na distansya ang layo namin sa isa't-isa. Siguro para na rin hindi s'ya tamaan kung sakaling duraan ko na naman s'ya.

"Tsk. Kakadiri laway mo kaya dito nalang ako." nagdekwatro s'ya at nagpangalumbaba. "Hmp. Para kang eng eng no? Why try to save them from their own family? Feeling mo sasaktan nila Tito and Tita mga anak n'ya? Bobo ka ba, ha?" nagpakawala na naman s'ya doon ng nakakaloko n'yang tawa.

Gago. Sino satin bobo? Nakita mo ngang sinapak ng tatay n'ya si Alex e?

"One more thing. You are supposed to be mad at them. Nang dahil sa kanila, kaya namin kayo nasusundan palagi. Kaya nagkaroon kami ng pagkakataon na mapeste ang buhay ninyo. Dahil sa tracking device na ininstall nila Tita sa hikaw ng pinakamamahal mong kaibigan na si Alessandra. Great, right?"

Ako naman ngayon ang napangisi at napaismid. Binigyan ko s'ya nang nakakalokong tingin bago ako magsalita.

"Why should I be mad at them? E wala naman silang alam sa scheme n'yo? Kayo lang 'tong mga humal na nandadamay pa ng inosente sa mga kaululan n'yo."

Tumayo si Jade at nag inat ng braso n'ya. "Kunsabagay may point ka." naghikab s'ya at tumingin sakin. "Pero don't worry. In the near future, I'm sure na kusangloob ka nang magagalit sa kanya. Remember what Tita Alicia said a while ago? Sa susunod na pagkikita n'yo ng mga kaibigan mo, nemesis na kayo."

Naglakad s'ya at sumenyas sa mga tao n'ya. "Watch over them. Kakain lang kami at once we're done, sila naman magbabantay at kayo ang kakain."

Lumakad na s'ya papunta sa may kubo kasunod ang ilang lalaki. Naiwan nalang kami doong tatlo nila Christian at Tyron na patuloy na binabantayan pa rin ng apat na iba pa. Medyo malayo ang distansya nila samin pero hindi pa rin naaalis ang hawak nila sa mga baril nila.

"Kambal.." bulong ko sa lalaking nasa kanan ko ngayon.

Lumingon s'ya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Ba't andito ka ha?"

Ginantihan ko ang masungit n'yang sinabi. "Luh, ang kapal mo, ha? Kahapon pa kaya nila kami hostage ni Renzo. Bumalik lang ako. Ikaw ang dapat kong tanungin. Pano nila kayo nakuha ni Tyron?"

"Well. On our way home, nakasalubong namin sila. Knowing na hawak din nila sila Alex, nagpatangay nalang kami ni Tyron." walang kagana-gana n'yang sagot.

"E ba't hindi kayo nanlaban? Ha? Nasaan ba si Sedrick? Akala ko kasama n'yo s'ya?" sunod-sunod na tanong ko. Hindi sumagot ang kakambal ko kaya si Tyron nalang ang tinignan ko.

Nang hindi tumitingin sa akin, sumagot naman s'ya. "Iniwan namin dun sa pinuntahan namin."

Napanganga ako dahil sa sinabi n'ya. Marahas ko tuloy na ibinalik ang tingin ko sa kakambal ko. "Kambal. Bakit n'yo s'ya iniwan? Baka mapahamak yun doon. Baka makuha s'ya nila Jade. Saan ba kayo nagpunta ha?"

"Secret."

Nalaglag ang panga ko sa isang salita na yun na sagot ng kakambal ko kung kaya't si Tyron nalang ulit ang tinignan ko. Hindi ko alam kung magagalit ba at ako sa kanila or madidisappoint. Ano bang pinaggagagawa nila?

"Ty.."

Imbes na sagutin ang tanong ko, binigyan n'ya lang ako ng pokerface at s'ya naman ang nagtanong.

"Kulit mo talaga no? Ba't bumalik ka pa dito kung nakatakas naman na kayo? Saka kung babalik ka pa pala dito, bakit ni hindi ka man lang nagsama ng backup mo ha? Andon naman si Elvis, si Owen. Si Lennon.."

Pagkasabi n'ya ng Lennon ay sabay din nang biglaang pagkirot ng puso ko. Unti-unti ko na namang naalala lahat ng nangyari kanina. Sobrang sariwa pa.

Si Lennon? Wala na s'ya. At walang kaide-ideya 'tong mga lalaking katabi ko sa naiwang sitwasyon ng kampo namin ngayon. Kampo namin na sinadya kong iwan. Para maghiganti at maningil. Waa silang ideya na sobrang devastated ng babalikan naming kampo kung saka-sakaling ligtas pa kaming makakaalis dito.

"Wala na si Lennon.."

Sabay silang napalingon dahil sa sinabi ko. Alam kong nagulat sila doon at wala naman akong ibang choice kundi sabihin yun. Dahil karapatan nilang malaman lahat. Lahat nang hindi nila nasaksihan. Lahat nang hindi nila nalalalaman. Kahit na ba ako ang dapat sisihin sa lahat ng 'to.

"Sila nanay Sonya at Marie. Tatay Roger at ate Romina. Lily at Rose. Aurora at Eudora. Nadamay sila." sabi ko na pilit pinipigilan ang nagbabadyang pagtulo ng luha ko. Ayaw ko na sanang umiyak dahil pagang-paga na ang mata ko. Pero mapipigilan ko pa ba 'to? E sobra-sobrang pasakit na ang dinanas ko sa araw na 'to?

Nakita kong napaiwas ng tingin si Tyron. Si Christian naman ay nanatili lang na deretso ang tingin.

"Sila lang ba?"

Malumanay ang tono ng boses n'ya nang sabihin n'ya iyon. Pero yun ang klase ng pagkamalumanay na kikilabutan ka. Animo isang lalagyan na nagiintay nalang mapuno at kapag dumating na sa punto na mapupuno na, bigla nalang sasabog. Para ring bulkan. Tahimik pero ano mang oras ay pwedeng pumutok. Pwedeng makapatay. Makapatay ng nakapakaraming tao.

"H-hindi e. Pati rin si.. si Renzy. Nadamay. Wala na rin s'ya." hindi ko na napigilan at tumulo nang sunod sunod ang luha ko. Lalo pa nung ituloy ko ang sinasabi ko. "P-pero hindi lang s'ya basta pinatay, kambal e.. Binaboy muna s-sya. Nirape s'ya nung ilang tauhan ni Jade. Wala akong nagawa. Kami ni Renzo.. W-wala kaming nagawa. Pinaglaruan nila ang inosenteng si R-renzy."

"Tama na." pagpuputol n'ya sa pagsasalita ko. "Tama na sa pag-iyak. Hindi ito ang tamang oras para magpakita ng kahinaan." tinitigan n'ya ako nang deretso sa mata ko. Inaamin ko na sa mga oras na yun, natakot ako sa kakaibang titig n'yang iyon.

"Wala akong alam kung magagawan pa natin ng paraan na mabawi ang magkapatid na Valdez. Pero ipinapangako ko sa'yo. Maniningil tayo para sa mga buhay na kinuha nila."

Malumanay pero madiin ang pagakakasabi n'ya nun. At kung hindi n'ya lang ako kakambal, malamang ay iisipin ko nang delikado ang buhay ko sa kanya. Dahil ang mga titig n'yang iyon, napakalamig.

Napakalamig pero nag-aapoy.

Nag-aapoy sa poot at galit.

Hindi ko maipaliwanag. 

Sobrang nakakakilabot.

Pare-parehas kaming napalingon sa direksyon ng kubo nang makita naming lumabas na doon si Jade kasama ang lima pang lalaki. Dumeretso s'ya sa upuan sa harapan ko at as soon as mapatingin s'ya sa mata ko, bigla na naman s'yang nagpakawala ng nakakalokong tawa.

"WTF, Crissa. Umiiyak ka na naman?" umupo s'ya at hinawakan ako sa tuhod. "Alam mo, Crissa? Tamang-tama talaga pagkakakilala ko sa'yo e. Sobrang bait mo. Sobrang bait mo to the point na yung kabaitan mo, naging kahinaan mo na!" umayos s'ya nang pagkakaupo at inirapan ako. "Tamang-tama rin yung ginawa ko bago kami umalis sa kampo n'yo kanina e. Sa kampo n'yo na niratrat namin. Hahahaha! Hindi mo man lang ba naiisip kung bakit pati yung dalawang batang uhugin na umiiyak lang sa tabi ay binaril ko rin?"

B-batang uhugin? Sila Aurora at Eudora ba ang tinutukoy n'ya?

"Kasi alam ko na kapag mas marami ang idadamay kong inosente, mas magagalit ka pa. And tignan mo, nakatakas ka na nga dito, bumalik ka pa. Imbes na iligtas mo nalang ang sarili mo, nagbubuwis buhay ka na naman ngayon. Sobrang tanga talaga!" sigaw n'ya sa harapan ko at tumawa na ulit na parang demonyo.

"Walanghiya ka! DEMONYO KA TALAGA! DEMONYO!" nagpumilit akong magpumiglas pero wala akong nagawa dahil sa sobrang higpit ng pagkakakatali sa akin.

"Sige na, demonyo na ako at anghel ka na. Pero sa sitwasyon mo ngayon, kaya mo pa rin bang magpaka anghel para iligtas ang sarili mo at itong mga lalaking importante sayo!? Ha?"

"Bakit mo ginagawa 'to, ha? Anong dahilan n'yo!?" nanlilisik ang mga mata ko na sinsusundan ang bawat pagtawa at pag-iling iling n'ya doon.

Hanggang sa tumayo na s'ya tuluyan sa harapan ko at animo nagiisip nang malalim. "Hmm. Bakit ko ginagawa 'to? Teka..

..Sabihin nalang natin na may isang bagay na gustong-gusto kong makuha. Pero hindi ko naman makuha-kuha dahil, nasayo na! Kinuha mo!!"

Kinuha? Anong ibig sabihin nitong humal na 'to? Nababaliw na ba ang isang 'to?

"Di mo gets, 'no? Don't worry. Sa gagawin ko, magegets mo na."

Nakangisi s'ya habang naglalakad sa gawing kaliwa ko, na nasa kanan naman n'ya.

Hindi ko maipaliwanag ang galit na naramdaman ko sa sumunod na ginawa n'ya. Gusto ko biglang humugot ng baril at pagbubutasin ang buong katawan n'ya. Mula ulo hanggang paa. Gusto kong pagsasampalin nang paulit-ulit ang pagmumukha n'ya hanggang sa mamaga ito at magkaputok-putok na.

Pero wala. Wala akong magawa at nanatili lang akong nakatitig sa ginagawa n'ya.

Normal lang naman siguro 'tong medyo kakaibang galit na nararamdaman ko ngayon. Galit na hindi bunga ng kagustuhan na maghiganti o maningil.

Dahil sino nga bang hindi makakaramdam ng ganitong klase ng galit? Kung may isang babae na hinahalikan ang kasintahan mo?

At sa mismo pang harapan mo?


next chapter
Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C106
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión