Descargar la aplicación
13.04% Trying Again (Tagalog) / Chapter 9: Nuebe

Capítulo 9: Nuebe

"Denise?"

Hinihingal siya dahil ata sa pagkahabol sa akin. Hindi ko naman in-expect na susundan niya ako, nakakahiya tuloy yung ginawa ko kanina, hagalpak na ako ng katatawa. Inayos ko muna ang sarili ko at nagconcentrate, galit ako sa babaeng to kahit anong mangyari.

"Ano ba yon?" tanong ko sa kanya na medyo naiirita ang tono ko.

"Ahh," sabi niya ng mahina, mukhang natakot ata sa akin, "Tungkol sana kay Stan."

"Bakit? Sayo na naman siya ah. Anong problema dun?" dire-diretso kong pagkakasabi sa kanya, "Kung nag-aalala ka na agagawin ko siya, wag kang mag-alala sayong sayo na siya."

"Hindi naman yun eh," sagot niya sa akin, "Alam ko naman na hindi ako ipagpapalit ni Stan kasi mahal niya ako."

"Yun naman pala. Ano pang gusto mong sabihin sa akin?" tanong ko sa kanya, galit na talaga ako. Ang kapal ng mukha niya, first year lang siya, mas matanda pa din ako sa kanya kaya dapat matuto siyang gumalang.

"Sana magkabati na kayo ni Stan," sabi siya sa akin ng mahinahon.

Hindi ko siya sinagot. Nagsalita muli siya, "Alam ko naman na gustong gusto ka na niya kausapin ulit. Namimiss ka na niya kahit hindi siya sabihin sa akin at alam ko namang miss mo na din siya. Parang kapatid na ang turing niyo sa isa't-isa."

Tiningnan ko siya sa mata at mukhang sincere naman siya kaso ayoko. "Oo miss ko na siya," amin ko kay Denise, "Kaso hindi pwedeng dalawang babae ang nasa buhay niya. Hindi pwedeng lagi na lang siya mamimili sa ating dalawa."

Sasagot na sana si Denise kaso inunahan ko na, "Alam ko, hindi ako girlfriend pero simula't sapul ako ang lagi niyang pinipili. Lahat ng gusto ko, sinusunod niya pero kung mahal ka niya talaga, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin niya kahit anong mangyari kaya sayo na siya. Hindi na kailangan ibalik na yung dati na meron sa amin. Masaya naman siya eh."

Naglakad na ako palayo pero may ihinabol ako sa sinabi ko, "Wag kang mag-alala kakausapin ko siya kagaya ng dati pero hanggang dun na lang yun."

Nakarating na ako sa beach ng hindi ko na mamalayan dahil busy ako sa pag-iisip ng mga sinabi ko kay Denise. Tama ba yung sinabi ko?

"Oh, andyan na si Risa!" sigaw ni Dan, ipinatong ko yung phone ko dun sa mga ibang gamit nila at nagtatakbo na papunta sa kanila. Hindi katagalan dumating si Lance at ang ate ko na may dalang ice cream, syempre pabilisan kami sa pagpunta sa kanila. Hindi naman halata na sabik na sabik kami sa ice cream.

Dahil hindi alam ng barkada na close na kami ni Lance, hindi ko siya kinakausap o pinapansin, busy din naman kasi siya kay ate. Kinuha ko yung cellphone ko kaso wala nga pala akong dalang towel, naiwan ko sa cottage, hihiram na sana ako kay Mia kaso may biglang pumatak sa mukha ko na twalya.

Pagkatanggal na pagkatanggal ko napasigaw agad ako, "Sino ba naman-"

Natigilan ako dahil si Stan pala yun, kaholding hands niya si Denise. Ngumiti siya, "Gamitin mo muna."

"Wag na. Yung kay Dan muna gagamitin ko kahit baboy yun," inabot ko sa kanya yung twalya at ngumiti ako ng bonggang bonggang pilit.

"Baboy ka dyan?" singit naman ni Dan.

Hinigit ko yung twalya sa balikat niya.

"Bati na kayo?" tanong niya ng nakakaloko.

"Oo. Bakit? Ayaw mo?" iling naman agad siya at natawa na lang silang dalawa ni Stan.

"Hoy, yung cellphone mo nagri-ring. Kanina pa yan natawag nung hiniram ko yung phone mo," sabi sa akin ni Dan. Napatangin naman ako kung sino yung natawag, si Jared.

"Sino ba yan?" tanong ni Dan.

"Oo nga, kanina pa kami naiintriga," sang-ayon namam ni Aya.

"Si Jared," sagot ko sa kanila at inunahan ko na sila, "Hindi niyo kilala at classmate ko lang yun sa lessons."

"Alin? Yung nakakotse na naghatid sayo nung isang araw?" bigla naman singit ng tanong ni Lance at lahat napatingin sa kanya.

"Paano mo nalaman?" tanong ni ate sa kanya.

"Kotse? Ibang sabihin college na yun? Gwapo ba?" sunod-sunod na tanong ni Aya.

"Bakit hindi mo agad sinabi samin?" si Dan naman ang nagtanong.

"Sumakay ka naman agad sa kotse niya ng hindi mo pa siya nakikila ng ayos," sabi ni Stan at lahat napatigil sa pagtatanong at pang-iintriga sa akin.

"Nakauwi naman ako ng buhay at mabait naman si Jared," sagot ko sa kanya, "Mamayang gabi na lang ako magkkwento ha, sasagutin ko muna to."

Pagkatapos nun lumayo muna ako sa kanila ng konti at saka ko sinagot yung phone ko. May narinig pa nga akong, 'nanliligaw ba yun kay Risa'.

Saglit lang naman kami nag-usap ni Jared. Nagkamustahan lang kasi next week may pasok na kami samantalang sila, wala pa. Sinabi din niya na gusto ulit niya ako makita at tutugtugan daw niya ako. Ang sweet niya at masarap din kausap. Madalas din kami nagkakatext at nagkakausap sa phone pag hindi si Lance.

Nang nakabalik ako sa kanila, suskopo, ang daming echos. Hindi ko na lang sila pinansin at nag-aya na lang ako maglunch kasi tanghali na at ayoko naman masunog ng todo.

Noong hapon, sa pool naman kami habang sila mama kasama yung mga butibot. Nasa gilid ako ng pool sa kadahilanang nagmumuni-muni ako at hindi ako maalam lumangoy. Yung iba kong kaibigan, liwaliw na liwaliw sa paglalangoy.

"Risa!" sigaw ni Stan kaya muntikan na akong mapabitaw sa hinahawakan ko.

"Anak ka ng kalabaw!" sigaw ko sa kanya. Aatakihin ata ako sa puso.

"Sa puti kong to, anak ng kalabaw," tumawa si Stan at lumapit sa akin. Tinanggal niya ang kamay ko sa gilid ng pool at syempre, lulubog ako. Sinuntok ko siya pero inilapit na lang niya ako sa kanya at hinawakan ang ang baywang ko. Konting konti na lang pag-itan naming dalawa.

"Ano bang problema mo Stan?" tanong ko sa kanya, "Ang lakas ng trip mo ha porke't pinanpansin na kita."

"Wala lang, namiss lang talaga kita. Masama ba kung namiss ko yung best friend ko?"

"Che! Asan na ba ang girlfriend mo at ako ang kinukulit mo?"

"Nasa cr at tsaka nagpaalam ako sa kanya na kukulitin kita."

"Nagpaalam?"

"Syempre baka kasi magselos yun. Napakaselosa kasi nun."

"Yun naman pala eh, dun ka na sa kanya."

"Nakalimutan ko, napakaselosa mo din nga pala."

"Aba ang kapal ng mukha mo ha. Hindi kaya!" sabay hampas sa balikat niya.

"Aray! Amazona ka talaga. Ang lakas mo humampas."

Hinila niya ako dun sa part na medyo mababaw na at konti na lang abot na ng paa ko. Bigla niya ako hinila pailalim. Nagpanic agad ako at biglang umahon. Hinabol ko muna yung paghinga ko bago ako umahon ng pool. Nakakainis talaga tong si Stan, ang lakas lagi ng trip.

Sinundan pala ako ni Stan at hinila pabalik ng pool. Nang nasa may tapat na kami ng pool, niyakap niya ako at tumalon kami pero sa totoo lang itinulak lang niya ako na kasama din siya. Gulat na gulat ako sa ginawa niya. Tawanan ang barkada ko, siya at yung ibang tao dun sa pool.

"Ang sama mo talaga Stan!" sigaw ko sa kanya habang sinasabunutan ko siya para hindi din ako lumubog, "Dapat pala hindi na lang ako nakipagbati."

Tawa pa rin siya ng tawa at tinutukso na kami ng 'Ang sweet niyo naman' at 'bagay kayong dalawa'.

Kung alam niyo lang na flirt lang talagang tong lalaki na to. Natigil lang ang paghaharutan naming dalawa ng dumating na yung totoong girlfriend. "Babe," tawag niya kay Stan.

"Una na ko Risa ha, mamaya ulit," paalam sa akin ni Stan, "Lance, dalhin mo nga tong babae na to sa gilid at baka malunod pag iniwan ko dito."

"Ang yabang mong lalaki ka!" hampas ulit sa balikat niya pero tumawa lang siya at inabot na niya ako kay Lance ng makarating ito. Umahon na siya ng pool. Nakahawak tuloy ako ngayon sa dalawa niyang braso para hindi ako lumubog.

"Salamat," sabi ko ng mahina sa kanya.

"Kamusta na nga pala kayo ni ate?" tanong ko sa kanya habang papunta kami sa gilid ng pool.

Hindi niya ako sinagot kaya inulit ko yung tanong pero wala pa din. "Huy Lance, galit ka ba sa kin?"

Napatigil siya at napatingin sa akin, "Sa tingin mo?"

"Bakit ka magagalit sa akin? Wala naman akong ginawa ah," depensa ko.

"Yun na nga yun eh, hindi mo ako pinansin ng buong araw," sabi niya ng pagalit.

Natawa ako ng medyo malakas. "Anong nakakatawa?"

"Ikaw," humarap siya sa akin ng ayos, "Para ka kasing babae. Nagalit ka na agad kasi hindi kita pinansin. Daig mo pa sina Aya eh."

"Kasi naman hindi ako sanay ng hindi mo ako pinapansin," dahilan niya sa akin.

"Bakit dati okay lang kahit hindi?" tanong ko sa kanya habang nakangiti.

"Anu ba naman to!" dabog niya ng pagalit, "Ang dami mong tanong. Kasi close na tayo ngayon at tsaka akala ko galit ka sa kin kaya hindi mo ako pinapansin."

"Baka kasi mabigla sina Aya lalo na nung isang linggo lang alam mo na. Nasaan nga pala si ate at hindi mo kasama? Nabusted ka na agad?"

"Hindi ah. Naliligo lang kasi nilalamig na daw siya."

"Weh? Baka naman ginalit mo kaya naligo na," asar ko sa kanya at tumawa na lang ako, "tara na dun at inaantay na nila siguro tayo."

Umalis na kami ng pool at nagpunta dun sa barkada namin na nakain ng fries. Hingi agad ako, "Penge naman. Ang daya niyo, hindi niyo man lang kami inantay."

"Ang tagal niyo kasi," sabay na sabi ni Dan at Mia.

"Nga pala may sasabihin ako," tumigil ako at mukhang nakuha ko naman ang atensyon nila. Nasa tabi ko si Lance.

"Friends na kami ni Lance," sabi ko ng mahina at medyo nahihiya.

"Sus, yun lang naman pala akala namin kayo na," sabi ni Andy.

"So wala na sayo na nabusted ka niya at mukhang close na kayo eh?" pang-aasar ni Aya.

Mababatukan ko yang babae na yan eh. "Busted?" tanong ni Stan. Hindi ko nga pala nasabi sa kanya kasi nagkagalit kami.

"Basta Stan, kkwento ko na lang sayo pag may time," insist ko sa kanya, "Tara na lang maglaro ng baraha."

Umayos na kami ng upo at bumilog, ang katabi ko sa kanan ay si Aya at sa kaliwa naman ay si Lance. Ang laro naming unggoy-ungguyan. Ang dami namin para maglaro pero enjoy pa rin.

"Nuebe," bulong ko kay Lance kasi yun ang kailangan kong baraha.

"Ano?" tanong niya sa akin ng pabulong din.

"Nuebe," inulit ko.

"Ha? Nyebe?" tanong niya sa akin na medyo napalakas ang boses niya.

Napatangin tuloy sila sa amin. Sigaw ni Dan, "Huli na kayong dalawa, mandadaya pa eh."

Nakailang laro pa kami bago nagkayayaan bumalik ng cottage. Ang kasabay ko maglakad ay si Lance. "Ang bingi mo kasi. Nyebe ka dyan, ang layo kaya."

Nag-aasaran kami hanggang sa malapit na kami sa cottage at bigla kong naalala na naiwan ko yung twalya ko.

"Balikan ko lang yung twalya ko," paalam ko sa kanya.

"Samahan na kita," alok niya sa akin.

Tumanggi naman ako, "Hindi, wag na baka inaantay ka na ni Ate."

Dali-dali akong nagtatakbo papunta sa upuan na ginamit namin kanina. Pagdating ko dun, hawak ng isang lalaki ang twalya ko, napalingon siya at nakita niya ako.

Binasa niya yung nakasulat dun sa twalya at tumingin sa akin, "Risa? Risa Reyes?"


REFLEXIONES DE LOS CREADORES
wickedwinter wickedwinter

Hey you! Thanks for reading. If you enjoyed it, please don't hesitate to vote or leave a comment. I upload every Sunday and Wednesday. Not everyday because I am also updating my other story, Ugly Little Feelings. If you're 18+ and want some Japanese romance, do check it out. See you on the next chapter. Guess who's calling Risa.

next chapter
Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C9
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión