Marahil dahil ang mga sinabi ng mga babae ay masyadong masakit sa tainga at nakakasakit, si Duan Jinghong ay kaagad na pumasok at hinila palabas si Song Xin.
"Tama na iyan. Wala kang karapatan na husgahan kung ano ang ginawa ng artista ko."
Pakiramdam ni Song Xin na siya ay tila nagdusa sa isang malaking kahihiyan. Lubha siyang napupuyos halos gusto na niyang maghukay ng butas at magtago sa loob nito. Ngunit, paano naman si Tangning nang mga sandaling iyon? Ang kanyang ekspresyon ay walang bahala, lubusang binabalewala ang pag iral ni Song Xin.
"Kung hindi lamang naman namin nakita na ang iyong artista na sinusubukang gawing mahirap ang mga bagay para sa nagdadalang taong babae, bakit naman kami mag aaksaya ng oras para hatulan siya?"
"Ikaw…"
Ayaw din naman ni Song Xin na mapahiya si Duan Jinghong, kaya pinanlakihan na lamang ng mata ni Song Xin si Tangning at sinabi sa nanginginig na boses, "Tama na iyan."