Ang kapaligiran sa meeting room ay biglang naging nakakapanerbiyos. Inaakala ng lahat na si Mo Ziyan ay bata pa at madaling malililinlang kaya sinasabi lamang nila ang magagandang bagay at iniiwasan ang mga masama.
Ngunit, kailanman ay hindi nila inaasahan na makikita nito ang kanilang kasinugalingan.
"Ang ating mang aawit na si Qin Jian kamakailan lamang ay nahuling nangangalunya, ngunit hindi ninyo sinamantala ang tamang pagkakataon upang malinis ang eskandalo. Bilang resulta, pinalaki ng media ang insidente at si Qin Jian ay napilitan na magtago sa ibang bansa. Ito ay maaari sanang maiwasan."
"At paano naman ang tungkol sa actor na si, Lai Jia? Nabunyag na siya ay nagtatrabaho sa isang nightclub bago siya mag umpisa. Ngunit, hindi lamang nabigo ang PR department na itago ang bagay na ito, sa huli ang media ay sumakay sa iskandalong ito. Ito ang pinakanakakahiyang panahon sa kasaysayan ng Hai Rui."