"Kung ganon dapat kang makinig sa akin. Kung hindi ako dumating sa nayon ng tamang panahon, sino ang magliligtas sa iyo?" bahagyang humina ang boses ni Li Jin. "Dapat, kahit papaano ay matuto ka ng ilang bagay tungkol sa basic survivial."
Maaring masabi ni Lin Qian na si Li Jin ay nakahanda ng gumawa ng isang kompormiso, kaya itinango niya ang kanyang ulo, "Ok, kapag ako ay nagkaroon ng libreng oras, pupunta ako."
Ang magkasintahan ay biglang natahimik dahil wala naman silang maraming alam na maaaring pag usapan, kaya si Lin Qian ay nag umpisang makaramdam ng bahagyang pagka ilang, "Ikaw ay nagsayang na ng dalawang araw…hindi ka ba abala?"
Hindi sumagot si Li Jin. Habang inilalagay ang isang pares ng susi sa ibabaw ng lamesa katabi ng kama, bigla itong humilig kay Lin Qian ay niyakap ang babae. Pagkatapos ay tumayo at nagsabi, "Pagkaraang kong umalis sa pagkakataong ito, maaari akong makabalik pagkaraan ng 5 araw."