"Hayaan mong magpakita ako sa iyo ng isang demonstrasyon. Gaganap ako bilang Xiao Qiu!" Wika ni Mo Ting.
"Kung ganon...kung ganon kailangan mo ba ng isang tao na aarte kasama mo?"
Iniling ni Mo Ting ang kanyang ulo bago ito tumayo at naglakad patungo sa isang punching bag. Nang mga oras na iyon, pinulot ni Old Long ang kanyang script at nag umpisang basahin ito, "Suntukin mo ako, magkunwari kang ako ang iyong ama at suntukin mo ako ng kasing lakas ng gusto mo..."
Masunuring naglakad palapit si Mo Ting sa punching bag na tila ba ito ay isang tao. Pagkaraan ay sinubukan niyang magbigay ng suntok.
"Suntukin mo ako ng mas malakas. Hindi ka ba kumain ngayon araw na ito?" Patuloy na pagbabasa ni Old Long mula sa script.
Si Mo Ting ay tila naubo habang itinataas ang kanyang kamao; umiiyak habang inilalabas ang kanyang galit. Nang hindi niya namamalayan, ang kanyang mga suntok ay dahan dahang nagiging palakas ng palakas...