Sa Hua Rong Studio. Sa opisina ni Editor Lin.
Nakabalik na sa wakas sa mga kamay ni Editor Lin noong gabing iyon ang telepono na nagmula kay Charlene na ipinadala para tanggalin ang lock.
Kinakabahan na nakaupo si Editor Lin sa kanyang upuan sa opisina. Sa huli, binuksan niya ang gallery ng telepono at tiningnan ang mga larawan sa loob.
Halos lahat ng larawan ay mula sa labanan sa pagitan nina Tangning at Zhwn Manni noong gabi ng celebration dinner.
Tiningnan ni Editor Lin ang mga larawan at napansin ang pagkakaiba sa pagitan nina Tangning at Zhen Manni. Sa kaloob – looban niya, may kumbinsido siya kay Tangning. Pagkatapos ng lahat, bihira lamang makakita ng modelo na aangkopan ng lahat ng damit na isusuot niya.
Pero, ayaw pa rin niya kay Tangning dahil sa katotohanan na nakikipaglaro siya sa mga lalaki habang umaaktong inosente…