"Tama na, ano ang maaari kong gawin? Ayaw ni Xiwen na hayaan si Tang Jingxuan o kaya ay ako. Kung magsalita man ako, ang magiging resulta ay pareho pa din. Miss Song, pakiusap umalis ka na," tumalikod na si Xia Jingyi at matalim na tumingin kay Song Yanshu. Ang kanyang isip ay matagal ng magulo.
Ang kanyang mensahe ay malinaw: hindi siya maaaring makatulong.
Sa katotohanan, bago pa dumating si Song Yanshu, nahulaan na niya ang ganitong kalalabasan. Ngunit nagdesisyon pa rin siyang sumugal. Gusto niyang makita kung ang babae na minsan nagustuhan ni Tang Jingxuan, ay mayroon kahit paano, pinakamaliit na konsensya at lakas ng loob.
Ngunit pagkatapos marinig ang sagot ni Xia Jingyi, tumawa si Song Yanshu…
"Dahil ikaw ay nagdesisyon nang bitawan si Luo Xing, kung ganon huwag mo itong pagsisihan." Pagkatapos magsalita, tumayo ng diretso si Song Yanshu at umalis sa silid.