Descargar la aplicación
36% Till i Met The Mafia lord (Tagalog Novel) / Chapter 9: CHAPTER 9

Capítulo 9: CHAPTER 9

AN: Again thank you po ulit sa walang sawa na support niyo sa akin. Sana hanggang sa wakas 'ay kasama ko kayo.

--------------------------------------------------------------------------

JESSY P.O.V

Isang buwan na ang lumipas simula ng laban ko. At magaling na rin ang pasang dinulot ng parusa sa akin.

Mga nakaupo kami sa sopa, sila busy sa mga cellphone na mga hawak nila. Habang ako naman iniisip ko si boss Ahraw, kasi isang buwan na rin siyang hindi nagpaparamdam sa amin at wala rin kaming laban. Hindi ko ginamit ang cellphone dahil hindi naman ako mahilig magkakalikot.

"Ugh! Shit! Nakaka-boring na!" Napatayong hiyaw ni Danica.

Napatingin naman kaming apat sa kanya. Si Eveth natatawa lang siya sa gilid habang nakataas ang dalawang paa sa lamesa.

"Ikaw lang ba, Danica?" Nakaangat ang kilay na salita naman ni Helga.

Nakikinig lang ako sa kanila at pinagmamasdan ko si Danica, bigla itong napangiti.

"Tara lumabas tayo, punta tayo sa bar." masayang wika ni Danica.

Nagulat naman ako sa sinabi ni Danica, habang si Eveth nakakunot ang noo nito.

"Haay! Puwede ba Danica, huwag mo nga kami paasahin sa ganyan." nakasimangot na turan ni Helga.

"Naku! Tumigil ka nga Danica, baka gusto mong mamatay agad ng wala sa oras?" sarkastiko na sambit naman ni Eveth.

Napansin ko na ngumisi lang si Danica sa mga sinabi sa kanya.

"Ang hihina naman ng mga loob niyo, syempre para-paraan 'yan noh?" Maarte na sagot ni Danica. "At isa pa, wala naman tayong bantay ngayon. Kaya sige na wala naman si boss," pagpapatuloy ni Danica.

Natahimik naman ang lahat at nakikiramdam naman ako sa kanila dahil mukhang pinag-iisipan nila ang sinabi ni Danica.

"Eh, paano naman 'yung dalawang guard doon?" Maang na tanong naman ni Helga.

"Oo nga, Danica sila Manong." singit naman na salita ni Andrea.

Pansin ko na parang kumislap ang mga mata ni Helga at Andrea sa sinabi ni Danica.

"Sus! Si Manong lang? Walang problema sa kanya, close ko 'yun. Pakikiusapan natin siya na huwag mag-sumbong 'kay boss," nakangiting paliwanag ni Danica.

Napailing naman si Eveth, si Helga at Andrea mga nakangiti.

"Ano game? Hindi naman tayo magtatagal, alas diyes na kaya mas magandang pumunta na ngayon." excited na wika ni Danica.

"Sige ah, pero Danica sure ka ha. Baka mamaya malaman ito ni boss yari tayo," natatawang wika ni Helga.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanila at ganun din si Eveth.

"Ano Eveth? Tara na, isama mo na siya baka mamaya umiyak pa 'yan dito." Nakangising baling ni Danica kay Eveth at ganun rin sa akin.

"Huwag niyo kami idamay diyan, kayo na lang." Walang ganang sagot ni Eveth.

"Eveth, sige na ngayon lang naman to oh. Baka mamaya mamatay na tayo bukas o sa susunod na bukas, maging masaya manlang tayo kahit isang beses." malungkot na bigkas ni Helga.

Natigilan naman si Eveth, kahit ako biglang napaisip. Oo nga baka mamatay na kami bukas o kaya sa susunod na araw, may punto rin naman si Helga.

"Pero, Helga. Alam mo naman na bawal tayong lumabas. Alam niyo naman 'yan, ilang beses na tayo noon tumukas pero naibabalik rin tayo dito." seryoso na wika ni Eveth.

"Ano ka ba, Eveth? Hindi naman tayo tatakas. Magsasaya lang tayo kahit sandaling oras lang," salita ni Danica na may halong inis.

"Oo nga, Eveth sige na. Sumama na kayo ni Jessy," pangungulit pa ni Andrea.

----------

Sakay ng ban na hindi naman ginagamit, dito kami nakasakay na lima. Si Danica ang nag-drive.

Nakabibinging tunog na halos pati ang dibdib mo ay kumakabog sa bawat beat ng kanta. Iba't ibang klase nang ilaw ang tumatama sa aming mga mata, at maraming taong lango na sa alak habang nagsasayaw sa gitna ng dance floor.

"Wohoo! Fuck! Finally nakalabas rin tayo!" Sigaw ni Danica dahil hindi kayo magkakarinigan sa sobrang lakas ng tugtog. May hawak itong alak habang na ninigarilyo.

Mga nakaupo kami dito banda sa may gitna. Kaya kita ko ang bawat sulok at mga taong nagsisigawan sa sobrang saya. Napilitan kaming sumama dahil hindi kami tinigilan ni Helga at Andrea.

"Ngayon ko lang ulit naramdaman ang maging malaya!" masayang bigkas ni Andrea.

Kami tahimik lang kaming umiinom ni Eveth, ramdam ko talaga ang kasiyahan sa kanila.

Lumipas ang oras pansin ko na medyo lasing na si Danica at Helga pati na rin si Andrea. Dahil nagsasayaw na sila.

"Wohoo! Tara guys sayaw tayo doon." aya ni Danica sa amin.

Tumayo naman si Helga at Andrea sinundan nila ang pagewang-gewang na lakad ni Danica. Niyaya pa kaming dalawa ni Eveth pero mariin na tumanggi kami dahil hindi ako sumasayaw.

Natatawa na lang kami ni Eveth dahil sa nakakatawang sayaw nang tatlo, kahit paano napangiti kami. Biglang napalitan ang maharot na tugtog ng isang sexy music. Nagbalikan sa upuan ang karamihan ngunit 'yung tatlo nandun pa rin at nagsasayaw sila ng sexy moves.

Nakatingin lang kami ni Eveth sa dance floor. Hanggang sa makita namin na may lumapit na apat na lalaki sa kanilang tatlo, nagkatinginan kami ni Eveth.

Nanood lang kami dahil nakikisayaw lang naman 'yung apat na lalaki. Hanggang sa dumidikit na ang mga ito at bigla na lang kinabig nang isang lalaki si Danica at sinuggaban ito sa leeg. Ganun rin ang ginawa kila Andrea at Helga. Dito na kami napatayo ni Eveth dahil nagpipilit na makawala sila Danica, pero dahil nga sa lasing na wala na silang lakas.

Mabilis na lumapit kami sa dance floor dahil nag-alisan ang ibang sumayaw dahil sa nangyari.

"Ano ba! Bitiwan mo nga akong panget ka!" Narinig ko na wika ni Helga habang pilit na inalalayo ang sarili niya sa lalaki.

Si Danica naman pinagsisipa 'yung lalaki, pero tinatawanan lang si Danica ng lalaki dahil halos hindi umaabot ang sipa nito.

"Tangina niyo! Ang aarte niyo ah, kanina pa kami libog na libog sa inyo" nakangising salita ng lalaki.

Hinablot ko naman ang itong lalaki na pilit na hinahalikan si Helga. Si Eveth naman sinipa sa likod itong dalawang lalaki na nag-aagawan kay Andrea..

"PUTANGINA!" hiyaw ng lalaki na sinapa ni Eveth.

Samantala pagkaharap sa akin nang lalaki na hinablot ko, mabilis na sinuntok ko ito. Tumama ang kamao ko sa kaliwang pisngi nito. Galit na galit na tinitigan ako nito, sumugod ito sa akin pero nakaiwas ako at napaupo sa bakante na upuan dahil nawalan ako ng balance.

Nakita ko naman na pilit lumalaban ang tatlo ngunit hindi nila talaga kaya, habang si Eveth nilalabanan ang isang lalaki. Nagsi-alisan ang mga tao dito dahil sa nagkagulo na.

Mabilis na tumayo ako at dinampot ko ang basyo ng bote at binato ko sa likuran ng lalaki na sinuntok ko kanina. Dahil papunta siya sa nakahiga na si Danica.

"HELGA!" sigaw ni Eveth.

Napalingon ako banda kung saan si Helga, bumulagta ito sa sahig dahil may pinalo sa kanya.

Hanggang sa may sumigaw napalingon kaming lahat, ang mga bouncer pala dito. Mabilis na naglapitan ang apat na bouncer at pinagpapalo ng hawak nilang baseball bat itong mga lalaki. Mabilis na naglabasan ang apat na lalaki.

Nanghihina na nilapitan namin ni Eveth sila Danica, Helga at Andrea. Parehong nag-iiyakan sila nang alalayan namin silang makatayo. Mabuti hindi kami nagpakalasing ng husto ni Eveth.

Lumabas na kami ng bar diretso kami agad sa sasakyan namin. Pinauna ko na silang makapasok sa loob,  si Eveth naman sa driver seat naupo dahil hindi na kaya ni Danica mag-drive.

Nakasakay na ang lahat bukod sa akin ng biglang may magtakip sa bibig ko. Nanlaki naman ang mata ko.

"Eveth paandarin mo na!" Sigaw ni Helga.

Narinig ko pa na sigaw ni Helga, mabilis na humarurot ang sasakyan paalis naiwan ako'ng nagpupumiglas sa pagkakahawak sa akin.

"Putangina mo! Akala mo makakatakas ka pa?" Natatawang wika nitong lalaki nakahawak sa bibig ko.

Naglulumikot ang mata ko sa pagbabaka-sakali na may mahingan ako ng tulong. Kinaladkad nila papunta dito sa madilim na parte ng bar sa may gilid.

Kailangan kong makaisip ng paraan.

Sumakay na 'yung tatlong lalaki, bago pa ako maisakay sa kotse nila malakas na siniko ko itong lalaki at tinuhod ko ang harapan niya. Mabilis na tumakbo ako.

"Puta! Habulin natin!" Narinig ko pa na sigaw ng lalaki.

Walang lingon-lingon likod ako dahil nakatuon ang pansin ko sa daan. Mabilis na tumawid ako sa kabilang kalsada, nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang pagtawid ng apat na lalaki.

Habang tumatakbo ako muling nagbalik sa alaala ko 'yung mga time na tumakbo rin ako upang makatakas sa humahabol sa akin. At ngayon nga muli akong tumatakbo upang makatakas ulit, kung saan-saan ako sumuot upang mailigaw ko sila at hindi nila ako maabutan.

Wala ako'ng tigil sa pagtakbo kahit pawisan na ang buong katawan ko, ang dibdib ko na sobrang bilis ng pintig nito. Hanggang sa biglang may humarang na itim na kotse sa harapan ko.

Gulat na gulat ako'ng napahinto, at titig na titig ako sa taong na sa loob ng kotse dahil hindi ako makapaniwala na makikita ko siya ngayon.

+++++++++

Black_Moon301


next chapter
Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C9
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión