Descargar la aplicación
2.7% Three Jerks, One Chic, and Me / Chapter 2: Trinity 4!

Capítulo 2: Trinity 4!

Chapter 2: Trinity4!

Reed's Point of View

Kinabukasan pagkagising na pagkagising ko pa lang ay iyong babaeng 'yon ang naalala ko. Iniisip ko kung magkikita pa ba kami, kung okay ba siya ngayon, at kung ano ang ginagawa niya. Matapos kasing mangyari ang scenario kahapon at nang bumalik ako sa loob ng department store ay wala na siya. Mukhang umuwi na siya sa kanila.

"Reed! Hanggang anong oras ka pa matutulog diyan!? May pasok tayo, oy!" sabi ng kinakapatid ko mula sa labas ng kwarto habang malakas na kumakatok sa pinto.

Tumayo na ako at naghubad ng sando. "Ito na! Hintayin mo na lang ako, mga 10 minutes!" sigaw ko at kinuha na ang tuwalya ko para maligo. Matapos maligo ay 'agad na akong nagbihis dahil nagugutom na rin ako.

Bumaba ako ng hagdan habang inaayos ang buhok ko. "Good morning, Reed!" bungad at pagbati ni Keiley sa akin o "Kei" kung tatawagin naming magka-kaibigan. Siya 'yung kumakatok kanina sa pintuan ko.

Nginitian ko naman siya at ginulo ang buhok niya. "Morning!" bati ko pabalik at mabilis na umupo sa pwesto ko sa hapag-kainan.

"Geez... Why can't you stop messing my hair? Ang gulo na tuloy," naka-pout nitong daing at inayos ulit ang buhok niya na nakatirintas.

3rd year highschool student na kaming dalawa pati na rin ang dalawa pa naming kaibigan. Ilang taon na lang at ga-graduate na kami ng senior high school. Pero hindi sa excited ako. Kung tutuusin ay kinakabahan pa ako dahil gusto ko pa ang medyo chill na buhay. Iba na kasi 'pag college.

"Hey, did you hear about the news last night?"

Nilingon ko si Kei na ngayon ay nakaupo sa harapan ko. Kaming dalawa lang ang nakatira rito sa mansion kasama ang tatlong kasambahay. Busy kasi ang parents ng kinakapatid ko na ito kaya wala sila sa tabi namin. Bale na sa ibang bansa sila at inaasikaso ang hinahawakang kumpanya.

"What news?" tanong ko sabay inom ng tubig.

"Nagkaroon daw ng holdap-an diyan sa may department store. Eh, di ba naroon ka kahapon?" tanong niya at sinimulan nang isubo ang paborito niyang pudding.

Umiwas naman ako ng tingin kasabay ang paglagok ng iniinom. "A-ah... Oo, naroon ako kahapon pero hindi ko naabutan 'yong pangyayaring 'yon," sabay subo ng pagkain ko. Naalala ko na naman tuloy ang babaeng iyon.

Ayoko ring sabihin ang nangyari dahil ayoko na siyang mag-alala pa.

Hindi na lang nagsalita si Kei at kumain na lamang. Ganoon din ang ginawa ko dahil ilang minuto na lang ang itatakbo ng oras at magsisimula na ang klase.

***

SAKAY KAMI ng kotse kaya mabilis lang kaming nakarating sa university na papasukan namin. At gaya ng dati, malawak pa rin ang lugar. Mahangin at mas lumago ang mga puno sa Enchanted University. Mas gumanda ito ngayon kumpara noon.

"Argh! Inaantok pa ako. Hindi ba pwedeng i-re-schedule 'yung pasok? Gawin nilang August? Nakakatamad pa rin, eh," reklamo ni Jasper habang nagkakamot ng ulo. Isa siya sa tropa ko simula 6th grade.

"Kung palagi kang magrereklamo tungkol sa pagpasok mo, mag-drop out ka na lang. Ang ingay mo, eh," irita namang wika ni Harvey at bumuntong-hininga. "Pero bakit kasi tayo pa 'yung naging mag kaklase?" parang hopeless na sabi ni Harvey.

Nakita na namin ang mga magiging classmates namin. Masaya sana kung magkakasama ulit kaming apat pero nahiwalay sina Jasper at Harvey sa amin ni Kei. Nasa Class 3-A 'yong dalawa habang nasa Class 3-B naman kami ng kinakapatid ko.

"Kei! I-request mo nga 'yan kay Tita!" Jasper said as he pouted. Ipinagdikit pa niya ang mga palad na parang nagbe-begged siya.

Anak ng may-ari ng E.U si Kei. Maliban sa sila rin ang may-ari ng Meng Di Li Ya's Company kung saan ginagawa ang trending na laruan, mayroon din silang school na inaalagaan. At ito pa, karamihan sa mga malls na nandito sa Pilipinas ay sa kanila rin.

"Ayoko nga," natatawang biro ni Kei at naunang naglakad. Sinundan naman namin siya.

Tumili ang mga babae nang makarating kami sa building kung saan ang classroom namin, may kanya-kanyang tawag sa pangalan namin at may mga kumukuha pa ng mga litrato. Para kaming artista na pinagkakaguluhan ng fans.

Ngiting kinawayan ni Kei ang mga estudyanteng sumisigaw sa pangalan niya habang deadma lang si Harvey. Ganyan talaga siya. Walang pakialam.

Natalisod ang isang babae at agad itong sinalo ni Jasper. At kahit na nakakainis mang tingnan ang mokong na 'yon ay hinayaan ko na lang ang ginagawa niya. Hinawakan kasi niya 'yung mukha ng estudyante kaya parang ang landi niyang tingnan para sa akin.

"Mag-ingat ka. Baka naman sa susunod ay sa puso na kita mahulog."

Namula ang mukha ng babae at gumawa ng isang nakakabinging tili. Binatukan ko si Jasper. "Tumigil ka nga sa kalokohan mo!"

Hinawakan niya ang ulo niya. "It's embarrassing but I can't helped it, bro." pabulong na sigaw niya. Gagawa ng kalandian, siya rin naman itong nahihiya, tsk! Makapunta na nga lang sa classroom.

***

PUMASOK NA kami sa classroom ni Kei nang makapagpaalam na kami kina Harvey. Tiningnan ko isa-isa ang mga tao sa loob at masasabi kong walang bagong mukha rito. Karamihan sa mga kaklase ko ngayon ay mga lumang estudyante na.

"Shems! Ang gwapo ni Reed!"

"Kaklase ko na rin sila sa wakas!"

Pumasok na ang magiging new adviser namin kaya mga nagsiupo na kami sa mga sari-sarili naming upuan at siyempre, magkatabi kami ni Kei. Hindi pwedeng magkahiwalay kami ng best friend kong ito 'no?

Inayos ng adviser namin ang dala-dala niyang folders pagkatapos ay isa-isa niya kaming tiningnan. Si miss Kim ulit! Lucky! "So, the other one is late, huh?"

May isa pang hindi dumadating? Eh, anong oras na, ah?

Bumukas ang pinto kaya sabay-sabay kaming napalingon doon. Laking gulat ko nang makita ko na naman siya. Naglakad siya papasok. "Sorry, I'm late," hinging paumanhin niya at sinarado ang pinto.

Napatitig ang mga kalalakihan sa kaputian ng bagong estudyante. Kumpara noong huli ko siyang nakita kahapon ay mas naging wavy ang kanyang brown na buhok.

Huminto siya sa may gilid ng teacher's table at nilingon 'yong adviser namin na tumango lang sa kanya, senyas na magsimula na siyang magpakilala.

"I'm Haley. Haley Miles Rouge... That's all."

Kei's Point of View

"I'm Haley. Haley Miles Rouge... That's all." pagpapakilala niya sa buong klase in poker face.

Rouge?

Nakatingin lang siya sa kung saan hanggang sa ilipat niya iyon sa akin. Nagulat pa ako ng kaunti pero nabawi ko rin ng ngiti. Pero nakakadismaya dahil hindi niya ako nginitian pabalik. Medyo nakakapanibago. OMG! May nakita na rin akong TAO sa wakas! Ang ganda niya, chinita siya. Chinese kaya siya?

"Reed, ang ganda nung girl 'no? Model kaya siya sa isang Teen Magazine?" kumento ko sa babaeng nasa harapan namin. Naghintay ako ng response ni Reed pero nakalipas na ang ilang minuto ay hindi pa rin siya sumasagot kaya lumingon na ako sa kanya.

"Reed, kapag kinakausap ka ng tao, sumagot ka nama— Hey?"

Nakatulala siya at nakanganga. Para rin itong nakakita ng multo dahil sa sobrang pagkaputla.

What's happening to him?

"Ikaw?!" hindi makapaniwalang sabi ni Haley at ng best friend ko na may kasama pang pagtayo.

Magkakilala sila?

Tapos mukha ring hindi sila ayos? Magkadikit kasi 'yung kilay ni Haley samantalang parang takot na takot naman si Reed.

Tumingin ako sa lamesa at napangisi. "Mukhang may mababago sa taon na ito, ah?"

"Mabuti at mukha namang magkasundo kayo ng bago nating estudyante. Pero mamaya n'yo na ipagpatuloy ang titigan ninyo at simulan na natin ang gagawin natin para sa umagang ito." Parehong tiningnan no'ng dalawa si miss Kim.

"Hindi kami magkasundo!" parehong depensa nila dahilan para muli nilang tingnan ang isa't isa. Pero hindi naman 'yon nagtagal dahil agad din silang nag-iwasan ng tingin.

"Reed, you know the sayings?" tanong ko kaya lumingon ito sa akin. Binigyan ko siya ng ngiti at sumandal sa back rest ng upuan. "Love is sweet when it's NEW, but it is sweeter when it's TRUE." Pinitik niya ang noo ko kaya napahawak ako roon. "Aray ko!"

"Kung anu-ano 'yang sinasasabi mo d'yan, tsk!"

At gaya ko, sumandal rin siya sa back rest ng upuan, ipinagkrus ang mga kamay, at dikit-kilay na napatingin sa kanyang lamesa. Hindi ko tuloy naiwasang hindi matawa dahil sa ginawa niyang pag-arte. Naglabas ako nang hangin sa ilong at muling ibinaling ang tingin sa babaeng nagngangalang si Haley.

"Rouge... Saang pamilya ka nanggaling?"

Haley's Point of View

Hindi ako makapaniwala! Bakit sa lahat ng school na papasukan niya, dito pa talaga? Augh... Ang dami dami namang section sa university na ito pero dito pa talaga ako napunta!

Kung hindi lang talaga dahil sa nanay ko, hindi sana ako rito! Ang mahal kaya ng tuition dito!

"Since you're the new girl, why don't you seat he-- " hindi ko na ipinagpatuloy 'yong sasabihin ng adviser ko sa pagpapaupo niya sa akin sa harap nang magsalita ako.

"Sa dulo na lang po ako uupo, miss" sabi ko at nag lakad na papunta sa upuan ko, pero bago pa man din ako makapunta sa pwesto ko ay huminto muna ako sa tabi ng lalaking iyon. Naka side ako habang masamang nakatingin sa kanya.

"May araw ka rin sa akin, Manyak" babala ko kay Reed at pumunta na nga sa pwesto ko. Ako lang ang nakaupo sa row na ito, katabi ang bintana pero walang katabing estudyante.

"Hindi ba malungkot diyan, Haley?" tanong ng adviser ko, "No" tipid na sagot ko. Pansin ko namang nagtinginan ang mga kaklase ko sa akin kaya tinaliman ko sila nang tingin, "What the hell are you looking at?" mataray kong tanong na 'agad namang iwas ng tingin ng mga estudyante.

"Bago pa lang siya dito pero ang taray taray na niya, 'kala mo naman ang ganda ganda niya"

"Another b*tch girl"

Imbes na binubulong lang nila sa ka-kuwentuhan nila, naririnig ko pa. Edi sana nilaksan na lang nila para rinig na rinig ko.

"Huwag mo na siyang pag initan Tiffany at Trixie" pag tanggol sa akin ng isang babae, "Bakit mo ba siya pinagtatanggol Mirriam? Eh, halata namang malandi rin 'yan" Wow? Ayos ah? Saan banda ako naging malandi? Ang gagaling namang mag judge ng mga ito, edi sila na! "Lintek" nasabi ko na lang at tumingin na lang sa labas ng bintana.

Reed's Point of View

Iniisip ko na sana magkita kami ng babaeng ito dahil gusto ko ring makahingi ng tawad dahil sa nangyari kahapon, but I didn't expect that she will also going to study here. Small world, huh?

"Tell me, did you know her?" Ito nanaman 'yong bestfriend ko, umaapaw nanaman ang curiousity niya.

Napahawak ako sa batok at tiningnan ang kisame, "Siguro? Ay, hindi pala" sagot ko nang ibalik ko ang tingin sa kanya, hindi siya sang-ayon sa sinasabi ko at mukhang hihirit pa noong unahan ko na siya.

"Basta ayun na 'yon" pag-iwas ko sa usapan. Ayoko na rin kasing i-topic dahil ang awkward ng pagkikita namin kahapon.

Kumalumbaba naman siyang tiningnan ako, "Fine, I won't force you but you should treat me some pudding later on, got it?" I smiled, "Okay" pagpayag ko at patagong tiningnan si Haley. Nakakalumbaba at seryoso siyang nakatingin sa labas ng bintana. What is she thinking right now?

Haley's Point of View

Nag ring na ang bell kaya ang ibig sabihin ay break time na. Lumabas na ang mga kaklase ko kasama ang mga kaibigan nila. Wala kaming halos ginawa ngayong araw kundi ang magpakilala. Dapat pala ay hindi na muna ako pumasok... Pero at least, mayroon akong baon.

"Hi, Haley! Saan ka nag-aaral before?" tanong ng babae na kalalapit lang sa akin. Mukha siyang anghel pero hindi ako nagtitiwala sa first impression. "Nag-enroll ka ba rito para makita ang Trinity4?"

Kitams?

Tumaas ang kaliwa kong kilay. "Trinity 4?" pag-uulit ko sa kanyang sinambit. "Ano 'yon?" tanong ko pa na ikinasinghap niya. Medyo OA lang, ah?

"Hindi mo kilala ang mga 'yon?!"

Kilala? Tao pala ang tinutukoy niya? Tumayo ako pero hindi ko tinatanggal ang pagkakapatong ng mga kamay ko sa mesa. "Hindi. At kahit na artista pa ang mga 'yon ay wala akong pakialam," sagot ko at kinuha na ang bag ko para makauwi na. Marami pa akong lilinisin sa bahay.

Humakbang na ako paalis pero may isang lalaki ang humarang sa pintuan kung saan ako lalabas. Tumingin-tingin siya sa loob hanggang sa madaanan niya ako nang tingin. Umurong ako ng kaunti at dahan-dahang napatingin sa blonde niyang buhok.

Original ba 'yan o pinakulay lang niya?

"Naku, binibini! Alam kong gwapo ako, pero 'wag mo naman akong tingnan ng ganyan. Baka matunaw ako sa mga magaganda mong pagtitig." What the f*ck? Ang assume-mero naman ng isang ito. "Pero dahil sa mukhang bago ka lang sa Enchanted University, iniimbitahan ka ni Jasper na makipag-lunch sa aki—"

"No, thank you," pagtanggi ko sa alok niya. Sinarado ko ang pinto at naglakad na paalis sa lugar na 'yon. Siguro bago ako umuwi ay dadaan muna ako sa Ice Cream Shop. Bigla akong nag-crave, eh.

"H-Haley!" Huminto ako sa paglalakad at nilingon 'yung taong tumawag sa akin. At nang makilala ko ang lalaking iyon ay napasimangot na lamang ako. "Can we talk?" hinihingal nitong tanong. Bakit pagod na pagod 'tong taong 'to?

Humarap ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "Talk? Wala tayong kailangang pag-usapan Reed Evans."

Umayos na siya ng tayo noong maka-recover sa pagkahingal. "Pero gusto kong humingi ng sorry dahil sa nagawa ko kahapon. Hindi ko talaga sinasadya 'yon."

Lumunok ako nang maalala ko ang hindi inaasahang pangyayari. At sa tuwing pumapasok talaga iyon sa utak ko ay gusto kong pumatay ng tao dahil sa nararamdamang kahihiyan. Ugh! Bakit ba nangyari 'yung mga ganoon sa buhay ko?!

"Uhm—" Tinalikuran ko na siya at naglakad na lang. Tinatawag niya ang pangalan ko pero hindi ko lang ito pinansin. Nasisira lang ang araw ko kapag nakikita ko 'yung mukha niya.

"Whoa, did you see that?"

"Hindi ba niya alam na isa sa Trinity4 ang tinarayan niya?"

"She's mean."

Huminga ako nang malalim para mawala ang kaunting inis sa dibdib ko. Hindi ko kailangang pagtuunan ng pansin ang kanilang sinasabi pero hindi ko rin naman maiwasang hindi mainis. Magbubulungan na lang kasi, naririnig ko pa.

Bumuntong-hininga ako. "Pero... Ano bang klaseng grupo ang Trinity4?"


next chapter
Load failed, please RETRY

Regalos

Regalo -- Regalo recibido

    Estado de energía semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Piedra de Poder

    Desbloqueo caps por lotes

    Tabla de contenidos

    Opciones de visualización

    Fondo

    Fuente

    Tamaño

    Gestión de comentarios de capítulos

    Escribe una reseña Estado de lectura: C2
    No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
    • Calidad de escritura
    • Estabilidad de las actualizaciones
    • Desarrollo de la Historia
    • Diseño de Personajes
    • Antecedentes del mundo

    La puntuación total 0.0

    ¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
    Votar con Piedra de Poder
    Rank NO.-- Clasificación PS
    Stone -- Piedra de Poder
    Denunciar contenido inapropiado
    sugerencia de error

    Reportar abuso

    Comentarios de párrafo

    Iniciar sesión