Descargar la aplicación
57.79% There is US not You and I / Chapter 89: Ang Bagyong Parating

Capítulo 89: Ang Bagyong Parating

"Okey ka lang ba Jaime?"

Tanong ni Gen. Malvar sa kanya.

Dumiretso ito sa ospital matapos malaman ang ginawa ni Gen. Pasahuay kay Jaime.

"Yes General. Pero pakiusap, sana huwag na itong makakarating sa asawa ko!"

Kinakabahan si Jaime na baka pag nalaman ni Nadine mag alala ito.

Alam nyang kahit parating galit ito at naka singhal sa kanya, deep inside nagaalala ito.

"Actually Jaime, natawagan na ako ni Nadine. Nagtatanong sya tungkol sa'yo, pero wala naman akong sinabi dahil hindi ko pa naman alam na may ganito pa lang nangyari.

Saka, sa dami ng media sa labas, malamang nakarating na ang balita sa kanya."

"Bakit po madaming media? Anong nangyari?"

Nagtatakang tanong ni Jaime.

"Well, according to them nadulas daw ang dila ni VP Sales at hindi nya sinasadya na mabanggit na inaresto ka at ininterogate kanina. Pinilit nilang makakuha ng news about you but they found out na dinala ka sa ospital. At according to them nabigla daw si VP Sales ng maibulalas nya kung saang ospital ka dinala."

"Grabe naman si Vice, ang hilig madulas ng dila! Sa tingin nyo po ba Sir may kinalalaman sya sa kaso ko?"

"No I don't think so! Kung may kinalalaman sya bakit parang bawat nangyayari sayo ibinobroadcast sa media? I think what he wants is public attention para gumanda ulit ang name nya.

But still kailangan mo pa rin mag ingat sa kanya, hindi tayo dapat maging kampante sa kanya, pwede ring kasing involve sya."

"Sir, lahat ng ebidensyang prinesent ko laban sa sindikato isa isa nilang pinawalang bisa tapos ngayon using that evidence ituturo nila lahat sa akin!"

"Sa tono ng pananalita mo parang kilala mo na kung sino ang may gawa nito."

"Ang tanging gusto ko lang naman ngayon Sir, ay ayusin ang relasyon ko sa pamilya ko. Bakit ba ayaw nila akong tantanan?"

Naiinis na sambit ni Jaime.

****

Sa isang dako ng Kamaynilaan.

"Vice, bakit nyo naman po sinabi sa media kung saang ospital dinala si Gen. Santiago?"

"Nadulas nga ang dila ko!"

"Ows? Talaga, hindi ninyo sinadya?"

"Syempre sinadya ko syang madulas! Hehe!"

"Eh, bakit nga po kayo nadulas? Akala ko po ba may usapan na kayo ni Gen. Pasahuay na ibibigay nyo sa kanya ang suporta nyo tapos gagawin nyo ito! Di paran idiniin nyo na rin si Pasahuay!"

"Actually, wala akong pakialam kung ano ang totoo. Ang habol ko lang naman ay mapabango ang name ko kaya kung sino sa kanila ang mas paniniwalaan ng tao, duon ako! Hehehe!"

"Ah, balimbing po ang tawag dun."

"Favorite fruit ko yan! Hehehe!"

'Susmiyo 'tong si Vice!'

*****

Back sa hospital.

Pagkatapos nyang magamot, hinarap ni Jaime ang mga media. Hindi nito itinago ang mukha nya na namamaga sa pasa.

Pero hindi sya nagsalita.

Tumigil lang ito sa harapan nila at humingi ng pasensya dahil nahihirapan syang magsalita, hindi nya masasagot ang mga tanong nila kaya pag alis nya, si Gen. Malvar ang pinagkaguluhan nila.

"Well nakita nyo naman! Ano pa ba ang dapat kong sabihin? Abangan na lang natin ang susunod na kabanata!"

Nakangiting sabi nito.

May ipinadalang driver si Joel para kay Jaime. Si Henry.

"Henry, mabuti pa, dumaan muna tayo sa botika para mabili ang mga gamot ko bago tayo umuwi ng Little Manor."

"Yes Sir!"

Habang nasa loob ng botika si Henry, napansin ni Jaime ang flower shop sa tabi nito.

"Hmmm, matagal na panahon ko ng hindi nabibigyan ng bulaklak si Nadine."

Bumaba ito at pumasok ng flower shop.

"Sir, ano pong hanap nyo?"

"Bigyan mo nga ako ng isang dosenang white rose. Saka lagyan mo rin ng balloons at isama mo na rin yung teddy bear na yun!"

Nangingiting sabi nito habang inaalala ang mga ngiti ni Nadine.

Nakakaramdam naman ng awa ang kausap nya dahil kita ang hirap nito sa pagsasalita.

"Sir, eto po ang papel pakisulat na lang po ang dedication."

Habang nagsusulat ito, may pumasok na bagong customer.

Babae.

"Mam, ano pong gusto nyo?"

"Gusto ng boquet of red flowers!"

Napatig si Jaime sa pagsulat ng madinig ang boses ng babae.

Tiningnan nya ang pinagmulan ng tinig.

'Syanga!'

'Wala pa rin syang pinagbago!'

"Eleanor..."

Napatigil ang babae at tiningnan nya si Jaime.

"Oh, my God! Jaime! What happen to you?"

Bulalas nito.

Nagulat sya sa itsura ni Jaime.

"Well, hi Ellie! It's been a while!"

Bati ni Jaime.

'Paano ko ba maipapaliwanag? Ang hirap magsalita!'

"Jaime, are you okey?"

Napansin nito ang hirap nya sa pagsasalita.

"Yeah, I'm fine Ellie. I guess you haven't heard the news."

"Oh! Kasi kababa ko pa lang ng airplane. Bakit naka headline ka ba?"

'Gosh, ganun pa rin syang ngumiti!'

"Hindi ka pa rin nagbabago Ellie, makulit ka pa rin!"

"Well, ikaw din hindi ka pa rin nagbabago, makisig at matipuno ka pa rin kahit na namamaga yang face mo! Hehe!"

"Eh, Sir, Mam, excuse po, tapos na po!"

Singit ng tindera.

Pagkatapos nilang magbayad sabay na silang umalis.

"Para, kanino ba yan? Alam ba yan ng asawa mo?"

Tanong ni Eleanor.

"Hindi! Sorpresa ko ito para sa kanya!"

"Lagi mo sigurong pinasasakit ang ulo ng asawa mo! What's her name again?"

"Nadine! Eh, ikaw, para sa Mommy mo ba yang roses?"

"Yes! Dadaan muna ko sa puntod nya bago ako umuwi!

Sige Jaime, andito na ang sundo ko, it's nice to meet you!"

Hinatid muna nya ng tingin si Eleanor bago sya sumakay.

Pagkasakay, andun na si Henry.

"Sir, di po ba si Ms. Ellie yun? Nakabalik na po pala sya!"

"Yup! Pwede bang huwag mo ng ikwento ito sa asawa ko."

"Sir, hindi naman po kami gaanong naguusap ni Mam."

Dahil alam ni Jaime na magagalit si Nadine kapag nalaman nya.

Sa lahat ng babaeng nagdaan kay Jaime, ito lang ang tangi nyang pinag selosan.

Pero hindi lang ito ang padating na problema kay Jaime dahil muling nagbabalik si Tess ang babaeng obsessed sa kanya.

Samantala.

Bago makarating ng bahay si Jaime, nagkalat na ang balita tungkol sa kaso nya pati na rin ang panggugulpi sa kanya ni Gen. Pasahuay.

Syempre nakarating na rin ito kay Kate na busy na hindi maalis ang focus sa computer habang kausap si Eunice.


next chapter
Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C89
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión