Descargar la aplicación
59.37% The Villainess' Soul [Tagalog] / Chapter 19: XVIII

Capítulo 19: XVIII

"Nakita mo ba iyon, Lilia?"

"Opo, Kamahalan," sagot ng tagapaglingkod.

"Bakit kaya iyon nagawa ni Binibining Rusilla? Napakaganda pa naman ng besti---" Tumigil ito sa pagsasalita at tumingin sa tagapaglingkod nito bago tumikhim at nagpatuloy, "Sa tingin mo kaya ay may pagkakasala rin si Binibining Malika sa kaniya?"

𝘙𝘪𝘯? Tinignan ni Lilia ang Kamahalan at hindi pa rin niya lubos na maunawaan ang biglaang pagkakaroon nito ng interes sa babaeng anak ng Palasyo Raselis. Sa buong buhay niyang paglilingkod dito, natitiyak niya na hindi pa nito nakausap ang binibini na tinutukoy nito kaya tiyak rin siya na wala pa itong kasalanan sa prinsesa.

At kung magiging totoo lamang siya, mas napansin pa niya kung paano pinigilan ng Binibini si Ana sa pagluhod at kung paano mabilis itong nakakilos at kinuha kay Ana ang hawak nitong bandeha upang hindi iyon malaglag. "Ipagpatawad niyo po, Mahal na Prinsesa, ngunit ang tagapaglingkod po na ito ay walang ideya."

Ngumuso ito. "Eh... Ngunit may naririnig ka rin na hindi maganda sa binibining iyon, hindi ba? Maaari kayang masamang---Hayan, dumating na sila Tiyo Alarik." Tila lumungkot ang mga mata nito. "Ano na lamang ang mangyayari kila Tiyo kapag nagpatuloy pa ang kasamaan ng babaeng iyon? Maaaring masira ang kanilang pangalan!"

"Kamahalan, sandali lamang po. Maghinay-hinay po kayo sa inyong sinasabi."

Tumingin sa kaniya ang Prinsesa. "Lilia, ano ang iyong ibig-sabihin? Akala ko ba ay nakita mo ang mga nangyari?"

Bumuntong-hininga siya. "Opo, Kamahalan. At hindi po ba na si Binibining Rusilla ang tumulak kay Ana kaya natapunan ng mga alak si Binibining Malika?"

Sandaling tumahimik ang Prinsesa. "T-Tama. Ng-Ngunit! Ngunit sa aking palagay ay gumanti lamang si Rusilla. Marahil ay may ginawa dati ang binibining iyon kaya napilitan si Rusilla na... na g-gumanti, hindi ba?" Lumapit ito sa kaniya. "Lilia! Hindi ba na dapat sa akin ka pumapanig? Isa pa, maraming hindi magandang balita ang tungkol sa Malika na iyon, dagdag pa na dating hamak na alipin lamang siya! Tiyak na hindi naging maganda---"

"Paumanhin, Kamahalan, ngunit kailangan ko na po kayong pigilan bago pa kayo makapagsalita ng hindi tamang mga bagay."

Pinihit ng Prinsesa ang katawan nito sa may kanan nito at muling humalukipkip. "Nagsasabi lamang ako ng katoto---"

"Ka.Ma.Ha.Lan," muli niyang pagpigil dito. "Alam niyo po na hindi magandang maniwala sa mga sabi-sabi. Ano na lamang po ang sasabihin ng inyong Ama at Ina, pati na rin po ng Mahal na Prinsipe?"

"Ngunit hindi mo nakita ang mukha ni Kuya noong araw na iyon!"

"Ano'ng araw, Kamahalan?" pagtatanong niya sa kabila ng kaniyang katiyakan sa araw na tinutukoy nito.

"Noong araw ng pag-uwi ni Kuya, lumabas ako at siya ay aking nakita sa pamili---"

"Ah... Hindi nga ako nagkamali at tunay nga na tumakas kayo noong araw na iyon, Mahal na Prinsesa Eliana," nakangiting sambit niya dito.

Mahinang tumawa ang Kamahalan at muling tumalikod sa kaniya. "Lil... Lilia... Uh... Ang... Ang aking tinutukoy ay---Eh?! Saan pupunta ang Binibining iyon?!"

Bumaba rin ang tingin ni Lilia sa naglalakad na Binibini, kasunod na nito ang Punong Katiwala na si Aling Enid. "Nabasa po ang kaniyang bestido, Inyong Kamahalan, kaya maaaring siya ay magpapalit o ka---"

"Magpapalit?!" 'di-makapaniwalang bulalas ng Prinsesa. "May dala ba siyang pamalit? Katulad kaya ng kaniyang suot?! Paano kung pinauuwi na pala siya ni Tiyo? Hindi ko na makikita nang malapitan ang kaniyang besti---" Huminto ito nang mapagtanto ang sinasabi. "A-Ang... Ang ibig kong sabihin ay hindi ko na siya makakausap kung ganoon!"

May ngiting tinignan ni Lilia ang Prinsesa. "Kamahalan, maaari niyo po bang sabihin sa akin kung bakit nais niyong makausap ang Binibini na sa aking akala ay inyong kinaiinisan?"

Namula ang mga pisngi nito na tila ay nabunyag ang pinakatatago nitong lihim. "H-Hindi iyon isang akala! Siya ay aking k-kinaiinisan! At... At nais ko lamang tanungin kung... kung ano ang kaniyang ginawa kay Kuya."

"Hmm..." Tinitigan niya nang mabuti ang Prinsesa. Alam niya ang tunay na pakay nito sa Binibini at iyon ay ang bestido nito. Kakaiba ang suot nitong bestido at bilang ang Prinsesa ay mahilig sa kakaiba at magagandang bagay, nakuha niyon ang atensyon nito.

"Kung gayon, bakit hindi niyo po subukan na siya ay pahiramin ng bestido?" mungkahi niya dito.

Bumilog at kumislap ang mga mata ng Prinsesa at hindi nga siya nagkamali sa tunay nitong pakay. Napailing siya bago naalala na maaaring imposible ang kaniyang minungkahi dahil sa iilang beses na nakita niya ang Binibini ng Palasyo Raselis, kaniyang napansin na natatangi ang katangkaran nito.

Binaba niyang muli ang tingin sa Binibini na naglalakad palabas ng bulwagan. Kumpara sa mga binibini at kay Aling Enid na nasa ibaba, malinaw ang agwat ng taas nito. At natitiyak siya na hindi magkakasya dito ang mga bestido ng Mahal na Prinsesa na mas maliit pa sa kaniya.

"Ah... Paumanhin, Kamahalan, tila hindi posible ang aking iminungkahi..." Nakatitig lamang siya sa naglalakad na Binibini na malapit nang makalabas at halos siya ay mapaatras nang tumama ang kaniyang mga mata sa mga mata nito.

"Bakit Lilia?" agad na tanong ng Prinsesa, may pag-aalala sa tinig nito.

"K-Kamahalan, sa... sa aking palagay ay nakita tayo ni Binibining Malika."

Agad na nilingon ng Prinsesa ang kinaroroonan ng Binibini ngunit ang pasara na pinto na lamang ang nakita nito. "Huh? Imposible," anito. "Masyadong abala ang lahat sa baba na walang makakapansin sa atin dito. Isa pa, madilim sa bahaging ito at natatabunan pa tayo ng kurtina. Maaaring namalik-mata ka lamang."

Hindi man siya sang-ayon sa sinabi ng Prinsesa, tumango na lamang siya. "Maaari nga po."

"Hindi maaari. Ako ay nakatitiyak," pagdiin ng Kamahalan. "Ngunit kung ano pa man, ano ngayon ang ating dapat gawin? Kailangan na siya ay aking makausap!"

Bago pa makapagsalita muli si Lilia ay napigilan na ito ng pagdating ng isang kabalyero. "Prinsesa Eliana, Seri Lilia, oras na po. Hinahanap na po kayo ng Mahal na Hari."

May lungkot na tumango ang prinsesa at sa ayaw o gusto nito, ang nais nito na pakikipag-usap sa Binibini ay panandaliang maghihintay.

___________________________

"M-Mahal na Binibini?"

Huminto sa paglalakad si Maia at nilingon ang Punong Katiwala. "Bakit po, Aling Enid?"

Nabigla ito bago bahagyang yumuko. "K-Kahit Enid na lamang po, Binibini. Nais ko lamang po na humingi ng pauman---"

"Enid, aksidente ang nangyari," pagpigil niya sa muli nitong paghingi ng tawad.

Sa katunayan, hindi naman talaga aksidente ang nangyari. Ngunit sa kabila niyon, wala pa ring kasalanan ang tagapaglingkod. Kung may dapat humingi ng paumanhin, si Binibining Rusilla iyon.

"Apo ko po si Ana, Mahal na Binibini!" Napatigil ito sa pagbuhos nito ng emosyon at matapos ng ilang saglit ay yumuko muli ito. "P-Paumanhin po, Binibini. Ngunit ang... ang tagapaglingkod po na nakabangga sa inyo ay akin pong apo, a-at... at..."

"At mukhang napakabait na bata po ng inyong apo."

Umangat ang tingin nito sa kaniya, bilog na bilog ang mga mata nito. Binigyan niya ito ng maliit na ngiti. "Naiintindihan ko po na kinakabahan kayo para sa inyong apo, ngunit tinitiyak ko po sa inyo na wala akong gagawin laban sa kaniya. Uulitin ko po, aksidente ang nangyari at walang dapat na maparusahan. Kung mayroon man, ako na rin po ang nagsasabi na hindi po iyon ang inyong apo."

Nakatitig lamang ito sa kaniya na tila hindi makapaniwala sa mga naririnig. At nang lumipas ang ilang sandali na tila ay wala pa rin itong balak na kumilos, kinuha niya ang atensyon nito. "Uh... Enid?"

Tila ay kinuryente ito at biglang tumayo ng tuwid. "P-Paumanhin po, Binibini! K-Ka...Kakanan po tayo sa pasilyong iyon. Pasensya na po. Kailangan niyo po palang makabalik kaagad sa bulwagan. Ipagpatawad niyo po sana ang aking pagkakamali."

Kumunot ang noo ni Maia bago siya umiling-iling. Nagtataka namang tinignan siya ng matandang tagapaglingkod. "Binibini?"

Tumalikod siya dito at bumalik sa paglalakad patungo sa pasilyong tinuro nito. "Ah... Wala naman po. Ako lamang ay namangha sa kung paano kayo humingi ng paumanhin sa magkakaibang paraan sa pagitan ng bawat pangungusap."

"Ah... Paum---" Tumigil ito bago muling humingi ng paumanhin at huminga ng malalim. "Nakasanayan lamang po, Mahal na Binibini."

"Hmm... Nakasanayan," pag-ulit niya sa sinabi nito. "Lagi ho ba kayong nagkakamali?"

"Naku po, Binibini. H-Hindi... Hin... H-Hindi..." Sandali itong tumahimik bago nagpatuloy, ang tinig nito ay mas mahina. "Hindi ko po alam."

Tumikom ng madiin ang mga labi ni Maia. Ramdam at dinig niya ang pag-aalinlangan---ang nginig sa tinig ng Punong Katiwala. At alam niya kung gaano katotoo ang sinabi nito. Wala itong ideya, wala itong alam kung may mali ba sa nagawa at ginagawa nito. Sadyang para dito, mas madali lamang ang paghingi ng tawad.

Hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot at awa sa sitwasyon nito at dahil sa kabang nadarama nito ngunit hindi niya rin maiwasang makaramdam ng kaunting inis dahil din doon.

Iyon ay dahil ang kabang nadarama nito ngayon ay sa kadahilanang nakikita nito si Malika. At sa kabila ng pagtiyak niya dito na wala siyang masamang nais ay mahirap pa rin para dito na maniwala.

Hindi naman niya ito masisi sapagkat alam niya na alam at naririnig nito ang mga balita at sabi-sabi tungkol kay Malika---mga sabi-sabi na puro naman kasinungalingan. Ang hindi niya lubos maintindihan ay kung paanong madali sa mga tao sa mundong ito na maniwala sa mga sabi-sabing iyon. Na tila napatunayan na ng mga ito na pawang katotohanan lamang ang mga iyon.

Na bakit tila ganoon na lamang---

Napahinto siya sa isipin nang maalala ang nangyari sa bulwagan at kung paano siya kinausap ng Punong Lakan.

Bakit ba nagtataka pa siya?

Kung ang pamilya nga na umampon kay Malika ay madali itong hinusgahan, walang duda na ganoon din ang mga estranghero para dito. At sa nangyari kanina, napatunayan lamang ng karamihan na tunay na sakit nga sa ulo si Malika dahil hindi na kinailangan ng Punong Lakan na magtanong upang malaman kung ano ba ang naganap.

Sadyang may hindi magandang ginawa na naman si Malika. At iyon na 'yun. Tapos ang usapan.

Ito ang may maling ginawa. Ito ang masama. Ito ang maldita. Ito ang matapobre... Ang maarte... Ang mapanakit... Mapanghusga... at kung anu-ano pa.

Kaya hindi na rin nakapagtataka kung bakit ang tingin ni Malika sa sarili ay isang dumi o sakit. Sapagkat ganoon talaga ito ituring ng karamihan lalo na ng mga karaniwang tao.

Kailangan itong iwasan at katakutan.

Halos mapailing si Maia. Ngayon, hindi niya tuloy alam kung kanino maaawa: sa nakatatandang babae o kay Malika.

Mahinang bumuga siya ng hangin, iniisip na hindi na iyon importante. Wala na rin naman siyang magagawa sapagkat sa kilos ng Punong Katiwala, katulad ng mga karaniwang taong nakasalamuha niya tulad nila Yara, Namar, Einar, at Ana, mukhang nahusgahan na rin nito si Malika. At wala siyang planong baguhin pa iyon.

Para sa kaniyang misyon na iligtas si Malika, mas makabubuti kung patuloy na lalayuan at iiwasan ito ng karamihan.

Nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad at hindi na pinansin ang sinabi ng Punong Katiwala. Dahil sa kabila ng hindi niya kagustuhan sa kung ano ang mga kaugalian dito, lalo na kung gaano kadali sa mga taong nasa mababang antas ang paghingi ng paumanhin, iyon ay problema na ng mga ito.

Kung patuloy ang mga ito na yuyuko at hihingi ng tawad nang paulit-ulit at walang dahilan upang manatili sa pagtatrabaho, o matulungan ang mga mahal sa buhay, o iligtas ang mga sarili nito, wala siyang kahit anong posisyon o kapangyarihan upang husgahan ang mga ito.

Iyon ang paraan ng mga ito upang 'mabuhay' sa ganitong uri ng lipunan at hindi na rin naman bago iyon sa kaniya. Nasaksihan na niya ang ganito sa kaniyang pinanggalingan at nagawa na niyang tumulong... hanggang sa siya ay nabigo.

"𝘈𝘯𝘥 𝘺𝘰𝘶 𝘭𝘦𝘢𝘳𝘯𝘦𝘥 𝘧𝘳𝘰𝘮 𝘵𝘩𝘢𝘵. 𝘈𝘵 𝘪𝘺𝘰𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘮𝘱𝘰𝘳𝘵𝘢𝘯𝘵𝘦."

𝘛𝘪𝘯𝘪𝘨𝘯𝘢𝘯 𝘯𝘪 𝘔𝘢𝘪𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘵𝘪𝘭𝘢 𝘢𝘺 𝘬𝘶𝘮𝘱𝘰𝘳𝘵𝘢𝘣𝘭𝘦 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘩𝘪𝘨𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘢𝘣𝘢𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘱𝘢, 𝘩𝘢𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘺 𝘳𝘢𝘮𝘥𝘢𝘮 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘵𝘶𝘴𝘰𝘬 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘪𝘭𝘪𝘪𝘵 𝘯𝘢 𝘣𝘢𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘸𝘦𝘵𝘢𝘯. 𝘒𝘶𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘴𝘢 𝘱𝘳𝘦𝘴𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘢𝘵 𝘪𝘯𝘪𝘴 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘥𝘢𝘳𝘢𝘮𝘢, 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘵𝘶𝘵𝘶𝘯𝘨𝘰 𝘢𝘵 𝘶𝘶𝘱𝘰 𝘥𝘪𝘵𝘰.

"𝘠𝘰𝘶 𝘬𝘯𝘰𝘸, 𝘔𝘪𝘢 𝘥𝘦𝘢𝘳," 𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘯𝘪𝘵𝘰. "...𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘮𝘰 𝘮𝘢𝘵𝘶𝘵𝘶𝘭𝘶𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘰𝘯𝘨 𝘢𝘺𝘢𝘸 𝘵𝘶𝘮𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘱 𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨. 𝘕𝘰𝘵 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘧𝘢𝘶𝘭𝘵. 𝘕𝘰𝘵 𝘵𝘩𝘦𝘪𝘳𝘴. 𝘐𝘵'𝘴 𝘫𝘶𝘴𝘵 𝘴𝘰𝘮𝘦𝘵𝘪𝘮𝘦𝘴, 𝘱𝘦𝘰𝘱𝘭𝘦 𝘢𝘳𝘦 𝘫𝘶𝘴𝘵 𝘵𝘰𝘰 𝘢𝘧𝘳𝘢𝘪𝘥." 𝘛𝘪𝘯𝘪𝘨𝘯𝘢𝘯 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘪𝘵𝘰, 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘵𝘢 𝘯𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘺 𝘬𝘢𝘭𝘶𝘯𝘨𝘬𝘶𝘵𝘢𝘯. "𝘛𝘩𝘦𝘺'𝘳𝘦 𝘵𝘰𝘰 𝘴𝘤𝘢𝘳𝘦𝘥 𝘵𝘰 𝘣𝘦 𝘴𝘢𝘷𝘦𝘥."

Bahagyang kumunot ang kaniyang noo sa alaalang bumalik sa kaniya. Ngunit tama si Kali. Lumaban na siya. Nagawa na niya noon ang bagay na iyon. At natuto na siya.

Hindi niya kayang lumaban nang mag-isa... Mas imposibleng siya ang lumaban ng laban ng iba.

At sa mundong ito, sa sitwasyong kaniyang kinahaharap, si Malika---at maaaring si Mindy lamang ang mga taong kaya niyang tulungan.


next chapter
Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C19
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión