Lyn's PoV
Kasabay nang pagturo ni Jed ay kasabay rin na mag tama ang mata namin. Kaya naman agad ko itong nilapitan at sinabayan nang sampal sa mukha na ikinagulat na lang lahat.
"Tssk, I don't have a time for your questions." Masungit na sambit nito.
"Bakit kailangan mong magpapansin sa bagong estudyante?!" Pinag lakihan ko ito nang mata at hinawakan na muna ang lollipop ko.
"Ano bang pakielam mo?!" Sigaw nito na dapat ay itutulak ako pero agad kong naiwasan ito.
"Excuse me?! May pakielam ako dahil walang pwedeng manakit sa eskwelahan nito!" Sigaw ko sa kanya. Mabuti na lamang at kakaunti ang nanonood.
"Hindi kapa ba nasanay?! tsk tsk at hanggang ngayon ay nagpapa pansin kapa rin?! So what kung hindi ko sundin ang mga rules dito?!" Sigaw nito at agad na uminit ang ulo ko at hinarap siya.
"Sira na ba ang ulo mo?! Kung ano man ang ugali mo sa labas ay doon mo na lang ipakita iyon! Huwag dito sa eskwelahan ko dahil ayokong pumangit ang image nang school na ito dahil sa ugali mong kanto!"
"Lyn please, stop."
"Awatin nyo na."
"Oo nga at magkaka initan na naman, malalagot na naman tayo kay Dean."
Kinain ko muli ang lollipop at umalis na doon. Nang makuha ko ang bag ko at tiningnan ko nang masama si Jed bago bumaling sa nerd na nakatingin na pala sa akin.
Tumayo ito at akala ko ay magpa pasalamat ito ngunit. "Thanks, but no thanks. Hindi mo na dapat ako pinag tanggol dahil hindi mo na lang sana pinag aksayahan nang oras mo ang walang kwentang tao." Sambit nito at umalis na sa harapan ko.
Nagugulat ko naman itong nilingon ngunit nasa malayo na ka agad ito. Nakakakilabot ang boses nito ngunit hindi ko magawang matakot nang ganon.
Hinarap ko ang dalawang kaibigan ko at sumenyas na sumunod nalang sa'kin. Nang lumabas kami ay napa buga na lang ako nang hangin.
"Don't stress yourself, Sis." Wika ni chloe
"Tama, at dapat hindi mo na lang pinag aksayahan nang oras para lapitan ang ex mo." Dugtong naman ni Krisha.
"Seriously?! ngayon nyo sasabihin sa akin yan kung kailan nangyari na?! Aiishh!" Gulo ko sa buhok ko at nauna nang mag lakad.
Pumunta ako nang Dean's office at doon tumambay saglit. Nang mag bukas ang pinto nito ay kita kong nagdilim ang paningin nang kapatid kong babae.
"Saan mo na naman ba ilulugar yang ka malditahan mo?! at lagi kana lang may issue dito sa eskwelahan natin!" Pagalit na sambit nito at padabog na umupo.
"Excuse me?!"
Pinagtaasan naman ako nang kilay nito. "Dadaan ka?!" Pilosopong tanong nya.
"What?!" Hindi ko na naiwasang mapatayo na ikinahalakhak naman nito.