Lyn's PoV
Tulala akong naka tayo sa rooftop nang bahay namin at naka cross ang braso.
'Why do I have to feel this way?' Sambit ko sa isip ko nang maka uwi ako galing school. Ngunit imbis na matulog at manood ay mas pinili kong tumambay sa rooftop dahil kailangan ko nang hangin.
Pag tingin ko sa baba ay saktong nag tama ang paningin namin ni Nerd-guy. Ang napaginipan ko kanina. Pumasok na lang ako sa bintana nang kwarto ko at isinara agad iyon.
Nakaramdam ako nang takot at panginginig sa sarili ko kung kaya naman ay kinuha ko ang speaker at in-on ang Bluetooth nito at nagpa tugtog.
Matapos magpa tugtog nang ilang oras ay kain, tulog at cp lamang ang aking ginawa. Kinabukasan ay nagkulong lamang ako mag damag sa kwarto at wala ni isang kinakausap.
Nang matanaw ko ang cute kong bag mula sa tabi ay kinuha ko ito at binuksan sa maliit na Zipper at duon nakita ang No. ni Nerd.
0915*******
From: Lyn
Kamusta, nerd? Ok ka lang ba?
Sent message
Wala sa sariling napa ngiti ako na para bang nababaliw na. Agad naman akong nagtatalon sa tuwa nang mag reply ito.
Thanks to my Assistant. Wala man akong nakuhang impormasyon, nakuha ko naman ang number nya.
From : Nerd_Guy
Who's is this?
To:Nerd_Guy
Secret :p
From:Nerd_Guy
I have no time for pranks. I can kill you right now if you not to stop playing around.
Pagbasa ko ay akmang ipapakilala ang sarili ngunit naubusan na ako nang load. Kung minamalas ka nga naman.
Hindi ko na lamang pinansin ang pananakot nya at lumabas ako nang kwarto at bumaba. Hindi na rin ako nakapag paalam dahil wala namang nakakita sa akin.
Naglakad ako papunta sa tindahan upang magpa load ngunit napasimangot ako nang hindi ko pala nadala ang wallet ko.
"Uh.. Kuya pwede bumalik? Nakalimutan ko kasi mag dala nang wallet e." Pag peace sign ko naman.
"Sure." Dahil mabait ito ay dali dali na akong umalis. Mabuti na lamang at malapit lang ang bahay namin sa mga nagtitinda.
Agad akong pumasok at umakyat ngunit kung minamalas ka nga naman ay may tumawag sa phone ko na unknown number. Agad kong pinindot ang pulang botton na ito at umalis na.
Nang makarating nang mabilisan sa tindahan ay binayaran ko na ito. Bumili na rin ako nang potato chips at sarsi bago maglakad na mag isa upang magpa hangin.
Matapos ang mabilisang inom at kain ay tinapon ko na ito sa basurahan. Nang haharap sana ako ay may nabangga ako kung kaya naman ay napa upo ako.
Tsk ang malas naman, bakit kailangan nasa tabi pa nang basurahan. Napairap ako sa hangin nang hindi man lang nito nagawang mag sorry. Pero inalok nito ang kamay nya upang tulungan ako.
Dahil maldita ako ay tumayo ako at pinag pagan ang sarili ko. Nang mag angat ako nang tingin ganun na lang ang gulat ko dahil sa kamalas malasan ay ex ko pala ito.
"Bakit hindi ka pumapasok?" Nag aalalang tanong nito.
"None of your business." Sambit ko at akmang tatalikuran na siya nang mabigla ako dahil niyakap ako nito.
Pilit akong kumakalas sa yakap nya ngunit hinihigpitan naman nya ito. "I miss you so much." Sambit nya na ikinatigil ko.
"B-but I don't miss you." Wika ko. Dahil alam ko namang arte na naman nya ito. Kaya nga nagawa ako nitong lokohin at iwan e.
Tinadyakan ko siya upang makawala ako at agad ding tumakbo. Nararamdaman kong naka sunod ito sa akin kaya binelatan ko na lamang siya.