Descargar la aplicación
12% The Unexpected Love of a Straight Gal / Chapter 3: Unexpectedly Expecting the Unexpected

Capítulo 3: Unexpectedly Expecting the Unexpected

Simula nung masama ako sa team, halos nawalan na 'ko ng time to rest yet surprisingly nakalimutan ko na din magoverthink things out. Feeling ko mas healthy ang mind and pananaw ko sa buhay. As an introvert, somehow, natututunan ko ng makisalamuha and makipagkaibigan sa iba't ibang mga tao. Actually I gained a lot of friends na minsan pinagseselosan ni Allie.

Living 4 years with her ay walang katumbas. We lived like real sisters. Kung san ako mag-aral, nandun din sya. Kung anong course ng isa, yun din ang pipiliin ng isa pa kaya parehas kami nagdecide mag-take ng HUMSS ngayong SH na kami. I dreamed of becoming a teacher. Sya? Wala naman yata sa plan nya pero ginaya na din nya ko kesa naman daw sa umiba pa sya eh ganun din naman daw yon. Si Allie, sa pagkakakilala ko sa kanya, boyish sya even before kaya nagulat na lang ako bakit patay na patay sya sa isang guy ngayon. Anyways. things change, perspectives change. Choice na din naman siguro nya na magbago. Ang alam ko kasi muntik na din sya magka-gf noon, but now, what do you know? Baka maunahan pa nya ko magka-bf. Being an NBSB, kahit kelan, di ko kinahiya. Actually that's my pride. Why? Kasi from there, I can prove na mataas ang pangarap ko sa buhay. That I'm striving hard to finish my studies bago ako makipagrelasyon. Hindi naman sa walang nanligaw pero wala pa talaga sa isip ko yon.

"Hey besh, lalim ata ng iniisip mo? Kanina ka pa tulala ah? "

"Ah yeah, wala lang, may naisip lang ako bigla."

"Like...? "

"Wala. Random things lang Allie. Hmmm... tagal naman ata ni sir. Wala na ba tayong English class ngayon? Nagready pa naman ako sa report ko. "

"Alam mo naman si sir, nalelate tapos magoovertime, palibhasa last subject natin sya eh. "

"GOOD AFTERNOON CLASS! "

"Good af... "

"No, no, just sit down. Sumilip lang ako to say na maaga kayong uuwi ngayon dahil may meeting ako. Won't be able to attend today's class. So... see you tomorrow."

Once na makaalis si sir, sigawan na lahat. Of course, kapag walang pusa maglalaro ang daga. Sa case ng klase namin... magwawala ang mga daga. Nakakahinayang kasi pinagpuyatan ko report ko but nakakaexcite na din dahil tuloy practice na ulit ako.

"Hey, Linda, di ako makakanood ng practice mo ngayon ah. Got to go home early, may pinapaasikaso lang si mommy. "

"Yeah, sure. Ano palang pinapaayos sayo ni tita? May problem ba sa inyo?

"Sus... wala... ano ka ba? Bye na. Bukas ulit. "

Doubtful ako sa kilos nya ngayon even if I didn't notice anything weird about her. But knowing na sobrang galing nya magtago ng problems through her laughs and kakulitan, I know she's up to something this time but if she doesn't want to share her problems yet, or whatever is bothering her, wala akong karapatan na kulitin sya. People should know that once someone is hesitant to share something, wag na pagpilitan pa.

"Okay, bye! "

"Okay, team, come on! Lahat na ng nandito ngayon, let's have a team up game dahil sa madami na din naman kayo. Time out muna tayo sa basic trainings. Let's have a game na mix ang boys and girls okay? Let's see how far girls can go kung makakasagupa sila ng malalakas na palo from boys. "

Exciting... gustung-gusto ko 'to. Gusto ko talaga boys or bekis ang makalaro since nahahasa ang pag-receive ko dito. My forte in this game is actually receiving. This skill is sobrang underrated because everybody wants na pumalo. They all want to be the bida of the game pero they never see the effort of the receivers. Di naman sila makakapalo kung di maayos ang receive coz di maseset sa kanila ng maayos yung bola if ever na paling ang pagkuha ng bola lalo na kung ang playing area ay di kasinlaki ng coliseum ang court parang sa UAAP at di rin kasintaas ang bubungan. I just want everyone to know that kasi gigil na ko sa mga bida-bidang players na gusto lahat magspiker. Yun bang puro abang sa set pero di nagrereceive ng maayos. Agawan sa spiker position. Kayo kaya paluin ko ng matauhan kayo? Char.

"Hey, we're teammates at last. "

"Ah Gio ikaw pala. Yeah, at last. "

"Tagal na nating nagpapractice dito sa isang gymnasium pero ngayon lang ulit nagkachance na magkausap tayo, and best, teammates pa tayo."

"Yeah... ahmm actually it's nice na nagkaron ng warm up game ngayon Sobrang nakakapagod pala tong basic trainings."

"That's true. Kaya nga buti pumayag si coach sa request ko na maglaro ngayon na mixed. "

"Oh, is this game because of you? "

"Yeah, I saw you kasi and naisip ko that it's the best chance na makasama kita sa isang game lalo na't konti pa lang naman tayong nandito sa gym. 6/24 pa lang kaming boys and kayo konti pa lang din naman. "

"I don't know what to say. Lagi mo ata akong finaflatter sa mga sinasabi mo. But thank you kasi may game dahil sayo."

"I don't mean to flatter you, I'm just telling the truth Linda. "

"Okay! All is set. Everybody on your positions. "

He went to his position as setter and ako...

Nice. Center. My favorite position.

All throughout the game, naenjoy ko ng sobra. I was able to receive yung mga palo ng mga boys. Sobrang lalakas,nakakatakot, pero that's the challenge.

"NICE GAME GUYS! Everybody let's go back to our real business here. "

"Yes coach! "

Sobrang bait ni Coach Arman and isa sya sa reasons bakit naeenjoy ko ang training everyday. Mahigpit sya but considerate. Hindi sya naninisi or nagagalit basta, he makes sure na ipapaliwanag muna nya how and why kaya feeling ko mas natututo ako coz here I realized ang dami ko pang di alam sa volleyball.

"Nice game, Linda. Hope to play with you again soon. "

"Thanks Gio."

Sa dorm, di umuwi si Allie and I felt bothered for her. Feeling ko talaga may malaki syang problema na ayaw nyang sabihin sakin. But why?

Allie... am sick worried bout you. What's happening?

Through chat ko na lang muna sya makukumusta. Di sya online na di nya ginagawa dati. Just have to wait until maseen nya and magshare sya sakin ng problem nya.

But then habang iniisip ko si Allie bakit sumasagi sa isipan ko si Gio? Why am I feeling this way? Nagugustuhan ko na din ba sya? I'm not so sure kung gusto nya ba talaga ako or magaling lang sya mangflatter ng girls. But, bakit natatakot ako sa nararamdaman ko? Alam ko, boys like him who likes to flatter girls, sobrang babaero. I even stalked him in Facebook and found out na marami syang kasamang girls sa pictures nya. Nakakapagtaka pa is that ang konti ng pictures nya and hindi nya ko inaadd or even i-chat o i-text. Wala akong number sa kanya but di ba like sa palabas sa tv, pag gusto ng lalaki ang girl gumagawa sila ng way para magkaron sila ng communication? So, pano? Assumera lang ba ko? O may tinatago ba sya? Because of this, I have to control my mind na wag syang isipin. Ayoko, ayoko, ayoko. Ayokong masaktan. Ayokong mainlove. Ayong maloko. Natatakot ako. This is becoming unexpected and I don't like it... am expecting him to chat me and this is getting worse... this is NOT good...


next chapter
Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C3
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión