Simula ng gabing yon, di na nagchat sakin si Alyssa. I messaged her so many times pero iniignore lang nya lahat. Wala syang siniseen kahit isa kahit na online naman sya. Ilang araw ko syang di tinigilan sa kakamessage dahil gustong-gusto ko na ulit syang makausap.
Please, Lily, wag ka na magmessage ulit. Mahal na mahal at fall na fall na ako kay Gio. Di ko sya kayang iwan. Yung ginagawa natin, mali, ayokong maging dahilan pa to ng pag-aaway namin ni Gio so please leave me alone. Wag mo na ko ichat or any kind of communication, tigilan mo na. Please.
Tumulo na lang bigla ang mga luha ko. Ang sakit-sakit. Sinabayan pa ng tugtog sa radyo.
Bakit ba ikaw ang naiisip ko at di na mawala-wala pa...
Laman ka ng puso't isipan
Di na kita maiiwasan
Pag-ibig ko sayo sana ay pagbigyan...
Bakit nga ba kasi ikaw pa?
Kahit na ang sakit ng nararamdaman ko, sa nabasa ko pa lang, halata na okay sila, mas hindi na nya ko kailangan pa. Kaya labag man sa akin, I decided to block her. To end this. To stop this. This isn't right, I know, so I have to make a move.
Dumaan ang mga araw, nagpakabusy na lang ako sa buhay ko lalo na't summer vacation na. I attended volleyball workshops and sumali sa liga para sana pagpasok ko sa ibang college, nakaready ako para sa application for volleyball varsity, yes, I'm transferring.
SHS had been very tough for me. Nawala ang best friend ko, nawala ang first love ko, and nagkagusto ako sa babae, present pa ng ex ko. Napakakomplikado ng mga nangyari at mahirap lahat kalimutan yon so I have to busy myself and lumayo. Volleyball, gym, gimik, at kung anu-ano pa ang pinaggagagawa ko para pag-uwi ko kakain at matutulog na lang ako. Wala ng space for any overthinking or any negativity.
"Linda, are you coming or what? "
"Yeah, will be right there"
I am with my volleyball teammates to celebrate our way to finals. Isang laban na lang and pwede na kami magchampion. We decided to go to a bar.
"Wait, wait, akala ko inuman lang? Ano 'to? "
I was in a terrible shock ng makita ko ang papasukan naming inuman,
"Yung totoo, Gay Pub talaga? Ayoko! "
"Ano ka ba Linda, di ka na pwedeng tumanggi. Binayaran na ni manager yung iinumin natin noh, nasa loob na sila, di pwedeng KJ"
"Pero Suzy... "
"Tara na! "
Hinila nya ko papasok. Si Suzy ang halos nagiging best friend ko dahil sobrang bait nya. Aminado din sya na isa syang bisexual.
Pagpasok, lantad agad yung mga lalaking malalaki ang katawan. Nakakailang lalo na't they're dancing in on stage. Nagsisigawan lahat habang gumigiling sila. There are gays watching, meron ding mga matrona, and girls na sobrang wild. I can't imagine myself being here pero nandito na. My teammates are going wild habang umiinom lang ako and nagulat ako ng may biglang naghagis ng damit sa table namin. Muntik na matapon yung drink sa mukha ko.
"What the... "
As I looked in front, gosh, gusto kong lumabas. Men dancing sexy kanina, now, they are all naked. As in naked from top to bottom and I cannot unsee this. Napabuga ako while watching yung isa na papalapit sa amin. I don't know kung normal ito sa isang babaeng katulad ko pero kinikilabutan ako lalo na nung hinawakan nya ko. Gusto kong sumigaw at magwala pero lahat ng nanonood super wild and crazy over what's happening.
"Go Linda!!!! "
Iniakyat ako sa stage with 2 others. One old woman, and one gay. Yung dancers nagtig-iisa ng partners and they are dancing like ginawa kaming pole. Yung dalawa kong kasama sa stage super enjoy, and di ko inaasahan yung next kong nagawa. I vomit, as in literally vomit, all over the body nung isang dancer. Everyone is in shock including the dancer. Nakakahiya ng sobra so I run palabas. Humanap ako ng isang lugar na pwede akong magpahinga at magtago, and nahanap ko itong isang place na may bench sa medyo madilim na lugar. I check kung may ibang tao and luckily wala so naupo ako don. Huminga ako ng malalim and is still in shock. Di ko namalayan na kasunod ko na pala non si Suzy.
"Linda? Okay ka lang ba? Sorry huh, pinilit pa kitang pumasok, di ko kasi alam na ganon ang mangyayari sa loob eh."
"Ahh, yun ba? Oo nga eh. I also never thought of that. Nakakahiya. Wala na ata akong mahaharap na mukha sa teammates natin. "
"Ano ka ba? Super cool lang sa kanila non. Matatagal na kaming magkakasama kaya alam ko ang ugali nila. Kahit bago ka pa lang sa team namin, never ka naman nilang ija-judge sa nangyari. Actually naiinggit nga sila sayo eh kasi sa dami natin don ikaw pa naiakyat sa stage di ba? "
Napatahimik ako. I'm thankful na ganun sila. Sa ikli ng pagsama ko sa kanila thankful ako kasi ang babait nila sakin. Dahil lang din naman kay Suzy kaya ako napasok sa team nila, as her previous volleyball teammate nung sh kaya siguro ganto sya kabait sakin kahit na di naman kami close noon.
The next thing that happened, I didn't expect. Napatunghay ako ng bigla kong naramdaman si Suzy, sobrang lapit nya sakin. Yung mga mata nya, iba, tila ba nangungusap. Then... she suddenly kissed me. Napatayo ako. Nagulat.
"S-sorry, nagulat ba kita? "
"A-anong... "
"Sorry Linda, di ko na talaga matago tong nararamdaman ko"
"Wh-what... Suzy...? "
"Linda... please hear me out"
Papalapit sya sa akin non, hahawakan ako sa kamay, but I hesitated. Inilag ko yon at hinawakan na tila ba natatakot at nalilito.
"Linda... please, pakinggan mo muna ako"
"How can you do this? A-akala ko... akala ko... di ba magkaibigan tayo Suzy? "
"Oo. oo akala ko kaibigan lang, hanggang kaibigan lang ang pagtingin ko sayo pero Linda, simula nung senior high pa lang tayo may gusto na ko sayo"
"Anong pinagsasasabi mo... "
"Oo, Linda! May gusto ako sayo, matagal na! Okay?! Alam mo naman na bisexual ako di ba? Linda... sa lahat ng babae, ikaw lang ang kinabaliwan ko ng ganito... "
I can't say a word. I don't know what to say.
"It's okay, Linda. It's fine, alam ko na nagulat ka. Actually, to confess to you, bago pa man, unang araw pa lang ng Grade 11, nakikita na kita, and minahal agad kita. Kaya nga natuwa ako nung nag-try out ka sa varsity kahit na nalaman kong naging kayo ni Gio. Coach Arman is my dad, and I requested him na ipasok ka before pa ng start ng try out though after namin makita yung performance mo, hindi naman kataka-taka na pasok ka talaga kasi you're one of the bests. "
"You... H-How? I---sorry Suzy, I-I have to go... "
Lumakad ako at lumayo ng naguguluhan. I don't expect this. So... gosh, ang hirap. I don't know what to say or to think.