After ng pangyayari na yon, I tried not to contact him or anything but my hands... di ko mapigilan. I know mali na babae ang unang magcontact lalo na't wala naman akong kasalanan but that explanation kanina, di pa ko satisfied. I want to know more... or I just want na maayos to. Gusto ko pang maayos to. Gusto ko pang ayusin to dahil nararamdaman ko na maaayos pa to. Gusto ko syang tanggapin kahit umamin na sya mismo na may iba na syang gusto. I'm even trying myself believe na kabaligtaran lahat ng sinabi nya. Na ako ang gusto nya. Na baka may kasalanan lang ako sa kanya kaya nya to sinasabi... pero ano? Na... na... binibiro nya lang ako... Na that was just a dream... the worst dream na ayoko ng maulit.
"Gio... please... let us talk... "
He's online, ang tagal bago nya iseen ang message ko. Naisip ko tuloy, magkachat ba sila ngayon? Anong pinag-uusapan nila? Sweet na ba sila sa isa't isa? Yun bang sweet messages nya for me dati, sa kanya na nya sinasabi? Yun mga pag-aalala nya? Sa kanya na din ba? Bakit... bakit mo ko natitiis?
"Ano pa pong dapat nating pag-usapan? Di ba po nasabi ko na kanina? "
He replied with 'po' na ngayon lang nya ginawa. I feel awkward. Kakaiba yung feeling, para akong nanlamig na naiinitan na dumadaloy sa buong katawan ko. Iba na nga sya sakin. Di sya nagbibiro kanina.
"Please, gusto ko pang maliwanagan. Ano bang nangyari sating dalawa? Di ba ok pa naman tayo kahapon? Ang saya pa nga natin di ba? "
I tried to make him remember kung ano ang pinagsamahan namin. Baka sakaling magbago ang isip nya pag naalala nya lahat-lahat. Yung mga pangako nya sakin, yung lahat.
"Please, Linda, sinabi ko na nga di ba? Ayoko na. "
"Dahil ba to sa naiinip ka na maging tayo? Di ba parang tayo na naman talaga? Oo na lang naman kulang di ba? Nagkiss na tayo many times every uwian di ba? Pag walang tao. Ikaw ang first kiss ko and hindi ko basta-basta ibibigay yon kung di ako sigurado sayo, Gio, alalahanin mo naman lahat, bakit ang bilis mo kong bitawan? "
I didn't expect what's next. Naiseen nya lang ang message ko and...
YOU CAN'T REPLY ON THIS CONVERSATION
WHAT THE F!!!!!
Gusto ko syang puntahan sa kanila. Ano ba, Gio? Ayoko ng ganito.
I remembered opening his account in my Facebook Lite. Oo nga pala, bukas ang account nya don and I discovered na kahit magbago ng password but still logged in sa fb lite, nakalog in pa din yon and hindi maaapektuhan yung original Facebook App.
I opened it. Kinakabahan ako sa pwede kong mabasa. Hindi ako ready pero kelangan kong malaman anong namamagitan na talaga sa kanila. Then, I saw that they are actively chatting ngayon. As in I can see her replying and I can see him opening the message. Tyumempo ako na binuksan nya yung message para hindi halata na may ibang nag-oopen. And the messages shattered me. Oo, sabi nga nila, wag ka ng gumawa ng isang bagay na makakasakit pa lalo sayo, pero eto na eh, nakita ko messages nila, they're so happy. Si Gio, walang bakas na nakasakit sya, na ako ang nasaktan nya. Parang ang saya-saya pa nila with matching pagsend pa ng pictures. With I love you and all... Naghihina na ko sa nababasa ako but I managed to read old messages, and found out na napag-usapan nila ako. The girl, she asked Gio to choose between us, and obviously he chose her. Di ko na kinaya, nabitawan ko ang phone ko and buried my face sa pillow ko to shout and to cry out loud. This is one of the benefits of having my own room, I can do this. I can cry however I like kaso wala naman akong mapagsabihan ng sama mg loob ko sa oras na to. Gusto ko din kasing ipakita sa kanilang lahat na okay ako kasi pinagbawalan nga ako ni papa ang binalaan ako nina mama and ate.
I fell asleep that night after a very long series of crying.
As I woke up, my tears don't stop falling, pero di nila dapat mahalata that's why I waved goodbye na kunwari may kinukuha ako sa bag para di ako makapag eye-to-eye contact but in the car tingin ng tingin sakin si papa and si Caleb. Alam ko may nahahalata sila but they keep silent.
In school, una kong hinanap si Gio. Hindi ako lumapit sa kanya or anything, I just keep on looking at him to check on him. It make me even sadder na makita na wala na syang pakialam sakin. Ni hindi na nya ko tinitingnan or nilalapitan. It's really hard to concentrate with the lessons knowing na ganito kami. Sa pag-uwi, iniisip ko na sana kahit don man lang sabayan nya ko kasi sabi nya non ayaw nya kong nag-iisa, but he never did. Ni iniwasan nya yung jeep na nasakyan ko even maluwag and same lang naman yung route namin.
Gusto ko ng maiyak sa jeep kasi nasanay ako na kasabay sya, kasi ganito na. Mukhang di na talaga to maaayos.
Nung nakauwi ako, tiningnan ko ulit yung fb lite ko and nakita ko na nag-iwan ng message si girl but di pa sya online. Gusto kong iopen pero ayokong mabuking ako so I waited for him to go online. Ganun pa din, sweet messages. Ang hirap kasi wala na kong laban. Ni hindi ko na sya mamessage para man lang sana pantay ang laban na nakakapagpakita ng care si girl, and ganun din ako. To show him na mas caring ako kesa sa kanya, na mas mahal ko sya kesa kay girl kaso wala eh ayaw pa din nya ko iunblock. I even thought of making another account para sa kanya pero I don't want na mas maging mukha pang desperate. Ayoko ng ibaba pa ng husto yung pagkababae ko. Di ko na lang alam kung pano ko to malalagpasan kasi naplano ko na ang future ko with him. I even imagined us getting married and having children kasi 3 years na lang magiging legal na kami and plano sana namin na after makahanap ng work and maging regular, magpapakasal na agad kami.