Descargar la aplicación
61.29% The CEO's Substitute Wife / Chapter 19: Chapter nineteen

Capítulo 19: Chapter nineteen

Una po sa lahat, maraming salamat nga po pala sa mga sumabaybay sa storya kong ito. Kayo po ang isa sa mga dahilan kung bakit ko po pinagpapatuloy 'to. Sana lang ay di kayo magsawang basahin ito hanggang dulo. I really appreciated your support and love to my story. I love you all and God may bless us all. 😊

Enjoy! ♡

**************

Kean Point of View :

Dalawang buwan na rin ang nakakalipas magmula noong lumipad kami papunta rito.

At dalawang buwan na rin ang nakakalipas pero mahimbing parin siyang natutulog.

Naging successful ang operasyon ni Xaiyi. At base pa sa mga findings ng doktor ay malaki daw ang magiging posibilidad na magigising ito.

Handa akong ubusin ang lahat ng kayamanan ko, magising lang ang taong mahal ko.

"Sir."

Nabaling ang paningin ko sa isang katulong na may dalang palanggana.

"Pupunasan ko lang po sana si Ma'am Xaiyi, sir." Magalang nitong ani at saka lumapit kaya naman napatayo na din ako."At tumawag din po pala si Dra. Ally. Pinapasabi pong darating daw po pala si Doc. Ry, ang bagong titingin kay Ma'am Xaiyi." Kapagkuwan ay paalala niya.

"Anong oras daw ito dadating?" Tanong ko habang inilalapag niyo ang palanggana sa tabing lamesa ng kama ni Xaiyi.

"Mamayang lunch daw po." Tugon nito.

"Osige. Ikaw na muna ang bahala sa kanya." Tukoy ko kay Xaiyi at tumango naman ito bilang sagot.

Lumabas ako ng kwarto ni Xaiyi saka tumungo sa Office ko pero hindi pa man ako nakakapasok ay pinigilan na agad ako ng maid na nagbabantay kay Xaiyi.

Hinihingal itong nakayuko habang nakahawak sa braso ko.

Mukhang

"What is it?" I questionably asked.

"S-Si ma'am X-Xaiyi po. G-gising na."

"W-what?" Tanging bigkas ko lamang habang pinuproseso pa sa aking isipan ang sinabi nito.

"S-Si ma'am Xai-yi po. Gising n-na." Pag-uulit nito.

At nang bumalik na ako sa hiwasto ay dali-dali akong tumakbo patungo sa kwarto ni Xaiyi.

Napatigil ako at napatitig sa babaeng nakaupo sa kama nito. Tila'y inuobserbahan ang paligid.

Naghalo-halo ang saya at tuwa sa buong sistema ko.

Dahan-dahan akong lumapit rito hanggang sa maramdaman niya ang presensya ko. Naninibago man ay ngumiti ito sa akin.

"X-Xaiyi." Utal ko pang tawag sa pangalan niya.

Nang makalapit ay agad ko itong niyakap, tumugon naman ito.

"God! I've been waiting for you for so long." I can't help myself saying that.

"I-I'm sorry." Marahan nito wika at kumalas sa mga bisig ko. "I'm sorry but I can't remember you. Who are you, Mister?" Alam kong inaasahan ko na ito pero hindi ko parin maiwasang mabigla.

I heavily sighed to put myself all together and look at her with a sweet smile. "I'm Kean Knight Madrigal. I'm your best friend." I honestly answered her.

Medyo naguguluhan man ay tumango na lamang ito. "Where's my parents then?" She calmly asked.

Hindi ko lubos akalain na iyon agad ang itatanong niya. Wala akong makapa na tamang sagot para sa tanong niyang iyon.

I held her hand and asked her. "How are you? Nahihilo ka ba?" Paglilihis ko ng usapan.

She gives me a weird stare but just shook her head. "Hindi naman. Talagang wala lang akong maalala." She replied.

Binalingan ko ang maid na nakatayo sa gilid ko. "Pakisabi kay Mang Welma na pakitawagan si Dra. Ally o si Doc. Ry. Ibalita sa mga itong nagkamalay na si Xaiyi at kung maaari ay pumunta na ito sa bahay." Utos ko rito.

"Sige po sir." Sagot nito at agad ding lumabas.

Hinarap ko si Xaiyi at tahimik lang itong nakatitig sa akin.

"Kean. Salamat ha." Panimula niya.

"Para saan?"

"Sa pagbabantay at pagtulong sa akin. Tinanong ko kasi si Kelyn kanina bago pa man siya nagpunta sayo."

Napangiti ako sa sensero niyang pasasalamat. "Wala 'yon. Kahit ano naman gagawim ko para sayo. Maging maayos ka lang at makita muli kitang ngumingiti."

Napatango ito. "I don't know how to pay you back for treating me like this Kean. Although I forgotten you, I know that you are one of the kind in my life. Hindi ko alam kung bakit pero subrang nagpapasalamat ako sa tulong na ginawa mo para sa akin." Her voice cracked and she started to sob.

Agad akong umupo sa tabi niya at marahang inalo ang likuran niya. "Hey." I gently said.

"Thank you for being by my side, Kean. Salamat dahil nandiyan ka para alagaan ako sa mga panahong na-comatose ako." She wiped her tears away and sincerely look at me with a great smile on her face.

I was shocked and can't take my eyes away. After all this years, I've been wanting to see this smile again. But sadly they took that away from her.

I held her hair down to her face. Looking at her with amusement.

She was puzzled but I didn't pay attention to that. I've been waiting for this moment for so long.

"I've been missing this smile of yours, Xai. And I miss this part of you." I hugged her tightly. "I've been hoping and praying for you to smile again like the way you smile today. I want to protect you and that's the thing that you don't need to thank for because I was the one who wanted to protect you all the time. Thank God, you finally awaken." I can't really stop my emotions right now. God! I'm so greatful and happy to see her right now.

Nanatili lang kaming ganoon sa loob ng isang minuto nang kusa na din akong kumalas.

Pununasan ko ang luhang kumawala kanina sa mga mata ko at saka lumayo nang kaunti kay Xaiyi.

"Nagugutom ka ba?" Kapagkuwan ay tanong ko.

Tipid itong ngumiti at tumungo.

"Osige. Magpapaluto ako ng porridge."

Lumapit ako sa bedside table niya para tumawag sa baba. Ayoko naman kasing iwan mag-isa si Xaiyi.

Nakadalawang ring pa lamang ay sinagot na ito agad. "Hello." Sagot sa kabilang linya.

"Pakisabi sa chef natin na magluto ng porridge at pakidala nalang din dito sa kwarto ng ma'am Xaiyi niyo." Walang ano-ano ay utos ko rito.

"Okay po sir."

"Salamat."

"Walang ano man po." Tanging sabi lang nito at agad ko ding pinatay ang tawag.

Kumuha ako nang tubig at nagsalin sa baso saka ito iniabot kay Xaiyi. "Gusto ko ba ng mansanas? Ipagbabalat kita."

"Osige." Tumatango-tango pa nitong wika.

Kaya naman kumuha ako sa mesa nito at nagsimulang magbalat.

"Kean." Tawag nito sa pangalan ko.

"Hmm?"

"Gaano na ba tayo magkakilala?" Biglang tanong nito, kaya saglit ko itong tiningnan pero agad ding ipignagpatuloy ang pagbabalat.

"Seguro maghihigit labing apat na taon na din." Sagot ko rito.

"Hmm.. Subrang tagal na din pala." Inayos nito ang pagkakaupo at bumaling ulit sa akin. "E paano ba tayo nagkakilala? At ano ba ako dati?"

Tinapos ko muna ang pagbabalat at saka siya sinagot. "Iyakin ka kasi n'on. Sa mga panahong iyon ay kapitbahay ka namin sa America. Bagong salta kayo. Napansin kita n'on sa bakuran niyo, nakaupo sa isang duyan at tahimik na umiiyak." Tipid akong ngumiti habang inaabot sa kanya ang mansanas na hiniwa ko para madali niya nang kainin.

"Umiiyak?"

"Oo. Umiiyak." Tipid kong sagot.

Oo, masaya akong nawala na nga ang alaala ni Xaiyi. At tulad ng dati ay nakikita ko na naman muli ang totoong ngiti sa mga labi niya. Pero ayokong ipagkait ang katutuhanan sa kanya.

"Bakit naman ako umiiyak?" Tanong pa nito at kumuha ng isang hiwa ng mansanas at agad kinain.

"Noong una ayaw mong sabihin pero sinabi mo saking nalulungkot ka." Umupo muna ako sa upuan na malapit rito. "Pero kalaunan ay sinabi mo rin sa 'kin ang dahilan."

"Ano naman 'yon?"

"Sabi mo, may importanting tao kang naiwan sa Pilipinas. Ni hindi mo manlang kasi natupad ang pangako mo sa kanya o nagpaalam manlang. You've never mentioned his name that time. Masyado nga akong naiinggit sa lalaking iyon dahil una mo siyang nakilala kesa sa akin." May halong biro ko pang kwento.

"Sorry." She apologized.

"No, it's okay. At least I'm proud to be with you more than him." I proudly said. "Kaya para hindi ka na umiyak n'on ay palagi akong pumupunta sa inyo para makipaglaro. Tuwang-tuwa pa nga sa akin ang Lolo't Lola mo n'on e." Medyo natatawa ko pang pagmamalaki rito.

Medyo natawa naman ito kaya ipinagpatuloy ko pa ang pagkukwento. "Madalas kaming umuuwi noon ng parents ko sa Pilipinas dahil sa business nila sa Manila, nandoon din kasi si Lolo at namimiss pa raw ako. Kaya no choice ako. Pero... Pagkabalik na pagkabalik ko ay agad din akong tumutungo sa bahay niyo para bisitahin ka."

"E kamusta naman ang pakikitungo ko sayo noong mga panahong iyon?" Dagdag na tanong pa nito.

"Well... You're a nice girl that time, Xaiyi. You are taught and humble. You preferred to make other people smile and happy before yourself. You shared everything you have but some of them are actually greedy. And that's makes me want to protect you even more. You are easily to be with, that make them abused your kindness. Although that side of yours is kinda irritating but still, I love all the way you are back then and now." I honestly answered.

"How about my parents?" Nakatitig nitong tanong, tila'y tutok na tutok sa kwento ko.

I patted her head. "They were actually living with your twin sister. You were separated with them for 13 years. You didn't tell me the reason before, and I do really respect your family affair." Not until, I accidentally saw how they treated you after so many years and when I accidentally heard your Grandparents conversation.

"Did they ever visited me when I'm in America?" I can see the little bit pain from her eyes but I just let it be. Well.. I don't want to lie to her. She also deserved to know too.

"No. You said that they were just contacting you and they were just busy their works." I answered.

"I see." She bitterly smiled and heavily sighed. "But at least, I have my grandparents and you, right." Nakangiti nitong ani.

"Yes." Tipid ko lamang na sagot.

"Then, it's still worth to be happy and contented. I'm happy to have you, Kean."

At sa ikalawang pagkakataon ay nakita ko na naman ang ngiting gustong-gusto kong makita sa mga labi niya. At ang ningning sa kanyang mga mata.

**************

07/22/2020


next chapter
Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C19
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión