Descargar la aplicación
42.37% The Baklush Has Fallen / Chapter 25: Chapter 24 : His Willingness

Capítulo 25: Chapter 24 : His Willingness

Napatingin ako kay Jazz na ang sarap ng ngiti, pero halata pa rin ang pait sa mga mata niya.

Kawawa talaga 'to. Hindi ako sanay na ganuyan siya kalungkot. Hay.

Huminga muna ako nang malalim dahil alam ko na mahaba-habang dramahan na naman 'to.

Pansin niyo padrama nang padrama ang mga pangyayari. Nakakaloka lang! Sana ito na ang huli. Hindi ako sanay na madrama ang buhay ko, sanay ako na puro kabaliwan at kaharutan lang. Pero nang makilala ko 'tong mga 'to, sina Chal Raed, Third, Spade, at Jazz ginawa nilang madrama ang storyang 'to.

"Are you ready to listen, Mon?" tanong sa'kin ni Jazz dahilan para magbalik ako sa katotohanan.

"Always ready! Readier than Girls scout," sagot ko naman. Syempre, chikahan mode na 'to, eh.

"Alright," huminga siya nang sobrang lalim, mas malalim pa sa deep, "let's start from how CoolEight was created. Zanaya and Hero are childhood best friends, at silang dalawa 'yong una naming nakikilala ni Chal Raed at Klarina. We became friends dahil sa 'di inaasahang pagkakataon, magkakaklase pala kami as well as Jelyn, the most behave in the class, pero dahil kay Klarina lagi na siyang nasa noisy list," natawa ako ro'n. Si Klarina ay wala talagang preno kung magsalita, ang daming chika sa buhay niya, "third week of June 2007 when Spade and Third went back here in the Philippines and they had decided to study in the same school we're studying. Third year high school kami at first year naman ang dalawa. Alam mo na siguro that Third stop schooling for a year kasi tinamad siyang mag-aral muna, right?" tumango-tango naman ako.

Dati hindi ko talaga pinaniniwalaan na dahil tinamad lang siya, akala ko dahil naubusan ng pera ang mga magulang niya para sustentuhan siya, pero nang malaman kong may kaya raw ang mga magulang niya aniya, ay naniwala na lang ako. No choice, para wala ng maraming chika, umu-oo na lang ako.

"We don't know how it happened," usal na naman ni Jazz, "basta biglaan na lang lagi kaming magkakasama, sabay kumakain, hanggang sa Spade named our group, CoolEight, kasi nga cool daw kami at walo kami sa grupo," dagdag pa niya.

Cool nga sila, sobrang COOlit, minsan COOLang-COOLang sa pag-iisip.

"Mas lalo kaming nagkakilala, mas nagkalapit and until such may nabuo nang asaran sa grupo. Si Klarina at Chal Raed siniship nila dahil simula mga bata pa lang kami gustong-gusto na ni Klarina si Chal Raed at kahit alam nang lahat na Bakla si Chal Raed ay hindi pa rin sila tumitigil na itulak 'to kay Klarina," wala namang bahid ng pagseselos habang sinsabi 'yon ni Jazz, siguro dahil nakaraan na 'yon at nag give way na rin si Klarina, "sii Spade naman ay kay Jelyn, but it didn't work. Tinatawanan lang kami ni Jelyn, while Spade minsan walang pake dahil sa kakaisip ng mga bagong moves sa sayaw niya."

Mukhang sa mga panahong 'yan 'di pa sila magkakilala ni Joy kaya ibig sabihin ako pa 'yong crush niya that time. Hmm. Slow claps for Maundy. 

"Spade before is known as a total performer in school, kaya ganyan 'yong panunuot niya dahil isa siyang hiphop dancer, Mon, until now. He has a group, but they're out of the country for the mean time kaya tumigil muna sila sa kakasayaw."

Kaya pala mukha siyang hypebeast dahil hiphop dancer pala siya at minsan ay naririnig kong nasa practice daw ito, akala ko practice para hindi na malito 'yong puso niya at makapili na siya sa dalawa, pero practice pala ng sayaw. Hehe, sorry naman maganda lang minsan tatanga-tanga din.

"At syempre ako at si Zanaya ang pang huling OTP ika nga ni Klarina. Lagi nila kaming tinutukso lalo na't unti-unti kaming nagiging close. Every time I treat Zanaya or I gave her something nilalagyan nila ng malisya."

Haynako, Jazz, masanay ka na ganyan talaga sila. Kahit wala naman talagang ibig sabihin 'yong ginagawa niyo 'yong iba over na kung mag-isip. Duh!

Hala, pansin niyo, todo reaction paper ako. Tsk, sorry na. Titigilan ko na, hehe.

"Until one day, Zanaya confessed in front of the group that she's developing her feelings for me. After the confession, our friendship stays the same, but Zanaya became more sweet and her efforts were really amazing. Honestly, she was the one who courted me, then slowly in a magnificent way, I fell in love with her."

Kung makikita niyo lang 'yong ngiti ni jazz ngayon, parang ang mahal-mahal nito, 'yong tipong 'di mo talaga mababayaran.

"After I told her that I love her, ako na ang nanligaw. She said yes to me after two weeks. We became couple, but no one noticed kasi dati na kaming clingy."

Yehey, congrats! Ay, natapos na pala sila. Huhuhu!

"Bakla ako, Mon, but after realizing that I am falling for her, naisip ko na bisexual lang ako, pero gusto kong tanggalin ang bisexual na 'yan at maging totoong lalaki. I tried, but it wasn't enough. Nang malaman ng mga schoolmate namin na we're in a relationship, nagumpisa na silang pag tsismisan kami, na ang isang napakagandang Zanaya mahuhulog lang sa isang maharot na Baklang Jazz. So ayon, nag-umpisang ikahiya ni Zanaya ang relasyon namin. She started avoiding me, she became cold and she even said that I'm not her boyfriend both in public and in social media. Iniiwasan niya na rin ang CoolEight, even her childhood best friend. Hanggang sa nalaman na lang namin na she's in a relationship with a varsity player in school."

W-What? All of a sudden? Nakakagulat naman.

"I was hurt, Mon, totally hurt," hala, ayan na! Umpisa na ng iyaka, "how could she date someone when we're still in a relationship?" mapait niyang tanong. Pakiramdam ko nagbalik ang sakit na naramdaman niya noon. "Nang saktan niya ako, alam kong nagbago ako, nagbago ang nararamdaman ko....Imbis na pag-ibig napalitan 'yon ng galit at sakit....Sinugod ko 'yong lalaki niya, Mon, nagsuntukan kami and then Zanaya came, and she defended the varsity guy. She told me lots of painful words na hindi ko inaasahang sasabihin niya, she even said I'm not capable to be her boyfriend dahil mas babae pa ako sa kanya....Basta alam ko lang before that day ended I slapped her so hard, twice, at doon ko inilagay ang buo kong galit....That's why I started to get frightened na makita siya kasi baka masaktan ko siya ulit....A week after that incident, CoolEight was gone....Si Spade lumipat ng ibang school as well as Third, Klarina decided to go to states, si Chal Raed niyaya rin akong sumama na lang sa kanya sa California, so I did. Si Jelyn at Hero ang naiwan sa school, pero sabi nila, Zanaya never did talk to them again," huminto siya sa pagsasalita at ilang sandali siyang nanahimik saka siya humarap sa'kin, "Mon, am I not worthy to be loved?" bigla na lamang niyang tanong.

Patay!! Ano ba 'to? Pakiramdam ko pang one million 'yong tanong niya. Charot! Magseseryoso na nga ako.

"Jazz, you're always worthy to be loved," pagsasabi ko ng katotohanan na agad niyang ikinangiti kahit slight lang. "Siguro kaya nangyari 'yong sa inyo ni Zanaya para ipakita sa'yo na hindi lang puro kasiyahan ang dulot ng pagmamahal. Zanaya may not be mature enough at that time kaya nagawa niya 'yon, she still doesn't know what's the real meaning of love. Love is acceptance, Jazz, kung hindi ka niya tanggap noon, ibig sabihin hindi ka niya mahal, everything she had felt is just an infatuation and it's beyond different of what love is. Pero, alam ko, Jazz, sobrang dami mong natutunan sa binigay sa'yong sakit ni Zanaya," nakangiti siyang tumango matapos ang litanya ko.

At, mighad! May nasabi rin akong matino. Are you proud of me? Hindi? Bahala kayo riyan, selfmance na ito, I am so proud of myself!

"You're right. Kaya nga naisip ko na maging bakla na lang hanggang sa dulo at hindi na babae ang titingnan ko nang hindi na ako masaktan ulit," aniya na talagang ikinagulat ko.

So, kung hindi siya nasaktan ni Zanaya posibleng lalaking-lalaki itong si Jazz? Mighad! Siguro ang dami-dami ng magiging kaagaw ni Zanaya 'pag nagkataon.

"Pero, paano kung mahulog ka ulit sa isang babae? Hindi ka nalang ba aamin at magmomove on ka na agad?" tanong ko sa kanya. Malay natin, 'di ba? Sayang naman ang babaeng bibihag ng puso niya, hindi ko sinasabing si Rosas 'to, pero parang gano'n na nga. Hay, Rosas, move on ka na, Day.

Tumayo si Jazz at nag-umpisang maglakad. Mukhang planong takbuhan ang tanong ko. Kalokang 'yan! "Actually sa ngayon, I'm in the midst of hesitation. Hindi ko maintindihan 'yong nararamdaman ko," sabi niya nang makalapit ako sa kaniya.

"Anong ibig mong sabihin? Nag-aalangan ka sa nararamdaman mo para kay Chal Raed?" tanong ko.

"No, I mean, yes?"ay anggulo nito, "kasi...I'm starting to—Mon!" sigaw niya nang mapaupo ako habang hawak-hawak ang paa ko.

"A-ahh, ang sakit!" sigaw ko. Hindi kasi nag-ingay 'yong malaking bato kaya nasagi siya ng paa ko! Kitang gabi na, eh, gumagala pa, tapos nambibiktima pa! Ang sakit talaga ng paa ko, pakiramdam ko nga natanggal 'yong kuko ko. Ang sakit!

"Mon, you okay?" nag-aalala talagang tanong ni Jazz. Haaay! Ang pinakatangang tanong kapag may nasasaktan. Sige, Jazz, dahil medyo madrama ang buhay mo, okay lang na itanong mo 'yang tanong na 'yan.

"M-may dala ka bang cell phone?" tanong ko sa kanya at inilabas naman niya 'yon agad. "Pakiilawan 'yong paa ko," pakiusap ko at sinunod naman niya agad, at—huhuhu, may sugat nga ako!! Nai-alis ko agad 'yong paningin ko ro'n nang maramdaman ko ang pagkirot ng ulo ko. Ito na, umaatake na naman 'tong ka-wirdohan ko.

"T-teka, Mon, dalhin kita sa room mo para magamot natin 'yan. Kaya mo bang tumayo?"

Umiling ako agad. Sobrang naghihina ako! Huta! "Jazz...kasi, nakakahiya 'to, pero, nanghihina ako, Jazz...k-kumikirot 'yong ulo ko...n-nanlalabo ang paningin ko," hindi ko kasi mai-alis sa isip ko na may dugo sa paa ko kaya nanghihina na naman ako. Tsk! Ano bang klaseng kawirdohan ang sumasapi na naman sa'kin?!

"Damn! Wait, I'll carry you," akmang bubuhatin na niya ako nang ituro ko 'yong dagat. Konti na lang at mawawalan na naman ako ng malay at hindi 'to pwede, sabi nga ni Chal Raed marami ang mababaliw kapag na-ospital na naman ako.

"P-Paki alis ng dugo, Jazz, g-gamitin mo 'yong tubig dagat," sabi ko. Alam kong kapag wala ng dugo makakahinga na ako nang maluwag. Gan'to ako weird! Huta talaga.

"O-okay," natataranta pang sabi niya. Limang beses nagpabalik-balik si Jazz sa pagkuha ng tubig dagat dahil kamay niya lang ang gamit niya, wala na siguro siyang maisip na ibang paraan dahil sa pagkataranta. "I will tie it," aniya at tinaggal ang suot-suot niyang hairband at tinanggal ang telang nakapulupot do'n. Mighad! Sayang 'yong hairband.

Nang hindi ko na mahagilap 'yong dugo ay tuluyan na akong nakahinga nang naluwag, pero nanghihina pa rin ako. Kaya lang napayakap ako bigla kay Jazz. "Thank you," usal ko. "Pero, magkano 'yong hairband mo?" tanong ko at natatawa naman siyang kumalas sa pagkakayakap sa'kin.

"That's only 250 pesos, Mon, it doesn't cost that much, you don't have to worry," aniya.

250 pesos? Waaah! Sinayang niya lang 'yong 250 pesos para lang sa hutang sugat na 'to! Grabe, ang dami ko ng utang kay Jazz.

"Jazz, pasensya ka na, ha, nasayang lang 'yong hairband mo."

"You don't have to apologize, Mon. Okay ka na ba?"

"Oo, kasi wala nang dugo."

"Kaya ka ba nanghina dahil nakakita ka ng dugo?" tanong niya at napatango naman ako agad. "Thanks to my hairband and it hides the blood," aniya.

"Thank you sa effort mo," nakangiting sabi ko nang maalalang sinahod niya rin pala 'yong tubig dagat gamit ang kamay niya mai-alis lang ang dugo sa sugat ko at sinakripisyo niya ang kanyang hairband na nagkakahalaga lang naman ng 250 pesos.

"Anything for you, Mon."

"Ang weird ko ba?"

"Sort of? But, I'll understand your situation."

Aw, mana kay Spade, over sa understanding. 

Tatayo na sana ako nang tawagin niya ang pangalan ko kaya napaupo ako ulit. "I always have this willingness to take care of you, Mon," biglang usal niya, "and I swear, I will always do it. I'll take care of you as long as I'm alive, " seryoso at sinsero niya talagang sabi.

Huta! Nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko, as'in lahat!

"Monang?"

"Jazz?"

"What are you Guys doing?"

Mighad!

"S-Spade...C-Chal Raed..T-Third," nauutal ko pang bulong at si Jazz naman ay napapailing na lang.

Kailangan ba naming i-explain ang nangyari mula sa umpisa hanggang sa kung ano ang nakita nila? Nakakapagod naman.

Ipapabasa ko na lang sa kanila ang chapter na 'to.

Charot!

Bahala na nga si Mother Earth na mag-explain. Pero, meron nga ba akong dapat ipaliwanag? Iw, Maundy, assumera!


next chapter
Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C25
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión