Descargar la aplicación
62.5% Tanging Ikaw Lamang / Chapter 15: Chapter 15

Capítulo 15: Chapter 15

HINDI PA SILA sanay sa mga pagbabagong nagaganap sa bahay. Minsan nako-conscious sila ni Carla sa pagkilos dahil alam nilang may cameras. At kung minsan ay nakakalimutan rin nilang i-turn off ang alarm system ng mga kwarto nila. Kaya kapag pumapasok sila ay bumubulabog sa katahimikan ng bahay ang ingay na likha ng alarm.

May mga pagkakataon na napapasugod sina Max ng hindi oras sa pag-aakalang napasokan sila dahil sa katangahan nila minsan ni Carla.

Isang araw ay isang mensahe ni Dexter ang gumulat na naman sa kanya.

You're coming w/me 2nyt. Be prepared. You're going 2met d whole famly.

Ilang sandali rin siyang nakatitig sa screen ng cellphone niya. And why?

Inalis niya sa sarili ang pag-iisip tungkol dito. Hihintayin niya na lang na sabihin nito sa kanya ang dahilan. Nakakapagod na rin kasing magtanong ng magtanong.

Matapos makapag-ayos ay lumabas na siya ng bahay. Pagkalabas niya ng building ay dumeretso siya sa sasakyang nakaparada kung saan nakatayo si Max sa labas at hinihintay siya.

"Good morning, Max," nakangiting bati niya.

"Good morning, Miss Salvan. " Pinagbuksan siya nito ng pinto.

"Call me Danelle, please," sabi niya bago sumakay.

Habang nasa biyahe pa sila ay naisipan niyang tanungin si Max tungkol sa ilang bagay. Tiyak na may alam ito tungkol sa nakaraan ni Dexter.

"Pwedeng magtanong, Max?"

"Bakit naman hindi?"

"Malapit kayo ni Dexter, right? Kaya alam mo marahil ang ilang bagay tungkol sa kanya."

"What do you want to know, Danelle?"

"Tungkol sa nakaraan niya," derekta niya. "Tungkol sa naging experience niya sa pag-ibig dati."

"Wala ba siyang nababanggit sayo?"

"Meron. But I want to know more about it. K-Kung bakit natatakot siyang magmahal ulit."

Narinig niya ang mahinang buntong hininga ni Max. "Hindi lang kasi naging maganda ang napagdaanan niya sa nobya niya dati. Napasobra lang ang pagmamahal niya para sa babaeng iyon, to the point na halos mawalan na siya ng pagmamahal sa sarili niya. Naging mahirap para sa kanya ang makabawi. At hindi ako sigurado kung hanggang ngayon ba ay hindi niya pa rin magawang kalimutan ang babaeng iyon."

Sa huling linyang nabanggit ni Max, para siyang dinaganan ng pagkabigat-bigat na bagay na siyang dahilan upang mahirapan siya sa paghinga. Kaya ba hindi niya ako magawang mahalin dahil hanggang ngayon ay mahal niya pa rin ang babaeng iyon? Pakiramdam niya ay unti-unting gumuguho ang mundo niya.

"Magkaibigan lang ba talaga kayong dalawa?" tanong nito sa kanya. "Hindi kasi ako naniniwala na magkaibigan lang kayo. Ibang-iba kasi iyon sa mga nakikita ko." Tiningnan siya nito sa rear view mirror.

"We're just friends," mabigat sa loob na sabi niya.

"You are special to him."

Tumingin siya sa labas ng bintana.

"At alam ko ring espesyal siya para sayo."

Pinamulahan siya ng mukha. Napatingin siya rito. Paano niya nalaman iyon?

"You brought something new to him, Danelle. At sa itinagal-tagal ng panahon, ngayon ko lang siya ulit nakitang ganito kasigla. I mean, he is different lalo na kapag ikaw ang kasama niya. Sana lang huwag dumating sa puntong mapapagod kang pakisamahan at intindihin si Dexter."

Kung ang intindihin ito, oo minsan umaabot sa puntong gusto niya ng sumuko. Pero sa bawat segundong iniisip niyang layuan ito, para siyang isang tanim na hindi nabinyagan sa mahabang panahon, mawawalan ng buhay.

Kapag ganitong may iniisip siya ay nawawalan siya ng ganang magtrabaho. Paano nga kaya kung ganoon? Marahil, hindi talaga takot si Dexter na magmahal ulit. Ayaw lang nitong magmahal ng iba dahil hanggang ngayon mahal pa rin nito ang babaeng iyon at umaasa pa ito na maaayos ang lahat.

Magiging panakip butas lang ba ako? Parang gusto niyang maiyak sa mga sandaling ito.

Napasilip siya sa orasan. Wala pa namang alas otso. Napaaga ang pagpasok niya sa opisina. Nakaduty na rin ang ilang kasama na mas maagang dumating sa kanya.

Binuksan niya ang opisina ni Vhivian. Bahagyang inayos ang ilang mga papeles nito sa mesa. Tiningnan niya rin ang mga kailangan para sa distribution at signatures. Medyo marami iyon. And as usual, mapapadpad na naman siya sa Human Resource Management Office. Magkikita na naman sila ni Dexter.

Mabigat pa rin ang loob niya. Nagsimula na namang sumama ang pakiramdam niya. Bakit ba kasi sa lalakeng ito pa siya nahulog?

Pagkalabas niya ng opisina ni Vhivian ay muntikan na siyang mapasigaw sa pagkagulat. Nakapa niya ang dibdib. Bakit ba bigla na lamang sumusulpot ang lalakeng ito?

"Ba't parang nakakita ka ng multo?" magkasalubong ang mga kilay na tanong sa kanya ni Dexter.

"What are you doing here?" pagbabalik tanong niya. Nanatili lamang siyang nakatayo sa may pintuan ng opisina ni Vhivian at ito naman ay nakatayo sa tapat ng cubicle niya.

"Nakita ko kasing bukas na ang ilaw sa opisina ni Ate. Nag-usap kami sa phone kani-kanina lang at nasa bahay pa siya. Kaya malamang, nandito na ang maganda niyang sekretarya at gusto ko yatang makita. Pangpa-good vibes lang for this day."

"What do you want, Mr. Lenares?"

Humakbang ito papalapit sa kanya. "You know what I want," pabulong na sabi nito sa kanya. "You know that I always want you."

Hearing these words, nagbabago ang lahat. Bad mood siya wala pang isang oras ang nakakaraan. Pero dahil nakita niya na at kausap ang lalakeng ito, daig pa niya ang nakalutang sa cloud nine. Pinaikot niya ang mga mata. "Seriously, what do you want?"

"I just want to see you, Danelle. I missed you."

Good! At least sa bagay na ito ay patas kami. And yes, I missed him, too. Kung pupwedeng yakapin niya ito at halikan ay gagawin niya. Doon niya rin nalaman na nagsidatingan na pala ang ibang kasamahan niya sa opisina.

Nahuli niya si Jill na nakatingin sa kanila. Bakas sa mga tingin nito ang galit. Ayon sa dating sekretarya ni Vhivian na si Helen, matagal ng may gusto si Jill kay Dexter. At kung sino man ang nauugnay dito ay sinisirain nito. Kung anu-ano na lamang kwento ang ipinapakalat. At naging biktima siya, oo. Pero ayaw niya ng magpaapekto rito.

Magselos ang magselos! Mainggit ang mainggit!

Nakikita ng lahat na sinusundo siya ni Dexter at sabay na umaalis. Hindi na niya maitatago pa iyon. Kaya lang naiinis siya sa tanong na kung boyfriend niya ba ito o kung girlfriend ba siya nito. Girl friend, boy friend, iyon marahil.

"Dadaanan kita rito mamaya, same time, okay?"

"Okay. Pero saan ba kasi tayo pupunta?"

Bahagyang kumunot ang noo nito. "Bakit hindi mo kaya tingnan ang schedule mo, Miss Salvan nang sa ganun ay malaman mo ang pupuntahan natin at para malaman ang dahilan kung bakit isasama kita?"

Sinunod niya naman ang sinabi nito. Pumasok siya ng cubicle niya at tiningnan niya ang schedule niya na nasa mesa. Wala naman siyang naisulat na may lalakarin silang dalawa. At kung meron man, hinding-hindi niya makakalimutan. Iisang appointment lamang ang meron sa araw na ito na ikinabigla niya naman.

Birthday ng Presidente at CEO ng kompanya! Pero ngayong hapon ang surprise celebration na inihanda ng employees and staffs para rito. Ano ang meron sa gabi? Tiningnan niya ito.

"Magkakaroon ng celebration sa bahay tonight. Exclusive lang iyon para sa mga malalapit na kaibigan at kamag-anak ng pamilya," paliwanag nito sa kanya.

"At bakit ako kasama? For all we know, hindi niyo ako kaanu-ano."

Nagtagis ito ng bagang. "Danelle, my beloved mother wants you to be there. And besides, gusto ko na makilala ka ng lahat."

"Why?"

"Because you're special."

Natahimik siya. Special. Special. Special. Ito na lamang ang lagi niyang naririnig na dahilan nito.

"Dadaanan kita rito mamaya, same time. Okay?"

At may mapagpipilian ba siya? Napakibit balikat na lamang siya. "Okay."

"I'll go ahead. See you real soon, angel." Iniwanan na siya nito. "Have a nice day ahead, everyone!" sabi pa nito bago tuluyang nakalabas ng department office.

He always makes her day!

*** *** ***

NAGING MAKABULUHAN ang surpresa ng lahat para sa animnapu't tatlong taong gulang na ngayon na si Engr. Wilfredo Lenares, ang Presidente at CEO ng Lenares Group Inc. Natuwa ng husto ang lalake. Dahil sa kabutihan nito at ng pamilya nito, makikita kung gaano ito kamahal ng mga empleyado nito.

Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na nakita niya ang ilan pa sa mga kapatid ni Dexter. Hindi maikukubling meron ngang pinagmanahan ang mga lalakeng magkakapatid sa kagwapohan. May edad na si Wilfredo ngunit makikita pa rin ang kakisigan at kagwapohan nito.

Habang masayang pinagsasaluhan ang mga inihandang pagkain ay hindi maiwasang ma-out of place siya panandalian. Nasaan na ba kasi ang loko? Kanina niya pa hindi nakikita si Dexter.

"Danelle!"

Kinabahan siya ng makitang papalapit sa kinatatayuan niya si Vhivian. "Why are you here? Come and join us."

"O-Okay lang ako dito, Ma'am," aniya at ningitian ang babae.

"Kumain ka na ba?"

"Tapos na. Busog na busog nga ako, eh."

"You like the food?"

"Yes. Sobrang sarap." At pamilyar sa kanya ang mga lasa ng pagkaing natikman niya.

"Iyong personal cook namin ni Dexter ang naghanda ng lahat ng ito. He is really good kaya kapag ganitong may okasyon, siya iyong tinatawag namin."

Si Marlon! Kaya pala parang nakilala niya agad kung sino ang nagluto ng mga pagkaing ito.

"Nasaan nga pala si Dexter?" Lumingon-lingon ito, nagbabasakaling makita ang kapatid.

"Hindi ko nga alam, eh."

"Umiiwas na mapag-usapan kaya marahil tumakas. Maiwan na muna kita. Just enjoy and eat whatever you want. Bawal ang hiya-hiya sa pamilyang ito." Umalis na si Vhivian.

Hindi na siya nagkaroon pa ng oras na isipin ang sinabing iyon ni Vhivian. Gusto niyang mahanap si Dexter. Nang makita si Alexa ay ito ang tinanong niya.

"Nakita kong paakyat sa opisina niya kanina nang manggaling akong ladies room. Pero hindi ako sigurado kung doon nga siya papunta."

"Thanks."

Abala ang lahat sa kwentohan kaya alam niyang walang makakapansin sa kanya na lumabas ng CEO's office. Pagkalabas niya sa pinto ay nagmamadaling dumeretso siya sa elevator at agad pinindot and number four button.

Gusto niya lang makita at makausap ito. At makasama na rin ng solo. Sobrang namiss niya lang kasi ito ng husto. Paglapag ng elevator sa fourth floor at sa pagbukas ng pinto, agad na sumalubong sa panigin niya ang isang babae. Naglalakad ito ng deretso sa elevator na kinaroroonan niya.

She doesn't know her and this lady doesn't even know her either pero kung makatitig ito sa kanya, nagliliyab ang mga mata.

Damn! Isa rin ba itong empleyado rito na may pagtingin kay Dexter? Hindi siya sigurado ngunit wala siyang ibang maisip na dahilan.

Taas noong humakbang siya palabas ng elevator. Deretsong naglakad siya. Nang magtapat sila ay parehong sinalubong nila ang tingin sa isa't isa. Bigla siya nitong tinaasan ng kilay. Nagpatuloy lamang siya sa paglalakad hanggang nalampasan na nila ang isa't isa.

Pagtapat niya sa HR Office ay hindi niya napigilan ang sariling lingonin ito. Nakasakay na ito ng elevator. Hindi nito inalis ang pagkakatitig sa kanya hanggang tuluyang sumara ang pinto ng elevator.

What is wrong with her? Or is there something wrong with me kaya ganun siya kung makatingin? Ang lagkit te!

Napailing-iling na lamang siya.

Pagpasok niya ng HR office ay walang katao-tao. Lahat marahil nandoon sa itaas para makipagsaya. Mabuti na rin ang ganito dahil walang makakakita sa kanya na nagpunta rito.

Ilang hakbang na lamang at opisina na ni Dexter. Ngunit bigla siyang napahinto. Why am I here? Sa isip niya, hindi tama na basta-basta na lamang siyang susugod rito. Naku! Sabi pa naman ni Lola hindi magandang tingnan ang isang dalaga na siyang sumusugod sa isang binata. Sa puntong ito ay nagdadalawang isip siya kung tutuloy ba siya o aatras na lamang.

Napabuntong hininga siya. Maybe some other time. Eksaktong pagtalikod niya ay narinig niya ang pagbukas ng pinto sa opisina ni Dexter.

"Pssst!"

Or now? Nahihiyang hinarap niya ito. "H-Hi!" Kumaway pa siya.

Nakatayo si Dexter sa pintuan habang nakasuksok ang magkabilang kamay sa magkabilang bulsa ng trousers nito. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. With these suits, he is just so good looking. Nakatalikod, nakatagilid, nakayuko, kahit saang anggulo tingnan, napakagwapo ng nilalang na ito. At hindi siya magsasawang hangaan ito.

"What? You want to spend the whole afternoon staring at me, Miss Salvan?"

Napakurap siya. Hindi niya talaga namamalayan kung minsan na nakatitig na pala siya rito. Napangiti siya.

Humakbang ito papalapit sa kanya. Hinawakan ang kamay niya at hinila siya papasok sa opisina nito. Kinabahan agad siya ng isara nito ang pinto. And at the same time, her inner excitement bursts out.

Pinihit siya nito paharap. Magkatapat na ang mga mukha nila. How she misses this lovely face of him. Nakangiting tinitigan niya ito sa mga mata.

Ikinulong ni Dexter ang mukha niya sa mga palad nito. Dumukwang ito at marahang hinalikan siya sa mga labi ng ilang segundo lamang.

Oh no! Please, don't! tutol ng isip niya ng pakawalan nito ang mga labi niya. She wanted his kiss, so much.

Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok niya na nasa mukha niya. Pumikit ito at idinikit ang noo sa noo niya. He then softly kissed the top of her nose. Something's not right, nararamdaman niya. Nang tingnan niya ito ay may nababasa siya sa mga mata nito.

Malungkot ito. Pero bakit? Kaninang umaga lang ay masigla na masigla ito. Ano ang nangyari? At bakit nandirito ito sa opisina at nag-iisa?

"May problema ba?" nababahalang tanong niya.

"Wala."

"Meron."

Napabuntong hininga lamang ito. Ngumiti ito. "Pwedeng payakap?"

"It's free, Dexter. And unlimited."

"Thanks."

Napapikit siya ng mahigpit siya nitong niyakap. Napayakap na rin siya rito ng mahigpit na mahigpit. She likes the feeling being this close to him. Para bang sigurado siyang safe and protected. Alam niya, may pinagdaraan ito. Kaya kung nahahanap man nito ang comfort zone sa kanya, handa siyang magpaalipin. Gusto niya lang ipadama rito kung gaano niya ito kamahal.

*** *** ***

EVERY SECOND'S counted. Hindi niya maiwasang kabahan lalo na't mag-aalas singko na ng hapon. She is going to meet the whole family tonight. At kinakabahan siya sa nga mangyayari.

Sa ano bang dahilan at ipapakilala siya nito? She is not his girlfriend. Siya lang iyong tipo ng kaibigan na handang ibigay ang lahat para dito. Siya rin iyong tipo ng kaibigan na handang umintindi, magtiis at maghintay na dumating iyong araw na handa na ang lalakeng mahal niya na buksan muli ang puso para umibig.

Wala pang alas singko, dumating na si Dexter. Sinabi nitong kailangan pa nilang maghanda kaya kailangan nilang makauwi ng maaga. Nababahala siya dahil kung sinabi nito ng maaga sa kanya na birthday party ang pupuntahan nila ay naihanda niya ang susuotin.

"Huwag mo ng intindihin pa iyan," sabi nito habang nagbibyahe sila patungo sa unit nito.

"Paanong hindi iintindihin? Ano ang gusto mo, naka-office uniform ako sa party ng ama mo?"

"Nakahanda na lahat, Danelle. Don't worry."

Kung ano man ang paghahandang sinasabi nito, malalaman niya kapag nakarating na sila.

At hindi niya inaasahan na makikita niya ang pamangkin nito nang makarating sila sa unit. Ang panganay na anak ni Vhivian na si Maydhen. She's stunning! Napakasimple lamang ng make-up nito ngunit makikita ang angking ganda ng mukha nito.

"Hi!" Agad na nilapitan ng dalaga si Dexter at niyakap. Nang makita nito si Max ay agad itong niyakap. "Tito Max! Long time no see."

"Wow!" Hinawakan ni Max ang kamay ng dalaga at pinaikot ito. "You grew up so fast, Maydhen. And you are so beautiful."

"Thanks. Nasa dugo na talaga natin ang kagandahan." Napatingin si Maydhen sa kanya. "Hi, Danelle! Nice to see you again."

Oh, kilala niya ako. Ngumiti siya. "It's nice to see you, too."

"So..." Umakbay si Dexter sa kanya. "Ikaw na ang bahala rito kay Danelle, okay?"

"I promise. Sisiguradohin ko na hindi mo siya makikilala pagkatapos ng make over na gagawin ko."

Make over? Ito ba ang dahilan kung bakit nandirito ito ngayon?

"Let's go." Hinila siya ni Maydhen paakyat ng hagdanan.

Pagkapasok nila sa isang kwarto roon ay napanganga siya sa nakitang damit na nasa ibabaw ng kama.

"Wow!" naisambit niya at agad itong tiningnan. "This is so beautiful." It's a silky strapless cocktail dress in black and blue color combination. At tanto niyang one inch above the knee ang haba nito.

"Just your size," sabi ni Maydhen. "Iyan ang pinili ko kasi alam ko na babagay sa skin tone mo ang kulay ng damit. And I hope you like it."

Napatingin siya rito. Ito ang pumili ng damit na maisusuot niya? Hindi siya makapaniwala. "Are you kidding? I love it. Thank you."

"Good. So, I want you to sit here para makapagsimula na tayo."

She's nice. At agad na naging malapit ang loob nila sa isa't isa. Hinayaan niya lamang ito na gawin ang gusto nitong gawin sa kanya. Maydhen's the expert anyway, not her. Sa pagkakatanda niya, noong graduation niya siya huling nakapag-make over sa tulong ni Carla.

Pagkatapos ng ilang minutong pagretoke nito sa mukha niya ay hindi siya lubos makapaniwala sa nakikita niya sa salamin. It's a total transformation. Halos hindi niya na makilala ang sarili niya. May igaganda pa pala ako.

"Alright, let's ruin your hair." Itinaas nito ang electric iron curler. "So don't move."

Alam ni Maydhen ang ginagawa sa kanya. At sa tingin niya wala ng dahilan para tanggihan pa siya ni Dexter sa oras na makita siya nito.

Kung madadaan lang rin sa pagpapaganda ang paghilum ng sugat sa puso niya, aaraw-arawin ko ang hetsurang 'to.

Tinulungan siya ni Maydhen na isuot ang damit. And it's so perfect. Mabuti at nakuha nito ang tamang sukat ng damit para sa kanya.

"And of course, you can't go without these." May kinuha itong isang karton. Binuksan nito iyon at kinuha ang laman. A pair of four inches high heeled silver sandals na may sequence ng aquamarine stones na nakakabit sa straps nito. "Just for you."

"Oh my gosh!" Agad niyang isinuot iyon. "This is incredibly amazing."

"Because you are amazing."

Natigilan siya ng bigla siya nitong niyakap.

"Thank you for coming into Tito Dexter's life, Danelle," sabi nito. "Masaya ako at isang katulad mo ang nakilala niya."

Oh. At kung alam lang rin sana ng lahat kung ano talaga sila ni Dexter.

Kinakabahan siya habang pababa sila ng hagdanan ni Maydhen. Nakapag-ayos na rin ito tulad niya. Sa dulo ng hagdanan ay nakatingin siya kay Dexter na noon ay titig na titig sa kanya.

"What can you say about her total transformation?" Excited si Maydhen sa magiging sagot ni Dexter.

"So beautiful," he said, habang hindi maalis-alis ang mga mata sa kanya. Hinawakan nito ang kamay niya. "Wow! What more can I say?"

"Tito Max?" baling ni Maydhen kay Max.

"Stunning," sabi nito na nakangiting nakatigin sa kanya.

"Well, you should thank me."

Nilapitan ni Dexter ang pamangkin at niyakap. "You're the best."

"I know. So, can we leave now?"

Inilahad ni Max ang palad sa pamangkin. Tinanggap iyon ni Maydhen at kumapit agad sa braso ng lalake. Naunang lumabas ang dalawa at sumunod na rin sila.

Paglabas nila ng unit hanggang parking lot ay hawak-hawak pa rin nito ang kamay niya. Kay Max na sumabay si Maydhen. Ayaw raw kasi nitong sirain ang moment nilang dalawa na magkasama.

"Where's your car?" Hindi niya makita ang Chevrolet SS at Mercedes Benz CLA-Class nito.

"Kung ano ang nakikita mo sa tapat mo, iyon na iyon."

Napatingin siya sa sasakyang nasa tapat nila. Binuksan ni Dexter ang pinto.

"BMW M6, F13," aniya. "Bago 'to?"

"Ngayon mo lang nakita pero matagal na sa piling ko 'to. At palagi mo akong pinapabilib sa kaalaman mo sa mga sasakyan, Danelle. Mabuti at hindi mo naisipang mag-apply sa isang car company."

"I just know some," aniya. "Naisip ko rin iyan dati. Pero magmula noong makapasok ako sa kompanya ninyo at nakilala kita, nagbago na ang isip ko." Ningitian niya ito at sumakay na.

Nang makasakay si Dexter, bago pinaandar ang sasakyan ay tinitigan siya nito muli.

"What?" Naaasiwa na siya.

"You look wonderful," sabi nito.

"Thank you."

"Mabuti at pumayag ako na si Maydhen ang mag-ayos sayo. Agad siyang nag-volunteer na siya ang bahala sayo nang sabihin kong isasama kita ngayon. Alam niya kung ano ang gagawin sayo. And I find it difficult to take my eyes off of you now."

"Salamat sa pambobola, Mr. Lenares. Pero sa tingin ko ay kailangan na nating umalis dahil malilate na tayo sa JS Prom."

"JS Prom?"

"Argh!" Pinaikot niya na lang ang mga mata. "Alam mo kung minsan panira ka ng moment. Ang hirap mong pasakayin sa biro, 'no?"

Napakamot ito sa ulo. Pinaandar na ang kotse at pinatakbo palabas ng parking lot. Kanina pa nauna sa kanila sina Max at Maydhen.

"Maydhen likes you," sabi nito.

"Mabuti ang pamangkin mo, gusto ako. Eh, ikaw?"

"You know I like you, Danelle."

"Well, I just don't want you to like me, Dexter."

"Please..." Hinawakan nito ang kamay niya. "Not now. Let's make this night our night. I want this night to be perfect and memorable for the both of us."

Perfect and memorable? Birthday party lang naman ang pupuntahan namin at hindi honeymoon. Bumuntong hininga siya at tumingin na lamang sa labas ng bintana ng sasakyan.

Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa bahay ng mag-asawang Wilfredo at Agatha Lenares. Napakalaking bahay at buong buhay niya ngayon lamang siya nakakita ng bahay na tulad nito. Talagang napakayaman ng pamilyang ito.

"Ready?" tanong nito sa kanya matapos mai-park ang sasakyan.

"I guess." Kinakabahan siya. Makikita at makikilala siya ng buong pamilya. At ano ang sasabihin niya?

Pinagbuksan siya nito ng pinto at inalalayan sa pagbaba. Naninibago siya sa high heels na suot niya at medyo sumasakit na rin ang mga paa niya.

"Let's go." Inabot nito ang braso sa kanya for her to hold it.

Nanginginig ang mga kamay na napakapit siya. "Bakit ba kinakabahan ako?"

"Relax."

Naglakad na sila patungong pintuan. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang sila ay bigla siyang bumitaw sa pagkakakapit rito at tumalikod.

Natatawang sumunod sa kanya si Dexter. "Where are you going?" Hinawakan siya nito sa kamay.

"I can't do this. Nakakahiya! Ang daming tao."

"At bakit ka mahihiya? Ang ganda-ganda mo nga, eh! Excited ako na ipakilala ka sa kanila." Hinaplos nito ang pisngi niya. "You'll be fine, I promise. And I just want you to stay close to me when we get there."

"Why?"

"Mahirap na at may ibang humila sayo at maagaw ka pa sa mga kamay ko."

Napangiti siya. "Walang makakaagaw sa akin, Dexter. Because, I am yours."

"Good."

Mahigpit na kumapit siya rito. At buong tapang na sumama na rito papasok sa loob. Ang makita ang ganito karaming bisita para sa isang birthday party, hindi niya alam kung paano ang siyang naging paghahanda. Oh well, walang imposible sa pamilyang ginagawang posible ang lahat.

Agad nilang hinanap ang mga magulang nito. Sa isang bahagi ng malawak na sala ay nakita nila ang mag-asawang Wilfredo at Agatha, kausap si Vhivian. Nilapitan nila ang mga ito.

"Pa!" Niyakap agad ni Dexter ang ama. "Happy birthday." Sunod nitong nilapitan ang ina na si Agatha at ang kapatid at niyakap at hinalikan.

"And finally, Miss Salvan's here with us now." Nakatingin si Wilfredo sa kanya, nakangiti. At kilala siya nito!

Nilapitan siya ni Vhivian. "Pa, she's one of our employees, " anito. "And she is my beautiful secretary. At siya iyong binabanggit namin sayo ni Mama na dinidate ni bunso."

"Really? Wow! Pasensiya na, hija. Sa sobrang dami ng employees meron ang kompanya, hindi ko makikilala lahat."

During her job interview ay hindi nakasama si Wilfredo dahil nasa business trip ito.

"It's okay, Mr. Lenares," nakangiting sabi niya. "Mas mabuti na kayo iyong hindi nakakakilala sa mga empleyado ng kompanya ninyo kaysa ang mga empleyado ninyo ang siyang hindi nakakakilala sa inyo." Pinipilit niya ang sariling maging komportable sa pakikipag-usap sa Presidente at CEO ng kompanyang pinagtatrabahuan niya, at ama ng lalakeng kasama niya sa mga sandaling ito.

Nagkatawanan ang mga ito.

"May point ka, hija. Mahirap iyong hindi nila kilala ang nagpapasweldo sa kanila." Tiningnan ni Wilfredo si Dexter. "You have something to say? I am excited to know, hijo."

Inakbayan siya ni Dexter. "Well, Engr. Wilfredo Lenares, Mama, Ate, I would like you to meet Daniella Elleiza Salvan," pormal na pakilala na nito sa kanya. "My girlfriend."

Nakaawang ang mga labi niya, tiningala si Dexter habang nanlalaki ang mga matang napatingin rito matapos marinig ang huling sinabi nito. He did this once. Noong ipakilala nito kay Chase na boyfriend niya ito dahilan sa nagselos ito, aaminin niya nagulat siya. Pero ang ipakilala siyang "girlfriend" sa ama nito, sa ina at kapatid, daig pa niya ang pinasabugan ng nuclear bomb sa harapan niya sa pagkagulat.

And she's out of words! Totally and absolutely speechless. Nang tingnan niya si Agatha at Vhivian, nagulat rin ang mga ito pero nakaguhit sa mga mukha ang saya.

"Why, that's great!" naisambit ni Wilfredo. "I'm so happy for you, hijo." Niyakap nito si Dexter. At ganoon na lang rin ang pagkabigla niya ng siya ang sinunod nitong yakapin.

Kung alam lang sana ng mga ito ang katotohanan, ang nasa isip niya na lang. Ang pagpapanggap na ito hindi niya alam kung hanggang kailan magtatagal.

"Hindi ako makapaniwala, Dexter," ani Agatha. "Kailan lang sinabi mo sa akin na magkaibigan lang kayo." Lumapit si Agatha sa kanya ay niyakap siya. "Masaya ako at nakarating ka, Danelle."

Ngumiti lamang siya.

"Well, kung minsan hindi kayang pigilan ang tunay na nararamdaman, " sabi pa ni Dexter. Nilingon siya nito. "Right, sweetheart?"

Sweetheart? Oh, gosh! Ngumiti siya at sinakyan na lamang ang mga pakulo nito. "True," aniya. Hinarap niya muli ang mag-asawa at ang kapatid nito.

"This is a good start for you, Dexter," sabi ni Vhivian.

"I know. Excuse us for a moment at ipapakilala ko sa ibang miyembro ng pamilya ang girlfriend ko." Hinawakan nito ang kamay niya. "Let's go, baby."

"Happy birthday po," sabi niya kay Wilfredo bago sumama kay Dexter.

Isang kalokohan ang lahat ng ito!


next chapter
Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C15
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión