Tumingin si Luo Feng sa malawak na space na nababalot ng mga patak ng tubig. Parang nagagawa na rin niyang makita ang magiging kinabukasan ng daigdig sa pamamagitan ng kaniyang mga mata. Sa pamamagitan ng kaniyang gabay, ang pangalang daigdig ay kakalat nang malayo sa kalawakan at maging isang hindi mapapantayang power sa loob ng ilang trilyong lahi sa kalawakan.
"Kahit na palaging nagsisimula ang isang skyscraper sa unang palapag, ang magiging pundasyon ng building ang magdedetermina kung gaano kataas ang maaabot nito."
"Nakaset na ang aking pundasyon!"
"Oras na para magtayo!"
"Nakadepende ang lahat ng ito sa aking pagsisikap." Isip ni Luo Feng. Iilan lang sa kalawakan ang may kasing dami niya ng resources. Marami ang mga nasa ilalim na lahi ng sangkatauhan at mayroon ding ilang mga universe master. Kaya hindi pa magiging maganda kung ibibigay na sa isang sector lord ang star tower at ang Force armor.