Descargar la aplicación
90% SOON TO BE DELETED 2 / Chapter 72: ♥ CHAPTER 108:1 ♥

Capítulo 72: ♥ CHAPTER 108:1 ♥

✿ Zorren's POV ✿

Nagsindi ako ng sigarilyo at agad itong inilagay sa bibig ko. Nang makita kong umalis si Claude habang hila-hila niya si Syden ay sumunod na rin lahat ng members niya kaya walang natira sa classroom kung saan sila lahat na nanggaling. Napag-utusan lang naman ako ni Claude na magbantay sa labas at si Nash na raw ang kasama niya sa loob. Sigurado akong nagawa na niya ang gusto niyang gawin sa mga Vipers kaya pagkaalis ng mga Venom ay hindi na ako sumunod pa sa kanila.

Kaagad akong pumasok sa classroom na 'yon at kagaya ng inaasahan ko, nadatnan ko ang buong grupo na puno ng dugo at walang buhay na nakahandusay sa sahig. Dumiretso ako sa bintana at sumandal ako doon habang tinitignan lahat ng members. Sigurado akong tuluyan ng nahulog si Claude sa patibong ko. Ilang minuto rin akong naghintay at halos paubos na ang sigarilyong ginagamit ko ng dumating na ang hinihintay ko.

Nakita kong dumating ang mga members ni Claude at kasama nila si Nash dahil sumama rin naman si Nash kanina kila Claude, "Anong gagawin niyo?" tanong ko sa kanila ng palibutan nila ang Vipers bago ako naglabas ng usok sa bibig ko.

"Pinapakuha ang katawan nila para ipakita sa lahat ng estudyante" saad ng isa sa kanila kaya tumango ako. Inihulog ko ang hawak kong sigarilyo at inapakan ito. Napansin kong kukunin na ng isang Venom si Dave pero bago pa man niya tuluyang mahawakan si Dave ay lumapit ako dito at hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin siya sa akin, "Sandali lang" saad ko dito kaya nagtaka siya. Tinignan ko si Nash at kagaya ng plano namin, dahan-dahan kong tinanggal ang hood na suot ko kaya nanlaki ang mata nito, "Z-zorren?!" gulat na tanong nito kaya't ngumiti ako ng masama at sinuntok ko siya ng malakas. Nagulat rin ang ibang Venom dahil muli nila akong nakita pero ang iba naman ay hindi ako kilala dahil baguhan pa lang sila sa eskwelang 'to.

Kagaya ng ginawa ko, ganoon rin ang ginawa ni Nash at nilabanan na nila kaming dalawa. Hindi naman sila masyadong marami kaya magiging madali lang para sa amin ni Nash na talunin at pabagsakin sila. Pero para sigurado, hindi lang namin sila pinabagsak ni Nash, dahil pinatay na namin sila kaya isa-isa rin silang bumagsak sa sahig na duguan. Pero alam kong masyadong pinaghandaan ni Claude na maging malakas ang mga members niya dahil hindi 'yon tulad ng inaakala ko. Medyo nahirapan kaming kalabanin sila pero sa huli ay wala na akong ibang choice kundi gamitin ang blade na nasa bulsa ko. Habang nakikipaglaban kaming dalawa ay tinignan ko si Nash, "Nash, yuko!" sigaw ko sa kanya sabay hagis sa hawak kong blade kaya mabilis 'yong nagpaikut-ikot at isa-isang dinaanan ang mga kalaban namin. Nagulat si Nash sa ginawa ko pero agad rin itong napayuko kagaya ng ginawa ko. Unti-unti siyang tumingala ng mapansin namin ang pagbagsak nilang lahat sa sahig at nakita niyang ako na lang ang nakatayo dahil muling bumalik sa direksyon ko ang blade at ngayon ay hawak ko na. Ngumiti ako ng masama at agad rin siyang tumayo. Muli kong ibinalik sa bulsa ang blade at pareho naming tinignan ang paligid para makita kung talagang patay na ba sila at kung wala ng kalaban.

Napansin kong tinignan niya ang mga Vipers kaya napatingin din ako sa kanila at nagtaka siyang tumingin sa akin, "Sigurado ka bang gumana ang plano natin?" tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.

"I'm really sure of it" saad ko sa kanya at pareho na kaming kinabahan, "Then bakit wala pang nangyayari?!" napahakbang na lang ito ng isang beses papalapit sa akin, "I checked it twice!" sagot ko naman, "Ilang minuto na ba ang lumipas?"

Tinignan ko ang relo ko at natigilan ako. Tinignan ko siya at hindi ko alam kung ano ng mangyayari ngayon, "It's already 20 minutes" sagot ko sa kanya at napahawak siya sa ulo niya, "D*mn Zorren! Sabi mo 10 minutes lang!?" hindi makapaniwalang sambit niya kaya kahit ako ay naguguluhan na rin pero sinigurado kong tatalab ang plano namin, "I told you! Dalawang beses kong chineck!"

"Pero ano na?! Wala dba?! Ang sabihin mo palpak ka!" saad nito na nagagalit na sa akin, "Sinigurado kong hindi palpak ang plano!!" sagot ko naman sa kanya at pareho ng umiinit ang ulo naming dalawa. Masama naming tinignan ang isa't-isa hanggang sa marinig naming may napaubo. I told him, I never failed. Ang mga mata namin na kulang na lang ay magpatayan na kanina ay napalitan ng masamang ngiti habang nakatingin sa isa't-isa, "I told you, it worked" saad ko sa kanya at sabay naming tinignan ang direksyon kung nasaan ang Vipers.

Nakita kong gumalaw si Dave habang patuloy pa rin siya sa pag-ubo, "Ang ingay niyong dalawa" saad nito kaya mas lalo pa kaming napangiti. Lumapit kami sa kanya para tulungan siyang tumayo pero ng mapatingin siya sa amin ay nagulat siya at masama kaming tinignan, "Anong ginagawa niyo dito? Mga traydor kayo!" saad nito kaya natawa na lang kami ni Nash. Lumuhod ako para tapatan siya habang nakangiti pa rin at inilahad ko ang kamay ko sa kanya. Kagaya ng kanina ay puno pa rin ng dugo ang mukha nila, "Sorry if we had to do that. Pero kung talagang traydor kami, edi sana hanggang ngayon nakahandusay ka pa sa sahig at wala pa ring buhay" pahayag ko sa kanya kaya nagtaka siya, "What do you mean?" tanong nito at muling napaubo.

"We'll explain later" saad ni Nash.

"What the hell?! Baka naman tatraydurin niyo lang ulit kami?" sambit nito.

Tinignan ko lang ito habang nakangiti habang nakalahad pa rin ang kamay ko sa kanya kaya napatingin siya doon, "Fine" saad nito at napakamot sa ulo niya. Hinawakan niya ang kamay ko kaya hinila ko siya papatayo habang inuubo pa rin siya.

Napatingin na lang kami sa ibang members ng isa-isa na rin silang inubo at nagkakamalay.

"Sabi ko na sa'yo gagana ang plano natin" saad ko kay Nash kaya napatingin siya sa akin at ngumiti, "Akala ko hindi na sila magigising, kapag nangyari 'yon papatayin talaga kita" sagot niya kaya mas napangiti ako. Nang magkamalay na silang lahat ay patuloy pa rin sila sa pag-ubo at dahan-dahang silang napaupo, "Where are we? Nasa langit na ba tayo?" tanong ni Dustin at alam kong nanlalabo pa ang mga paningin nila kaya hindi pa nila makita ng maayos ang paligid. Natawa na lang kami ni Nash ng marinig namin ang sinabi ni Dustin, "G*go Dustin! Hindi ka pwede sa langit, demonyo ka baka nakakalimutan mo?" pahayag ni Dave na medyo umaayos na ang kalagayan kaya tinignan siya ni Dustin at nagtaka siya, "Dude?! But how?! Ang akala ko ba patay na tayo?!" gulat na tanong nito.

"Tumigil lang ng ilang oras ang pintig ng puso niyo pero bumalik din naman. So it means, nabuhay kayo ulit" saad ko sa kanila habang nakatayo kaming tatlo sa harapan nila. Napatingin sila sa akin at alam kong nagtataka sila pero hindi pa rin maaalis noon na galit sila dahil sa ginawa namin, "What are you doing here?!" galit na tanong ni Dean at tumayo siya.

"I'm here to help you para tapusin ang Venom ngayong araw na 'to" sagot ko sa kanya.

"To help? Are you insane?! Kaya nga kami isa-isang pinatay ng Venom dahil sa kagagawan niyong dalawa! Tapos ngayon, 'yan ang sasabihin mo?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"I'm sorry if we had to do that, Vipers. Wala kaming intensyon na hayaan kayong patayin ng Venom, that's why we gave you the cure" sagot ko na ipinagtaka nila,

"What are you saying?"

"Natatandaan niyo ba? Bago ko kayo isinurrender sa Venom may ininject kami sa inyo kaya nasaktan kayo, namilipit sa sakit at nanghina? Alam kong gagamitin ni Claude ang dugo ni Syden na immune na sa poison para mas lumakas pa ang poison na hawak niya, kaya gumawa kami ni Nash ng mas malakas na gamot dahil alam naming papatayin niya kayo sa ganoong paraan. Sadyang malakas ang gamot ni ibinigay ko sa inyo kaya nanghina kayo, and here it is. Gumana ang gamot na 'yon at napapaniwala ko si Claude na tuluyan niya kayong napatay...at hindi niya alam na buhay pa talaga kayo" pahayag ko.

Nagkatinginan silang lahat at nilapitan ako ni Dean, "Seriously?! Plano mong papaniwalain si Claude na napatay niya kami?" tanong nito kaya tumango ako.

Next...


next chapter
Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C72
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión