Descargar la aplicación
46.93% Self Healing Magic / Chapter 46: Katunggali

Capítulo 46: Katunggali

Ang pang apat na makakasama nila Mina ay si Undying. Si Holy King talaga dapat ang makakasama nila pero tumanggi ito dahil may importanteng gagawin. Sunod na sinabihan ay si Lady Curse at si Night Slayer pero ganun din may importanteng gagawin. Kaya si Undying nalang ang naisipang ipalit.

"Leon, Undying, buti at napili rin kayo" masayang sabi ni Mina sabay ngiti.

"Haha. Ikaw din Black Princess" tugon ni Undying habang namumula ang pisngi.

"Oo. Mabuti at napili ka rin Black Princess" mahinahong sabi ni Leon.

"Kuku. Mukhang excited ang best friend ko ah" pabirong sabi ni Kesha habang mahigpit na niyakap ang kamay ni Mina. Pero hindi alam ni Kesha ang rason kung bakit excited ang best friend niya.

"Heeh-heeh. Kesha talaga" namumulang sabi ni Mina habang pinagsalubong ang mga daliri ng dalawang kamay.

Alam ni Undying na excited si Mina pumunta sa Engkantasya dahil sa lalaking nagngangalang Yman. Pero hindi niya alam kung gusto ba ni Mina ang lalaking ito o naaawa lang siya o di kaya kamag-anak pala niya ito. Hindi niya alam ang kaugnayan ng dalawa.

Pero kung malaman niya na may gusto ang lalaking ito kay Black Princess ay tuturuan niya ito ng leksyon kung saan hindi na nito gugustuhin pa na bumalik sa EMRMHS. Kaya huwag siyang magkakamali na akitin ang kanilang Black Princess. Lalo na at hindi ito special student kagaya nila.

Para kay Undying ang lahat ng magagandang babae sa akademyang ito ay gagawin niyang miyembro ng pinapangarap niyang harem. Sa hitsura at yaman ba naman niya, sinong babae ang makakatiis sa kanya. Sa isip niya ay kahit siguro si Black Princess hindi siya matiis. Pero syempre dapat ipapahuli ang masarap na dessert. Kaya hindi niya muna dinidiskartihan ngayon si Mina. Ngunit hindi magtatagal ay mapapasakanya rin ito.

Napalunok nalang ng laway si Undying habang iniimagine na makatabi sa kama ang pinakaasam asam ng lahat na si Black Princess.

"Hehe" lihim niyang tawa.

Mayroon din siyang kunting nalaman tungkol sa estudyanteng nagngangalang Yman. Isa daw itong healer na may mahinang magic.

"Kuku! Tama lang talaga na hindi siya bumalik pa dito sa EMRMHS. Dahil siguradong magiging kaawaawa lang siya kung babalik pa siya dito. Baka ang pinakamahinang miyembro lang ng guild ko ang bubugbog sa kanya. Hahaha" pinailing nalang ni Undying ang kanyang ulo habang binabanggit ito sa isipan.

"Uhm. Mr. Principal pwede na ba kaming umalis? Kasi kailangan pa namin mag-impake" tanong ni Mina.

"Pasinsya na pero may isa pa. Hintayin n'yo lang kunti parating na siya" wika ni Principal Mar.

Hindi mapigilan na magtaka ang apat kung sino ang pang lima na makakasama. Pero sa isip nila ay siguradong taga section platinum o special students din ito. So bakit pa kailangan hintayin? Magkikita-kita rin naman sila bukas. Kaya nagtaka si Mina kung sino ang panglima na makakasama sa kanilang pagpunta sa Engkantasya. Sa isip niya ay kailangan pa niya mag-impake. Halos hindi na niya makontrol ang pagka-excited. Kung pwede lang sana ay mauna na siya roon. Gusto na talaga niyang makita si Yman kahit sa malayo lang. Sabagay sanay naman siyang tinitingnan lang ito sa malayo.

Pero this time, ay kakausapin na niya ito. Hindi na siya magtatago habang pinagmamasdan lang sa malayo ang lalaking gusto niya. Nais ni Mina na maging ka-close ito at kakwentuhan. Para narin matulungan niya si Yman kung nahihirapan ito magpapalevel. O di kaya ay pasasalihin niya sa kanyang guild para mabilis itong lumakas.

Habang nag-iisip ang lahat ay bumukas ulit ang pinto.

CreeeaaaaAAAAKKK!

Agad nagtinginan ang lahat sa taong iniluwa ng pinto.

Isang dyosa?!!!

Napasambit nalang sila sa isip nang makita ang babaeng pumasok. Kahit si Mina ay hindi rin mapigilang mamangha sa ganda ng estudyanteng pumasok na si Maena. Pero hindi alam ni Mina na pati si Maena ay nagulat din sa kakaibang ganda ni Mina. Nagkakatitigan silang dalawa.

Isang foreign at local beauty. Isang black at blonde. Parehong maputi at sexy. Magkasingtangkad din. Parang nakita ng dalawa ang kanilang katunggali sa isa't isa. Pero saglit lang sila nagkakatitigan. Agad naman pinalipat lipat ni Kesha ang kanyang tingin sa dalawa. Sa kanyang isip ay hindi niya inakala na may kasingganda pa ng best friend niya sa akademyang ito maliban sa kanya. Hehe! Agad naman nag-ngitian ang dalawa at nagpakilala.

At nang malaman ang pangalan ng bawat isa.

"Magpalit narin kaya ako ng pangalan bilang Mina or Min-Min? O di kaya Maen o Maen-Maen?" Biglang pabirong wika ni Kesha.

Nagtawanan ang tatlong magagandang dilag. Na para bang napapalibutan sila ng mga bulaklak.

"O-hoho sinong mag-aakala na may isa pang masarap na dessert maliban kay Mina. Siguradong mas mabilis kong maangkin ang isang ito. Lalo na at mula sa lowest section. Sayang lang napakaganda panaman sana. Pero mukhang mababa ang antas ng kanyang mahika. Ito rin ang mga tipo ng babae na mabilis magkagusto sa mga katulad kong gwapo, mayaman at may malakas na mahikang taglay. Hehe, siguradong kunting pasikat lang ay agad itong magiging miyembro ng fangirl ko.

Habang binubulong ito sa isipan ay hindi mapigilan ni Undying na dilaan ang tumutuyong labi at iniimagine ang kanyang magiging harem.

"Kuku swerty" bulong niya sa sarili.

Ang tatlong babae naman ay agad nagiging close. Pagkatapos nilang bumalik sa kani-kanilang dorm ay excited na nag-impake ang lahat.

Sa loob ng silid ni Mina ay kitang kita na hindi ito mapakali.

Sa wakas makikita ko narin siya! Feeling ko ay kay tagal na panahon na, na hindi ko siya nakita. Ano kaya ang ginagawa niya sa mga oras na ito? Tulog na kaya siya? Nag-aaral? Tatawagan ko kaya. Pero baka tulog siya ngayon, dahil nagpapagaling pa ay kailangan niya matulog ng maaga. Ayaw ko rin na isipin niyang makulit ako at baka lalong hindi na niya ako kausapin pa.

"Teka! Paano nalang kung makita niya si Maen at magkagusto siya. Napakaganda panaman niya. Paano nalang kung mas type niya ang katulad ni Maen" hindi niya maiwasan na mabahala dahil sa nakitang ganda kay Maena.

"Eeh! Baka hindi ako matapos kakaimpake nito. Ano kaya kailangan kong dalhin? Teka saan na ba yung...." dahil sa sobrang pagkaexcited at pagkabahala ay hindi na alam ni Mina ang kailangan gawin at kung ano ano ang dalhin.

"Eeh! Ano bang nangyari sa akin. H-Hindi naman sa gusto kong maging kami agad ni Yman pero kung okay lang sa kanya ay mas okay din sa akin hehe" nagkukulay pula na ang buong katawan ni Mina habang nag-iisip ng kung ano ano.

Sa loob naman ng silid ni Maena ay mahinahong nag-iimpake siya ng gamit. Pero sa kalooblooban ay excited narin siya. Hindi lang dahil excited siya makita si Yman. Kundi excited din siya makapag travel sa ibang lugar at makita ang iba ibang tanawin at malalakas na halimaw.

Ano kayang reaksyon ni Yman pag makita ako? Matatakot kaya siya gaya ng dati? Gufufu hindi ko tuloy mapigilang maalala nung mga bata pa kami. Lagi kaming napapagalitan dahil tinatangay ko siya sa labas ng pader ng Sitona City. Kung saan hinahabol kami ng mga goblin at itim na engkanto na mula sa butas. Nakakatawa talaga reaksyon ni Yman habang hinahabol kami. Kahit dumausdus na ang suot na short at kitang kita yung pwet niya ay sige parin sa pagtakbo habang umaagos ang malapot na sipon at lumuluha ang mga mata. Fufu hindi ko tuloy mapigilang matawa sa mga kalokohan ko dati.

Kumusta na kaya siya ngayon? Kasing duwag parin kaya siya noon? Hehe excited na tuloy akong makita ang iba ibang reaksyon sa kanyang mukha kung tatangayin ko siya para mag-hunt ng mga monsters. Tumangkad na kaya siya? Dati mas matangkad pa ako sa kanya. Ngayon ay nasa 5"7 ang height ko. Hula ko nasa 5"6 height ni Yman. Dahil nakita ko picture niya nung bumisita ako sa bahay niya. At mukhang hindi gaano nagbago ang mukha niya. Medyo pumayat lang. Para sa akin si Yman ay napaka-cute na batang kapatid.

Pagkakaalam ko ay mas gusto niya maging magic doktor kaysa maging magic knights. Nalaman ko rin na healer ang kanyang class. Mabuti naman at matutupad na ang pinapangarap niya. At sakto dahil kailangan ko ng healer kapag nagha-hunting. Fufufu pasinsya kana Yman. Pero hihiramin kita ulit. Parusa mo ito dahil umalis ka rito nung dumating ako. Hmph!

Uhm wait! Magpapaalam muna ako kay Chloe na hindi ako makakasama sa kanila ng ilang araw...

Tap, Tap, Tap,

Click!

Riiing!

Sa loob naman ng kalesang hinihila ng High breed Abestrus.

Achoo! Achoo! Achoo!

"Okay ka lang kid?" Sabi ng mamang katabi ko.

"O-Okay lang, pasinsya na" sagot ko sa kanya sabay kamot sa ilong gamit ang likod ng aking palad. Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang kumati ang ilong ko. Hindi naman gaanong malamig at wala rin akong sipon. Mas lalong walang mag-aabala na isipin ako. Uhm maliban pala kay ina at Yana. Kumusta kaya sila? Namimis kona tuloy sila. Ano kayang sasabihin ni inay kung malaman niya na may utang akong isang milyon? Siguradong mapapagalitan ako.

Sana magiging maayos ang quest ko ngayon at walang gulong mangyari.

"Saan pala ang punta mo kid?" Tanong ng mamang katabi ko. Base sa hitsura ay nasa 35+ ang edad nito. Mayroon siyang kunting balbas sa kanyang mukha. Medyo maikling curly na buhok. Nakasuot siya ng silver breastplate armor. May dala rin siyang malapad na silver greatsword na nakayakap sa kanyang katawan habang ang matulis na dulo nasa baba at ang mahabang hawakan ng espada ay nasa gilid ng kanyang ulo.

"Sa Grassyland" mahina kong sagot.


REFLEXIONES DE LOS CREADORES
Fhrutz_D_Hollow Fhrutz_D_Hollow

Pasinsya na kung medyo late ako nakapag update! Salamat pala sa pagsubaybay sa mga books ko. Paki check narin yung iba kong books Alyas Zombie sa Mundo ng Pantasya at bukas mag-update ako para sa english novel ko na [System] vs Magic. Check niyo siguradong magugustuhan ninyo ito basta huwag lang kayo mahiya mag criticize. At paki-rate narin po ng mga books ko salamat.

next chapter
Load failed, please RETRY

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C46
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión