Descargar la aplicación
82.08% RION aka Jaguar (Complete) / Chapter 55: The Hot Intruder

Capítulo 55: The Hot Intruder

Dollar's POV

"I'm sorry, powerpuff. God knew how much I wanted to make it to the party. I'm sorry. I don't know how to ask forgiveness from anyone. I know my style sucks but I...I...Damn it! I'm not really good with words... Again I'm sorry."

Medyo naalimpungatan ako sa naririnig ko at medyo nakikiliti na din dahil parang may bumubulong sa'kin.

Niyakap ko ang maliit na unan sa tabi ko.

"I'm sorry Dollar..."

"I forgive you na nga, kung hindi lang kita mahal, i-kiss mo na nga lang ako." Sagot ko sa panaginip ko.

Teka, ba't alam kong nananaginip ako? At bakit may naaamoy din akong mabango sa panaginip ko?Pero wala naman akong nakikita, madilim.

May naramdaman akong dumampi sa labi ko. Hmm... ang lambot, sarap sa feeling! Pero ambilis lang, nawala na agad.

Hinabol ko yung bagay na humalik sa 'kin kahit nakapikit ako. Nabangga ako sa isang matigas na bagay, mukha 'to ng tao, panigurado, may nakapa akong ilong eh, hehehe! Kinapa ko ang labi niya at dinikit ang labi ko. Nilapat ko lang nang magaan, di naman ako marunong humalik eh.

Ano ba namang panaginip to, hindi ba pwedeng may powers ako na marunong daw ako kunwari humalik?

Biglang bumigat ang ulo ko sa antok at nag-landing naman ang mukha ko sa batok ng kaharap ko.

Aaah...heaven! Ang bango! Manly! This is the scent made to arouse desire.

Ang sarap naman ng panaginip na 'to. Sana di na 'ko magising katulad ni Snow white, ay mali, si Sleeping beauty nga pala yun. Pati ba naman sa panaginip natatanga pa din ako? Bumigat ulit ang ulo ko dahil sa antok kaya diretso bagsak ako pabalik sa kama.

"Powerpuff.."

"Hmn..?"

Pinilit kong bumalik sa pagtulog at sana mapanaginipan ko ulit iyong kanina. Hinanap ng kamay ko ang mga power-puffy-pillows para mayakap sila lahat. Pero may makulit na unan, ayaw magpahila. Hinila ko ulit pero parang nakikipag-agawan sa'kin. At parang bakit ang kapal ng punda niya? Parang gawa sa maong? Hinila ko ulit siya at nagpahila na siya, pero kasabay niyon ay lumundo ang kama ko.

Niyakap ko ang unan at kinapa-kapa. Matigas? Isinampay ko ang binti ko sa 'unan' at niyakap pa siya nang mahigpit. Pero lalong naging intense ang katigasan niya?

May narinig akong tumikhim.

"Ang sarap mo talagang yakaping unan ka! Syempre, galing ka kay Unsmiling Prince eh!"

"Well, eherm...thank you."

"At sumasagot ka pa talaga ha, hehehe!"

Teka, nananaginip pa ba 'ko? Minulat ko ang mga mata ko.

Madilim. Ang lakas din ng ulan sa labas.

"I'm sorry, nagising kita."

(?___?) Binuksan ko ang lampshade sa tabi ko.

"RION?!!!"

Ohma!

Baliw ako kay Rion pero kahit kelan di ko naisip na magigising ako sa kalagitnaan ng gabi, katabi si Rion na prenteng nakahiga. Dito sa kama ko!

And you know that 'I'm all yours for the taking aura niya? Bumangon siya at umupo kaharap ko.

"A-Anong ginagawa mo dito?" Gah! Di ako maka-get over!

"I want to say sorry."

Iyon ba ang panaginip ko kanina? Totoo pala! At hinalikan ko siya?! Ang landi ko! Wahaha!

"B-Bat di mo ko ginising?"

Weh! Kunwari pa 'ko, ginusto ko din namang managinip kunwari eh,haha, naka-kiss ako!

"I tried. Pero kala mo nananaginip ka."

"Aaaah."

"I'm sorry, Dollar." He said in a low tone.

"Wala na iyon." I smiled to him.

Oo, wala na talaga! Nakahalik na 'ko eh! Wahaha!

Hindi na siya nagsalita. Hindi na nagpaliwanag kung bakit. Pero ayos lang. He's not Rion kung dadaldal siya nang mahaba. Solved na ang lungkot ko! Akalain mo, pumunta siya dito!

"Hindi ka ba natatakot, Rion, nandito ka sa kwarto ko eh."

Nilibot niya ang tingin sa buong paligid. "Your room doesn't look scary to me."

"Hahahaha! Di naman iyon ang ibig kong sabihin... malamig, umuulan, at tayong dalawa lang dito... pwede kitang pikutin!"

He just laughed, parang na-amuse pa sa sinabi ko imbes na matakot. Tsss! Eh kung totohanin ko kaya?!

"I'm glad you forgive me."

Basta ikaw!

"Tara na, Rion, tulog na tayo, hindi ka makakauwi niyan, may bagyo 'ata."

Hinila ko siya sa braso para humiga. Pero hindi siya sumunod.

Nilingon ko siya. And he winced as if in pain. Hala! Bakit!

"R-Rion, okay ka lang?"

"Y-Yeah." nahihirapan niyang sagot at tumungo.

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya para mahuli ko ang tingin niya.

"Uy, Rion???"

Nagpa-panic na 'ko. Lalo na nang mapasubsob siya sa hita ko.

"Rion!" yinugyog ko siya sa balikat niya at lalo lang siyang umungol.

"Rion? Anong masakit sa'yo?"

"I'll be fine..." he then groaned like a wounded beast.

Hinaplos ko ang buhok niya at nakita ko ang mga palad ko na puno ng... dugo?!

^^^^^^^^

"Easy, Dollar...masakit."

"Ay, sorry." Ginaanan ko ang paglilinis sa sugat niya sa kaliwang balikat. "Nayayamot kasi ako sa sarili ko, sa sugat mo pa kita nahawakan kanina at naisip ko din ang gumawa nito sa'yo, sino ba talagang bumaril sa'yo?"

"I didn't know. I told you, ligaw na bala 'yan."

Napasimangot ako at nagngingitngit pa din. Sa lahat naman ng tatamaan ng ligaw na bala si Rion pa, at sa mismong gabi pa ng Christmas Ball.

Okay lang naman na hindi siya dumating... pero ang masaktan siya ng ganito?!

"Huhubadan kita ha." paalam ko sa kanya pero hindi ko na hinintay na sumagot siya . Marahan kong tinaas ang itim na T-shirt niya. " Di ko malagyan ng bandage ng maayos eh."

Pero habang hinuhubadan ko siya, wide eyes ako sa makikita ko. Buti na lang di ako nagtuloy sa Medicine, magiging malisyosa akong doktora. Pero masisisi nyo ba 'ko kung ganito ka-gwapo at ka-hunk ang pasyente ko? Pasyente sa kama ko, at umuulan, at malamig, at dito sa kwarto, at kami lang...

Nakatalikod siya sa'kin kaya hindi ko nakikita ang 'misteryosong tattoo' niya na hindi daw sumisimbulo sa kung sino. Kay, fine...

Natapos na ko sa paglalagay ng bandage at hindi ko mapigilang pagmasdan ang likod niya. Grabe ang mga muscles, firm na firm.

Mas lumapit pa 'ko at saka ko nakita ang maninipis at malalabong pilat at peklat. May parang galing sa latigo at hiwa ng kutsilyo? Pinaglandas ko ang mga daliri ko sa kanila para masiguro kung totoo sila. Sinong gumawa ng mga ganito sa kanya? At di ko ma-imagine kung gaano to kasakit. At bakit meron siyang ganito? Bago pa 'ko makapag-isip ng kung ano pa ay naisuot na ulit niya ang T-shirt niya.

"Thanks."

"R-Rion... Iyong mga..."

"Wala yan, they're from childhood fights."

Childhood fights?

"Anong klaseng childhood fights? Hampasan ng bakal? Hiwaan ng laman?"

"I told you, they're nothing."

Medyo malamlam ang ilaw ng lampshade kaya lumapit ako sa gilid ng pinto at binuksan ang mga ilaw.

And when I did, I saw his entire face, clearly.

"May mga pasa ka din? At wag mong sabihing childhood fights pa din sa edad mong yan?! At fresh pa sila?!"

His expression was blank.

"Don't fool me, Rion, hindi ka talaga natamaan ng ligaw na bala di ba?"

"Yes, I lied and again, I'm sorry."

I sighed. "Sinong gumawa niyan?"

"Please, don't ask, ayokong magsinungaling ulit sa'yo."

"Ayaw mong magsinungaling pero may hindi ka naman sinasabi, omission is a lie."

"It's not a big deal, powerpuff. I'll live longer, no need to worry." tumayo siya at naglakad papunta sa balcony ng kwarto ko.

"T-Teka, umuulan pa! Wag kang umalis! Hindi na 'ko magtatanong!"

He turned to me then smiled. "I'll manage. Sorry ulit dahil sa hindi ko pagdating sa party and another sorry for intruding here and disturbing your sleep." Binuksan niya ang sliding door. "I gotta g--"

"Kapag sumugod ka sa ulan, sisigaw ako ng rape!"

Napatigil naman siya.

"Hindi ako nagbibiro! Gigisingin ko lahat ng tao sa bahay and do you know my Uncle? Magaling siyang manakot at dalawa lang ang kahihinatnan mo, it's either in jail or you'll end up as my husband!" pananakot ko sa kanya. Pero wish ko lang mukha akong nakakatakot.

The corner of his lips curled up to repressed a smile. Ugh! Nakuha pang ma-amuse! Di man lang magimbal!

Lumupagi ako sa sahig at nangalumbaba ako sa mga tuhod ko. I can feel my tears flowing. "Alam ko namang hindi mo 'ko gusto... pero sana pagbigyan mo na 'ko sa pag-aalala ko sayo. May sugat ka at umuulan pa. Kasalanan ko to eh! Kung hindi kita niyaya na maging escort ko, hindi iyan mangyayari sa'yo, hindi ka sana pupunta dito at hindi tayo nag-uusap ng ganito!"

"It's not your fault, powerpuff..."

Marahan niya 'kong hinila patayo at pinunasan ang mga luha ko.

"Okay... magpapatila ako ng ulan then I'll go home."

"Eh baka madulas ka pauwi."

"Okay, I'll wait till dawn."

"O...O sige na nga..." I pouted and smiled. Hindi pa makatawad eh!

Hinila niya ko papunta sa kama.

"Humiga ka na din dito sa tabi ko."

"No."

"Eh saan ka tutulog?" (-___-)

"I'm a nocturnal person. Sanay akong hindi natutulog sa gabi."

"O...kay.."

He turned off the lights, leaving only the lampshade on. Hinila niya ang stool sa gilid ng kama at umupo paharap sa direksyon ko.

"Sigurado ka ba? Baka antukin ka, tabi ka dito ha?"

"No. Go to sleep now."

"Okay.."

Pumikit na 'ko pero ilang segundo lang nagmulat din ako ng mata. "Just checking kung andiyan ka pa, hehehe."

"Dollar..."

"Oo na nga, tutulog na."

Nagbilang ako ng hanggang twenty at nagmulat ulit. Pinasingkit ko ang mga mata ko para hindi halata.

"I can see you, powerpuff. Hindi ka makakatulog niyan."

I just giggled.

Eh pano ba namang hindi ako makikita eh titig na titig siya sa'kin. Binabatayan ako sa pagtulog! Anong saya ng gabing 'to! Nagmulat ulit ako.

"Don't leave yet, Rion..."

Matagal siya bago sumagot." I...won't..."

Ngumiti lang ako at pumikit na. Nagbilang ako ng hanggang thirty at mumulat ulit.

"Dollar..." he whisphered in a warning tone.

"Hindi ako makatulog eh!"

"Concentrate okay? Magbilang ka ng tupa."

"Ayoko, malikot sila! Alam ko na... kantahan mo na lang ako."

"I don't sing lullabies."

"Kahit ano na lang, sige na!"

He sighed and massaged his nape as if trying to contain his irritation.

"Sige na?" Beautiful eyes at pouting lips lang to.

"O..kay...but promise me that you'll sleep this time."

"Proh-mish!"

Napisil ko ang unan ko sa anticipation. Grabe ka-excite!

He cleared his throat then..."You promised that you're going to sleep now, ba't nakamulat ka pa din dyan?"

"Pssh!"

Pinikit ko ang mga mata ko.

My eyes are painted red..

The canvas of my soul..

Slowly breaking down, again..

Tae! Nakakabaliw ang boses sa ganda. Siguro kung hindi siya mayaman eh pwede siyang sumikat at yumaman dahil sa boses niya. Ang lamig! Galing!

Gusto kong pumalakpak at magmulat ng mata para makita siya, pero baka itigil niya ang pagkanta. Parang nalulunod ako sa kilig. Hehehe! Kahit di naman mushy love song ang kinakanta niya. At kung hindi ko kilala ang Alex Band, iisipin kong siya ang vocalist.

Cause we've got

One life to live

One love to give

One chance to keep from falling

One heart to break

One soul to take us,

not forsake us,

Only one

Only one

Just you and I... under one sky..

Rion...Rion...Rion... Tapos na siyang kumanta pero hindi pa din ako nakakatulog.

Mabilis akong nagmulat. "Ang ganda, ang galing mo, I love you!" at mabilis din akong pumikit. And the weight of his stares were enough for me to picture our future together.

Niyakap ko nang mahigpit ang unan ko na nahigaan niya kanina. Haay.... *Sighed dreamily.

(^___^)

^^^^^^^^

Good morning sunshine!

Nag-inat ako at nginitian at binati isa-isa ang mga power-puffy-pillows.

(^___^)

Hindi na 'ko nagtaka na wala na si Rion. Sana lang nakauwi siya nang maayos. May napansin akong kulay pula sa side table...

Huh?

I smiled. Hahalikan ko na sana ang paper origami na rosas pero tumakbo muna 'ko sa bathroom at mabilis na nag-toothbrush. Binalikan ko iyon at binigyan ng matunog na halik.

Aaaah! How I love that man!


REFLEXIONES DE LOS CREADORES
Royal_Esbree Royal_Esbree

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

next chapter
Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C55
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión